Kabanata 35

"WE'RE pregnant!" ulit ni Bianca sa inanunsyo ng asawa.

Mabilis kaming napatayo si Erika at napatakip sa kanyang bibig matapos sabihin ng mag-asawa ang napakagandang balita. Nanatili akong nakanganga sa gulat habang nakatingin kina Bianca. I can't believe it. Magiging Tita na ako! Samantalang kanina lang ay iniimagine lang namin ni Xander ito sa tambayan.

"OMG! Congratulations, babe!" masayang ani Erika at yumakap kay Bianca at Tristan. "My gosh! Mabuti na lang pala at umuwi kami."

"Congrats, p're!" nakangiting ani Troy. Niyakap nito si Tristan at tinapik ang likod. "Congrats, Bianca!"

Pagkalayo ng mag-asawa kina Bianca ay si Xander naman ang nagcongratulate sa dalawa.

"Ikaw, Sam, hindi mo kami ico-congrats?" nakangising ani Tristan. 

Natatawa akong tumayo at umikot sa lamesa para makalapit sa kanilang dalawa. Sabay ko silang niyakap at naluluhang nagsalita, "Congratulations! I'm so happy for the both of you!"

"Thank you, Samantha!" sabay nilang sabi.

Umupo na kaming muli at pinag-usapan ang tungkol sa pagbubuntis ni Bianca. Hindi pa halata ang baby bump niya. Two months pa lang daw iyon ayon sa ultrasound. 

"Basta ninang kami, ha!" excited na sabi ni Erika.

"Syempre naman! Kayo pa ba!" ani Tristan.

"Gosh! First baby ng squad," kinikilig na ani Erika at hinimas ang tiyan ni Bianca. "Anong pangalan? Mag-isip na tayo," aniya pa. 

"Pangalan ka naman agad. Wala pa ngang gender," nakangiwing sabi ko.

"Eh, 'di mag-iisip ng panglalaki at pangbabae," aniya at inirapan ako. Natawa na lamang ako roon. "Elysia ang magandang name," baling niya sa mag-asawa.

"Bakit E? Para sunod sa Erika?" sabat kong muli.

"Oo, bakit? Syempre ako ang ninang kaya dapat isunod sa 'kin ang pangalan," mataray na aniya. 

"Gumawa kayo ng baby ninyo saka mo isunod sa pangalan mo," pagtataray ko.

"Guilia... magandang pangalan." Nakangiting suhestiyon ko kay Bianca. Bago pa man ito makapagsalita ay sumabat nang muli si Erika. 

"Bakit G? Para sunod sa Gerald? Gumawa ka ng sa inyo saka mo isunod sa pangalan niya," masungit na aniya.

Tukso ang inabot ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Naiisip ko nang mangyayari iyon balang-araw pero nagulat pa rin ako," ani Troy. Ang tinutukoy ay ang tungkol sa amin ni Gerald.

"Sobrang saya ko nga dahil si Gerald ang lalaking iyon. Malaki ang tiwala kong hindi ka niya sasaktan."

"Pasintabi naman kayo rito sa kaibigan ko!" ani Tristan na umakbay pa kay Xander.

"Gago!" naiiling na sabi ni Xander at pabalang na inalis ang braso ni Tristan na nasa balikat niya.

Hindi na mabigat ang usapang ganito. Ngayon lang din naman sila nagbiro ng tulad nito. Marahil ay alam na nilang hindi na iyon nakakailang para sa amin.

Nabanggit pa ng mag-asawa na gusto nilang magkaroon ng pregnancy announcement party bukas ng gabi. Biglaan ang pag-uwi nilang apat kaya naman biglaan din ang party. Iimbitahan nila sa isang simpleng dinner ang mga gustong bisita at kapag naroon na lahat ay saka nila iaanunsyo iyon, iyon ang balak nila.

Sumubok akong magsend ng e-mail sa secretary ni Sir Jacob regarding sa leave ko. Ilang oras ang lumipas ay naconfirmed iyon kaya naman tuwang tuwa ako.

Nang sumapit ang gabi kinabukasan ay hindi magkamayaw ang puso ko sa saya. Dumadami ang bisita at bumabakas ang pagkalito sa kanilang mga mukha.

"We're pregnant!"

Nang marinig ang anunsyo ng mag-asawa ay napuno ng pagbati ang mga ito mula sa mga bisita. Lahat ng taong naroon ay may suot na ngiti sa kanilang labi. Excited ang lahat para sa bagong sanggol na darating sa buhay namin.

"Hindi na ako makapaghintay na ikaw naman ang lumagay sa tahimik, Samantha," ani Doc.

"Darating tayo riyan, Doc."

"Oh, ayan na nga. Dumating na."

Sinundan ko ng tingin kung saan nakatutok ang tingin ni Tristan. Laking gulat ko nang makitang naglalakad si Gerald palapit sa amin. Napatayo pa ako habang pinapanood siyang maglakad. May bitbit itong box of white rose at sa labas ng box ay may nakasulat na "Congrats!" 

"Ge," bati ko nang tuluyan siyang makalapit sa amin.

"Hi," nakangiting aniya sa akin at umakbay. "Good evening," nakangiting bati niya sa lahat. 

"Hi, Engineer!" bati ni Erika na kumaway pa.

"Congratulations!" nakangiti niyang baling sa kina Bianca. Ibinigay niya rito ang bulaklak.

"Thank you, Engineer."

"Salamat, p're. Buti nakarating ka!" ani Tristan. "Upo ka, p're." Tinuro nito ang upuan na nasa tabi ko at agad namang umupo roon si Gerald. 

"Akala ko nasa Cebu ka?" bulong ko rito.

"Umuwi rin kami kanina." Tumitig ito sa akin. "I missed you, Sam."

"I missed you, too, Ge." Lumapit ang kanyang mukha at binigyan ako ng halik sa sentido.

Naging maingay ang hapag. Nangingiti na lang ako dahil nagbago na ang topic sa hapag. Kung noon ay problemado pa sila kung paano ipapasa ang exams ngayon ay pagod sa trabaho. At hindi nawawala ang topic tungkol sa pagkakaroon ng asawa.

Habang nakikinig sa kanila, naisip ko ang mga napagdaanan ko noon, simula noong mag-isa pa lang ako, hanggang sa dumating si Gerald at dumating ang limang ito. Ang buhay, punong puno talaga ng pagsubok. Darating sa puntong aalisin ng pagsubok na iyon ang ngiti mo. Paiiyakin ka, sasaktan, padadapain, pasusukuin at dudurugin. Muntik na akong sumuko at kung hindi dahil sa kanila ay baka nanatili akong nakadapa at nahihirapang bumangon.

"Can you come with me tomorrow?" tanong ni Gerald.

"Where?"

"Pupuntahan ang sinasabi kong bahay."

"Of course! Ako yata ang magpapaganda niyon!"

At iyon nga ang ginawa namin ni Gerald. Umaga pa lang ay bumabiyahe na kami. Nakatulog pa ako sa biyahe kahit anong pigil ko.

"Sam, we're here."

Pupungay pungay ako nang bumangon. Nakapahiga na ang kinauupuan ko. Inilibot ko ang paningin. Mukhang nasa isa kaming subdivision. Kaliwa't kanan ang mga naglalakihan at nag-gagandahangbahay. Nasa gilid ko na si Gerald.

"Good morning," nakangising biro niya.

"Nakarating na tayo?"

"Oo. Let's go!"

Inayos ko muna ang sarili. Gumilid naman siya nang bababa na ako. Ngunit hindi ko agad nagawang bumaba nang makita ang bahay na nasa harapan namin.

"No way," wala sa sariling ani ko. Nanubig ang mga mata ko. Lumalakas ang pintig ng puso ko.  Dahan-dahan akong bumaba, umalalay naman sa braso ko Gerald.

Nakatayo pa lang sa harap ng bahay ay mabilis na bumalik sa alaala ko sa isip ko. Ang tawa ni mommy at ni daddy. Ang yakap nila. Kahit pa ang ibang alaala ay malabo dahil bata pa lang ako nang mawala si mommy pero baon ko iyon sa isip at puso ko.

Luhaan akong lumingon kay Gerald. "Ito ang... bahay na tinutukoy mo?"

"Oo, Sam. Alam ko kung gaano kahalaga sa'yo ang bahay na 'to." Humawak siya sa kamay ko at ang isang kamay ay binubura ang bakas ng luha sa mukha ko. "Ang gusto ko lang naman noon ay maging sandalan mo sa mga oras na sinusubok ka ng tadhana, Sam. Pero habang tumatagal nagbabago na ang gusto ko. Gusto ko na rin na ako na ang maglalagay ng ngiti sa labi mo. At sisiguraduhin kong hindi na mawawala 'yon."

Dumukot siya sa kanyang bulsa. Inilagay niya sa palad ko ang nakuha mula roon. Nangatal ang labi ko at mas bumuhos ang luha ko nang makita kung ano iyon. Susi iyon na may key chain na bahay.

"Mahal na mahal kita, Samantha. Alam kong ayaw mo ng minamadali ang mga bagay-bagay and I'll still give you time. But for now, let me tell you that you are my home, Samantha."

Kung tatanungin ako kung kailan tumibok ang puso ko para sa kaibigan ko, napakaraming beses. At kung tatanungin kung bakit ko siya minahal, marami akong mailalatag na sagot para roon. Hindi ko sasabihing minahal ko siya dahil bigla ko na lang naramdaman. Minahal ko siya dahil napakarami kong nakita sa kanya na nagpapatibok ng puso ko.

Hindi ko lang kaibigan si Gerald. Naging karamay ko siya, balikat, takbuhan, iyakan, ligaya, ngiti at tawa. Noong nadurog ang puso ko, nabuo 'tong muli. Natutunan kong magmahal muli at sa kanya iyon. Alam kong hindi ko pagsisisihan iyon. Dahil kahit noon pa namang si Erika ang alam kong gusto niya, at hindi ko pa alam ang nararamdaman niya, alam ko na sa sarili kong kaya ko siyang mahalin nang buo kahit walang kapalit.

At habang nakikinig sa kanya ngayon, isa lang ang tumatakbo sa isip ko...

"Let's make a plan for our home, Ge."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top