Chapter 11

Chapter 11


Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko nang sinubukan kong gumalaw sa kung saan man ako nakahiga ngayon. Buhay ako…



Sino ang sumagip sa ‘kin? Si Lucas ba? 



Nanlamig ang buong katawan ko sa isipin na si Lucas ang sumagip sa ‘kin. mas pipiliin ko na lang ang mamatay kung ganoon.



“You’re awake,”



Napaigtad ako nang marinig ang boses na hindi ko alam kung saan nagmula. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at mabilis na hinanap ang kung sino man na nagsalita.




hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang makasalubong ko ang tingin ng isang lalaki na hindi ko kilala. Ginhawa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Ginhawa dahil hindi si Lucas ang nasa harapan ko ngayon at kaba naman dahil hindi o kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.




“I’m Trevor. I saw you drowning last night and I brought you here to my rest house. I called a doctor to check if you’re fine and she told me that you need a proper bed rest. Your left ankle is injured-”




“H-hindi mo ‘ko tatanungin kung bakit nilanoy ko ang ganoon kalayo-”



“I’m curious as fuck, but I won’t force you to tell me either.” Nagkibit-balikat siya.



“Salamat sa pagtulong sa ‘kin kahit na hindi mo ‘ko kilala, Trevor-”



“What’s your name? You look familiar, though.”



Kumunot ang noo ko sa narinig, “S-shanelle,”



Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko nang marinig ang madalas na tinatawag sa ‘kin ng mga taong kakilala ko. 




Nang ibalik ko ang tingin kay Trevor ay nakayuko na ito na para bang may malalim na iniisip. Maya-maya lang ay tiningnan niya ako at tumayo mula sa silya na kanyang kinauupuan.




“I’ll call someone. Just wait for the maids, they will serve your breakfast,”




Hindi ko na siya nasagot dahil sa pagmamadali niyang makalabas ng silid. Bumuntong hininga ako at napatitig sa kulay kremang pader ng kwarto. Isang wall clock lang ang nakasabit doon at dahil sa sobrang tahimik ng silid rinig na rinig ko ang tunog ng orasan at ang mga alon na nassiguro kong nagmula sa labas.




Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga pero sadyang ayaw makisabay ng katawan ko. Ilang minuto kong sinubukan na bumangon pero parati rin akong bumabagsak sa kama. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sumuko na. Inalis ko ang kumot na nakatakip mula sa talampakan hanggang sa bewang ko.




Bumaba ang tingin ko sa suot ko, itim na dress na ito na nasisiguro kong aabot sa ibaba ng tuhod ko. Habang nag-o-obserba sa paligid ay bigla na lang may kumatok ula sa labas.




Hindi rin nagtagal ay pumasok ang isang babae na nakasuot ng kulay berde na dress habang dala ang isang tray na may lamang pagkain




Nginitian ko siya pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita sa mga mata niya ang inis. 



Inilapag niya sa side table ang tray na hawak niya at akmang aalis na nang magsalita ako na naging dahilan ng pagtigil niya.




“Pwede ko bang malaman kung saan-”




“Nasa La Estrellas ka, parte ng Isla Hermosa. “ Putol niya at hinarap ako na may sarkastikong ngiti sa labi niya.




"Ah," Napatango ako.




"Saan ka ba galing? Wala ka bang pamilya o kaibigan?"




Hindi ko alam kung totoo ba 'yong napansin ko na parang may inis sa boses niya nang itanong niya 'yon.




"Umalis ako sa lugar namin." Simpleng sagot ko.




"Kapag gumaling na 'yang injury mo tumulong ka rito sa gawaing bahay. Hindi pwedeng aalis ka na lang nang hindi binabayaran ang pagtulong ni Trevor sa 'yo. Binilhan ka pa niya ng damit galing Maynila, sino ka ba?"




Inggit. Tingin ko ay 'yon ang dahilan kung bakit ganito siya kung makapagsalita. Hindi naman dapat siya mainggit dahil aalis din ako rito agad kapag nabayaran ko na si Trevor sa pagtulong niya sa 'kin.




"Salamat sa pagpapaalala. Gagawin ko ang sinabi mo-"



"Aria, what are you doing here?" 



Napaigtad ang babae nang biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Trevor na magkasalubong ang kilay.



Nilingon siya ng babae na ang pangalan pala ay Aria, "Hinatid ko lang ang almusal niya para maka-kain na siya at makapagpahinga. Hindi ba't gusto mo na tumulong siya sa gawaing bahay kapag gumaling na ang-"




"What? I never said that. Who told you that?" Nagsalubong ang kilay ni Trevor habang naglalakad papalapit kay Aria.




"A-ah, nagkamali lang siguro ako ng dinig. Alis na 'ko, Sir Trevor." Mabilis na naglakad si Aria palabas ng silid at isinara ang pinto.



"Magkakaroon ng party mamayang gabi rito sa rest house. Is it okay with you o gusto mong doon ka na lang muna sa kabilang bahay ko-"



"Huh?" Naguguluhang ani ko.




"You need to rest properly para mabilis kang gumaling. Maiistorbo ang tulog mo mamayang gabi kapag dito ka matutulog pero kung ayos lang sa 'yo ang maingay habang natutulog ka hindi ko na lang ipapalinis ang bahay ko sa kabila. "




"D-dito na lang. Ayos na 'ko rito. Nakakatulog naman ako kahit na maingay ang paligid," Ngumiti ako, "Siya nga pala… gusto kong ibalik ang pagtulong mo sa 'kin-"




"Aria told you that, isn't it?" May nakalolokong ngisi sa labi niya nang sabihin iyon. "That woman is jealous-"




"Gusto ko lang suklian 'yong pagtulong mo-"




"Forget about it. I helped you because you needed help."



"Kung gano'n sabihin mo na lang sa 'kin kung ano'ng pwede kong gawin para-"



"Nah. 'Wag mo nang isipin 'yon, Shanelle. I know Aria was the one who told you about it. I'll talk to her-"



"Normal lang naman siguro 'yong ganoong pakikitungo niya kasi may gusto siya sa 'yo,"




Mas lumawak ang ngisi sa labi ni Trevor nang marinig 'yon, "Really?" Tumango ako.



"How did you know that she likes me?"



"Halata naman sa tuwing binabanggit niya ang pangalan mo ay may kung anong emosyon sa mga mata niya. Kanina rin noong nakipag-usap ka sa kanya, kulang na lang ay magdugo ang labi niya dahil sa pagkagat niya roon."




Malakas na natawa sa si Trevor at napailing, "She's adorable, right?"




Napangiti ako sa itinanong niya at tumango. Hindi mapagkakaila na may gusto rin si Trevor kay Aria dahil gaya ng napansin ko kay Aria ay nakikita ko rin sa mga mata niya ang isang emosyon na siyang matagal ko nang gustong maramdaman muli. 



Pagmamahal.



"Gusto mo rin si Aria." Pagkumpirma ko dahilan para matigilan si Trevor.



"How did you know?" 



"Parehong-pareho ang emosyon na nasa mga mata niyo." Nakangiting wika ko.



"I like her, but I still need to wait for her 'til she finishes college. I want her to focus on her dreams while I'm supporting her secretly." Nakangiting sambit ni Trevor.



"Ang swerte ni Aria sa 'yo,"



"Mas swerte ako,"



Ilang minuto rin si Trevor na nasa kwarto habang kumakain ako. Tinulungan niya lang ako na makaupo at sumandal sa headboard ng kama para maayos akong maka-kain. Gusto niya pang subuan ako pero hindi ako pumayag. Ayokong bigyan ng dahilan si Aria na mainis sa 'kin lalo. Kung tutuosin ay gusto kong maging kaibigan ang tulad niya. 




Hindi tumigil si Trevor sa pagkukwento tungkol kay Aria. Pati ang mga maliliit na bagay gaya ng paboritong pagkain at damit nito ay alam niya. Nang tanungin ko kung paano niya nalaman ay ang isinagot niya lang ay ino-obserbahan niya palagi ang babae.




Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaisip na kung hindi ba ako binubugbog ni Lucas noon ay may pag-asa kaya na magustuhan at mahalin ko siya?



Nasa kalagitnaan ako ng pag-kain nang biglang nag-ring ang cellphone ni Trevor na nasa bulsa niya. Mabilis niya itong inilabas at agad na sinagot ang tawag, hindi man lang siyang nag-abalang umalis sa kinauupuan kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya sa tumawag at kung ano ang pangalan nito.



"Rafael,"


Natigilan ako dahil doon. Rafael. Pumasok sa isip ko ang imahe ni Elias. Kumusta na kaya siya ngayon? Abala na siguro siya sa trabaho. Isang buwan na rin ang lumipas simula nang huli kaming nagkita.



Simula nang araw na nakilala ko si Kalvin at Mara ay hindi na nagpakita si Elias. Alam ko naman na wala lang dapat 'yon sa 'kin pero hindi man lang ba niya naisip na sabihin sa 'kin na hindi na— mali, bakit ko ba iniisip si Elias? Paniguradong abala na 'yon at may iba pang tinutulungan.



"Yeah, the party will actually start at 6PM. Before 5PM ay magandang nandito na kayo para mailibot ko pa kayo sa isla." 



Hindi naman siguro si Elias ang Rafael na kausap ni Trevor. Napatango ako sa naisip. Tama, hindi lang naman si Elias ang may pangalan na Rafael sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top