Kabanata 20

WALANG paglagyan ang saya ko nang magkatotoo nga ang sinabi ni Xander. Nagkaayos nga ang dalawa ni Tristan at Bianca. Bonus pa na unti-unti na nilang nabubuksan ang tungkol sa nararamdaman nila.

"Hanga ka na sa 'kin?" mayabang na ani Xander kinabukasan pagkatapos niyang kausapin ang dalawa.

"Oo na. Ikaw na, Master." Yumukod pa ako. Natatawa niya akong niyakap.

"Tulak pala gusto ninyo. Kung alam ko lang na gano'n lang kailangan ninyo isinubsob ko na kayo sa isa't isa," ani Erika.

"Torpe nito ni Tristan. Panay pa-baby, eh," hirit din ni Troy.

"Hanggang kailan kaya na kami ang makikita ninyo?" masungit na ani Bianca.

"Until next year."

Hinambaan ng suntok ni Bianca si Erika kaya natatawa niyang itinaas ang nakakuyom na mga kamay.

Bumalik na ang ingay ng tambayan. Bumalik ang pagiging aso't pusa nila Tristan. At bumalik na rin ang kapayapaan sa isip ko.

Next week na ang death anniversary ni daddy. Nagbabalak na ako na luluwas ng Manila para roon. Nagsabi pa nga si Gerald na pwedeng doon ako magpalipas ng gabi sa kanila.

"Pasensya na, hija, kung hindi ka namin masasamahan. Tambak ang trabaho ng Tito Ethan mo," malungkot na ani Tita Agnes nang magsabi ako rito ng tungkol sa balak na pagluwas.

"Okay lang naman po ako, Tita. Nakausap ko na rin si Gerald at sasamahan niya ako."

"Bakit hindi ka magpasama kay Erika?"

"Busy po iyon. Huwag ninyo na lang din po sanang banggitin."

"Naku, magtatampo iyon sa'yo. Panigurado."

"Madali naman pong suyuin 'yon," natatawa ko pang sabi.

Napailing si Tita. "Oh, s'ya, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka roon, ha? Tumawag ka kapag may kailangan ka."

"Yes, Tita. Salamat po."

Hindi nagtanong sa akin si Erika tungkol sa pagluwas ko kaya alam kong hindi niya nga nakarating sa kanya ang tungkol doon. Siguradong kapag nalaman no'n ay hindi iyon papayag na hindi siya sasama. Kaya nga ingat na ingat akong huwag mabanggit sa kanya. Abalang abala pa kasi iyon sa school.

Alas kwarto pa lamang ng umaga ay gumayak na ako. Alas singko ang first trip ng bus at gusto kong habulin iyon. Kapag maaga akong nakaalis dito ay maaga akong makakarating sa Manila at hindi na aabutin ng traffic. Kagabi pa lang naman ay nagsabi na ako kina Tita na ganitong oras akong aalis kaya okay lang kahit hindi na ako makapagpaalam ngayon.

Bumaba na ako dala ang itim kong backpack na naglalaman ng damit na maisusuot kung sakaling hindi ako makakauwi mamaya. Dumaan pa muna ako ng kitchen at gumawa ng kape. Isinalin ko iyon sa tumbler. Habang naglalakad palabas ng kusina ay isinilid ko na iyon sa bag.

Nangaligkig ako sa lamig ng hangin na humampas sa katawan ko pagkalabas ng bahay. Nagtuloy na ako sa gate, yakap ang sarili. Para akong nakakita ng multo nang mabuksan iyon. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa nakikita. Mabilis na nangilid ang luha ko dahil muli na naman nila akong ginulat.

Nakaparada sa harapan ko ang isang itim na mpv. Kina Troy iyon. Iyon din 'yong ginamit namin noong ihatid namin si Gerald sa Manila Nakabukas ang pinto niyon sa passenger's seat at sa driver's seat. Nakaupo sa likod si Tristan, Bianca at Erika. Nakasubsob si Bianca sa kandungan ni Erika at ito naman ang nakasubsob sa likod niya. Samantalang nasa harapan si Troy at si Xander, parehong gising at nag-uusap.

Sabay na lumingon sa akin ang dalawa nang magkaroon ng tunog ang paglapat ng gate. Mabilis na bumaba ng driver's seat si Xander at lumapit sa akin. Napansin ko agad ang hindi magandang pinta ng mukha nito. Seryoso ito at salubong ang mga kilay. Alam ko na naman kung para saan iyon.

"Anong... ginagawa ninyo rito?"

"Muntik na akong magtampo, Samantha. You didn't mention about this plan of yours," aniya habang kinukuha ang bag ko sa aking balikat.

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko talaga binanggit maski sa kanya ang tungkol dito dahil siguradong magpupumilit din 'tong sumama pa.

"Paano mo nalaman?"

"Erika told me."

At sinabi ni Tita kay Erika. Akala ko hindi niya sasabihin.

Sinalubong niya ang tingin ko. Gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang kabilang pisngi ko. "Let's go. I want to meet your father."

Ngumiti ako at tumango. Inakay niya na ako palapit sa sasakyan. Nakalipat na si Troy sa driver's seat. Gising na rin ang tatlo sa likod at nakatingin sa amin.

"Hi, Sam!" Inaantok pang bati ni Bianca.

"Sa likod na'ko." Lumabas si Tristan at lumipat nga sa likod.

"Saan mo gusto? Dito o doon?" tanong ni Erika kay Xander.

"Doon na ako para makapagpalitan kami ni Troy sa pagda-drive."

"Come here, Sammy!" Naglahad ng kamay si Bianca at inabot ko naman iyon. Mahina pa ako nitong hinila habang sumasakay ako.

Umaandar na't lahat ang sasakyan ay hindi ko pa rin magawang magsalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na narito sila at makakasama ko sa pagluwas.

"Nag breakfast ka, Sam?" Si Erika. Umiling lang ako. "May pagkain sa likod kapag nagutom ka." Tumango ako.

"Matulog muna kayo," ani Troy.

Bumalik sa pwesto nila kanina sila Erika. Si Tristan ay nakapikit na rin nang lingunin ko. Si Troy at Xander ay nag-uusap.

Nagpatakan ang mga luha ko. Hinayaan ko 'yong umagos tutal ay hindi nila makikita dahil tulog ang iba at madilim sa loob. Simula noong maging kaibigan ko sila, palagi nilang ipinaparamdam sa akin na hindi na ako haharap sa bukas, malungkot man iyon o masaya, nang mag-isa. Ganoon ang pagkakaibigan na mayroon sila. At sobra akong nagpapasalamat na isa ako sa kanila. Na nararanasan ko kung gaano sila kabuting kaibigan.

Nagmulat ako ng mga mata. Napabalikwas ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasa Alabang na kami.

Nakatulog ako! Nakatulog ako buong biyahe!

"Oh, bakit? Nanaginip ka, Sam?"

Nilingon ko ang katabi ko. Nagpupunas si Erika ng wet wipes sa kanyang mukha. Si Bianca ay nakasandal pa ang ulo sa balikat niya pero mulat na at nakatingin sa akin.

"Hin... Hindi naman."

Si Troy pa rin ang nagda-drive. Sinilip ko ang wristwatch ko. Dalawang oras at limampu't pitong minuto pa lamang ang inabot ng biyahe namin. Palibhasa'y dire-diretso at maaga pa.

Bago dumiretso sa columbarium ay nag-agahan muna kami sa isang fast food chain.

"Bakit magkakasama kayo?" Hindi na 'ko makatiis at inusisa ko na sila. Nakita ko ang pag-irap ni Erika. Tama nga si Tita na magtatampo ito.

"Hindi ka nagsabi sa amin... o kahit sa akin. Iyon ang issue rito."

Nahimigan ko ang inis sa kanyang boses. "Ayoko lang makaabala, E, dahil alam kong sobrang busy ninyong lahat."

"So, kapag isa sa amin ang nasa ganitong sitwasyon at isinama ka, abala kami, Sam?"

"Hon," saway ni Troy rito.

Umirap pang muli si Erika habang nakatutok ang mga mata sa pagkain niya.

"Sorry na, E," malambing kong ani at inabot ang kanya niyang nasa ibabaw ng lamesa.

Matalim ang tingin nito nang tumingin muli sa akin, pero bukod doon ay lungkot na ang makikita ko sa kanyang mukha.

"Huwag mo na ulit 'tong gagawin, Sam. Kahit gaano kami ka-busy ay iiwan namin 'yon para sa'yo."

Bumugsong muli ang damdamin na iniiyak ko na kanina. "Thank you, E!"

Nang dumating kami sa columbarium ay nasa labas na si Gerald. May bitbit din itong isang bouquet ng puting rosas.

"Hi, Ge!" bati rito ng dalawang babae.
Nakipagfist bump naman ito sa mga lalaki.

"Hi, Dad!" ani ko habang inilalapag ang isang bungkos ng puting rosas sa sahig na dala namin. Maging si Gerald ay inilagay na roon ang dala niya.

Bumalik ako sa pwesto ko. Nasa gilid at likod ko ang mga kaibigan ko. Tumungo ako at pumikit. Ramdam ko ang kapayapaan sa puso sa kaalamang nasa tabi ko ang mga kaibigan ko. Hindi ako nag-iisa na akala ko dati ay mangayyari oras na bumalik ako rito.

"Tingnan mo kung gaano Siya kabuti sa akin, Dad. Noong umalis ka... hindi Niya hinayaan na mag-isa lang ako. Hindi Niya lang hinilom ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Binigyan Niya rin ako ng mga bagong pag-asa. His love remained with us even then. Palagi Siyang may ginagamit na tao para tulungan tayo noon. At nang umalis ka, ibinigay Niya sa akin ang mga kaibigan ko. Ibinigay Niya sa'kin si Xander. But, I miss you, Dad. I miss you so much!"

Sa isang taon na wala si daddy, hindi dumadaan ang isang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko at kung paano siya umalis na hindi hinahayaang kainin ako ng pagsisisi sa maaaring maging desisyon ko ng mga panahong iyon. Kahit wala na siya, nananatili pa rin siyang lakas ko. Sila ni mommy.

Luhaan akong nagmulat at nag-angat ng tingin. Agad kong naramdaman ang pagpulupot ng braso ni Xander sa aking likod. Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan ng pag-angat ng tingin ko sa kanya. Pinunasan niya ang basa kong pisngi at nagbigay ng isang magandang ngiti.

"He's proud of you, Sam. Your star, he's always been proud of you... I'm sure of that."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top