2: Hindi na Nga Ikaw

Hindi na Nga Ikaw

Ako'y humihikbi habang nakayuko sa blangkong papel. Nakaupo sa madilim na silid na kung saan liwanag na nagmumula lamang sa buwan ang sinag. Doon ay hawak ko sa 'king kamay ang panulat. Nanginginig pa akong inilapat ang dulo nito sa papel.

"Susulat ako…" sinambit ko. "Sa pagkakataong ito ay susulat ako at ilalahad ang damdamin na hindi na tungkol sa 'yo upang mapalaya ang damdaming nakakulong pa rin sa nakaraan."

Sinimulan ko ang bawat pagsulat sa pamamagitan ng pagkuskos sa pluma ng panulat. Isinalaysay ko rito ang mga salitang aking nadarama na sa wakas ay napalaya ko rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top