5: Si Hasik, ang Unggoy

Si Hasik, ang Unggoy

Nagmula sa isang simple ngunit masayang pamilya itong si Hasik. Napakarami niyang mga kaibigan. Sa kabila no'n, natuto siyang isugal ang magandang kinabukasan ng kanyang mga anak kapalit ng pagkapanalo sa lotto.

Mabuting ama. Iyan ang tingin ng mga anak ni Hasik sa kanya, ngunit hindi na ngayon. Nag-iba na ang ihip ng hangin, iba na ang naging pakikitungo ng mga anak ni Hasik sa kanya. Sa kabila no'n ay nagsawalang bahala siya, bagkus ay nagpatuloy sa pagsugal ng perang pinagpapagurang kitain ng kanyang asawang si Lala na halos hindi na matulog, makapaghanap-buhay lamang.

Nagpatuloy ang ganiyong set-up ng kanilang buhay. Unti-unting lumubog ang kanilang hanap-buhay. Ikaw ba naman, kikita ka ng mahigit limang libo sa pagtitinda, kalahati naman niyon ay iyong isinusugal.

Noong una ay nagagawa pang palampasin ni Lala ang bisyong iyon ng kanyang asawa, ngunit ngayon, hindi na siya nanahimik pa. Lubog na sila sa kahirapan. Hindi na niya alam kung paano pa maiaahon ang kanilang pamilya. Napakarami na rin nilang pinagkakautangan na mahigit limang taon na ay hindi pa rin bayad.

Hindi man lang inuusig ng konsensya itong si Hasik. Parang pakiramdam pa niya'y magkaroon dapat ng utang na loob ang lahat sa kanya dahil sa kanyang ginagawa.

“Tatlong buwan pa,” saad ni Aling Lala habang umiiyak at nagtitimpi ng galit na nakatingin sa kanyang asawang sugarol na mahimbing na natutulog.

Lumipas pa nga ang ilan pang buwan. Ngunit, walang ipinagbago si Hasik.

Enero 27. Katanghaliang tapat no'n ay nagpaalam ang mag-iina ni Hasik na magsisimba raw kasi araw naman ng linggo. Pumayag siya't hinayaan ang mga itong umalis.

Enero 27 din, gabi naman ng araw na iyon. Hindi man lang nagawang magtaka ni Hasik dahil alas dies na ng hating-gabi ay hindi pa rin nakauuwi ng bahay ang asawa't mga anak niya.

Makalipas ang sampu pang mga araw ay tuluyan na ngang hindi nagpakita ang kanyang asawa't dalawang mga anak. Hindi niya alam kung saan hahanapin ang mga ito. At kung hahanapin man niya'y huli na ang lahat dahil wala nang natitira ni isang sentimo sa kanyang pitaka. Wala na ring magpautang sa kanya dahil lubog na lubog na sila.

Doon ay unti-unting nagsisi si Hasik. Unti-unti'y nakaramdam siya ng pagsisi sa lahat ng kanyang nagawa. At doon, napagtantong hindi pwedeng piliin ang bisyo kaysa pamilya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top