1: Not Until

Not Until

"Hi, Betty!" Hindi ako ang tinawag pero napalingon ako sa nagsalita at napatingin ako sa babaeng kausap nito-si Betty.

Betty was my old best friend-ang kaisa-isang pinagkatiwalaan ko't itinuring na kaibigan noong grade 11 kami. Tumagal ng one year ang pagkakaibigan namin and I thought that was enough para masabi kong best friend na ang isang tao. But I was wrong because friendship doesn't measured by time.

Hanggang ngayon kapag nakikita ko si Betty, naaalala ko ang lahat. Mula no'ng first day of school na nagkakilala kami hanggang sa huling araw na tinuring ko siyang kaibigan. Everything between our friendship went well not until she breaks my trust.

Eight months ago...

Nag-assign ng groupwork ang isa sa mga teacher namin. Like what I wanted, naging magkasama kami ni Betty sa isang group na may three members.

Naging mahirap para sa akin ang paghanap ng oras para makasama sa paggawa ng groupwork dahil sa ilang personal na problema. Pero kahit na gano'n, I tried my best para humanap ng paraan para kahit nasa bahay lang ako ay makapag-contribute ako.

Nang hapon ding 'yon, nag-usap kami sa group chat.

Betty: 3:30 p.m. po mamaya sa bahay.
Irene: Okay.
Me: Guys, sorry hindi ako makakasama sa paggawa ng video blog natin. Pero kahit na gano'n willing pa rin akong maki-cooperate. Ako na lang mag-edit at saka mag-video na lang ako ng part ko para makita rin sa video ang mukha ko.
Betty: Okay.

'Pag katapos kong masabi, nag-log out kaagad ako.

Bandang 7 p.m. na rin nang mag-log in ulit ako sa account ko. Oras din 'yon nang balakin kong mag-message sa group chat namin para itanong kung ano ang part ko at para na rin sana ipa-send 'yong videos na ie-edit ko.

Pagka-click ko sa gc, bumungad kaagad sa akin ang message ni Betty na i-s-in-end no'ng hindi ako naka-online.

Betty: Gawan mo ng script.

Kumuha kaagad ako ng ballpen at papel para simulan dahil magagahol na sa oras. Bukas na kasi ang deadline. Pero hindi natuloy nang biglang mag-notify sa Facebook account ko ang post ni Betty sa group page kung saan dapat i-post ang groupwork na ipapasa. Pinindot ko ang notification na iyon at dinala ako sa video ng ka-group ko.

Galit at matinding kalungkutan ang naramdaman ko.

Maluha-luha kong pinanood ang video na wala ako.

'Yong pakiramdam ko, parang katulad no'ng sa mga nararamdaman ng taong brokenhearted. 'Yon bang nahuli ang karelasyon na may kalaguyong iba. Hindi ko mapigilan 'yong pagtulo ng luha ko, pati na rin ang mga hikbi ko. Hindi ko talaga matanggap na ganito ang ginawa sa akin ng taong tinuring kong best friend. Sa isang iglap lang nasira 'yong malaking tiwala ko.

Magmula no'n, dumistansya na ako kay Betty, at wala nang narinig na paliwanag sa nangyari.

"Reena, hali ka. Dito ka na kumain kasama namin." Masaya kong nilapitan ang mga bago kong kaibigan.

Nagpapasalamat na rin ako na nangyari 'yon dahil may nawala mang isa, nakatagpo naman ako ng marami ngunit totoong mga kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top