4: The Latest Version
The Latest Version
Year 2998 nang maimbento ang WI-FI version 2.0. Napakabilis nang paglaganap nito sa buong mundo. Pumatok ito sa masa dahil napakalaki ng kaibahan nito sa WI-FI na nakasanayan.
#
Kasalukuyan akong nanunuod ng balita.
"Tinatalang dalampu kada araw ang mga kabataang nawawala. Makalipas ang ilang buwan, matatagpuan na lamang ang mga bangkay nito sa payatas. Kalunos-lunos ang kanilang sinapit. Sa ngayon, inaalam ang naging sanhi ng kanilang pagkawala at pagkamatay," ulat ng babae.
Sinuri kong maigi ang larawang ipinakita sa telebisyon, ikinumpara ko ito sa litratong hawak ko. May pagkakapareho sa mga nahuhumaling sa paggamit ng WI-FI version 2.0.
Totoo, hindi lamang maganda ang naidudulot kundi isang kaso ng sakit na patuloy sa paglaganap. Kada Linggo ay tinatayang mahigit isang daan ang idinideklarang may ganitong karamdaman. Ano ito? Hindi pa napapangalanan.
Ang mga sintomas nito ay ang mga sumusunod: panlalaki ng mga mata, pagkaubos ng buhok, panunuyot ng balat, pamamayat at ang pagkawala ng gana na nauuwi sa pagkamatay.
#
Hating gabi nang naglalakad ako sa lansangan, may isang magarang sasakyan ang tumigil sa harapan ko. Nang bumukas ang pinto nito, may lumabas mula roon upang takpan ang aking bibig at ang ikarga ako sa loob nito. Wala na akong nagawa pa at tuluyan na ngang nawalan ng malay.
Nang magising ako, nasilayan ko ang kagamitang ngayon ko pa lamang nakita. May higanteng glass cylinder-shaped sa gitna na may naglalakihang tubong nakakunekta. Sa dulo ng mga tubong ito ay may taong pinagkakabitan. Tadtad sa buong katawan habang sinisipsip ang enerhiyang mayroon ang katawan nito.
Hindi na ako mapakali nang kabitan rin ako ng tubo sa leeg. Gusto kong tumakas ngunit paralisa ang buo kong katawan. Nang makabitan ako, may sinabi sa akin ang lalaking may gawa no’n, "Congratulations! You are now a contributor of WI-FI version 2.0."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top