Kabanata 34

"MAY nabalitaan ako." Palipat-lipat ang nanunuksong tingin ni Erika sa amin ni Gerald nang makalapit kami sa lamesa. Naroon na ang lima. "Gosh, paano ako makakapag-enjoy sa honeymoon ko kung may ganitong chika. Hindi matatahimik ang isip ko."

Tawanan sa lamesa namin dahil sa sinabi niyang 'yon.

Napairap ako. "Gaga! Huwag nga iyon ang intindihin mo. Mag-enjoy ka sa honeymoon ninyo."

Ngayong araw rin ang lipad nila patungong Paris para sa kanilang honeymoon. Ito nga at sama-sama kaming nagbe-breakfast kasama ang pamilya nila ni Troy at ng ilang bisita na narito pa sa resort bago ang alis nilang mag-asawa. Kami naman ay buong araw pa pwedeng magstay rito.

"Aba, talagang mag-eenjoy ako. Ang tagal ko kayang hinintay 'to, 'no! Kung hindi lang ako nagpaka-conservative baka noon pa napagsawaan ko na 'yan."

Pareho kaming natatawa't napailing ni Bianca dahil sa kawalang-hiyaan ng bibig niya. Tukso naman ang inabot ni Troy.

"Habang tumatanda kayo nagiging balasubas bunganga ninyo," ani ko.

"Gaano kayo katagal doon?" tanong ko.

"One week."

"Oo. Nakabuo na siguro kayo niyan," seryosong ani Bianca. Akala ko'y tatawanan nito ang satiling sinabi pero hindi nangyari iyon.

"Bakit kayo one year na wala pang nabubuo? Gusto ko na ng pamangkin, Bi!"

"Choice namin 'to!"

Napailing ako dahil sa takbo ng usapan nila. Itinutok ko na lamang ang atensyon sa pagkain. Mayroon ng nabalatang hipon sa plato ko. Nadagdagan pa iyon nang maglagay ng panibago si Gerald.

"Kain na," aniya.

"Kumain ka na rin. Tama na 'tong hipon." Tumango siya. Pagkalagay ng bagong balat na hipon ay kumain na rin naman siya. "Ge," tawag ko rito. Nilingon niya ako pero mabilis niyang nakita ang kutsara ko na may talong galing sa kare-kare. Kinuha niya naman iyon.

Narinig ko ang bungisngisan ng mga katabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Hindi nga lang nakuntento at kinulbit pa ako. Inilapit ko ang upuan ko kay Gerald.

"Ah, ganyanan na?" rinig kong ani Erika.

Hindi ako nakatakas sa pang-iinterview ni Bianca noong nagdaang gabi nang makita nila kaming magkahawak ng kamay ni Gerald, na sigurado akong nakarating na lahat sa pandinig ni Erika. Wala na kasi ang dalawa ni Troy kagabi noong bumaba muli kami.

"Bakit hindi namin alam ang tungkol sa inyo ni Gerald?"

"Hindi ko nga rin alam, eh." Nahampas niya 'ko sa braso dahil sa sagot kong iyon. "Totoo nga! Kanina ko lang nalaman ang... feelings niya." Napangiti ako nang maalala ang pagtatapat ni Gerald. Nagtitili naman si Bianca.

"Gosh! I can't believe it! Samantalang dati nagdadalawang isip pa kami nila Erika kung may feelings ba sa'yo 'yan. Iba rin kasi makatingin."

Napatitig ako kay Bianca dahil sa sinabi niyang 'yon. So, ako lang pala ang hindi nakapansin?

"Natural lang naman na hindi mo mapansin," aniya na parang nababasa ang naiisip ko. "Ganoon talaga! Mas nakikita ng iba. Kami nga ni Tristan, 'di ba? Hindi rin namin napansin noong una."

"Manhid ka lang talaga!" ani Tristan.

"Oh, bakit, ikaw hindi? Torpe mo pa nga! Mas nauna ko pa ngang nalaman kay Xander!"

Hindi ko na inintindi ang pagbabangayan ng mag-asawa at nilingon ko si Gerald, na tahimik na nakaupo sa tabi ko.

"Sorry!"

"For what?"

Malungkot akong ngumiti. "Hindi ko napansin noon. Hindi ko agad nakita."

Ngumiti siya. Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. "Kung nalaman mo noon, hindi ko alam kung nasaan tayo ngayon."

"Dahil?" taka kong tanong.

"Dahil baka umiwas ka sa 'kin... O baka naduwag ako. Baka pareho nating nasaktan ang isa't isa. Isang hindi nasuklian ang pagmamahal at isang hindi magawang suklian ang pagmamahal." Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian ng halik ang bubong niyon. "Kahit saan natin dalhin ang alaala, ito ang tamang panahon para sa atin, Sam. Ito ang tamang oras na ibinigay Niya."

Gustong gusto ko ang ugaling ito ni Gerald. Palagi siyang positibo sa lahat ng nangyayari sa kanya. Palagi siyang nakakahanap ng magandang resulta kahit sa mapapangit na nangyayari.

Inihatid namin sila Erika sa harap ng hotel kung saan naghihintay ang maghahatid sa kanila sa airport. Kasabay naman nila papunta roon ang mga kaanak na uuwi ng Canada.

"Enjoy, okay?" tanging bilin ko kay Erika. Tumango ito at yumakap sa akin. Nang kumalas ay bumaling siya sa katabi ko. Kagat-labi niya itong itinuro na parang nagbabanta na tinawanan lang naman ni Gerald.

"Layas na! Puro ka kalokohan!"

Bumalik na rin naman kami sa Manila matapos ang masayang kasal ni Erika. Inubos lang namin ang isang buong araw na natitira roon sa resort sa paglalangoy at pag-iinom. Sinulit na namin dahil hindi namin alam kung kailan iyon mauulit.

"Kailan ang balik mo?" tanong ni Gerald. Nakaupo ito sa sofa dito sa apartment at pinapanood ako sa pag-aayos ng mga gamit. Ngayon ang araw ng pagpunta ko sa Santa Clara para silipin ang tambayan.

"Bukas din." Nilingon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. "Bukas ang punta ninyo sa Cebu?" Nakapangalumbaba siyang tumango. "Baka hindi tayo magpang-abot. Matagal kayo roon?"

"Two to three days."

Bumagsak ang balikat ko. Inabot niya naman ang kamay ko at hinawakan iyon.

"Sasabay ka ba kay Xander papunta roon?"

"Oo."

Tumango siya. "Mas mabuti nga iyon oara hindi ka na mahirapan sa biyahe. Nakakapagod kung ikaw pa ang magda-drive."

"Okay lang... sa'yo?" dahan-dahan kong tanong.

"Ang?"

"Na sasabay ako sa kanyam"

"Walang problema, Samantha."

"Paano kung marealize kong mahal ko pa pala 'yon?"

Bumukas ang bibig niya pero hindi nakasagot. Natigilan na ng tuluyan habang titig na titig sa akin.

"Joke lang!" natatawa kong ani. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Bumukol ang magkabilang pisngi niya dahil sa pagbuga ng hangin. Nakonsensya naman ako bigla. "Inabot ko ang pisngi niya. "Joke lang, Ge." Tumango siya pero nasa mukha pa rin ang kaba. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Patagilid ko siyang niyakap. "Mahal kita, Ge."

Pumaikot ang isang braso niya sa bewang ko at dumampi ang labi sa noo ko. "Mahal din kita, Sam."

Tama nga si Xander, gato na ang tambayan. Mabigat ang dibdib ko habang tinitingnan 'to mula sa labas. Bakit kaya nagiging marupok ang isang bahay kapag walang nakatira rito? Hindi ba dapat ay manatili silang nakatayo dahil wala namang gumagamit sa kanila?

Malalim akong napabuga ng hangin. Sa lungko na nararamdaman ay kung anu-ano na ang naiisip ko.

Sinubukan kong akyatin ang hagdan. Wala na ang mga upuan sa terrace, kahit ang nag-iisang sofa na huli kong nakita roon.

"Careful, Sam," ani Xander na nakaalalay sa braso ko. "Pwede pa namang apakan ang sahig. Dahan-dahan nga lang."

Binuksan ko ang pinto. Maingay ang langitngit niyon. Masakit sa tenga. Wala na akong nakita maski isang kagamitan nang makapasok kami.

Bumalik ang maraming alaala sa isip ko nang makapasok. Simula sa kung paano ako namangha dahil mayroong isang tahanan ang barkada. Ang mga tawanan, iyakan, panonood ng telebisyon, ang mga pagkain na pinagsaluhan namin, ang tawanan sa hapag, ang pagbabangayan nila Tristan at Bianca, ang sweet moments ni Troy at Erika, ang umpisa at wakas namin ni Xander.

Mapait akong napangiti. Miss na miss ko ang tambayan kung paano ko namimiss ang nakaraan. Ilang taon ko lang ito naging tahanan pero ganito na ang lungkot ko dahil mawawala na ito nang tuluyan.

Naalala ko pa, pagkatapos ng graduation ball ay rito kami tumuloy. Umiyak kami nang umiyak na mga babae. Alam kasi namin na maiiwan na 'tong tambayan dahil magiging abala na kami sa kanya-kanyang karera. Noong mga unang taon nagagawa pa naming magkita-kita rito pero kalaunan nahihinto rin.

"I changed my mind."

Napalingon ako kay Xander. Umalis siya sa pagkakasandal sa hamba ng pinto at naglakad palapit sa akin.

"Ha?"

"I changed my mind. Mananatili 'tong tambayan. A remodeled one."

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa tuwa. "Hindi nga?"

Tumango siya habang inililibot ang paningin. Napangisi naman siya.

"I just imagined children running here."

Inilibot ko rin ang paningin. Inisip din ang mas magandang tambayan. Mga batang nagtatakbuhan at sa kusina ay naroon kaming lahat. Nakangiting pinapanood ang mga 'to.

"Tiyak na matutuwa sila Erika."

Pagkatapos mag-usap doon ay umuwi na rin naman agad kami. Bukas din ng umaga ang balik namin sa Manila. Ipinahinga ko na lang muna ang sarili nang maghapong iyon.

Kasalukuyan akong nanonood ng telebisyon nang marinig na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sofa at lumapit doon. 

"Manang," bati ko kay Manang nang mapagbuksan ito.

"May bisita ka sa baba, hija."

Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong ineexpect na bisita. "Sige po, baba na rin ako," nakangiting sabi ko. Tumango lang si Manang at umalis na rin. 

Nagpalit lang ako ng damit dahil maikling short at sando lang ang suot ko. Nag white shirt ako at cotton pajama. Wala sa sala ang sinasabi ni Manang na bisita pero agad kong narinig ang maingay na tawanan sa kusina.

Napanganga ako nang tuluyang makalapit sa kusina. Natigilan sa pag-uusap ang limang taong naroon at sabay-sabay na napatingin sa akin bago sumigaw.

"Surprise!"

Nakangiting lumapit sa akin si Erika at Bianca at sabay na yumakap.

"Nakakainis kayo! Bakit hindi kayo nagsabing uuwi kayo?"

"Eh 'di hindi na surprise kung sinabi namin?" natatawang ani Bianca. 

Nagulat talaga ako dahil ang alam ko ay nasa Canada sina Troy at Erika dahil doon nila balak dumiretso pagkagaling sa Paris. Sobra ko silang namiss kahit kakikita-kita pa lamang namin weeks ago roon sa kasal nila Erika. 

"So, bakit nga narito kayo?" tanong ko nang makaupo na kaming lahat. 

"May super duper special announcement daw si Bianca at hindi ako papayag na wala sa special day niya, 'no!" ani Erika. 

"Special announcement?" baling ko kay Bianca. Nakangiti siyang tumango. "Anong announcement?"

Nagpauyuhan pa ang mag asawa kung sino ang magsasabi. Pero sa huli ay si Bianca ang nanalo kaya naman si Tristan ang tumayo at humawak ng baso na may lamang juice. 

"Guys, this announcement is very special at gusto namin na kayo ang unang makaalam."

"So, ano na nga? Spill the tea, Tristan!" atat na ani Erika.

Nakangiting tumingin si Tristan kay Bianca bago muling humarap sa amin na naluluha ang mga mata. 

"We're pregnant!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top