Summer in the Rain
Bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng pag-apaw ng luha sa 'king mga mata. Kasalukuyan akong nakaupo sa waiting area sa bus stop nang araw na iyon.
"Malungkot ka na naman," narinig kong winika ng pamilyar na tinig. Iniangat ko ang aking paningin at pinahid naman niya ang aking luha.
"Nico . . ." Malungkot kong sinambit ang pangalan niya.
Umupo naman siya sa 'king tabi at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Freya, iiyak mo lang 'yan. Magiging maayos din ang lahat."
Namutawi ang mapait na ngiti sa 'king mga labi. "Salamat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top