Chapter 06

Chapter 06



"Ang init-init naka-sweater ka, biskwit?"




Sumimangot ako matapos marinig ang tanong ni Rica na halatang nang aasar lang naman. Umupo ako sa tabi ni Ate Issa. Nakasuot ako ng dark brown na sweater para matakpan yung pulsuhan ko na namumula pa rin.



"Tigilan niyo na muna si Mari. Zehan, mag-dasal na," ani Ate Issa.


Nang matapos si Zehan sa pag-papasalamat sa mga pagkaing nasa hapag ay nag-simula na rin kaming kumain. Mabilis akong natapos sa pag-kain, ngayon lang ako nag-pasalamat sa usapan namin noon na kung sino ang huling matapos kumain ay siya ang mag-huhugas ng pinag-kainan, kaya hindi na ako mag-huhugas.



Nag-paalam ako sa kanila na matutulog na. Hindi naman nila alam ang nangyari sa trabaho ko kanina at wala rin akong balak ipaalam lalo na kay Ate Issa dahil paniguradong mag-aalala lang siya. She's like the mom of our group, a strict-protective mother of the group to be exact.


Hindi nga lang magaling mag-advice kapag broken sila Rica at Zehan, she's in a relationship with a guy simula High School siya at hanggang ngayon ay sila pa rin.


Nakaupo ako sa gilid ng kama ko habang tinitingnan ang pulsuhan ko na hindi naman na gaanong masakit p'wera na lang kung igagalaw nang biglaan. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.


Kung sa iba na may maayos na bahay ay ayos lang iyon, sa amin na nakatira rito sa lugar ay hindi.


Sa eskinita namin ay may kanal lang sa harap na kapag umulan ay mag-babara kaya ang ending ay babaha at papasok sa loob ng mga bahay ang tubig ulan na nahahaluan ng tubig na mula sa kanal.


Lumabas ako ng kwarto nang marinig ang boses ni Ate Issa na sinabihan si Zehan na kumuha na ng balde. Naabutan ko sila Rica at Ate Issa na nasa tapat ng pinto at sinasalok ang tubig na nakapasok na sa apartment.


Nang makita si Zehan na lumabas mula sa banyo dala ang dalawang balde ay agad kong kinuha mula sa kanya yung isa nang makalapit siya sa 'kin.


Apat na kaming nagsasalok ng tubig na nasa loob na ng apartment saka ibubuhos sa inidoro sa banyo namin.



"Na-predict mo ba na uulan ngayon kaya ka nag-sweater, biskwit?"


Pare-pareho kaming natawa matapos marinig ang tanong ni Rica. Normal na sa 'min ang ganitong eksena tuwing umuulan. Ang sabi kasi ni Ate Issa ay iwasan ang ma-stress kung ayaw pumangit. Kaya kahit na stressing ang ganitong gawainsa tuwing umuulan, dinadaan na lang namin sa pag-uusap nang kung anu-ano.


Dalawang oras din bago tuluyang tumila ang ulan. Pare-parehas kaming pagod kaya and ending ay nasa sofa kaming lahat nakaupo. Mag a-alas dies na at dapat kaninang alas nuebe pa lang ay nasa kanya-kanyang kwarto na kami pero dahil sa ulan at baha, hindi kami nakapag-pahinga ng maaga.



Habang nakatingin sa kisame ay saka ko naman naalala ang sinabi ni Elias, yung tungkol sa offer na condominium para sa mga empleyado ni Dianara. Ang sabi niya ay pwede na rin sila Ate Issa roon dahil may apat na kwarto na raw.



Bumaling ako kanila Ate Issa, naka-pikit ang mga mata niya habang naka-sandal sa pader ang ulo niya. Si Rica naman ay nasa tabi niya na naka-patong ang dalawang siko sa mag-kabilang at naka-tingin sa malayo, nakahilig naman sa balikat niya si Zehan na naka-pikit rin ang mga mata.


Bumuntonghininga ako nang mapag-desisyunan na ang tungkol sa offer ni Dianara.


"May offer na condo yung boss ko,"


Hindi nila ako tiningnan pero alam kong narinig nila ang sinabi ko at hinihintay na lang ang susunod na sasabihin ko.



"Libre na raw ang pag-tira, tubig at kuryente na lang ang babayaran, pwede tayo roon lumipat-"


"Hindi ba scam 'yan?" si Rica.


"Nakausap mo ba yung boss mo kung ano ang proseso niyan o narinig mo lang sa iba?" Tanong naman ni Ate Issa.


Umiling ako at kita ko kaagad ang pag-alma nila sa ginawa kong 'yon.


"Kapatid niya ang nag-sabi sa 'kin."



"So, hindi ang boss mo ang nag-sabi?"


"Hindi, kilala niyo yung Elias na tumawag sa 'kin kagabi, 'di ba? Yung akala niyo ay boyfriend ko-"


"Bakit? Akala ko kayo na-"


"Hindi ko siya boyfriend, Ri. Siya yung may-ari ng cellphone na ginagamit ko ngayon kasi nanakaw yung akin. Siya rin yung tinutukoy ko na kapatid ng boss ko,"


"Oh, my gosh! Hindi kaya may gusto sa 'yo 'yon? Kasi 'di ba bakit ka naman tutulungan no'n kung hindi ka gusto-"


Tinapik ni Ate Issa ang balikat ni Zehan dahilan para tumigil ito sa pag-sasalita.


Umiling ako sinabi ni Zehan, "Sinabi niya sa 'king gusto niya lang tumulong at saka imposible ang mag ka-gusto ang isang tao kahit wala pang tatlong araw na mag-kakilala, Zehan."


Tumango silang tatlo. Tiningnan ako ni Rica.


"Balik na tayo sa topic, tungkol sa condo," Tumango ako.


"Bukas ay pupuntahan kung saan 'yon, malapit siya sa resto-bar kung saan ako nag-tatrabaho. Napaisip din ako na magandang nando'n din kayo, ang sabi naman ni Elias ay may condo na apat ang kwarto at pwede rin kayo roon tumira kasama ako,"



Tuluyan na silang napatingin sa 'kin, nanlalaki ang mga mata sa gulat.



"Wait, tatanggapin mo yung offer na condo tapos doon na rin kami titira kasama ka?" Pag-klaro ni Rica at tumango naman ako.


"Sigurado ka bang hindi scam-"


"Palibhasa kasi Rica lagi kang na s-scam," nakangising biro ni Ate Issa kay Rica.


"Ano? Papayag ba kayo pag sinabi kong doon na tayo tumira?" Tanong ko.


"Payag naman ako, matagal ko na rin gustong lumipat tayo kaso ito lang naman yung kaya nating bayaran na matitirhan."


"Payag ako pag nando'n din kayo." ani Zehan.


Kinabukasan ay maaga akong nagising, pag-gising ko pa lang ay nag-text na ako kay Elias para tanungin kung ano ang exact location ng building ng condominium.


Elias

I'll fetch you.


Hindi naman na kailangan.

Elias

No, it will be less hassle for you.


Kaya nga pero hassle para sa 'yo, 'yon


Elias

Seriously? Just say 'yes', Elle.


Bumuntonghininga ako nang mabasa ang huling mensahe niya. Hindi naman big deal 'yon pero kasi hindi na 'ata normal na sa simpleng pag-message niya ng 'seriously' ay naririnig ko ang boses niya na sinasabi 'yon.


Kaunti na lang ay iisipin kong paboritong salita niya ang 'seriously'.


Lumabas ako sa kwarto dala ang tuwalya ko para maligo na. Mas mabuti nang sa may kalsada na ako puntahan ni Elias dahil tingin ko ay hindi niya magusgustuhan ang lugar na 'to. Noong hinatid niya pa nga ako ay grabe na ang pag-salubong ng kilay niya. Paano na kaya kapag umabot siya mismo rito sa eskinita namin na marami talagang tambay at maingay pa.



Pagkatapos kong maligo ay tanging tuwalya lang ang nag-sisilbing balot sa katawan ko. Nang lumabas ako mula sa banyo ay inaayos ko pa ang pag-ipit no'n sa may dibdib ko. 



Nang mag-angat ako ng tingin ay parang gusto ko na lang biglang humiling na sana hindi na ako naligo. Nasa sala ng apartment namin si Elias. Gago, totoo ba 'to o pinaglalaruan lang ako ng utak ko?



Narinig ko ang malakas na halakhak ni Rica dahilan para mas maramdaman ko pa ang pag-init ng pisngi ko. 

Totoo.


Totoong nandito si Elias.


Kumurap-kurap ako at akmang mag-sasalita na nang maunahan ako ni Elias.


"I'll pretend that I didn't—"


Iwinasiwas ko ang kamay ko dahilan para tumigil siya. Walang pasabi ko silang nilampasan at normal lang akong nag-lakad papasok sa kwarto ko.



Habol ko ang hininga ko nang sumandal ako sa likod ng pintuan matapos itong i-sarado.



Bumaba ang tingin ko sa katawan ko na naka-balot pa rin sa puting tuwalya ko. Nahilot ko ang sentido ko at nag-pakawala ng mahinang mura nang makitang bakat ang tuktok ng dibdib ko dahil hindi naman ka-kapalan ang tuwalya ko.


Saglit pa akong nag-isip kung ano ang sasabihin ko mamaya kay Elias tungkol sa hindi inaasahang nangyari kanina pero agad din akong nag-bihis nang kumatok si Zehan at sinabing bilisan ko dahil nakakahiya kay Elias na naghihintay.



Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ko matapos makapag-bihis.


Agad na nag-tama ang mga mata namin ni Elias, ako ang unang nag-iwas at tiningnan si Ate Issa.


"Alis na kami, Ate." sambit ko at muling tiningnan si Elias.


Agad naman niyang nakuha ang ibig kong ipahiwatig dahil agad din siyang tumayo at nag-paalam sa tatlo. Nauna akong lumabas at nakasunod naman siya sa likuran ko.


Nakita ko kung paano siya tingnan ng mga naroon sa eskinita namin. Ang ilan ay halatang gustong makausap ang lalaking nasa likod ko ngayon.


"Ang pogi, ma. Jojowain ba 'ko niyan?" Rinig kong ani no'ng babae na nasisiguro kong ilang taon na ang tanda sa 'kin.


Hindi ko alam kung narinig ni Elias 'yon o hindi dahil parang wala naman siyang pakialam nang lingunin ko siya, ako pa tuloy ang nahiya sa biglaang pag-lingon ko nang sinalubong niya ang tingin ko.



Nakarating kami sa tapat ng condominium nang hindi nag-uusap. Lihim ko na rin na ipinag-pasalamat iyon dahil hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na nando'n na pala siya.



Kung alam ko lang ay sana dinala ko na lang ang damit ko sa loob ng banyo para roon na mag-bihis.



"—and we can, are you listening, Elle?"


Dalawang beses akong kumurap nang marinig ang boses ni Elias. Bumaling ako sa kanya,


"A-ano, paki ulit ng sinabi mo. Hindi ko naintindihan." ani ko.



Tumango siya, "I said, you can choose which condo unit and we can check every penthouse too, if you want. "


"Condo lang naman ang offer sa 'min, bakit napunta sa penthouse?" Nagtatakang tanong ko.



"I heard the owner of the building, he told me that he changed his mind. His sister's employee can choose if they want a penthouse or a condo." paliwanag niya.



Napatango ako, "Ang sabi mo ay may condo rito na may apat na kwarto, 'di ba?"



"You don't want a penthouse?"


"P'wede ko bang makita yung condo na may apat na kwarto?" Tanong ko sa kanya imbes na sagutin siya.


Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin bago tumango, "Of course,"



Agad kong tinanggal ang seatbelt ko pero nang lingunin ko si Elias at makitang hindi pa rin ito gumagalaw ay dumukwang na ako palapit sa kanya para i-check kung okay pa ba siya.



"Elias." ani ko at sinilip ang mukha niya.



Mag-kasalubong ang dalawang kilay niya na para bang may kaaway siya.



Napaatras ako nang bigla siyang kumurap at sinalubong ang tingin ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko dahilan para halos dumagundong ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.


Kumunot ang noo ko nang ilang beses siyang nag-pakawala ng mura, kahit na may kahinaan iyon ay rinig ko pa rin lalo na at malapit lang naman ako sa kanya.


"Let's go,"


Lumabas siya ng kotse kaya naman ay lumabas na rin ako. Nang makalapit ako sa kanya ay diretso ang tingin niya sa dalawang guwardiya na may kung anong binibigay na tingin kay Elias.


"You can go in the lobby. I just need to call someone," ani Elias at tumango naman ako.


Hinayaan ako ng dalawang guwardiya na makapasok pag-katapos nitong sulyapan ng dalawang beses si Elias. Nang makarating sa main lobby ay naupo muna ako sa malaking couch na naroon.



Ilang minuto lang din naman ang lumipas ay pumasok na si Elias at agad na dumiretso papunta sa 'kin. Tumayo ako para salubungin siya.


"Wala ka bang trabaho? P'wede mo naman na akong iwan dito, itatanong ko na lang sa—"


"I cleared my appointments for today. Let's go, we will eat breakfast after this."


Tumango ako. Hindi pa nga pala ako nakakapag-almusal.


"Ako naman ang mag-babayad ng kakainin natin ngayon." sabi ko habang nag-lalakad kami ni Elias papunta sa elevator.


Tiningala ko siya para makita ang reaksyon niya, at gaya ng inaasahan ko ay nakakunot na ang noo niya.


"I can pay—"


"Ituring mo na lang na pambawi ko lang sa pag-tulong mo sa 'kin," binigyan ko siya ng matamis na ngiti.



Huminto kami sa tapat ng elevator pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya, nang bumaling siya sa 'kin ay halos kabahan ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya habang nakatitig sa 'kin— o mas tamang sabihin na nakatitig siya sa labi ko.



Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ko nang biglang tumaas ang kamay niya at inipit ang tumakas na hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko.



Dumukwang siya papalapit sa 'kin dahilan para hindi ako maka-galaw. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko dahil sa ginawa niya.


"Damn, gorgeous." he whispered.


"Elias..."


Pakiramdam ko ay hinang-hina ako matapos marinig ang baritonong boses niya. Humugot ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay anumang oras pero sana pala ay lumayo muna ako sa kanya bago ko ginawa iyon dahil ang mabangong amoy ni Elias ang nalanghap ko, kaya imbes na makatulong ay mas lalo pa akong nanghina.



Nanlaki ang mga mata ko nang biglang hapitin ni Elias ang bewang ko papalapit sa kanya.


"You okay?" Tanong niya.


Tumango ako at napalunok nang mapansin kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Kung titingnan sa malayuan ay nasisiguro kong aakalain ng iba na nakayakap sa 'kin si Elias.


"Elias," pag-tawag ko sa kanya.


"Hmm?"


"Bitiw na," bulong ko.


"Hmm, alright."


Tinanggal niya ang braso niya na nakahapit sa bewang ko at umayos ng tayo saka pinakatitigan ako. Nag-baba ako ng tingin at nag-kunwaring inaayos ang damit ko.


Saka lang ako nag-angat ng tingin sa kanya nang maramdaman kong bumalik na sa normal ang pag-tibok ng puso ko.



Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nang mabilis na pag-tibok ng puso ko. Hindi rin naman ito ang unang beses na naramdam ko 'to.


Kaya hangga't maaari ay susubukan kong pigilan ang sarili ko na mahulog ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top