8: Isang Surpresa: Nasurpresa Nga Si Rocco
Isang Surpresa: Nasurpresa Nga Si Rocco
"Totoo ba?" Isang napakalakas na sigaw ni Rocco ang umalingawngaw sa loob ng condo.
Kasunod ang pagbagsak ng isang galon ng ice cream sa sahig.
Naglakad siya papalapit. Napaatras ako't napasandal sa pader. Magkaharap na kami ngayon.
"Pinagmukha mo akong tanga!" Ramdam ko ang kanyang poot matapos suntukin ang matigas na pader.
Napayuko ako at walang imik.
"Wala man lang akong kaide-ideyang ang babaeng minahal ko ay natikman na ng iba," usal niya.
Hindi ko napigilang mapaluha. Tama naman siya at hindi ko siya masisisi.
"Wala kang alam," mariin kong sinambit.
Napaatras siya. "Tama ka, wala nga akong alam."
Nagagalit ako sa sarili ko. Wala akong magawa. Ayoko lang namang buhay niya ang maging kapalit.
Nagtungo ako sa loob ng kuwarto. Kaagad na nag-empake. Hindi na ako nagdalawang isip pa--- iiwan ko na siya.
Halo-halong emosyon ang nadarama ko. Galit. Poot. Pagsisisi. Gusto ko lang naman siyang mailayo sa kapahamakan. Mali ba'ng maghangad ako ng kaligtasan para sa iba? Mali bang minsan, huwag ko munang isipin ang sarili ko?
Tumayo na ako't tinungo ang pinto palabas ng condo. Sana… mapatawad niya 'ko.
"Lalayas ka, dahil totoong nanlalalaki ka?"
Dahil ayokong patayin ka nila.
Hindi na ako nagbadyang magsalita at tuluyan nang lumisan.
Gabing gabi nang marating ko ang isang bahay. Pagka-door bell ko, bumungad sa akin ang limang lalaking maskulado. Walang pang-itaas na damit, tanging boxer shorts lang.
"Nandito na 'ko tulad nang napag-usapan," nakayuko kong sinabi.
May humablot ng suot kong damit dahilan upang mapunit ito. Para akong isang butong pinagkaguluhan ng mga aso. Pikit-mata kong hinarap ang kapalaran kong ito, kapalit ang kaligtasan ng minamahal.
Rocco's POV
Bumungad sa akin ang mga lobong nakalutang sa itaas ng kama, nilapitan ko ito saka kinuha ang isang papel na nakapulupot sa tali nito.
"Parati kang mag-ingat. Mahal na mahal kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top