You are Beautiful

“Maganda ka.”

Napapikit si Leona nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Naisip niyang baka guni-guni niya lang iyon gaya ng dati.

“Tahan na.” Hindi pa rin tumigil ang lalaki. “Kung iniisip mong ikaw ang pinakamalas na tao sa buong mundo ay nagkakamali ka. Hindi ka nag-iisa.”

Naimulat ni Leona ang mga mata at napatingin sa estrangherong nakatayo sa ‘di kalayuan. Natarantang itinago niya ang braso niyang pumapatak ang dugo dahil sa dami ng laslas.

“Ayos lang damdamin ang mga problema ngunit huwag na huwag mong saktan ang iyong sarili. Mahal na mahal ka ng Diyos.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top