Chapter 04

Chapter 04


Pagdating ko sa trabaho kinabukasan ay nakasabay ko pa sa pagpasok si Vio.


"Ang aga mo ngayon-"


"Sira, alas otso naman talaga ang pasok natin." Putol ko kay Vio nang makapasok kami sa locker room.


"Late ka kasi kahapon." Sagot niya habang sinusuot ang apron.


"Hindi naman. Maaga lang talaga kayo kahapon," Sagot ko at nagsimula na rin isuot ang apron ko.


"Kasali ka na ba sa group chat na gawa ni Carol?" Tanong niya dahilan para kumunot ang noo ko.


"Hindi, bakit?"


"I-a-add kita. Ano bang pangalan mo sa facebook?" Tanong niya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon.


Inilabas ko naman yung cellphone na bigay ni Elias. Hinanap ko ang facebook app doon, madali ko lang nahanap dahil naka-folder ang mga apps. May social media na pangalan yung folder.


Binuksan ko ang facebook doon at agad na nagulat nang makitang naka-log-in pa ang account ni Elias. Agad ko 'yon ni-log-out, hindi ko ni-remove, baka kasi magbago ang isip niya tapos kunin niya rin 'tong cellphone.


Bumuntong hininga ako. Kailangan ko na talagang makapag-ipon para makabili ng cellphone at maibalik 'to kay Elias.


"Mamahalin ng cellphone mo. Isinangla ba sa 'yo?" Biglang tanong ni Vio na nakatingin na pala sa 'kin.


Dahil sa hindi ko alam ang isasagot ay tumango na lang ako.

"Anong pangalan mo sa facebook?" Tanong niya at hindi na inusisa pa kung kanino galing ang cellphone na ipinagpasalamat ko naman.



Simula kasi kagabi ay hindi na ako tinigilan nila Rica at Zehan kung sino raw nagbigay kaya mas magandang sabihin na isinangla na lang.


Pagkatapos akong i-add ni Vio sa group chat ay nagsimula na rin kaming mag trabaho dahil isa-isa nang dumating ang mga kasamahan namin.


"Mari, Table 7, sa kapatid 'to ni Ma'am Dianara." Ani Carol at iniabot sa 'kin ang tray nang saktong makapasok ako sa kitchen.

Kumunot naman ang noo ko nang tawagin niyang 'Ma'am' si Dianara. Nagbago na ba ang isip ni Dianara na 'wag siyang tawaging 'Ma'am'? Dapat na rin siguro akong masanay na tawagin siyang Ma'am.


Nakakahiya naman kung marinig ng mga kasama ko na Dianara lang ang tawag ko sa kanya.


Lumabas ako sa kitchen bitbit ang isang tray. Hindi gaya kahapon na dalawang tray at puno pa, ngayon naman ay isa lang tapos tanging pancake at black coffee na lang ang nasa tray.


Agad kong namataan si Elias na naroon ulit sa pwesto niya gaya kahapon. Abala siya ngayon sa laptop niya na nakapatong sa lamesa at may dalawang folder sa gilid.


Nang makalapit sa table niya ay dahan-dahan kong inilapag ang order niya sa katabing mesa para hindi magalaw yung folder at laptop niya sa kabila.


Hindi siya nag-angat ng tingin kaya ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang magsalita habang nakatuon pa rin ang mga mata sa laptop niya.


"Have you decided about living in the condominium, Elle?" Tanong niya.


Saglit akong napatitig sa kanya, tinatantiya ang mood niya ngayon. Mukha naman siyang maayos at seryoso lang talaga.


"Oo, sasabihan ko na lang ang Ate mo-"


"No, you don't have to tell her. I'll be the who's gonna send you to the condominium-"


"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Hindi ko na napigilang itanong.


Wala na akong pakialam kung magtaka ang mga kasama ko kung bakit kausap ko siya. Naguguluhan ako kay Elias. Ang hirap niyang intindihin. Kakikilala lang namin sa isa't-isa kahapon tapos bigla na lang ganito na akala mo close na kami.


Tiningnan niya ako at sumandal sa upuan kung saan siya nakaupo.


"I'm just doing this to help-"


"Hindi ko naman kailangan ng tulong para makapunta sa condominium-"


"You need it. The owner of the condominium is my friend."


"Ang gulo mong kausap. Kakausapin ko na lang si Dianara, siya naman yung boss ko at nag-offer nito, 'di ba?"


"No, seriously. My sister is busy, she's pregnant and it will just stress her if...if she still needs to explain to her employees about the offer."


Doon naman ako napaisip. Buntis nga pala si Dianara, pero kahit sagutin niya lang yung tanong ko kung saan ang address, ayos na 'yon at kahit ako na lang mag-isa yung pumunta sa condo na sinasabi ni Elias.


"Bakit ba gustong-gusto mo ang tumulong?"


Akmang sasagot siya nang marinig ko ang pagtunog ng bell mula sa counter, hudyat na may order na kailangang ihatid.


"Mag-usap tayo mamaya kasama ang mga kasamahan ko, tutal sabi mo naman ay para sa 'ming mga employee 'tong offer na condo," Ani ko bago tuluyang umalis sa harap ni Elias para magpunta sa kusina.


"Ano 'yon? Mali raw ba yung order?" Tanong ni Carol na mukhang nakita ang pag-uusap namin ni Elias.


"Tinanong lang kung ano...kung nariyan ba sa opisina si Dia- Ma'am Dianara." Sagot ko at kinuha na yung panibagong order.


Table 9.


Ramdam ko ang titig sa 'kin ng kung sino habang naglalakad ako patungo sa Table 9 kung saan may isang lalaki na nakaupo, nakatalikod siya mula sa direksyon ko.


Diretso ang tingin ko sa order nang isa-isa ko iyong inilapag sa table.


"Ito na ba yung trabahong ipinagmamalaki mo, Maricar?"


Pigil ko ang mapasinghap nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon galing sa lalaki na nasa Table 9. Ano'ng ginagawa niya rito? Paano niya ako nalaman na nandito ako?


"Lucas..."


Kahit sa pagbanggit ko ng pangalan niya ay nahihirapan na agad akong huminga. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mahigpit na paghawak niya sa pulsuhan ko nang akmang aatras na ako.


"Hindi mo sinabi sa 'kin na iiwan mo ako para lang maghirap dito-"


"Wag ngayon, nasa trabaho ako," Mahinang sabi ko at maingat na kumakawala sa pagkakahawak niya.


"Ikakasal na dapat tayo. Tapos ano? Iiwan mo ko kasi ayokong mag trabaho ka?" Lumakas ang boses niya dahilan para nahihiya akong napalingon sa paligid.


"Bitawan mo 'ko-"


Pakiramdam ko kaunting kalabit na lang sa 'kin ay maiiyak na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung bakit ba naman kasi kailangan pang magpunta ni Lucas dito.


Tahimik na ang buhay ko e'.


"Uuwi ka na sa 'kin-"


"Let go."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Elias sa gilid ko at pilit na hinihiwalay ang mahigpit na pagkakahawak ni Lucas sa pulsuhan ko.


"Sino ka naman, ha?!" Tumayo si Lucas at mayabang na itinulak ang balikat ni Elias.

Hindi man lang gumalaw si Elias sa ginawang pagtulak ni Lucas. Nang makita ko kung gaano kagalit si Lucas dahil sa biglaang pagsulpot ni Elias ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa.


"Umalis ka na,"


Pinilit kong maging mahinahon. Pinilit kong huminahon pero tangina, sinusubok talaga yata ang pasensiya ko dahil nang marahan akong hinila ni Elias patungo sa likod niya ay bigla na lang umatake ng suntok si Lucas sa kanya.


Ilang tili at pagsinghap ang narinig ko dahil sa ginawa ni Lucas. Hawak na ni Elias ang kamao ni Lucas na para bang isa lang iyong stress ball kapag ikinumpara sa kamao ni Elias.


Akmang aatake muli si Lucas nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaki na puro itim na kasuotan at pilit na hinila si Lucas palabas ng resto.


Humarap sa 'kin si Elias at itinaas ang pulsuhan ko na hawak kanina ni Lucas.


Nagsalubong ang mga mata niya nang makitang namumula iyon at nasisiguro ko na ilang oras lang ay mamamaga na 'yon.


"Let's go to the hospital-"

Kumawala ako mula sa pagkakahawak niya sa 'kin at umiling habang nakatingin sa mga mata niya.


"Hindi na kailangan. May trabaho pa 'ko-"


"F*ck, work. Your wrist needs to get treated before it gets swollen, Elle."

Hindi ko alam kung malakas ang boses ni Elias o tahimk lang talaga ang resto kaya halos mapasinghap ang mga nakarinig sa sinabi niya.


"Hindi ako p'wedeng umalis-"


"Well, you can, now." Sumulyap siya sa bandang dulo ng resto kung nasaan ang opisina ni Dianara.


Nang sinundan ko ang tingnan niya ay napahiling na lang ako na lamunin ako ng lupa nang makitang naglalakad palapit sa amin si Dianara, nasa likod niya ay ang isang babae rin na may kulay abong mga mata, nakangisi ito, malayong-malayo sa seryosong mukha ni Dianara ngayon.


Mabilis akong yumuko nang makalapit sila sa 'min, "Sorry po sa nangyari-"


"Seriously?"


Hindi ko mapigilang hindi pansinin ang accent ni Elias sa pagsabi no'n.


'Sirsly?'


"Why do people keep apologizing even though they know that they didn't do anything wrong?" Tinaasan ako ng kilay nung kasama ni Dianara na kung hindi ako nagkakamali ay kapatid nila ni Elias.


"Sorry-"

"Stop saying 'sorry'. It was not your fault that your fiancé is-"


"He's not Elle's fiancé." Putol ni Elias doon sa babaeng kanina lang ay nakangisi.


"Oh, really, Kuya? You heard what the man told her-"


"Wag kayo ritong magtalo, may mga customer na kumakain, doon kayo sa opisina ko." Sinamaan sila ni Dianara ng tingin dahilan para matigil yung dalawang kapatid niya.


Hinawakan muli ni Elias ang pulsuhan ko na hindi namumula, akmang tatanggi na ako nang biglang magsalita yung kapatid nila ni Dianara.


"Just go. Stop being hard-headed nga." Halatang naiirita na siya dahil sa nangyari kaya wala rin akong nagawa kundi ang sumama na lang kay Elias.


Lumabas kami mula sa resto, at nang naglalakad na kami patungo sa kotse niya ay nakita ko pa hindi kalayuan si Lucas at yung dalawang lalaki na mukhang bodyguard na pinipigilang makalapit sa 'min.


"Ano?! Hindi ka pa rin babalik sa isla? Hintayin mo lang at malalaman ng magulang mo lahat-"


"Will you shut up? Your voice is irritating the hell out of me."


Ngayon ay si Elias naman ang naiinis o mas tamang sabihin na galit.


Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Kahit kailan hindi na ako nilubayan ng problema e'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top