Chapter 29

Chapter 29


Pagtataka.



Nagtataka ako sa inaasta ni Elias. 'Yong paraan niya ng pakikipag-usap sa 'kin ay iba, ibang-iba sa Elias na kilala ko. Parang sa mga pagkakataon na ito ay parang ngayon niya lang ako nakita sa buong buhay niya.


Kung noon ay halata ang supladong aura, ngayon ay mas higit pa. 


Malamig.


Sobrang lamig ng pakikitungo niya. Simula nang magising ako sa isang estrangherong silid ay nakaupo lang siya sa sofa at titig na titig sa 'kin na para bang bata na kumikilala pa lang dahil hindi niya pa kilala ang nasa harapan niya. 



"Why do you want to enter my house, Miss?"



Masakit. Kakaibang sakit ang naramdaman ko sa puso ko nang marinig ang tanong niya habang naroon pa rin sa sofa, malayo sa kama na kinaroroonan ko.


Ano'ng nangyari, Elias? Bakit…bakit ka umaakto na para bang hindi mo ako kilala?


"Quit staring. I want an honest answer from you, Miss. I still need to fetch Xantelle from her work,"


"Sino…" halos hindi ko na rin marinig ang sariling boses ko dahil sa panghihina.


"Are you deaf? Should I get a marker pen and a paper so you—"


"S-sino ang kasama mo sa bahay na 'to?" Putol ko sa kanya.


He eyes me like I'm some kind of a puzzle. Maya-maya lang ay umiling siya at bahagyang ngumuso. Umawang ang mapulang labi niya at parang may sinasabi pa na hindi ko na marinig dahil sa hina.


Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at tumayo mula sa kinauupuan niya, "I don't really have time to ask questions to someone I don't even know. Can you go back to where you live or do you still want me to send you home?"


Umawang ang labi ko dahil sa narinig, hindi pa nakatutulong sa sakit na nararamdaman ko ngayon ang iritadong boses niya.


So, I'm right…he can't remember me.


"Hey, I'm talking to you, woman. Quit zoning out," 


Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakasimangot na siya sa 'kin. Bigla ko tuloy naalala ang nakasimangot din na mukha ng anak namin.


Natigilan ako nang maalala si Axel. Shit! Ilang oras nga pala ako walang malay?


"Hey—"


"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay ko? Naghihintay kasi sa 'kin si Axel,"


"Your boyfriend?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya kasabay ng muling pagnguso na parang bata.


Kuhang-kuha nga talaga ng anak namin ang nakaugalian ng tatay niya. Kapag ganitong nakasimangot sa Elias ay may dalawa lang na dahilan…It's either he's annoyed or he's jealous.


"Nevermind my question. Stand up and I'll send you back to your house,"


Hindi na niya ako kailangan pang sabihan ng dalawang beses at umalis na sa kama. Bumaba ang tingin ko sa suot ko at natigilan nang makitang nakasuot na ako ng itim na malaking tshirt at itim na sweat pants na may tali sa harapan.


Narinig ko ang pagtikhim ni Elias kaya naman ay binalingan ko siya. Humawak siya sa batok niya at halata ang pagka-ilang dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin.


"I…I was the one who changed your clothes. You were soaked wet because of the rain earlier. I don't have any maids here that can change your clothes and I can't just let you wear your wet uniform, so…"


I flashed a smile and he looked relieved when he saw it.


"Thank you, El— sir…?"


Para akong sasabak sa giyera dahil sa kabang nararamdaman. I don't want to conclude pero hindi ko rin mapigilan, sa inaakto ni Elias ngayon ay alam kong hindi niya talaga ako maalala. Hindi ako doktor at wala rin akong alam tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa mga taong hindi makaalala kaya ang magagawa ko lang sa ngayon ay mag-ingat sa mga sasabihin ko. 


My Elias' gray twinkling eyes are gone, I only see the coldness that I already saw before the first time we met. His eyes look like a gray sky without its stars. 


Ano'ng nangyari, mahal ko?


Nasa loob kami ng kotse niya at kahit na gustong-gusto kong umiyak ay pinipigilan ko. His manly scent is all over his car, it feels deja vu for me.


I wonder how he would react when the time comes and he can finally remember me and I could finally tell him that we have a son. 


Would he feel happy?


Tinuro ko ang daan patungo sa bahay… hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak. He promised before na sabay naming pupuntahan ang bahay na pinagawa niya pero hindi naman natupad.


Ilang pangako pa nga ba ang mababasag lang dahil sa lagay natin ngayon, Elias?


"Are you living alone here?" 


Halata ang pagiging kuryoso ni Elias nang ihinto na niya ang kotse sa tapat ng bahay matapos kong ituro kung saan ako nakatira.


Tinanggal ko ang seatbelt habang nakatingin sa mukha niya at ngumiti, "Salamat sa paghatid, Sir—"


"Rafael Elias." Putol niya at nag-iwas ng tingin, "— call me Rafael or Elias or whatever you prefer—"


"Elias," bigkas ko ng pangalan niya.


Natigilan siya at marahas na bumaling sa 'kin. Umawang ang labi niya na para bang may gusto pa siyang sabihin pero ilang segundo ang lumipas ay umiling siya at kinagat ang pang-ibabang labi niya.


Hindi ko na siya inusisa pa at binuksan na ang pinto ng kotse niya bago siya muling nilingon, "Salamat sa paghatid sa 'kin, Elias."


Ibinalik niya ang tingin niya sa 'kin at isang beses na tumango, "You're welcome,"


Akala ko ay may sasabihin pa siya dahil nanatili ang titig niya sa 'kin pero nang dumaan muli ang ilang segundo na tahimik kaming pareho at nakatitig lang sa isa't-isa ay ako na ang kumaway at isinara ang pinto ng kotse niya.


Hindi pa man ako nakakalakad palayo sa kotse niya ay narinig ko ang pagbusina mula roon na agad ding sinundan ng pagbukas ng pinto dahilan para umikot ako paharap doon.


Nakatayo si Elias sa tabi ng pinto ng driver's seat at nakatitig sa 'kin. Itatanong ko sana kung bakit siya lumabas pero naunahan niya akong magsalita.


"What's your name, Ma'am?"


Hindi ko alam kung bakit pero parang naging hardin ang tiyan ko nang makaramdaman ng kiliti roon dahil sa mga paru-parong lumilipad.


"I'm Shanelle Maricar,"


A small smile flashed on his lips, "It's my pleasure to meet you, Elle."


Pagpasok sa loob ng bahay ay agad kong nadatnan si Ate Issa na nakaupo sa sofa sa sala. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin.


Isinara ko ang pinto at naglakad palapit sa kanya.


"Kumain ka na, Ate?" 


"Si Elias 'yong naghatid sa 'yo o kamukha lang?"


Natigilan ako, "Hindi ko alam na nakatira pala siya sa mansiyon—"


"You suffered for almost two years in a mental hospital dahil sa kanya tapos malalaman ko na sa iisang village lang kayo nakatira?" Walang buhay siyang natawa.


Nanginilid ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi ni Ate Issa.


"H-hindi niya 'ko maalala—"


"Ayos na kayo ni Axel na kayo lang. Bakit kung kailan… kung kailan unti-unti mo nang nabubuo ang sarili mo ay 'saka siya magpapakita sa 'yo?"


Kumirot ang puso ko at napaupo sa malamig na sahig ng sala at doon humagulgol. Ilang beses akong umiling bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.


Hindi ako maayos… sadyang tinago ko lang sa lahat ang totoong nararamdaman ko. Hindi ako malakas gaya ng iniisip nila. Pinapakita ko lang na malakas ako dahil kailangan, para sa anak ko.


"Nandito na ulit siya… hihintayin ko na lang na maalala niya ako—"


"Naririnig mo ba ang sarili mo, Shanelle Maricar? Maawa ka naman sa sarili mo, oh!" Puno ng simpatya ang boses ni Ate Issa na mas lalo lang nagpahikbi sa 'kin.


"Para saan pa ang paghihintay ko ng apat na taon kay Elias kung susuko rin naman pala ako kung kailan nakita ko na ulit siya?"


Umiling si Ate Issa at pinunasan ang basang pisngi niya, hindi pa rin tumitigil sa paghikbi gaya ko. "Pero paano ka, huh?!" 


Napayuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa malamig na marmol na sahig.


"Paano nga ba ako?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.


"Mari—"


"Maghihintay ako…" puno ng determinasyon na ani ko.


Maghihintay ako hanggang sa makakaya ko kahit na alam kong may kaakibat na sakit na maidudulot iyon sa puso ko. 


"Paano ang sarili mo? Bakit ka ganyan, Shanelle Maricar?"



Mapait akong ngumiti nang marinig ang tanong ni Ate Issa. Umangat ang ulo ko at tumingin sa kanya.



"Mahal na mahal ko eh." 



Tama nga ang sabi nila na hindi lang puro saya at kilig ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka kasi ang totoo ay kaakibat din nito ang sakit at sakripisyo. 



Kung sa tingin nila ay unti-unti ko nang nabubuong muli ang sarili ko puwes nagkakamali sila. Hinding-hindi ako mabubuo hangga't wala sa tabi ko ang taong mahal ko. Hindi ako mabubuo kung hanggang ngayon ay may nawawala pa ring piraso para mabuo ako muli.

Gusto ko lang namang makasama ulit si Elias gaya ng dati. Masama ba ang hilingin iyon?

Tinulungan akong makatayo ni Ate Issa at pinaupo sa sofa matapos ang ilang minutong pag-iyak. Dumating ang isa sa mga katulong at inabutan ako ng isang baso ng tubig na agad ko namang tinanggap.

Ilang minuto kaming tahimik ni Ate Issa nang tuluyan nang umalis ang katulong.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Marahang tanong nito.

Tumango ako.

Hinaplos niya ang buhok ko bago muling nagsalita, "Hindi ako magso-sorry sa mga sinabi ko kanina, Mari. Gusto ko lang naman ay isipin mo rin ang sarili mo at sumaya—"

"Sasaya ako kapag nandito na ulit si Elias, Ate."

Napatango siya, "Alam ko pero hindi rin naman masamang piliin mo muna ang sarili mo, Mari. A-ayokong maulit ang nangyari dati… natatakot lang ako na baka matuloy—"


"Totoo pala 'yong sinabi nilang nakababaliw ang pagmamahal, Ate?"


"Oo at ikaw ang patunay sa kasabihang iyon."


Natawa ako dahil doon kahit na nangingilid na namang muli ang mga luha ko.


"Huwag mo na ulit susubukang gawin ang bagay na 'yon, Shanelle Maricar. Baka kami na nila Rica at Zehan ang mabaliw kapag inulit pa 'yon."


Ngumiti ako at niyakap siya, "May dahilan na ako para mabuhay, Ate Issa. My Axel saved me, remember?"

Napapikit nang muling maalala ang nangyari ng gabing 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top