Chapter 13
Chapter 13
Malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong sa 'kin sa sandaling lumabas ako ng bahay ni Trevor mula sa kusina. Napayakap ako sa sarili ko habang pinapanood ang marahang pagsayaw ng mga dahon sa puno na tanaw mula sa aking kinatatayuan.
"Elle," napaigtad ako nang marinig ang malalim at buong-buo na boses ni Elias mula sa 'king likuran.
Umikot ako paharap sa kanya dahilan para masalubong ko ang tingin niya.
Ngumiti ako, "Kumusta ka na?"
Nag-iwas siya ng tingin at kinagat ang pang-ibabang labi niya bagp muling humarap sa 'kin na may mumunting ngisi sa labi niya, "I'm fine, how 'bout you?"
"Ayos lang." Sagot ko.
Muling namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko na marinig ang tugtog mula sa harap ng bahay ni Trevor dahil nasa likod kami ng bahay niya. Siguro ay huminto na rin sila para magpahinga.
"When are you going back to Manila?" Pagbasag ni Elias sa katahimikan.
Napalunok ako at napaisip. Wala akong pera para makapunta roon, hindi ko rin alam kung tatanggapin pa ako ni Dianara bilang waitress ng resto niya.
Bumagsak ang tingin ko sa paa ko at marahang sinisipa ang puti at mga pinong buhangin.
"Wala naman ng dahilan para bumalik ako roon," ani ko.
Kumunot ang noo ko at inangat ang ulo para makita si Elias nang mapansin kong gumalaw siya mula sa pwesto niya.
"Is that so?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo.
Tumango ako at hindi mapigilang mapaawang ang labi nang makita ang pag-igting ng panga niya.
"We didn't have our breakfast that day, Elle."
Kumunot ang noo ko at agad na nanlaki ang mga mata nang maalala ang usapan namin noong huling pagkikita namin, dalawang buwan na ang nakalipas.
Dapat ay kakain na kami ng almusal no'n at dadalhin siya sa karinderya pero dumating sila Mara at Kalvin.
Napailing ako at pinigilang mapangiti nang mapagtanto na naalala niya pa pala 'yon, hindi naman dapat big deal 'yon pero ngayong si Elias mismo ang nagbukas ng usaping 'yon ay para na rin iyong malaking bagay sa pagitan naming dalawa.
"What are you doing here in Trevor's rest house, Elle?" Tanong niya.
Hindi ko na sana sasagutin dahil ayokong maalala ang nangyari sa Isla Fernan pero sadyang pagdating kay Elias ay para na akong bata na nagsusumbong.
"N-naalala mo ba si Lucas?" Nakatitig lang ako sa kulay abo niyang mga mata kaya naman ay hindi nakatakas sa 'kin ang dumaang galit na agad din namang napawi.
"What did he do to you?" Tiim ang bagang na tanong niya at binalingan ako.
Imbes na matakot sa kilos niya ay nakahanap pa ako ng seguridad sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin.
"Nasa trabaho ako no'n nang dumating siya, a-ayoko na magkaroon ng gulo sa resto ni Dianara kaya sumama ako sa kanya. D-dinala niya ako pabalik sa Isla Fernan kung saan kami nakatira, sanay naman na ako na tinuturing niya akong katulong tuwing nasa bahay niya ako pero may isang gabi na niyaya niya i-iyong mga katrabaho niya sa bahay…" Humugot ako ng isang malalim na hininga bago muling nagpatuloy, "...maayos naman sana pero no'ng naghatid ako ng mga maiinom nila—"
Nahinto ako nang maramdaman ang paghawak ni Elias sa kamay ko. Nagtatakhang tinitigan ko ang mukha niya bago ko ibinaba ang tingin sa kamay ko na hawak niya.
"It's okay…you don't need to tell me, hmm? Calm down, Elle." Tuluyan siyang humarap sa 'kin at hinawakan na rin ang isang kamay ko 'saka marahan iyong ini-angat palapit sa labi niya.
Tuluyan nang nagwala ang puso ko nang patakan ni Elias ng halik ang kamay ko habang marahan iyong hinahaplos ng hinlalaki niya.
Umiling ako, "G-gusto kong subukan na sabihin—"
"Calm down first, my sunbeam."
Umabante si Elias hanggang sa dumikit na ang dibdib niya sa tungki ng ilong ko. Tiningala ko siya, umawang ang labi ko nang mapansing ilang pulgada na lang ay mahahalikan na niya ako.
Napahawak ako sa balikat ni Elias nang maramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa lapit niya sa 'kin.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko nang muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko.
Hinawakan ni Elias ang baba ko at dahan-dahang inangat para mas lalong magsalubong ang tingin naming dalawa.
"Elle,"
"'Yong…'yong tinawag mo sa 'kin kanina, b-bakit…" Kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko matatanong sa kanya nang maayos at nang hindi ninenerbyos.
"Elle means sunbeam." Proud pa siyang nakangiti at mas lalo pa akong hinapit papalapit sa kanya.
Dahil sa gulat ay hindi ko sinasadyang mapahawak sa balikat niya habang nanlalaki ang mga mata.
Nagpakawala ng nakababaliw na halakhak si Elias at pinatakan ng halik ang noo ko dahilan para mas lalo akong natulos sa kinatatayuan ko.
"My sunbeam…" aniya sa mahinang boses bago ako tuluyang niyakap, "I missed you,"
Kinabukasan ay halos hindi ako mapakali habang naghahanda bago lumabas para mag-almusal. Nagtungo si Aria rito kanina at sinabing sabay na raw kaming mag-almusal.
Nasabi niya rin na umalis sila Trevor at ang mga kaibigan nito para magtungo sa Isla Fernan at mamili ng uulamin mamaya.
Kung ikukumpara ang Isla Fernan sa La Hermosa pagdating sa mga bilihin ay mas mananaig ang Isla Fernan, pero kung usapang tanawin naman ay La Hermosa ang nangunguna sa listahan.
Bago ako lumabas ng silid ay humarap muna ako sa malaking salamin at tiningnan ang repleksyon ko roon. Itim na bestida na hanggang binti ang haba. Nakalugay ang buhok ko na medyo kinulot ko pa ang dulo kanina nang may nakita akong hair curler sa drawer ng maliit na vanity table sa sulok nitong kwarto.
Tumuon ang mga mata ko sa bewang ko at hindi mapigilang maalala ang ginawa ni Elias kagabi.
Niyakap niya 'ko at sabi niya rin ay na-miss niya 'ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Niyakap ako ni Elias.
Hindi ko na napigilan ang mapangiti habang inaalala 'yon at no'ng hinatid niya 'ko sa tapat ng kwarto.
Ang sabi niya ay magkikita kami ngayon pero mukhang mamaya pa naman 'yon dahil ang sabi nga ni Aria ay nagtungo sila Trevor sa Isla Fernan kasama ang mga kaibigan niya kaya paniguradong sumama si Elias sa kanila.
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa kusina pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita si Elias sa tapat ng coffee maker. Nakatalikod siya mula sa gawi ko at parehong nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng coffee maker.
Sana coffee maker na lang ako.
Hindi ko alam kung nakagawa ba ako ng ingay nang hindi napapansin o sadyang naramdaman lang ni Elias ang panonood ko sa kanya kaya ngayon ay nakaharap na siya sa 'kin.
Bumaba ang tingin ko sa suot niya na puting t-shirt at itim na board shorts. Hindi naman na nakagugulat na halos parehas lahat ng mga suot niya. Isa 'yon sa napansin ko kay Elias simula pa noong magkasama kami noon.
Halos parehas lahat ng style 'yong mga damit niya at kulay lang ang pinagkaiba.
"Good morning, sunbeam." aniya sa mababang boses na para bang kagigising niya lang.
Tingin ko naman ay nakaligo na siya dahil halata ang mabasa-basa niyang buhok na mukhang hindi pa nasusuklayan nang maayos.
"Good morning," sagot ko sa kanya, "Uh, nakita mo ba si Aria?"
Kumunot ang noo niya at maya-maya lang ay napatango rin, "She's outside, waiting for Trevor."
Napatango ako. Wala nang maisagot.
"Did you sleep well last night?" Pagbasag ni Elias sa katahimikan.
Tumango ako at ngumuso nang muling bumalik sa isip ko ang pagyakap niya sa 'kin kagabi. Pigilan mong ngumiti, Shanelle Maricar.
"Oo naman," sagot ko at naglakad papalapit sa water dispenser para kumuha ng tubig.
Shit. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang kisig ng katawan ni Elias, halata pa ang braso niya na exposed.
Binalingan ko siya, "Kumain ka na?" Tanong ko, umiling siya bilang sagot. "Ayaw mo ba ng ulam?"
"I was waiting for you to come out so we could eat together, sunbeam."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top