7: Ika-tatlumpu't Tatlo
Ika-tatlumpu't Tatlo
Kasalukuyan akong naglalakad papauwi ng bahay nang bigla akong harangin ng mga kapit-bahay kong ipinangangalandakan sa isa't isa ang mga naipundar nila.
"Ikaw Marco, ilang taon ka na nga ba?" tanong ng maskuladong si Ernan.
Noong una ay nag-aalangan pa akong sagutin ang tanong niya ngunit 'di nagtagal ay tinugon ko rin.
"Twenty-three na ho," sinabi ko.
Tiningnan niya ang mga kasama niya bago ako pinagtinuunang pansin at saka inakbayan. Bago siya magsalita ay hinigit pa ang leeg ko. "Eh, may naipundar ka na ba, Totoy?"
"W-wala pa ho . . ."
Bigla silang nagtawanan nang napakalakas dahilan upang makaramdam ako ng panliliit sa sarili ko.
Nang makontento sila sa pagtawa ay muli akong tinanong nito.
"Eh, bakit nga ba wala pa?" sarkastikong tanong ni Ernan. "Nakasisiguro akong pati 'yang barong suot mo bili pa 'yan ng nanay mo." Muli siyang tumawa. Sa dibdib ko naman ay ramdam ko ang pagkirot.
"Kaka-graduate ko pa lang po kasi," kaagad kong sagot.
"Kung ako sa 'yo bibilisan ko na ang pag-a-apply ng trabaho para . . ." sabi pa nito at saka tinapik ang bundat niyang pitaka.
"O, siya sige mag-inuman na lang tayo!" aya nito sa mga kasama matapos akong laitin.
Ako naman ay kaagad nang naglakad pauwi. Nanlulumo akong tumapak sa bahay. Hindi ko kaagad makalimutan ang nangyari.
Hindi naman dahil wala pang napatunayan, e wala nang silbi. Kahit na ganito lamang ako ay alam kong may maibubuga ako. Sa pagkakataong matanggap ako sa trabaho ay pag-iigihan ko. Alam kong mas mahihigitan ko pa ang napatunayan nila. Mas matayog ang mararating ko.
#
Makalipas lamang ang ilang araw, e kaagad akong naghanap ng trabaho. Nag-apply sa trabahong alam kong makapagpapaunlad sa kakayahan ko bilang trabahador.
At ito ang magiging simulang hakbang patungo sa tagumpay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top