Huwad


"Austin, t-tama na . . . " Natauhan na lamang siya at nabitawan ang patalim na hawak nang marinig ang naghihingalong tinig ng kaibigan.

Nanginginig ang buong katawan siyang napalayo sa nag-aagaw buhay na katawan ni Abe. Makikita ang pagsuka nito ng malapot na dugo.

"H-hindi ko s-sinasadya . . . " hindi mapaniwalaang sambitnisi Austin habang nagpapabalik-balik ng tingin sa tadtad ng saksak na katawan ng kaibigang babae at sa kanyang duguang mga kamay.

Nanlalaki ang mga mata niya habang napapaatras sa rooftop. Mahangin.At sa bawat paghakbang niya patalikod ay ere ang tuluyang sumalo sa kanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top