Chapter 32
Chapter 32
"Mama, galit po ikaw?"
Napatingin ako kay Axel nang haplusin niya ang kamay ko nang itanong niya iyon.
"Hindi naman galit si Mama-"
"Pero po nag-raise ka po ng voice kay Papa Elias kanina po,"
Namura ko ng ilang beses ang sarili ko sa isip ko nang malamang narinig pala ni Axel iyon.
"Away po kayo ni Papa po?"
Umiling ako, "Hindi... hindi ko alam kung maiintindihan mo ba pero nag-usap lang kami ni Papa mo tungkol sa..."
Tumikhim ako nang hindi malaman ang sasabihing kasinungalingan. Sa susunod kasi Elle ay mag-iingat ka na sa pagsasalita mo! Mariin kong ipinikit ang mga mata at akmang sasabihin na sana kay Axel na tungkol lang sa trabaho ang pinag-usapan namin pero mukhang napansin ng anak ko na hirap ako na sabihin sa kanya kaya ay siya na mismo ang tumayo sa harapan ko at ngumiti.
"Mama, love you po."
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Elias kanina sa penthouse niya ay nagpumilit akong uuwi kami. Ayaw niya pa noong una pero nang hindi ako tumigil ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang ihatid kami pauwi.
Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya nang makalabas na kami ni Axel sa kotse niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa 'kin kung bakit ganoon.
Bakit. . . Para saan ba ang ginawa niya na 'yon?
KINABUKASAN ay nauna akong magising. Wala ang mga kasambahay kaya naman ay ako ang nagluto ng almusal namin ni Axel, hindi nagtagal ay nagising na rin ang anak ko na dumiretso sa banyo sa kadahilanang iihi raw siya. No'ng tutulungan ko na sana na magtanggal ng short niya ay lumayo siya at sinabing kaya niya na raw dahil malapit na ang birthday niya at big boy na siya.
Akala mo talaga ay hindi pa nainom ng gatas kung makapagsabi ng big boy na e'. . .
"Mama, nasa labas po ang friends ko po. Pwede po ako play?"
Nilingon ko si Axel na nasa tabi ng pinto. Tumango ako bilang pagpayag, "Diyan lang at huwag lalayo at-"
"Uwi po sa bahay kapag nabasa damit ko po ng pawis." Ngumisi ito at kumaway pa bago binuksan ang pinto at lumabas.
Napailing ako. Natatawa dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Aakalain mo kasing lagpas na ito sa tatlong taong gulang kapag nagsasalita minsan. Normal lang naman siguro 'yon lalo na at halos matatanda na ang kasama niya at minsan lang kung may makalaro na mga bata na kalapit lang din ng bahay namin.
Habang nasa labas si Axel ay sinamantala ko na ang oras na 'yon para maglaba ng mga damit na nasa labahan. Hindi naman iyon karamihan dahil bago mag-day off ang kasama namin dito sa bahay ay nakapaglaba na ito. Mabilis akong natapos, may dryer kami para hindi na magsampay pero halos lahat naman ng nilabhan ko ay damit ni Axel kaya hindi ko na ginamitan ng dryer. Maganda rin ang sikat ng araw ngayon, bawing-bawi nitong mga nakaraang araw matapos ang pag-ulan.
Lumabas ako sa bahay buhat ang isang balde kung saan nakalagay ang mga dapat isampay. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko sina Axel at ang mga kaibigan nito na naghahabulan sa may kalsada. Ang ilan sa mga kasama niya ay may mga kasamang taga-bantay na nasa side walk nakatayo.
Nagdesisyon akong magpahinga muna sa sala nang matapos na sa pagsampay. Nanonood ako ng palabas nang dahan-dahang bumukas ang pinto. Alam ko na agad na si Axel iyon.
"Mama!" Napabangon ako mula sa sofa na kinahihigaan ko nang marinig ko ang boses ng anak ko.
Sumalubong sa 'kin si Axel, nakangiti ito at bumungisngis nang makitang kumunot ang noo ko matapos kong makita kung gaano karumi ang suot niyang puting sando.
Tumayo ako at dinala siya sa banyo para paliguan.
"Tapos na kayong maglaro ng mga friends mo?" I asked him in a soft tone.
He's too sensitive kaya bihira lang kung mapagalitan ko dahil sa huli baka pati ako umiyak pag nakitang umiiyak ang batang 'to.
Mana ba sa tatay, Mari? Ipinilig ko ang ulo ko at agad na umiling para iwaksi iyon sa utak ko.
"Yes, mama." Sagot nito habang abala sa paglalaro ng mga bula sa kamay niya.
"Kumain ka ng ice cream? Sino ang nag-give sa 'yo?" Tanong ko nang masulyapan ang sando niya na nasa basket na ng labahan.
Tumango ito, "Si Tita Nara." Sagot nito.
"Anong sinabi ni Tita Nara mo sa 'yo?"
"Sabi niya...bibigyan niya ako ice cream kapag payag ako na sa kapatid na niya ikaw." Inosenteng sagot nito at tumawa pa nang bumagsak ang hawak kong sabon sa sahig.
"T-tapos? Ano pa?" Kinabahan ako lalo nang ngumiti ang anak ko sa 'kin.
"Sabi ko po 'opo'-"
"Axel?!" Wala sa sariling naisigaw ko ang pangalan niya dahil sa gulat.
Ano? Sarili kong anak ibibigay ako sa iba para lang sa ice cream? Lokong bata 'to.
Agad ko ding pinagsisihan ang biglaang pagsigaw nang makitang nangilid ang mga luha sa mga mata niya kasabay nang pagnguso niya.
"Tahan na...sorry na. Hindi ko sinasadya na sigawan ka, hmm? Sabihin mo pa sa 'kin anong usapan niyo ni Tita Nara mo." Nginitian ko siya.
Sinamaan niya ako ng tingin habang nakanguso, "Ewan ko sa 'yo, mama. Nalimutan na tuloy ni Axel."
Bumuntong hininga ako nang may maalala sa pag-uugali niya.
Elias. . .
Pagkatapos ko siyang paliguan ay agad itong umakyat sa sofa at nagtatalon-talon habang nanonood ng paborito niyang T. V. Show. Naglakad ako palapit sa pwesto niya ay naupo sa sahig. Tumabi si Axel sa 'kin at humiga, ginawang unan ang hita ko.
Bumaba ang tingin ko sa kanya at agad na nasalubong ang kulay abo niyang mga mata. Katulad na katulad ng sa tatay niya.
"Mama, galit po ikaw kay Papa Elias po?" Inosenteng tanong nito.
Umiling ako, "Hindi, bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Kasi po hindi po kayo nag-talk po no'ng asa car na tayo po." Paliwanag pa nito.
"Hmm. . . Hindi ako galit kay Papa mo. Nag-iisip lang si Mama no'ng mga oras na 'yon po." Ngumiti ako sa kanya at pabirong kinurot ang tungki ng ilong niya.
"Hindi ikaw po galit sa amin ni Papa kasi po hindi ko po nisabi sa 'yo?"
Umiling ako, "Hindi galit si Mama. May gusto lang akong itanong kay Axel ko."
His eyes twinkled. Bumangon siya mula sa pagkahiga at naupo sa harapan ko na para bang isang estudyante at handa nang makinig sa ikukwento ng guro.
"Ano po tanong mo?"
"Kailan. . . Kailan pa pumupunta si Papa Elias mo rito?"
Ngumuso ang anak ko, "Una ko po siya kita no'ng bortdey ko po. Nagdala po siya ice cream tapos po. . ." Tumigil ito sa pagsasalita at saglit na napaisip, ". . .Nibigyan niya po ako ng laruan po."
Saglit kong inaalala kung anong laruan iyon. Wala akong maalalang laruan ni Axel na hindi pamilyar sa akin.
"Mama, isip mo po ba kung kita mo na po laruan na 'yon po? Hindi po ninyo makita 'yon kasi po. . . Nitago ko po sa ilalim ng bed natin."
Nasapo ko ang noo ko nang ngisihan ako ng anak ko na halatang proud pa sa ginawa. Elias, anak mo nga 'to!
"Mama, kailan nga po bortdey ko ulit? Invite na po natin si Papa ko po ha?"
"Oo naman. Ilang araw na lang birthday mo na, ano ang gustong gift ng baby ko na 'yan?"
Ngumiwi si Axel, "Mama, big boy po ako."
"Pero ikaw pa rin ang baby ko." Pilit ko pa at pilit na pinipigilang matawa.
"Last mo na po tawag ako na baby. Gusto ni Axel po mag-mall tapos po sa park na maraming fish and may sea lion, tapos po sa zoo po kasi marami pong monkey tapos po sa worlercorster. "
Malakas akong humalakhak nang mapanguso si Axel matapos niyang mapagtanto na nabulol siya sa pagsabi ng rollercoaster.
"Anak, it's rollercoaster not worlercorster po."
"Basta po gusto ko po magapunta do'n."
"Sige, pupunta tayo ro'n ano pa gusto ng big boy ko?"
Mabilis itong napangiti nang marinig kung ano ang itinawag ko sa kanya, "Gusto ko po. . . Kasama natin si Papa Elias po."
NANG dumating ang araw ng kaarawan ni Axel ay tuwang-tuwa ito. Sa sobrang tuwa niya ay nauna pa siyang magising sa 'kin at ako pa ang ginising niya. Ayos na sana pero nang tingnan ko kung anong oras na ay napatampal na ako sa noo ko.
Ala una pa lang ng madaling araw. Imbes na mainis ay natawa na lang ako lalo na nang makita ang ngising-ngisi na si Axel.
"Mama, ano oras punta si Papa po?"
Pinakatitigan ko ito at agad na napailing nang makitang namumungay pa ang mga mata niya. Halatang antok pa at pilit lang na bumangon dahil birthday niya na.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya saka hinalikan ang noo niya, "Happy birthday, big boy ko. Love you,"
Ngumiti ito, "Love you po."
"Mamaya pa dadating ang Papa mo, birthday boy. Kung gusto mo ay matulog ka muna habang naghihintay-"
"Pero mama. . . Hindi po ako niaantok-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang saktong humikab siya. Pigil ko ang matawa nang nanlaki ang mga mata niya at tinakpan pa ang bibig niya habang nakatingin sa 'kin.
Itinagilid ko ang ulo ko at ginalaw ang kilay habang may sinusupil na ngiti sa labi, "Hmm. . ."
Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig niya pagkatapos ay ngumuso, "Sleep po muna ako tapos po gising ako nandito na si Papa?"
Tinanguan ko na lang siya para matapos na at makatulog na siya. Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog na ito dahil siguro sa sobrang antok na talaga. Ako naman ay hindi na nakatulog pa ulit.
Lumabas ako ng kwarto dala ang cellphone ko. Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas, habang naglalakad pabalik sa sala dala ang baso na may gatas at cellphone ay nag-iisip na ako kung ano ang sasabihin kay Elias.
Hindi ko alam kung binago ba ni Elias ang phone number niya pero sinubukan ko pa ring i-text ang number na ginagamit niya dati.
Naupo ako sa sofa at sumimsim ng gatas habang nagtitipa. Nabitawan ko ang cellphone ko na bumagsak sa sahig nang mapaso ang dila ko sa sobrang init ng iniinom.
Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa kusina para kumuha ng tubig na malamig. Nang makabalik ako sa sala ay saka ko pa lang pinulot ang cellphone na nasa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang na-send ang putol na mensahe ko kay Elias.
To: Elias
Maha
Buburahin ko na sana ito nang makitang na-seen na ito ni Elias. So hindi siya nagpalit ng numero? Nagtipa ako ng panibagong mensahe pero hindi ko pa man din nase-send ay nakatanggap na ako ng mensahe galing sa kanya.
From: Elias
Mahal?
Nasamid ako sa sariling laway nang mabasa ang reply niya. Sinasabi ko na nga ba!
To: Elias
Sorry. Wrong send.
Bakit gising ka pa?
From: Elias
Can't sleep. You?
To: Elias
Birthday ngayon ni Axel. Makakapunta ka ba? At oo hindi rin ako makatulog.
Hindi ako nakatanggap ng mensahe galing sa kanya. Handa na sana ako magsabi na matutulog na ako nang bigla na lang siyang tumawag. Sinagot ko naman agad dahil sa pagkataranta.
"Y-you're not mad at me anymore, babe?"
Babe. . .
Napailing ako nang mahimigan ang kaba sa boses niya. "Hindi na. . ."
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya na akala mo ay kanina pa nagpipigil na huminga, "Where do you want us to go later?"
"Si Axel dapat ang tinatanong mo tungkol dito, pero kanina noong tinanong ko naman ay sabi niya ay gusto niya sa mall, gusto niya rin makakita ng mga isda at sea lion, tapos. . . Sa zoo at gusto niya ring subukang sumakay sa rollercoaster. "
"That's all?"
"Oo, "
"How about you? Do you want anything though?"
"Wala akong gusto."
"What about me? Do you still like me?"
Saglit akong natigilan, "H-hindi na. . . Bakit pa kita gugustuhin kung m-mahal naman na kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top