Chapter 02
Chapter 02
"Uuwi ka na?" Tanong ko kay Carol nang makapasok ako sa kusina, katatapos ko lang mag-serve ng isang dish doon sa bagong dating na customer.
24/7 ang resto-bar, sa katabi nito ay isang bar na si Dianara pa rin ang may-ari.
"Oo, ikaw ba?"
Nilingon ko ang locker room na kadugtong lang nitong kusina, "Huhubarin ko lang 'tong apron ko tapos uuwi na rin."
"Ah, sige. Mauna na 'ko ha, nag-text sa 'kin yung boyfriend ko." Aniya na kaunti na lang ay titili pa yata dahil kinikilig siya.
Tumango ako, "Sige, ingat."
Nang makaalis si Carol ay dumiretso na ako sa locker room para ilagay ang hinubad kong apron sa locker ko. Kinuha ko na rin ang bag ko na may lamang extra t-shirt.
Walang pagdadalawang-isip na hinubad ko ang puti kong t-shirt na kaninang umaga ko pa suot-suot. Pagkatapos ay inilagay ko sa bag ko at kinuha naman yung black t-shirt ko para suotin.
Pagkatapos kong makapag-palit ng damit ay inilugay ko na ang buhok ko dahil buong araw na itong nakatali. Bumagsak iyon hanggang sa bewang ko.
Plano ko nga'ng magpaputol pero sa susunod na buwan na lang siguro, kaunti na lang ang libreng oras ko dahil halos buong araw kami sa resto.
Mas pipiliin ko pa nga ang magpa-night shift bilang waitress sa resto dahil wala masyadong customer at makakapag-pahinga ako pero sa susunod na buwan pa ang pagpapalitan ng shift naming lahat.
Nang makalabas ako mula sa kusina ay inayos ko ang pagkakasuot ko ng back pack ko.
"Ang ganda naman ng muse namin." Pinigilan kong mapairap sa itinawag ni Jasmine sa 'kin.
"Tigilan niyo na 'yan sa si Shanelle, nananapak 'yan." Ani naman ni Vio.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi nila at nag paalam na lang na uuwi na. Inaantok na 'ko. Gusto ko na lang biglang humiga sa kama sa apartment ko at matulog.
Pero bago 'yon, siyempre, kailangan ko pang harapin ang reyalidad na ba-biyahe pa ako ng trenta minutos o isang oras bago ako tuluyang makapagpahinga.
Paglabas ko ng resto ay malakas na simoy ng hangin ang sumalubong sa 'kin.
Mag a-alas nuebe na kaya kaunti na lang ang mga sasakyan na dumadaan sa tapat ng resto. May malaking parking space sa tapat ng resto-bar. Sa tapat ng bar ay maraming magagarang sasakyan ang naka-park na nasisiguro kong ang mga may-ari ay nasa club na.
Kabubukas lang nitong resto-bar ni Dianara pero marami na ang customer at halos mayayaman pa. Hindi na rin naman kataka-taka lalo na nang malaman ko kanina na isa siyang Hidalgo tapos ay ikakasal pa kay Zihyun Jaire.
Naglakad ako papunta sa terminal ng bus na malapit lang dito sa resto-bar at naghintay ng bus sa waiting shed.
Maraming ilaw sa kinaroroonan ko kaya hindi ako nakaramdam ng kaba na may bigla na lang hahablot ng bag ko. Mas lalo naman akong napanatag nang tumabi yung isang babae sa 'kin na tingin ko ay kagagaling lang din sa trabaho.
Hindi naman nagtagal ay may bus na dumating. Tumayo ako para sumakay doon pero sadyang nagmamadali yata yung babae na makasakay dahil binangga niya pa ako para lang mauna siyang makapasok sa bus.
Napailing ako at hinayaan na lang. Gets ko naman na galing siyang trabaho kaya siguro ay pagod siya at gusto nang magpahinga gaya ko pero hindi man lang ako nakatanggap ng 'sorry' galing sa kanya.
Bumuntong hininga ako at inayos ang backpack ko bago sumakay sa bus.
Wala na masyadong pasahero na ipinagpasalamat ko naman dahil hindi ko na kailangang tumayo gaya kaninang umaga. Sa pinaka dulo ako naupo.
Umandar na yung bus at ilang sandali lang ay huminto rin, bumaba iyong babaeng kasabay kong naghintay sa waiting shed kanina.
Nang makababa ang babae ay saka naman lumapit yung konduktor ng bus para sa ticket.
Bubuksan ko na sana yung back pack ko para kunin ang pitaka ko pero ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakabukas na iyong isang zipper kung saan ko nilagay ang wallet ko.
"Ano'ng nangyari, Miss?" Takang tanong ng konduktor nang makitang hinahalughog ko na ang bag ko.
Tang ina. Nawawala yung wallet ko.
"Saglit lang po, nawawala po kasi yung wallet ko." Nakagat ko ang pangibabang labi ko nang masulyapan ang dismayadong mukha ng konduktor.
"Ibababa ka na lang namin—"
"Po?" Doon na ako napa-angat ng tingin sa kanya.
"Ibaba ka na lang namin sa huling terminal ng bus, wala kang pambayad." Anito.
Gusto kong maiyak sa kamalasan ko ngayong araw. Tang ina naman.
"S-sige po, pasensya na talaga." Nahihiyang ani ko.
At gaya nga ng sabi nung konduktor ay ibinaba nga nila ako sa sumunod na terminal ng bus.
Napaupo ako sa bakal na upuan sa waiting shed habang nasa tabi ko naman iyong back pack ko.
Pati ang cellphone ko ay nanakaw. Alam kong masamang manisi lalo na at kung hindi naman sigurado at walang ebidensya pero malakas ang pakiramdam ko na yung babaeng kasabay ko kaninang sumakay ng bus ang nagnakaw.
Imposible rin na naiwan ko sa locker dahil hindi ko naman inilabas ang wallet at cellphone ko habang nasa trabaho kanina.
Kung bakit naman kasi ang tanga ko para hindi mapansin na binuksan na pala yung bag ko kanina.
Itinukod ko sa tuhod ko ang siko ko at sinapo ang mukha ko. Nanatili akong nakayuko at tinititigan lang ang suot kong puting rubber shoes.
"You okay?"
Napaigtad ako matapos makarinig ng boses ng isang lalaki.
"Hmm..." I hummed and didn't bother to look at the guy infront of me. Nanatili ang tingin ko sa rubber shoes ko pero kahit gano'n ay nakikita ko rin ang puting rubber shoes ng kung sino man ang nasa harapan ko.
"You're not okay." Deklara pa nito na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"You work as a waitress on my sister's resto-bar, right?"
Doon na niya nakuha ang atensyon ko, inangat ko ang tingin sa mukha niya at ganoon na lang ang gulat ko nang makita yung lalaki kanina sa Table 7 na tinulungan akong ilagay sa table nila yung isang tray.
"Ikaw?" Tanong ko pa kahit na alam ko naman na siya talaga 'yon.
Sino ba naman ang makakalimot sa kulay abo niyang mga mata? At ano nga ulit ang tinanony niya? Kung nag tatrabaho ba raw ako sa resto-bar ng sister niya?
Ngayon ko lang napagtanto na magkamukha sila ni Dianara, lalo na ang kulay ng mga mata nila. Gray.
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko at napasulyap sa itim na kotse na hindi ko man namalayan ang pag parada kanina sa harap ko.
Bakit parang pamilyar ang magarang kotse na 'yon?
"I accidentally saw you came out from the bus and sat here like you're having a big problem." Walang pasabi siyang naupo sa tabi ko dahilan para maamoy ko ang mabango at halatang mamahalin niyang pabango.
Na-conscious tuloy ako kung ano ang amoy ko. Pakiramdam ko amoy pawis na ako e'.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko at tumingin sa harapan ko.
Hindi ko yata kakayaning makasalubong yung magagandang mga mata niya. Pakiramdam ko ay natutunaw ako tuwing nakatitig ako doon.
"It's dangerous when you're alone at this place, you know."
"Alam ko, ang tinatanong ko lang ay kung bakit ka nandito."
"'Cause it's dangerous—"
"Alam mo naman pala na delikado tapos hihinto ka pa rito—"
"Forget about it. Let's change the topic,"
Pigil ko ang matawa sa narinig, bakit parang makaasta 'to ay parang isa sa mga kaibigan ko.
"Hindi ako nakikipag-kwentuhan sa hindi ko kilala—"
"Then, let me introduce myself to you. I'm Rafael Elias Hidalgo."
Naglakas loob akong salubungin ang tingin ko sa kanya para magpakilala.
"Shanelle Maricar Rivares, nice to meet you, Hidalgo."
Natawa siya matapos marinig ang itinawag ko sa kanya, "Nice to meet you too, Rivares."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top