Kabanata 9
ABALA ako sa paghahanap ng damit na maaaring isuot ngayon. Halos lahat ng damit sa closet ay bago pa. Binili iyon ni Erika noong isinama ako nito sa mall noong bago pa lamang ako rito. Kinuha ko ang isang floral dress pero ibinalik din agad iyon. Orange longsleeve croptop and high waisted denim pants ang napili ko sa huli. Pinaresan ko iyon ng Black Faux Suede Ankle Boots.
Habang masarap ang pagkakahilata namin kanina sa sala at abala sa pagbabasa ng libro ay pareho kaming nakatanggap ni Erika ng text message mula kay Tristan. May party sa kanila at kailangan daw ay present kaming lima. Kaya naman nagmamadali kaming umakyat para maghanda. Excited na excited siya palibhasa ilang araw nang nasa bahay lang kami.
Nagblower ako ng buhok at hinayaan lang na nakalugay iyon. Dahil hindi naman ako mahilig mag makeup ay naglagay lang ako ng liptint sa labi.
Ilang minuto pa ay nakakarinig na ako ng katok sa pinto. Napalingon ako roon habang nakaupo sa vanity dresser. Bumukas iyon at sumilip doon si Erika.
"Let's go? Nasa baba sila Troy."
Tumayo ako at naglakad na palabas ng kwarto. "Susunduin pala tayo?"
"Alam mo naman 'yong mga 'yon."
"Ano raw mayroon kina Tristan?"
"Birthday ni Tito Trev. Uncle ni Tan. Akala ko nga hindi uuwi ngayon." Tiningnan niya ang kabuuan ko. "I like your outfit, by the way."
"Thanks!" nakangiting ani ko. "Ikaw rin. Bagay sa'yo ang two piece dress." As usual. Kapag ang isang Erika ang nagbihis, talagang matititigan mo. Kahit nga pambahay lang na T-shirt st maong short, ewan ko ba kung bakit nagiging maganda kapag siya ang may suot.
Nasa hagdan pa lang ay nakita ko na si Bianca at Troy na nanood ng pelikula sa T.V. Inilibot ko pa ang paningin pero wala nang nakita pa. Agad namang tumayo ang dalawa nang makalapit kami sa kanila.
"Heya! Party party!" Nakataas ang dalawang kamay na sigaw ni Erika na ikinatawa namin.
Ikinawit ni Bianca ang braso niya sa akin habang palabas kami ng bahay. "How's Nala?" Tukoy ko sa Chow-chow niya.
"She's okay na. Naipit lang 'yong paa niya dahil naglalaro sila ng pamangkin ko. Buti hindi nabalian."
"Miss ko na 'yon."
Niyakap niya ako patagilid. "Dadalhin ko siya sa tambayan sa isang araw."
Bumungad sa paningin ko ang dalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate. Nakasandal si Xander sa kanyang black BMW i8 at nakatungo. Nakapikit pa nga ito. Hanggang dito yata ay dumadayo ng tulog.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang may bumunggo sa braso ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang ngising-ngisi kong pinsan at inginuso pa ang nasa unahan. Napapailing akong lumayo sa kanya.
"Sino'ng kasabay mo papunta rito, hon?"
"Si Byangs!"
"Tara, Bi." Hinawakan ni Erika si Bianca bago tumingin sa akin at ngumisi. "Kay Xander ka sumabay, ha, Sam."
Nanlaki ang mga mata ko na ikinatawa ng tatlo. Nakatalikod ako kay Xander kaya hindi niya nakikita ang reaksyon ko.
Gusto kong magprotesta sa sinabi ni Erika pero nauunahan iyon ng hiya. Ayoko ring isipin ni Xander na ayaw ko siyang kasabay kahit iyon naman ang totoo. Lalo pa dahil sa nangyari sa Coffeeholic. Baka wala akong gawin doon kung 'di manigas sa kinauupuan ko.
"Let's go." Rinig kong ani Xander.
"Go na," ani pa ni Erika at ngumisi.
Pinanood ko pa nang pagbuksan ng pinto ni Troy si Erika. Habang sumasakay ay iminwestra ng magaling kong pinsan ang mga kamay niya na parang itinataboy ako kaya wala na akong nagawa kung 'di ang lumapit sa kotse ni Xander. Natigilan pa ako nang makita itong binubuksan ang shot gun.
"Get in, Samantha," mahinang utos niya
Para akong nagising at dali-daling humakbang papasok. "T-Thank you!"
Pinanood ko ang pag-ikot niya sa driver's seat hanggang sa makaupo siya. Napabuga ako ng hangin. Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami. Ganoon din naman siya. Nililibang ko na lang ang sarili sa pagtingin sa mga nadadaanan.
"Shit!"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang nagpreno si Xander. Mabilis akong napahawak sa braso niya na mabilis niya ring iniharang sa harapan ko. Para akong tumakbo nang napakalayo at napakatarik dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Mabilis niyang kinalas ang seatbelt at tiningnan ako. "Are you okay?" Bakas ang labis na pag-aalala sa boses niya. Bahagya pa nga akong nagulat dahil ngayon ko lang nakita ang nag-aalang mukha ng isang Xander.
"O-Oo. O-Okay lang ako," uutal-utal na sagot ko.
"Gago 'yon, ah! Bwisit!" inis na singhal niya na nakatingin sa kotseng biglang lumiko nang hindi nagsi-signal. Ibinaling niya muli ang tingin sa akin. Tiningnan niya pa ang kabuuan ko. "Are you sure you're okay, Samantha?" Salubong ang kilay at bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang boses.
Ngumiti ako at tumango. "Okay lang ako, Xander."
Malalim siyang bumuga ng hangin at napahilamos sa kanyang mukha. Umayos siya ng upo at nagpatuloy na rin muli sa pagda-drive. Pero hindi na nawala ang pagkakakunot ng noo niya.
"Ikaw, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.
"I'm okay."
Hindi na ako nagtanong ulit dahil baka lalo siyang mainis. Hindi ko nga lang mapigilan ang hindi tumingin sa kanya. Maya't maya ang paglingon ko sa kanya. Nag-aalala ako sa biglaang sobrang pagkabadtrip niya at hindi ko alam kung bakit ko ba iyon inaalala pa kahit sinabi niyang okay naman siya.
Napatitig ako sa kanya kaya nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Mabilis akong humarap sa bintana pero agad din siyang nilingon nang magsalita siya.
"I'm really okay, Sam. Don't worry about me. Nakakainis lang na may ganoong klase ng driver. Kaya kahit anong pag-iingat ng iba na huwag maaksidente, kapag ganon naman ang nakasabay mo sa kalsada ay wala rin."
Malakas akong bumuntong-hininga. Naiintindihan ko siya. Tama naman kasi iyon. Wala nga namang silbi ang pag-iingat mo kung barumbado namang magdrive ang iba.
"Hindi ka ba nasaktan kanina?" tanong ko pa ulit.
"No. I'm fine." Saglit niya akong sinulyapan. "Ikaw, hindi ka ba nasaktan?"
"Hindi. Okay lang ako," nakangiti kong ani. Pero ang totoo ay kanina pa halos sumabog ang dibdib ko dahil sa nangyari. Pinipilit ko lang ang sariling huwag ipakita iyon sa kanya dahil baka lalo lang mag-init ang ulo niya.
Nakaabang na si Tristan sa labas ng kanilang gate nang makarating kami. Agad siyang lumapit sa amin na may malaking ngiti.
"Hi, guys!" Nilingon nito ang pinsan ko na agad nagsalubong ang kilay. "Hi, Ava!"
"Wag mo kong ma-Ava riyan! Tadyakan kita!"
singhal ni Erika na ikinangiwi ni Tristan.
"Ang suplada talaga nitong girlfriend mo," reklamo niya kay Troy.
"Sa'yo lang," natatawa namang sagot nito na ikinatawa namin. Nanghahaba na naman tuloy ang nguso ni Tristan.
"Let's go!" masungit na ani Xander na nanguna na sa paglalakad papasok.
"Tingnan mo 'yon. Akala mo bahay niya," ani Tristan habang nakaturo kay Xander na nauna nang naglakad. Natawa ako sa sinabi niya kaya napalingon siya sa akin at ngumiti. Umakbay pa ito sa akin. "Tara, Sam!"
"Nariyan na si Tito Trev, Tan?" tanong ni Troy.
"Wala pa. Ang tagal nga, eh. Kahit kailan talaga pa-importante 'yon."
Mabilis akong napalingon nang marinig iyon. Natawa naman ito nang makita ang tingin ko. "Baliw," naiiling kong ani.
Dumiretso kami sa garden. May ginawang stage at may bandang tumutugtog doon. Nakapalibot ang mga lamesa. Marami ng tao roon at masasayang nag-uusap usap. Dinala kami ni Tristan sa isang pabilog na 6-seater table.
Inilibot ko ang paningin at napapangiti habang pinapanood ang ilang bata na nagtatakbuhan. Nakita ko rin si Xander sa unahan malapit sa stage at kausap si Marcus at ilan pang kalalakihan.
Sa itaas ng stage ay may nakasabit na mahaba at makipot na tarpaulin. May nakasulat doon na "Happy Birthday, Tito Trev!"
Nagserve na ng mga pagkain sa lamesa namin.
Nagdala rin sila ng dalawang magkaibang wine. Umangat ang tingin ko kay Xander, na nakaupo na sa tapat ko at nagsasalin agad ng wine. Inamoy niya iyon bago iyon dinala sa labi. Iinumin niya na sana iyon pero natigilan siya sa balak nang mapatingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkapahiya nang mahuli niyang nakatingin ako sa kanya.
"H-hindi ka pa kumakain," naiilang kong sabi pero agad nakaramdam ng inis para sa sarili.
'Para saan 'yon, Samantha?! Eh, ano naman sa'yo kung uminom siya ng alak nang hindi pa kumakain!'
Napatitig siya sa akin bago nag-iwas ng tingin. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga at hindi nakatakas sa paningin ko ang pigil niyang ngiti. Ibinababa niya sa lamesa ang wine glass na hawak. Lihim naman akong napangiti roon pero agad ding inalis iyon.
Nilingon ko si Erika nang maramdaman ang mahinang pagsiko niya sa tagiliran ko. May nanunuksong ngiti sa mukha niya habang nagtataas-baba ang magkabilang kilay.
"Ano na naman?" kunot-noo kong tanong. Inginuso niya si Xander kaya napalingon ako roon. Kausap na nito si Troy. Lumingon muli ako kay Erika na nakangisi pa rin. "Oh, bakit?"
Mas lumapit siya sa akin at bumulong sa mismong tenga ko, "Type mo?"
Nanlaki ang mga mata ko na ikinatawa niya. "Baliw! Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan."
"Ay sus! Sige na, sabihin mo na. Secret lang natin," bulong niya pa. Mas lumapit siya sa akin at yumakap sa braso ko. "Bulong mo sa'kin, bilis!
"Puro ka kalokohan!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
"Oh, bakit? Gwapo naman si Xander, ah? Super gwapo."
"Wala naman akong sinabing hindi."
"So, gusto mo siya?"
"Wala akong gusto sa kanya, E."
"Eh, sino'ng gusto mo? Si Ge?"
Nakangiwi akong muling tumingin sa kanya. "Tigilan mo nga ako," masungit kong sabi. Kahit kailan talaga ang kulit ng isang 'to!
Nawala ang atensyon niya sa akin nang makarinig kami ng ingay mula sa gate Napalingon kaming lahat doon at nakita ang nagkukumpulan na mga kamag-anak ni Tristan.
"Nariyan na yata si Tito Trev." Mabilis na tumayo si Tristan at patakbong lumapit sa gate.
"Shit! Ang gwapo pa rin ni Tito Trev," puri ni Bianca.
"That's Tito Trev. Walang kupas ang kagwapuhan," ani naman ni Erika.
Nanghahaba ang leeg ko habang tinitingnan ang tinatawag nilang Tito Trev. Ngunit nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahanng napatayo nang makita kung sino iyon.
"Sam? Hey, what's wrong?"
Narinig ko ang sunod-sunod na pagtawag ni Erika at tinatapik pa ako pero hindi ko siya nagawang sagutin o tingnan man lang. Nakatingin lang ako sa taong iyon na yakap ng kanyang pamilya. Nakablue longsleeve, maong pants and black shoes siya na madalas kong nakikitang porma niya. Nakita ko pa nang makipag-apir sa kanya si Tristan at natawa sa sinabi nito.
Unti-unti nang naglayuan ang mga sumalubong sa kanya at nagsibalikan sa mga lamesa. Malawak ang pagkakangiti niya habang naglalakad kasabay si Tristan at ang lalaking kausap ni Xander kanina habang papunta sa unahan.
"Doc!" sigaw ko nang dumaan sila 'di kalayuan sa table namin.
Nakangiti siyang lumingon sa pwesto namin. Kumaway pa ito sa mga kasama ko pero agad na rumehistro ang gulat sa kanyang mukha nang tumama ang paningin niya sa akin.
Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. Narinig ko siyang tumawa at gumanti rin ng yakap sa akin. Maya-maya ay kumalas ako at humarap sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa sayang nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na makikita ko siya rito.
"Kumusta po?"
"Sam! What are you doing here?" Mukhang kahit siya ay hindi rin makapaniwala na narito ako.
"Makikikain lang po," biro ko. Sabay kaming natawa.
"Why are you here? I-I mean... In this town?" naguguluhang tanong niya.
"Dito na po ako nakatira. Sinabi ko sa inyong lilipat ako sa Tita ko. Dito po iyon sa Santa Clara."
"Pero wala kang sinabing lugar," kunot-noong sabi niya bago napailing at napangisi. "You look different, Samantha. A lot more better and livelier," aniya habang may ngiti sa labi.
Ngumiti ako. Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. "Sinagot Niya na po ang hiling mo para sa'kin, Doc," nakangiting ani ko habang inaalala ang mga salitang binitawan niya noong araw na magpaalam ako sa kanyang aalis ako ng Manila. Mga salitang tumatak sa puso ko at naging isa rin sa mga dahilan para magpatuloy ako.
"Hanga ako sa'yo, Samantha. Alam kong napakahirap ng mga pinagdaanan mo sa mga nakalipas na taon. Napakabata mo pa pero kinaya mo ang lahat ng iyon. Para na kitang anak, Sam, kaya gusto kitang makitang nakangiti at puno ng buhay ang mga mata. Sana sa muli nating pagkikita ay hindi na lungkot at pighati ang makita ko sa'yo. Ipagdarasal kong makita mo ang kaligayahang nararapat para sa'yo."
"I already found them, Doc. My happiness."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top