Chapter 26
Chapter 26
"Teacher Elle! Teacher Elle! Wake up,"
Napaayos ako ng upo inayos ang medyo nagulo kong buhok nang marinig ang pagtawag sa 'kin ng estudyante ko na apat na taong gulang.
"What's the problem, Gelicah?" I asked her in a soft tone.
Ngumuso siya at ipinakita ang papel niya kung saan nakasulat ang buong pangalan niya— ay, hindi pa pala buo dahil hindi na kasya.
Gelicah Jeressa Steff K. Almo— 'yon lang ang nakasulat dahil umabot na sa kabilang dulo ng papel ang letrang 'o'. Napailing ako dahil sa nakita.
Bakit naman kasi ang haba ng pangalan ng batang ito?
"Hindi na po nikakasya sa paper ko, Teacher." Mas lalong humaba ang nguso niya matapos sabihin iyon.
Bumuntong hininga ako at nginitian siya, "Teacher Elle will give you a bigger paper para magkasya ang buong name mo. Wait mo si Teacher sa seat mo, okay? Kukuha ako sa faculty saglit ng big paper for you."
"You mean bigger like ganito, Teacher?" umangat ang kamay niya at gumuhit sa hangin ng napalaking hugis parihaba.
Umiling ako habang may ngiti pa rin sa labi, "No, Icah. Teacher will give you a bond poper. It's a white paper,"
Her lips formed 'o' and nodded, "Okay, Teacher. I'll wait there," tinuro niya ang upuan niya.
Tumango ako bago lumabas ng classroom para pumunta sa faculty room na nasa iisang palapag lang naman at dalawang classroom lang ang pagitan mula sa classroom namin.
Nadaanan ko pa ang co-teacher ko na si Sir Harold na nginitian ako bago nagpatuloy sa pagtuturo sa mga estudyante niya.
It's been four years…
Apat na taon ang lumipas simula nang mangyari ang hindi inaasahang pangyayari na naging bangungot para sa mga naging biktima ng trahedyang nangyari, kasama na ako.
Umiling ako para iwaksi sa isipan ko ang nangyari at pumasok na sa faculty room. Kumuha ako ng sampung bond paper sa cabinet bago bumalik sa silid-aralan kung saan ako nagtuturo.
Magdadalawang taon na akong guro sa AfriAdes Private Pre-School, sa loob lang ito ng village at halos lahat ng mga estudyante ay mga anak lang din ng mga nakatira sa loob ng village.
Ibinigay ko kay Gelicah ang white bond paper at tuturuan pa sana siya kung paano maging straight ang sulat niya pero agad akong napangiti nang ipatong niya iyon sa papel niya na may pula at asul na guhit at ginamit itong guide para hindi tumabingi ang mga letrang sinusulat niya.
Bumalik ako sa mesa ko at pinagmasdan ang mga estudyante ko na nagsusulat ng kani-kanilang pangalan at ang iba ay kinukulayan ang mga naka-drawing sa kanya-kanyang coloring book.
Napatingin ako sa relo ko at napansing limang minuto na lang ay mag a-alas cuatro na ng hapon. Malapit na ang uwian kaya inayos ko na ang mga gamit ko sa mesa.
Ilang minuto lang ay agad na nagtatalon ang mga estudyante ko nang marinig ang pagtunog ng bell na hudyat na uwian na.
"Teacher Elle, where namin pwedeng ilagay ito po?" Tanong ng isa rin sa estudyante ko na si Riva.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil matapos marinig ang boses niya. Ang cute-cute ng batang 'to.
"Dito niyo na lang po ilagay ang mga masterpieces niyo mga reyna at hari," I said playfully and I earned a giggle from my students after that.
Sinunod nila ang sinabi ko na sa mesa ko ilagay ang mga nagawa nilang activity ngayong araw at nagkanya-kanya na ang mga itong magsuot ng mga bag nila.
Tumayo ako mula sa upuan, "Good bye, my handsome and beautiful students."
"Good bye, Teacher Elle! Good bye, handsome and beautiful classmates. See you tomorrow!" Sabay-sabay at masiglang paalam nila habang tuwid na tuwid ang pagkakatayo at may nakapaskil na mumunting ngiti sa mga nakakagigil na labi.
Hindi rin nagtagal ay dumating na paunti-unti ang mga magulang ng mga bata para sunduin ang mga ito. Ang ilan ay galing pa sa trabaho at ang ilan ay sinundo ng mga yaya nila dahil male-late raw sa pag-uwi ang magulang.
Nang wala ng natirang estudyante sa silid-aralan ay nagsimula na akong mag-walis at ayusin ang mga upuan. Hindi na ako nagulat nang may kumatok sa pinto ng silid at pumasok doon si Sir Harold na palaging dumadaan dito tuwing uwian na.
"Sir," nginitian ko siya habang inaayos ang mga upuan ng mga bata.
Humilig siya sa hamba ng pintuan at ngumisi, "May janitor naman para maglinis at ayusin ang mga 'yan, Shan."
Napailing ako sa sinabi niya, "Ayos lang naman sa 'kin na gawin 'to Sir—"
"Ang sabi ko ay Harold na lang ang tawag mo sa 'kin, Shan. Tapos na rin naman na ang trabaho kaya pwede na,"
Hindi ko na siya sinagot at nagtungo na sa desk ko para kunin ang bag ko. Naglakad ako papalapit sa pintuan kung saan nakahilig si Sir Harold.
Matagal na 'tong may gusto sa 'kin, siya mismo ang umamin noong ikatlong araw ko pa lang sa trabaho at simula rin noong umamin siya ay iilan na lang ang naging kaibigan ko na kapwa ko rin guro dahil balita ko ay maraming guro ang may gusto kay Sir Harold.
Mabuti na rin sigurong wala ako masyadong kaibigan dahil iyong isang grupo ng guro na rito rin nagtatrabaho ay laging inaaya ang ilang guro na magpunta sa mga bar.
"Sabay na tayo, Shan." ani Harold at inilahad ang kamay niya pero agad akong umiling at nginitian siya.
"Hindi na po, Sir. May dadaanan din kasi ako—"
"E 'di mas mabuti ngang samahan kita gayong hindi ka pa pala uuwi." inakbayan niya ako at agad naman ako humakbang paatras.
"Hindi na po talaga, Sir."
"Shan—"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla na lang mag-ingay ang cellphone ko na nasa loob ng bag ko. Nang ilabas ko ito ay agad kong nabasa ang pangalan ni Zehan.
Sinagot ko ito.
"Ze—"
"Ate Mari! Nauntog si Axel sa dulo ng lamesa. Nalingat lang ako saglit kasi nagtitimpla ako ng gatas niya tapos bigla na lang siyang umiyak 'yon pala nasa kusina na rin,"
Nilingon ko si Sir Harold na kunot ang noo. Tinanguan ko siya at agad nang umalis ng silid saka nagmamadaling bumaba ng hagdan para makarating na sa labas ng paaralan.
"Zehan, may sugat ba? Dumudugo?" Tanong ko at naghihintay ng dadaan na tricycle.
Agad ko namang ipinagpasalamat na may pumaradang isa sa harap ko kaya agad akong nakasakay at sinabi kung anong block ng bahay namin.
"Dumudugo 'yong noo niya sa may kanan, Ate. Naagapan ko naman na pero umiiyak pa rin,"
Napasuklay ako sa buhok ko at huminga ng malalim, "Sige, pauwi na 'ko. Nasaan siya?"
"Nasa kwarto niyo po. Tinatawag ko pero umaayaw siya kaya hinayaan ko po muna,"
"Sige-sige, malapit na 'ko." Sinilip ko ang daan at agad na nakahinga nang maluwag nang makita na ang bahay na tinutuluyan namin ni Axel.
Nang ihinto ng tricycle sa tapat ng gate ay agad akong lumabas at nagbayad saka patakbong pumasok sa bahay.
Nang makapasok ay agad kong naabutan si Zehan na pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit.
"Sorry, Ate—"
"Wala ka namang kasalanan," putol ko sa kanya at inilingan siya. "Aksidente lang ang nangyari, Zehan. Sige na, gawin mo na 'yong kailangan mong gawin. Salamat sa pagbabantay kay Axel."
Ngumuso siya at tumango.
Nagtungo ako sa hagdan at umakyat para makapunta sa kwarto ko. Huminto ako sa tapat at agad na napailing nang marinig ang mahihinang hikbi ng anak ko mula sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok.
Nag-angat ng tingin ang si Axel mula sa pagkakayakap sa tuhod niya habang nakaupo sa gitna ng kama. Nakasuot pa ito ng kulay pulang pajama.
Ngumuso siya, "Mama,"
Nilagay ko ang bag ko sa kama at umupo sa gilid malapit kay Axel.
"Bakit umiiyak ang baby ko?"
"Niaaway Axel ng table,"
Pigil ko ang matawa dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Magtatatlong taon pa lang si Axel pero marunong na siya ng iba't-ibang salita kaya kapag ganito siya magsalita lalo na kapag nagsusumbong ay alam kong nagpapalambing lang ang baby na 'to.
Binuhat ko siya at pinaupo sa aking hita paharap sa 'kin. Inayos ko ang buhok niya na nasa noo na niya. May band aid ang gilid na bahagi ng noo niya dahil nga roon sa nauntog siya at tumama sa dulo ng mesa kaya dumugo raw.
"Bakit hindi mo hinintay si Tita Zehan?" Marahang tanong ko at sinapo ang magkabilang pisngi niya.
Napangiti ako dahil sa pisngi niyang malusog na sa tuwing naglalakad siya ay parang jelly na gumagalaw.
"Kasi…curious Axel ano gawa ni Tita Zeze."
Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at pabirong kinurot ang pisngi niya, "Next time mag-ingat na, anak ha? Tingna mo nagkasugat ka tuloy."
Kumunot ang noo niya at agad na napangiwi marahil naramdaman ang pagkirot din ng sugat sa noo niya, "Am I pangit na, Mama Elle ko?"
Natawa ako at niyakap ito, "Ang pogi-pogi mo po kaya,"
Kumalas siya sa pagkakayakap at agad na tiningnan ang mukha ko, "Talaga po, Mama?"
"Yes po, super pogi. Like your Papa,"
Agad niyang nilingon ang litrato namin ni Elias na naka-frame at nakalagay sa bedside table.
"Like Papa Elias po, Mama?" Paniniguro niya at bumaba sa sahig saka kinuha ang frame, "Like my Papa, Mama?"
Nakangiti akong tumango, "Yes, anak. You look like your Papa Elias."
Pinagmasdan ko ang ngiting-ngiti na anak ko habang titig na titig sa frame na hawak niya kung nasaan ang litrato namin ni Elias. Pareho pa kaming nakangiti roon at halatang masayang-masaya.
Mabilis kong pinunasan ang isang butil ng luhang lumandas sa pisngi ko at tumingala.
Kailan ka ba babalik, mahal ko? Ilang taon pa ang lilipas bago ka magpakita ulit, Elias? Ang sabi mo ay babalik ka at susunod ka…pero bakit hanggang ngayon ay wala ka?
Bumuntong hininga ako at muling ibinalik ang tingin kay Axel na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang tingin sa litrato ng ama.
Kung may ipagpapasalamat man ako sa apat na taong lumipas ay 'yon ay ang dalawang magandang nangyari sa buhay ko.
Noong gabing na naligtas ako mula sa pagkakalunod at noong araw na isinilang ko si Axel.
Iniligtas ako ng aking Maximus Eliezer mula sa pagkawala ng aking katinuan pagkatapos na si Elias ay hindi matagpuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top