Chapter 03

Chapter 03


"When are you leaving this dangerous place, Elle?"


Kumunot ang noo ko, hindi dahil sa tanong ni Elias kundi dahil sa itinawag niya sa 'kin. Ito ang unang beses na may tumawag sa 'king 'Elle'.


"Hindi ko alam—"



"You look problematic, did something happen?"



Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kung bakit hindi pa 'to umalis at kung bakit puro siya tanong na para bang kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.




Ganito rin ba siya sa ibang hindi niya kilala? 




"Nanakaw ang wallet at cellphone ko." Pairap akong bumaling sa kotse niya na nakaparada sa harap ko.




Hanggang ngayon ay stress pa rin ako dahil sa pagkawala ng wallet at cellphone ko. Ayos lang sana kahit yung cellphone na lang ang kinuha at hindi na yung wallet. 



"Did you see the thief's face?"



Umiling ako.



Bigla siyang tumayo at naglakad sa harapan ko dahilan para amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. Parang gusto ko na lang mapapikit sa sobrang bango.



Tumingala ako para salubungin ang tingin niya.



"Bakit?" Takang tanong ko nang ilahad niya ang kamay niya sa 'kin.



"Let's go, I'll take you home." 


Tumawa ako bago tumayo pero hindi naging sapat 'yon para masalubong ang tingin niya kaya kailangan ko pang tumingala ng kaunti.



Pakiramdam ko ay kulang pa ang 5'6 height ko kapag katabi ko si Elias. Hanggang balikat niya lang kasi ako.



"Bakit mo ko ihahatid? Hindi kita kilala at gano'n ka rin sa 'kin—"



"I already introduced myself to you, what else do you want, hmm?" 



Yumuko siya dahilan para mapaatras ako na sana pala ay hindi ko na ginawa dahil sa pag-atras ko ay saktong tumama ang likod ng tuhod ko sa bakal na upuan ng waiting shed. Gulat man ay mabilis akong kumapit sa braso ni Elias para hindi ako tuluyang bumagsak, naramdaman ko naman ang palad niya sa likod ko para pigilan ako sa pagbagsak.



Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Tumitig ako sa kulay abong mga mata ni Elias dahilan para mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko, balak pa yatang kumawala para lang makalapit sa lalaking nasa harapan ko ngayon.



"Libra. I'm a 27 year-old man. CEO of Hidalgo Empire. A brother of three girls. My blood type is A+. October 7 is my birthday. Soon to be uncle of his twin sister's child. A man who loves to take care of children." 



Hindi ko mapigilan ang pag-awang ng labi ko sa narinig. Seryoso pala siya sa pagpapakilala? 



"Mahilig kang...mag-alaga ng bata?"



Hindi ko naman na dapat itanong 'yon dahil nasabi na niya, pero hindi ko lang mapigilang mamangha na ang lalaking 'to na hindi man lang makitaan ng kung anong emosyon sa mukha ay mahilig palang mag-alaga ng mga bata.



"Yeah," Mababa ang boses na sagot niya.



Binalot ng katahimikan ang paligid dahilan para nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin.


"So, do you trust me now?"



Umingos sa tinanong niya, "Hindi naman ganun kadali ang mag tiwala–"


"Okay, I'll leave now."


Tinalikuan niya 'ko at akmang hahakbang na papunta sa kotse niya nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng pagkapit ko sa damit niya.


Humaap siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay, napalunok ako dahil sa biglang pagsusungit niya, 



"What?" 


Hindi ko alam kung bakit bigla ma lang siya nagsusungit ngayon.


"B-bakit parang ang sungit mo na?" Kinakabahang tanong ko.



Hindi niya ako sinagot at magkasalubong ang kilay na tinitigan lang ako.



"A-ano...sasama na 'ko." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang umaliwalas ang mukha ni Elias na para bang hinihintay niya lang ang pagpayag ko.



Bumaba ang tingin niya sa labi ko dahilan para mas dumiin ang pagkakagat ko.



Malalim siyang bumuntong hininga at nag-iwas ng tingin sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko, "Let's go..." 



Pinakawalan ko ang pagkakagat sa ibabang labi ko bago tinanggap ang kamay niya pero agad akong napabitaw sa kamay niya nang makaramdam ng hindi pamilyar na pakiramdam.



Para akong napapaso nung nagkadikit ang palad namin.



Nagtataka ang tingin ni Elias dahil sa biglaan kong pag bitaw.



"What's the problem?" 



"Wala. 'Wag ka na lang munang didikit sa 'kin," Sagot ko.



Nagkibit balikat siya at binuksan na lang ang pinto ng shot gun seat kaya naman ay pumasok na rin ako.



Ito ang unang beses na nakasakay ako sa isang mamahaling sasakyan. Amoy na amoy ko ang pabango ni Elias. Maya-maya lang pumasok din si Elias sa loob at nagsimula nang mag maneho.



Sinasabi ko sa kanya kung saan dadaan patungo sa apartment na tinutuluyan ko. Hindi naman umabot ang isang oras ay nakarating din kami sa papasok na daan, sa gilid ng isang malaking establisyemento ay may kasada papasok sa mga bahay na napapabayaan na ng gobyerno.



Madilim ang daan patungo doon, pansin ko rin ang pagkunot ng noo ni Elias nang makita niya ang nag-iinuman na mga lalaki sa daan na napatingin sa kotse niya.



Nakita ko kung paanong umigting ang panga niya nang may makita pang isang grupo ng mg a lalaking naka-short lang sa gilid at may hawak na foil na inaamoy-amoy pa.



Paano kaya niya makakauw mamaya? Masyasong delikado kung dito ulit siya dadaan mamaya at baka mapag-trip-an siya ng mga lasing o di kaya ay nga tambay kanina.


"Elias, dito na lang ako. isang liko na lang naman ay papasok na sa eskinita–"



"Since when did you start to live here?"



"Noong nakaraang buwan lang. Ibaba mo na 'ko rito, kaya ko–"



"And you're work will end every 8PM?" Nagsalubong ang kilay matapos itanong iyon.



Inihinto niys ang kotse sa gilid ng kalsada, tanaw ko na mula rito ang eskinita namin na papatay-patay na ang ilaw sa may poste.



"Ngayon lang naman ako nakauwi ng ganitong oras," sagot ko sa kanya at sinimulan nang i-unbuckle ang seatbelt ko.



"Ihahatid kita sa mismong apartment mo." mariing aniya at in-unbuckle na rin ang seatbelt niya.


Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pag labas, halatang iritado siya at hindi ko alam ang dahilan.



"Wag mo na akong ihatid, ikaw dapat ang umuwi na agad at baka mapag-trip-an ka nung mga lasing–"



"No–"


"Ano ba, nakakainis ka na. Kapag may nangyaring masama sa 'yo hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Dianara." Hindi ko na napigilang sigawan siya.



Hindi pa nakaktulong ang kaba na nararamdaman ko dahil sa naiisip na may masamang mangyari kaniya.


Nakatitig siya sa 'kin ng ilang segundo bago bumuntong hininga. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa dashboard ng kotse nya.  Kunot ang noo na pinanood ko siyang may tinitipa na kung ano roon.



Maya-maya lang ay kinuha niya ang palad ko at pilit na pinahawak sa 'kin ang cellphone niya.


"Ano'ng–"


"Just take it, I'll call you once I get home,"



"Hindi naman kailangan–" 



"Stop being stubborn, will you?" Siya naman ang iritdao ngayon.


Umawang labi ko para sana sabihin na 'ibabalik' ko rin sa kanya 'to bukas pero naunahan niya ako at mukhang nahulaan pa kung ano ang ssabihin ko.



"That's yours. Don't bother to give it back to me, Elle. Just accept it,"


"Pero–"


"Go home safely. I'll call you later,"


Wala na akong nagawa kundi ang lumabas sa kotse niya at naglakad papasok sa eskinita.



Nang makapasok sa apartment namin ay agad akong sinalubong ni Ate Issa na nasa maliit naming sala. Nasa sahig naman nakaupo si Rica, na sa tingin ko ay gumagawa ng resume niya.



Umupo ako sa maliit naming sofa, katabi si Ate Issa, hinubad ko ang suot kong sapatos at nilagay iyon sa shoe rack n nasa gilid lang ng sofa.


Sumandal ako at ipinikit ang mga mata ko dahil sa pagod.


"Bago?" Rinig kong tanong ni Zehan, ang pinaka bata sa 'ming apat.



Alam ko na agad ang itinanong niya dahil naramdaman ko ang kamay ng kung sino sa kanilang tatlo na kinuha mula sa pagkakapatong sa hita ko ang cellphone na ibinigay ni Elias.



"Hoy, gago saan galing? Ang mahal nito, ito yung latest model ng iPhone, 'di ba?" Pati si Rica ay naki-usisa narin.



Iminulat ko ang mga mata ko at sakto namang na-ring yung cellphone na bigay ni Elias na ngayon ay hawak na ni Ate Issa at ibinigay sa 'kin.



"Hala, dalaga na ang biskwit namin," Sinamaan ko ng tingin si Rica na tinawanan lang ako.



May biskwit daw kasi na Marie na katunog ng palayaw ko na Mari.


"Elias ang pangalan, ikaw ha, sino 'yan–"



"Shh.." Pagsaway sa kanila ni Ate Issa nang kinuha na ang cellphone at sinagot ang tawag ni Elias.



Ang bilis niyang nakauwi.


"H-hello?"


Inirapan ko si Rica na impit na napatili.



"I'm home..." Pinigilan ko ang srili kong kagatin ang pangibabang labi nangmarinig ang baritonong boses ni Elias mula sa kabilang linya.



"Nakauwi na rin ako,"


"Sana all." Hindi na napigilan ni Zehan ang pagsasalita,



"Was that your friend?" Tanong ni Elias na narinig pala si Zehan,


"O-oo, may sasabihin ka pa ba? Ibaba ko na–"


"W-wait...my sister offered a condominium, near your work place–"


"Mahal–"


"Putangina, Zehan. Narinig mo 'yon? Mahal daw, my single ass could never–"


"Never talaga kasi wala ka namang boyfriend, Ate Rica 'di ba?" Inosenteng sagot pa ni Zehan,


"Aba't–"



Tumayo ako mula sa inauupuan at pumasok na sa kwarto dala ang gamit ko,



"Elle?" si Elias.



"Lumipat lang ako ng lugar, ag ingay ng mga kasama ko," Wika ko,


"The condo is free for my sister's employee–"


"K-kailan sinabi na may gano'n?"



"You can live with your friends there, it's well-guarded and it would be less hassle for you to go to the resto-bar,"


Napaisip ako sa sinnbi niya. Mas mapapadali nga kung ganoon, ang sabi naman niya ay offer iyon para sa mga empleyado ni Dianara, isa pa mas matitipid koang pera ko dahil wala akong babayaran na renta dahil libre, malapit din sa resto-bar kaya hndi ko na kailangang bumiyahe ng matagal.



"Pag-iisipan ko, kakausapin ko rin yung tatlong kaibigan ko,"


"Alright,"


"Good night, Elias." 


"Good night, Elle."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top