Kabanata 3
"MAG-INGAT ka roon, ha. Kumain ka sa tamang oras. Tumawag ka lang 'pag kailangan mo ng kausap. At kapag ayaw mo na roon o kung nalulungkot ka ro'n bumalik ka rito. Bukas ang bahay namin para sa'yo, Sam."
Pigil ang ngiti ko habang pinapakinggan si Gerald. Ngayong araw ang pagpunta ko sa Santa Clara. Nagpresinta siyang ihahatid ako rito sa terminal. Kahit ilang beses kong sinabi na kaya ko naman na mag-isa ay nagpumilit pa rin siya.
"Huwag kang tumawa. Seryoso ako," seryosong aniya pa na parang nagbabanta.
Mahina akong natawa at napapailing. Ilang araw na 'tong parang napaparanoid sa pagpunta ko sa Santa Clara. Maya't maya na lang akong pinapaalalahan ng ganoon. Naiiling na nga lang ako minsan sa mga pinagsasabi niya. Pati sa akin ay ginagamit ang pagiging kuya niya. Pero aaminin kong mamimiss ko siya at ang ganitong ugali niya.
Nang magresign ako last week sa coffee shop ay sa school at boarding house na lang ako naglalagi. Pagkakatapos naman ng shift ni Gerald ay pupunta pa siya sa boarding house at dadalhan ako ng kung anu-anong pagkain at sasamahan ako saglit. Madalas ay tumatambay lang kami sa labas ng gate dahil bawal ang lalaki sa loob.
Sa dalawang buwan na lumipas pagkatapos mawala ni daddy ay pinilit kong magpakatatag. Ginising ng mga sinabi ni Gerald noong gabing iyon ang isip ko.
Sa una ay napakahirap pero nagpatuloy ako. At sa bawat araw na dumadaan ay naghahanap ako ng dahilan para maging matatag. Hindi na lang para sa akin, kung 'di para na rin sa mga taong nagmamalasakit sa akin. Sa ngayon ay isa si Gerald sa mga dahilan kong iyon.
Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko kung paano ko siya naging kaibigan two years ago. Pumasok ako sa coffee shop na mugto ang mga mata at nagbreaktime din na umiiyak dahil akala ko'y kukunin na si daddy sa akin noong araw na iyon. Naabutan niya akong ngumangalngal habang mag-isa sa locker. Napagkamalan pa nga ako nitong iniwan ng boyfriend.
"Broken hearted? Tsk! Kaya ayokong ma-inlove, eh!" Luhaang akong napatingin sa gilid ko nang may narinig na nagsalita at nakita siya. Umupo ito sa tabi ko. "Huwag mong iyakan 'yon. Gusto mo resbakan natin?"
"H-Hindi ako broken hearted."
"Ay, ganun? Akala ko broken hearted ka, eh. Daig mo pa namatayan, eh. Namatayan ng puso." Humagalpak siya ng tawa pagkasabi niyon.
Napatitig ako sa kanya at muling lumakas ang iyak dahil sa salitang sinabi niya. Natigilan naman siya at gulat akong tiningnan.
"Hala hoy! Nagbibiro lang ako! Ito naman! 'Wag ka ng umiyak! Baka sabihin ng makakakita sa 'tin na ako ang may gawa sa 'yo!" Natataranta niyang hinagod ang likod ko. "A-ano ba kasing nangyari sa 'yo? Kinakabahan ako, eh!"
Ikinwento ko sa kanya ang sitwasyon ni daddy noong araw na 'yon. Hindi pa kami close noong mga panahong iyon pero nagawa kong sabihin sa kanya ang problema ko. Pakiramdam ko kasi ay sasabog ang puso ko kung hindi ko mailalabas ang nararamdamang sakit.
Noong araw na iyon ay nalaman ko rin ang tungkol sa kanya. Third year college siya at simula noong magkolehiyo ay siya na ang nagpaaral sa kanyang sarili at dalawang kapatid na babae na ang isa ay kolehiyo na rin at ang isa ay nasa high school. Labandera ang nanay niya at wala na raw siyang tatay.
Nakasundo ko siya at naging kaibigan. Siya ang tipo ng lalaki na gugustuhin mong maging kaibigan. Handang makinig at handa ang balikat kung gusto mong umiyak. Alam niya kung kailan dapat magsalita at kung kailan hindi. Nirerespeto niya ako bilang kaibigan at bilang babae kaya panatag akong kasama siya. Likas siyang kalog at matulungin. Sobrang maalaga rin. At ngayon ngang mapapalayo sa kanya ay sobra akong nalulungkot.
"Mag-iingat ka roon," muli niya pang paalala.
"Mag-ingat ka rin dito."
Mas lumapit siya at yumakap sa akin. Ramdam ko ang dahan-dahan niyang paghaplos sa likod ng aking ulo. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang bewang habang nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Nararamdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Ngayon ko naramdaman ang lungkot dahil sa gagawing pag-alis... Sa paglayo sa kanya.
"Sulat kang madalas, ha!"
"Loko." Natatawa kong hinampas ang likod niya.
"Mamimiss kita, Sam." Ngayon ay seryoso na muli ang boses niya.
Mas isinubsob ko ang mukha sa kanyang dibdib at mas hinigpitan ang yakap aa kanya. "Mamimiss rin kita, Ge."
Baon ko sa pag-alis sa Manila ang hiling para sa sarili, iyon ay ang maging masaya. Sana sa pag-alis ko rito ay maaalis rin ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko. Bigat na dulot ng sakit dahil nawalan at bigat na dulot ng sakit dahil naiwan.
Ilang ulit akong nakatulog at nagising sa van. At pagkalipas nga ng tatlong oras na biyahe ay nakarating ako sa Santa Clara. Tumigil ang jeep sa harap ng malaking public market. Inilibot ko ang paningin. Makikita sa harap ang iba't ibang establisyimento. Abala ang malawak na kalsada dahil sa mga pampasahero at pribadong sasakyan. Paroon at parito ang mga tao.
Lumapit ako sa isang nagtitinda ng mga kakanin na malapit sa akin. Bumili ako ng palamig sa Ale at kinuha na rin ang pagkakataon na 'yon para makapagtanong sa kanya.
"Sa Tres? Kaya 'yong lakarin, hija, pero mukhang mabigat ang dala mo at baka mahirapan ka," aniya na sinulyapan ang malaking traveling bag ko at backpack na nakalapag sa semento. "Mabuti pa sumakay ka na lang ng tricycle. Naroon ang sakayan."
Itinuro niya ang paradahan ng mga tricycle na nasa kabilang panig ng kalsada. Muli akong bumaling sa Ale at ngumiti.
"Sige po. Salamat po, 'Nay!"
Nakangiti itong tumango. Umurong naman ako nang may bumili sa kanya. Habang inuubos ang iniinom ko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Dinukot ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko. Mabilis kong sinagot iyon nang makita kung sino'ng tunatawag .
"Hello po?"
"Sam! Where are you, hija?" Bakas ang sigla sa boses ni Tita Agnes. Nakikini-kinita ko na ang maganda niyang ngiti.
"Nandito pa po sa palengke, Tita. Sasakay po ako ng tricycle papunta riyan."
"No need, hija. Ava is on her way home. I'll tell her na daanan ka. Hintayin mo siya riyan, okay?"
"Sige po," mabilis kong sagot.
Namatay ang tawag at mayamaya lang ay nakatanggap ako ng text mula kay Tita. Sabi roon na malapit na raw rito si Erika. Ilang minuto pa ay may tumigil na ngang pulang kotse sa harapan ko. Agad kong nakilala ang sakay niyon dahil sa nakabukas na bintana sa driver's seat. Ngiting-ngiti si Erika nang bumaba roon.
"Sam! OMG!" masiglang aniya at niyakap ako nang makalapit. Hindi ko pa man nagagantihan ang yakap niya ay kumalas na siya at nakangiti akong tinitigan. "Gosh, I missed you so much!"
"I missed you too, E!"
Muli niya akong niyakap at mas tumagal iyon ng ilang minuto. Nakaukit pa rin sa kanyang labi ang magandang ngiti nang kumalas siya, na nakapagpangiti rin sa akin.
Erika Ava is my only cousin sa mother's side. Nag-iisang anak ito tulad ko. Sa pagkakaalam ko ay nagkaroon ng miscarriage si Tita Agnes sa bunso niya at simula noon ay hindi na muling nagkaanak pa.
"Kumusta ang biyahe?" tanong niya habang nagda-drive.
"Okay lang. Nanibago yata ang katawan ko kasi ngayon na lang ulit ako nakabiyahe ng malayo."
Pinagmasdan ko siya. Kanina ay napansin ko ang taas niya. Dati ay magkasingtangkad lang kami, ngayon ay hanggang baba niya na lamang ako. Nakalugay ang itim niyang buhok na umabot sa kanyang bewang. Mahahaba ang pilikmata na isa sa gusto kong titigan sa kanya. Matangos ang ilong at mayroong manipis na labi. Maputi siya tulad ko.
Apat na buwan lang kaming hindi nagkita simula noong dumalaw ito sa Manila noong Bagong Taon pero pakiramdam ko'y parang isang taon ko siyang hindi nakita. Namiss ko siya nang sobra. Namiss ko ang ingay niya.
"Hindi muna kita kukulitin mamaya. Bumawi ka muna ng pahinga."
Matunog akong napangiti nang bumungisngis siya. Manang mana 'to kay Tita. Pareho silang jolly. Makulit din si Tito Ethan pero mas madalas na tahimik lang 'yon.
"Saan ka galing?" tanong ko. Bihis na bihis kasi ito. Nakamaong pants at beige knitted croptop.
"Sa boyfriend ko," proud na aniya.
Umarko paitaas ang isang kilay ko. Natawa siya nang masulyapan ako. "Hindi ko alam na may boyfriend ka. Matagal na kayo?" pang-uusisa ko.
"Three years."
Umurong ang ulo ko at tinaasan siyang muli ng kilay.
"Totoo! natatawang aniya. "Hindi ko lang naiikwento. Ipapakilala kita sa kanya soon."
Tumango ako nang ilang ulit. "Okay."
Pumasok kami sa isang kalsada at doon ay mapuno na ang bawat paligid. Ilang saglit lang ay nakita ko si Tita Agnes na nakatayo sa labas ng gate. May katabi itong isang maliit na ginang na wari ko'y nasa sisenta na.
"Siya si Manang Nelia," ani Erika na nakaturo sa ginang. "Tanda mo?"
Naningkit ang mga mata ko. Inaalala kung sino ba iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito. "Yaya siya nila Mommy, 'di ba?"
"Tumpak!" aniya na pumitik pa.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate. Hindi pa man kami nakakapagbukas ng pinto ay agad nang lumapit sila Tita sa kotse.
"Sam, hija!" Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang bisig pagkalabas ko ng kotse. "Kumusta ang biyahe?"
"Okay lang po, Tita," nakangiti kong ani kahit ramdam ko ang labis na pagod.
"Mamaya ay magpahinga ka sa kwarto mo pero bago iyon ay magmerienda ka muna, okay?" Nakangiti lang akong tumango. "Naaalala mo naman si Manang, 'di ba?"
Nakangiti si Manang habang nakatingin sa akin. "Opo. Kumusta po, Manang?"
"Mabuti, hija." Binigyan niya ako ng saglit na yakap. "Dalagang dalaga ka na rin. Oh, tara na muna pumasok."
Ipinagbuhat ako ni Tita ng traveling bag habang ako naman ang nagbitbit sa backpack. Sinubukan pa 'yong kunin ni Manang pero hindi ako pumayag. May kabigatan din iyon.
Pagkapasok pa lamang ng gate ay nakita ko na ang karangyaan ng kanilang bahay. Dalawang palapag iyon at moderno ang disenyo. Glass wall iyon.
Malawak ang daan na nilalakaran namin. Iyon na rin kasi ang nagsisilbing parking lot nila. Sa kaliwang gilid ay makikita ang malawak na garden nila. Nakapaikot ang makukulay na bulaklak. Pagkapasok ng bahay ay muli kong inilibot ang paningin. Naghahalo sa white and beige ang kulay ng mga kagamitan.
Ibang iba na ito sa natatandaan kong itsura nito noon. Isang palapag pa lang at hindi pa ganitong kalawak tingnan. Noon kasi ay may mga nakapalibot pang puno sa ngayon ay hardin nila. Wala na roon ang bakal na duyan kung saan kami madalas na maglaro noon ni Erika.
Sa puting L-shape sofa sa sala naroon ang traveling bag ko kaya naman doon ko rin muna iniwan ang backpack ko.
"Let's go, Sam!"
Naglahad ng kamay si Erika at inabot ko naman iyon. Nagtungo kami sa kusina. Naroon na si Tita at Manang na parehong naghahanda ng merienda. Agad akong nakaramdam ng gutom nang makita ang nakahain na pagkain. Mayroong cake, macaroni at juice.
"Samantha, come here! Dito ka maupo sa tabi ko." Nakangiting tumayo si Tita at inakay ako palapit sa dining table. Pinaghila niya rin ako ng upuan. "Ito, kumain ka, ha. Alam kong napagod ka nang husto sa biyahe."
Naglagay siya ng macaroni at slice ng cake sa platito bago iyon inilapag sa harapan ko. Binigyan niya rin ako ng isang basong juice. Agad naman akong kumain bago pa kumalam ang tiyan ko sa gutom.
"Kumain ka nang kumain. Huwag kang mahihiya," ani Tita na inilapit ang macaroni sa tapat ko.
"Kumain na rin po kayo," alok ko na tiningnan sila isa-isa.
"Huwag mo kaming alalahanin, hija. Kumain ka," nakangiti at mahinahong ani Manang.
Kumuha si Erika ng pagkain at sinabayan ako. Saglit akong tinanong ni Tita tungkol sa naging biyahe ko. Nang makakain ay umakyat din agad kami ni Erika sa second floor. May anim na kwarto roon. Itinuro niya sa akin kung nasaan ang kwarto niya kahit hindi na naman kailangan. Kahit hindi niya ituro iyon ay makikita ko agad 'yon dahil may nakapaskil doong pangalan niya.
Pumasok kami sa kwartong katabi ng kanya. Kumpleto na ang kagamitan doon at may sarili na ring comfort room. Pagkapasok pa lang ay makikita na ang telebisyon at sa harap niyon ay sofa. Sa likod ng sofa naroon ang malaking kama.
Umupo si Erika sa kama samantalang nanatili lang akong nakatayo sa tabi niyon habang iginagala ang paningin.
"Hindi pa namin napapaayos 'to ni Mommy. Sabi ko kasi sa kanya na ikaw na lang ang mag decide ng design na gusto mo. Baka kasi kapag ako ang tinanong niya ay baka puro pink ang ilagay ko rito," natatawang aniya.
"Okay na 'to, E," sabi ko habang tahimik na pinupuri ang kabuuan ng kwarto.
Maganda iyon para sa akin. White, black and gray ang combination ng kulay. Puti ang dingding niyon. Ang closet, sidetable, study table at coffee table ay light grey. Ang vanity mirror at bedframe ay white. Ang 6-seater L-shape sofa ay white rin. Ang mga throwpillow maging ang nordic style carpet sa ilalim ng coffee table ay naghahalo ang kulay sa black, gray and white.
"Anong okay na? Ang boring kaya ng kulay nito," nakangiwing aniya.
"Hindi. Okay na talaga 'to. Wala na akong ipapabago rito."
Nakalabi siyang nagbuntong-hiniga. "Okay. Ikaw ang bahala."
Patuloy ako sa pagmamasid nang madaanan siya ng paningin ko. Nakatitig ito sa akin. Nagtaka ako nang mabasa ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Ano'ng problema?"
Umiling siya. Tipid na ngumiti at kasunod ay malalim na bumunting-hininga. "Sorry kung hindi ako nakapunta noong libing ni Tito Samuel."
Tinapik ko ang braso niya. "It's okay. Nasabi rin nila Tita na busy ka ng mga panahong 'yon dahil sa exams."
"Balak kong sumunod doon kapag natapos ang exams pero nagulat ako no'ng bumalik din sila kinabukasan. I'm sorry, Sam. Sa mga nagdaang taon pakiramdam ko wala man lang akong naitulong sa'yo. Na kahit... Na kahit a-ang pagaanin ang pakiramdam mo hindi ko magawa."
Pinunasan ko ang luhang tumakas sa kanyang mata. "'Wag mong sabihin yan, E. 'Yung araw-araw na pagtetext at pagtawag mo para kumustahin ako ay malaking bagay na para sa akin. Wala ka man sa tabi ko pero naramdaman kong nandyan ka lang para sa akin. Pareho lang tayong may kanya-kanyang buhay. Hindi mo kailangang itigil ang mga gusto mong gawin para lang masamahan ako. 'Yong nakakausap lang kita araw-araw ay masaya na ako. Sapat na sa akin ang kaalamang hindi mo ako nakakalimutan."
Mahigpit kaming nagyakap. Kahit ramdam ko ang pagtutubig ng mga mata ko ay napapangiti ako. Kumalas siya at hinarap ako. Sa wakas ay tumigil din sa pagluha ang mga mata niya.
"How are you now?"
Tipid akong ngumiti. "Ito, pilit na nilalabanan ang lungkot... Kinakaya naman."
Hinawakan niya ang kamay ko at mahina niyang tinapik-tapik ang bubong ng palad ko. "Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong mag-e-enjoy ka rito sa Santa Clara at hinding hindi ka magsisisi na nagpunta rito. Pangako 'yan, Sam!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top