Chapter 18
Chapter 18
"No. You don't have any idea how I love to hear those words from you and how I begged Him to let me see you again after years, Elle."
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
Nanatiling nakatitig lang si Elias sa 'kin at maya-maya ay umiling. "Let's have our breakfast—"
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, Elias. Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?"
"I'll explain it to you when the right time comes, hmm?" marahang saad niya.
Tumango ako kahit na gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya kanina. Tumayo ako.
"Sundan ko lang si Aria sa kusina para maghanda ng kakainin natin," paalam ko at hindi na hinintay pa ang sagot ni Elias at naglakad na patungo sa kusina.
Nakangisi si Aria nang makita niya akong pumasok sa kusina, sumulyap ako sa lamesa kung saan may mga pinggan na at tanging ulam 'saka kanin na lang ang kulang.
Ngumuso ako nang mapatingin ako kay Aria na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa kinatatayuan niya at nakangisi sa 'kin.
"Bakit?" Tanong ko kahit na may ideya naman na ako kung bakit nakangisi siya sa 'kin.
"Sigurado ka bang hindi pa kayo ni Sir Rafael?" Tanong niya, halatang mang-aasar na talaga kapag sumagot ako.
"Hindi nga kami, Aria. Paulit-ulit ka," Napanguso ako at dahan-dahang kinuha ang rice cooker na hindi naman na mainit.
"Sus, tingin ko talaga kayo na eh." Parinig pa ni Aria habang nilalagay niya ang isang bowl ng ulam sa lamesa.
"Hindi nga ako sigurado kung gusto ba 'ko ni Elias tapos mag-jowa na agad tingin niyo sa 'min?" Natatawang wika ko at naglakad papalapit sa lamesa para ilagay doon ang hawak kong rice cooker.
Narinig ko ang tawa ni Aria na ngayon ay nakaupo na at nakahalumbaba habang nakatingin sa 'kin na may mumunting ngiti na naka-ukit sa labi.
"So, gusto mo pala si Sir Rafael?" Tanong niya dahilan para matigilan ako.
Sinabi ko ba 'yon? Tang ina talaga, Shanelle Maricar! Dakila kang madaldal.
"H-huh—"
"Alam mo ayos lang naman na gusto mo si Sir Rafael. I mean, sa gwapo niya ba naman 'di ba? Kung wala siguro si Trevor ay baka magkagusto rin ako sa kanya," Nakatingala pa si Aria nang sabihin niya iyon na para bang na i-imagine niya na gugustuhin niya rin si Elias.
Napailing ako. Buti na lang pala nandyan si Trevor para magustuhan ni Aria.
"Parehas kayong single ni Sir Rafael, Elle. Sa inyong dalawa ni Vivian, halata naman na mas malaki ang tiyansa na magustuhan ka pabalik ni Sir Raf. " Nag-thumbs up pa si Aria habang nakangiti sa 'kin, "Umamin ka na ba sa nararamdaman mo sa kanya, Elle?" Bigla ay kuryoso niyang tanong.
Tumango ako at naupo sa tapat niya, "Oo—"
"Ay tang ina lakas ng loob. Pahingi naman ng lakas ng loob umamin—"
"Kanino ka aamin, Arianna Mendez?" Bigla ay narinig namin ang mababang boses ni Trevor na naglalakad na ngayon papalapit kay Aria.
Pati ako ay nagulat sa biglaang pagsulpot niya, hindi pa nakatulong nang makita ko si Elias na nakapamulsa at naglalakad papalapit sa 'kin.
Akmang tatayo ako sa kinauupuan ko para sana ay lapitan siya nang agad naman siyang umiling sa 'kin dahilan para hindi ko na ituloy.
Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko at inurong iyon paharap sa pwesto ko.
"I like you, Shanelle Maricar."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang sandaling marinig ko iyon. Hindi ako nakagalaw at mas lalong hindi ako huminga dahil sa gulat.
Gusto ako ni Elias? Gusto niya ako!
"Sunbeam,"
Sa gulat dahil sa muling pagsasalita ni Elias ay nanlalaki ang mga mata na napabaling ako sa kanya. "Ano?!" Halos napasigaw ako nang umangat ang braso niya at inilagay iyon sa sandalan ng upuan kung saan ako nakaupo 'saka dumukwang palapit sa 'kin.
Halos mapayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Elias sa mismong leeg at tainga ko.
"You haven't heard my answer to your confession ealier, right?" Wala sa sariling napatango.
"I adore you so fucking much, my sunbeam." Bulong niya.
Parang may kung anong kumikiliti sa tiyan ko dahil sa narinig at kung paano iyon sabihin ni Elias. Marahan at ramdam ang sinceridad.
"B-bakit…kailan pa?" Tanong ko.
"I just know that this feeling started when you started calling me 'Elias', Shanelle Maricar."
Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ako naniniwala na gano'n lang sa kanya kadali na magustuhan ako. Noong tinawag ko siyang Elias ay hindi pa nga namin lubusang kilala ang isa't-isa kahit hanggang ngayon.
Pero kung ako ang tatanungin kung kailan pa nagsimula ang nararamdaman ko kay Elias ay hindi ko alam ang isasagot ko.
"Hindi ako naniniwalang doon nagsimula 'yang nararamdaman mo na 'yan, Elias." Umiling ako.
Akala ko ay maiinis siya dahil sa sinabi ko pero salungat ang nakita kong emosyon sa kulay abo niyang mga mata. Nakangiti siya nang harapin niya ako.
"I'm telling the truth, Elle—"
"Pero napaka imposible no'n, Elias." ani ko.
Sandali siyang natigilan at maya-maya rin ay bumuntong hininga, "Ayaw mong maniwala na gusto rin kita?"
Mabilis akong umiling, "Hindi. Hindi sa gano'n, pero kasi…" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nag-iisip kung paano ko ba maipapaliwanag sa kanya.
"Go on. Tell me, Elle. I'll listen,"
Kung hindi lang ako nakaupo sa mga oras na 'to ay paniguradong nakaluhod na ako sa malamig na sahig ng kusina.
Bakit ang lambing naman ng boses mo, Rafael Elias?
"...paano mo ako magugustuhan no'ng gabing 'yon, Elias? Ni hindi pa nga tayo magkakilala ng isang araw no'n tapos gusto mo na agad ako dahil lang tinawag kitang 'Elias'?" Pagpapatuloy ko pa.
Umawang ang labi ni Elias at natawa. Hindi makapaniwalang pinapanood ko siyang humalakhak.
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman, ah!
"Fuck—"
"Huwag ka ngang magmumura sa harap ko. Pakiramdam ko ay ako ang minumura mo, Rafael Elias." Sinamaan ko siya ng tingin.
Tumigil siya sa pagtawa at parang may kung anong humaplos na mainit na palad sa puso ko nang makita ang masayang emosyon sa mga mata niya.
Ang gwapo-gwapo mo, Rafael Elias.
Kung nababasa lang siguro ni Elias ang isip ko lalo na kapag pinupuri ko siya ay baka matagal na akong hindi nagpakita sa kanya dahil sa kahihiyan.
Totoo naman kasing gwapo ang isang 'to.
"Just always remember that I like you too, Shanelle Maricar. I can't tell you the real reason why, but please believe me when I tell you I like you, hmm?"
Kahit na naguguluhan pa rin ay tumango na lang ako bilang tugon.
"Shan, tara rito tayo sa malalim banda. Maganda sumisid dito,"
Alas tres ng hapon ay nasa tabing-dagat na kami nila Aria, Lanie, Mara at Briaveca para maligo sa dagat. Tinanong ko kanina si Aria kung nasaan si Vivian at ang sabi niya ay umuwi raw sa pamilya nito.
Suot ang itim na halter top one piece swimsuit ay naglakad ako palapit kay Aria.
"Ang ganda rin ng katawan nito ni Shanelle. Parang ginto pa 'yong balat kapag naaarawan," Rinig kong sabi ni Lanie na kausap si Briaveca at Mara nang makalapit ako sa kanila.
Nginitian ko si Lanie bago ako lumapit kay Aria na nakasuot naman ng pula na two piece swimsuit.
"Pinapanood ka ni Sir Rafael," aniya pa nang tuluyan akong makalapit.
Agad akong napalingon sa tapat ng bahay ni Trevor kung saan ko huling nakita si Elias kanina. Nakatayo siya roon, may hawak na bote ng beer ang isang kamay habang ang isa ay nasa baywang. Itim na board shorts ang suot niya at partner lang no'n ay puting sando 'yong madalas kong nakikita sa mga men's magazine na nakakalat sa kwarto ni Rica noon.
Nakasuot siya ng itim na sunglass kaya hindi ko sigurado kung nakatingin ba talaga siya rito. Ibinalik ko ang tingin ko kay Aria na nakangisi sa 'kin habang nakataas ang isang kilay.
"Jowain mo na," Pabirong aniya dahilan para matawa ako at mapailing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top