Chapter 07

Chapter 07


"Elle-"

"Ang sabi ko ayos na ako sa condo, Elias. 'Wag mo na ipilit yung penthouse, masyadong malaki saka apat lang naman kaming titira." ani ko habang nag-lalakad kami palabas ng building.

Sinamahan niya ako sa pagpili ng condo, nasa fourth floor ang napili ko. Nang sabihin ko kay Elias iyon ay ilang beses niya akong kinumbinsi na yung penthouse na lang ang kunin ko pero umayaw ako. 

Ayos na ang condo, hindi naman siya kasing laki ng penthouse ay ayos na para sa 'min nila Ate Issa 'yon. 

Nilingon ko si Elias nang hindi ko na marinig ang yapak niya mula sa likuran ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may kausap siyang babae na halatang mayaman. 

Nakasuot ito ng black stiletto at black bodycon dress. Naka-ponytail ang mahaba at straight niyang buhok. Nakangiti siya habang kausap si Elias na halata ang maliit na ngiti sa labi.


Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nahhintay ng taxi pero nang mapagtanto kong hindi nga pala pwede makapasok ang mga taxi rito at hanggang sa main gate lang ay nanlumo ako.


Gusto ko nang kumain. Mukhang matatagalan din si Elias sa pakikipag-usap doon sa babae kaya ayokong mag-hintay. Nakakahiya naman kung i-istorbohin ko sila.

Bumuntonghininga ako at akmang mag-lalakad na patungo sa main gate nang bigla na lang may humarang na lalaki sa harap ko. Nakangisi ito at sumulyap sa likuran ko.


Bumaling siya sa 'kin at mas lumawak pa ang ngisi niya. 

"Jealous?" Tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Huh?" Pag-gaya niya pa sa 'kin.

Liliko na sana ako nang humarang ulit siya.

"Do you like him?" tanong niya,

"Ano?" 

"Do you like Rafael?" 

Umawang ang labi ko para sana sabihing 'hindi' pero ganoon na lang ang pag-igtad ko nang biglang may umakbay sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Elias ang gumawa no'n.


Nasaan na yung babaeng kausap niya?

"I told you to back off, didn't I?" Iritadong ani Elias.

Nginisihan lang siya nung lalaki at bumaling sa 'kin. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. 


Sa gulat ay mabilis ko itong inilayo mula sa labi niya. 

"You piece of-"

Hindi natuloy ni Elias ang sasabihin niya nang bigla na lang dumating yung babae na kausap niya kanina sa harap namin.

"I told you to calm down, Rafael," iritang ani nung babae.

"He kissed Elle's knuckles-"

"And?" Tinaasan siya ng kilay nung babae. "Kung may magagalit man sa ginawa ni Kalvin, si Elle 'yon at hindi ikaw. You're such a jerk, hindi naman kayo ni Elle para mag-react ka nang ganyan."

"What?!"

"I said, hindi naman kayo ni Elle."

"Don't piss him more, Mara. Rafael still needs to figure it out-"

"-and you want me to let him give Elle some mixed signals, Kalvin Eiroz?!" 

"What? No, I mean-"


"Men really need to improve as well as their ego. Y'all really sucks when it comes to being possessive over someone or something that you don't own, 'no?" Mara giggled elegantly.


Bumaling sa 'kin si Mara at nginisihan ako, "You know what? You're too gorgeous para lang mag-pauto sa lalaking hindi pa naman sigurado sa nararamdaman niya."

"Mara, stop it," Elias hissed,

"Don't stop me from protecting Elle from you. Leave her alone, just come back if you're not confuse and you're ready to tell her na, hmm?" 


Hindi ko mapigilan ang hindi maguluhan sa mga sinasabi ni Mara kaya naman ay nagsalita na ako. 

"P'wede ko bang malaman kung ano ang ibig mong sabihin, Mara?" Tanong ko.

Nginitian niya 'ko, "This is just a friendly advice, h'wag ka masyadong mag tiwala sa isang taong kakikilala mo pa lang, hindi naman ibig sabihin na ginawan ka niya ng mabuti ay pagka-katiwalaan mo na agad."


Umawang ang labi ko at handa na sanang sumang-ayon sa sinabi niya nang bigla na lang nagsalita si Elias.

"I'm trust-worthy, Mara-"

Humalukipkip si Mara, "You are, but you're not sigurado sa nararamdaman mo kaya I just can't let you give her mixed signals, Rafael. I'm doing it for her, not for you."

"Wait, it's not your decision, Mara. It's not Rafael's decision too. It is Elle's-"

"Don't call her that. Call her, Shanelle, will you?" inis na putol ni Elias kay Kalvin na napailing na lang.

"As what I've said, it is Elle's decision whether she wants to be with Rafael or not-"

"Hindi naman kami ni Elias para gustuhin kong-"

"Heard that, bro? Respect Elle's decision-"

"I don't like her. You're both wrong. "

"Yeah, sure. "

" I said I don't like her-"

"Kailangan ko nang umalis. May kailangan pa 'kong puntahan, " nginitian ko silang tatlo at agad silang tinalikuran.

"Hey, Shanelle. " Rinig kong pag-tawag ni Kalvin sa 'kin.

Hindi na ako nagulat nang harangin niya 'ko.

Ngumiti siya, "Would you agree if I ask you to eat breakfast with me? "

Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Hindi mo naman 'to ginagawa para inisin ulit si Elias, 'di ba? "

Mahina siyang natawa at umiling, "Nah,"

"Bakit mo ko aayain na sumabay sa 'yong kumain ng almusal kung ganoon?" 

"I just want to know you better." 

"'Yon lang?" dudang tanong ko dahil pakiramdam ko ay hindi lang 'yon ang dahilan niya.

"Let's just say that I want to be friend with you," Kumindat siya at ngumisi.

Napailing ako, bakit ang daming offering na nangyayari ngayong linggo?

"Paano si Elias? Inaya niya rin akong mag-breakfast kasama siya,"


Iwinasiwas niya ang kamay niya, "Mara will take good care of him, let's-"

"Ha? H-hindi ba p'wedeng isama na lang natin-"

"I'm sure he'll enjoy Mara's-"

May itatanong pa sana ako pero hindi ko natuloy nang makita ang uri ng pag-tingin sa 'kin ni Kalvin.

"Bakit?" Tanong ko.

Bumuntonghininga siya at umiling, "Nothing."


"Isama na natin si Elias-"

"Let him think for now. I'm sure you'll see him after a month or so-"

"Bakit isang buwan?"

"You heard Mara earlier, right? I know Elias realized what he was doing, just let him be. Babalik din 'yon sa 'yo." aniya. 

"Kahit naman hindi na siya bumalik," parang nakakita ng multo si Kalvin nang tingnan niya 'ko, "Bakit?"

"Delikado ka, bro." Rinig kon bulong niya pa, "Anyway, let's go."

"Saglit," pag-pigil ko kay Kalvin.

"What?"

"P'wedeng ako ang mamili kung saan tayo kakain?"


Mabilis siyang tumango, "Yeah, sure."


-

"How much is this?" Turo ni Kalvin sa dalawang serving ng chopsuey.

Pigil ko ang matawa sa tuwing may bagong customer dito sa karinderya at napapalingon sa kanya. Hindi naman kasi akma sa suot niyang business attire ang lugar kaya agaw pansin talaga ang presensiya niya.

Hindi pa nakatulong ang naka-parada niyang kotse sa tapat ng karinderya.

"Forty-five ang isang serving kaya ninety pesos lahat 'yan." Sagot ko at inurong ang isang serving ng pakbet sa kanya.

Napangiwi siya nang makitang mas marami pa ang gulay kaysa sa sahog no'n. Uminom ako ng tubig habang pinapanood siya, pinipigilan ko ang malakas na matawa dahil sa reaksyon niya.


Pagpasok pa lang namin kanina rito sa karinderya ay halata na na ito ang unang beses na kakain siya rito.

"I don't eat vegetables, Shanelle." ani Kalvin,

Napailing ako at agad na inilayo mula sa kanya ang ulam na in-order ko na may mga gulay. Natira ay yung boiled egg at adobo sa kanya.

"Tingin mo..." Sinadya kong bitinin ang sasabihin ko para makuha ang atensyon niya, "...ano'ng magiging reaksyon ni Elias kapag dadalhin ko siya rito para kumain?"


Humalakhak siya dahilan para mapalingon ang mga naroon sa karinderya pero mukhang wala talagang pakialam si Kalvin sa mga nakatingin sa kanya dahil hindi man lang niya sinulyapan ang mga ito.


"I'm sure Rafael would eat kahit anong ulam pa ang order-in mo." sagot niya.

"Kahit ano kakainin ni Elias?" Paniniguro ko

Tumango siya at bahagyang kumunot ang noo, "Why are you calling him Elias? Don't get me wrong, but as far as I know, Rafael would prefer his first name than his second name. "

Sinubo ko ang kanin na nasa kutsara ko at saka siya sinagot, "Bakit? Wala naman siyang sinabi na tawagin ko siyang Rafael noong unang beses na tinawag ko siyang Elias, "

"Yeah, looks like he really likes you kaya hinayaan ka niyang tawagin mo siya sa pangalawang pangalan niya. "

"Elle naman ang tawag niya sa 'kin, siya pa lang ang unang tumawag sa 'kin ng gano'n kaya tingin ko naman patas lang kami, may masama ba roon? "

Mabilis siyang umiling, "Nothing's wrong with it."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top