Kabanata 19

DUMAAN pa ang mga araw na ganoon pa rin si Bianca at Tristan. Kapag nagkikita ang dalawa sa tambayan ay hindi nagpapansinan ang mga ito. Tahimik lang, ibang-iba sa dating parang aso't pusa.

Sinusubukan kong kausapin ang dalawa pero parati lang akong ngingitian ni Tristan at iibahin naman ni Bianca ang usapan. Hinihintay kong kumilos ang iba para pag-ayusin ang dalawa. Alam ko namang lihim din nilang kinakausap ang mga 'to pero hindi pa rin ako matahimik hangga't hindi sila nakikitang nag-uusap nang muli.

Sa totoo lang, nawala ang sigla ng tambayan dahil sa pag-aaway nila. Silang dalawa kasi ang numero unong maingay roon palagi. Kaya nga kapag wala sila roon ay tahimik lang naman kami roon. Kumbaga sila ang bumubuhay sa lugar na 'yon. Ngayong ganoon sila, dinaig pa niyon ang katahimikan kapag wala sila roon.

"Wala ba tayong gagawin doon sa dalawa?"

Bumuntong-hininga si Xander. Uminom muna ito ng tubig bago ako sinagot, "Sinusubukang kausapin ni Erika. Nagmamatigas si Bianca."

Bumagsak ang balikat ko. "Iyon nga rin ang sabi niya sa'kin."

Tinitigan niya ako. "Don't worry too much about them, babe. Magkakaayos din ang mga 'yon."

"Pero kailan?"

Muli siyang napabuntong-hininga. Problemado rin naman siya tungkol sa dalawang iyon. Alam ko iyon kahit hindi niya sabihin sa'kin.

"Kung mas magtatagal pa na ganito sila ay baka lalo lang lumaki ang lamat sa pagitan nila. Baka mamaya pa kahit magkaayos na ay hindi na maibalik sa dati ang pagsasamahan nila. Natatakot lang ako, Xander."

"Hindi mangyayari 'yon. Matagal na silang magkaibigan."

"Iyon na nga, eh. Iyon nga ang ikinakatakot ko. Ayokong masira ang pagkakaibigan na matagal nilang iningatan."

"Hindi mangyayari 'yon, babe." Ulit niya. Umiiling pa na parang sigurado roon.

"Pero paano nga kapag nangyari? Nagkasakitan sila ng damdamin, Xander."

"Babe," malumanay na tawag niya. Basta gano'n ay pinapahinahon niya na ako. Napahilamos ako at bumuga ng hangin. "Oh, sige. Kakausapin ko ang dalawa."

Mabilis na umangat ang ulo ko. "Talaga?"

Tumango siya. "Ayokong nakikita kang ganito, Sam," malungkot na aniya.

Tipid akong ngumiti. "Pasensya na. Date natin 'to pero hindi ko maiwasang hindi sila isipin."

"It's okay. Bukas na bukas din ay kakausapin ko sila. Now..." Kinuha niya ang mga kubyertos na nakalapag sa magkabilang gilid ng pinggan ko at inilagay iyon sa mga kamay ko. "Eat your food, Samantha."

Napanatag ang loob ko nang gabing iyon. Pero nang sumunod na araw ay hindi ako mapakaling muli. Buong araw kong kasama si Bianca dahil maghapon ang klase namin kapag Huwebes. Walang nabanggit si Xander kung saan niya kakausapin ang dalawa at kung anong oras. Baka pa hindi mangyari ngayong araw ang balak niyang pagkausap sa mga ito dahil hanggang alas siyete dumuduty si Tristan sa ospital.

"Pinapapunta ako ni Xander sa tambayan. Bakit kaya?"

Mula sa professor naming nagdidiscuss sa unahan ay nalipat ang tingin ko sa katabi ko. Salubong ang kilay nito.

"Alam mo?" tanong niya nang lingunin ako.

"Hindi," naisagot ko. Ang tanga! Bakit ba ako nagsinungaling?

"Ang lakas ng trip ng jowa mo." Tanging nasabi nito bago ibinaba ang cellphone sa lamesa. Nakapangalumbaba itong humarap muli sa unahan.

Malungkot kong natitigan si Bianca. Simula noong nagkasagutan sila ni Tristan ay madalang ko na 'tong makitang nakangiti na umaabot ang saya hanggang sa mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagtigil nga ng panliligaw ni Jaypee o dahil sa kanila ni Tristan.

Gusto siya ni Tristan. Iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi nito noong nagkausap kaming dalawa sa labas ng tambayan. Alam kaya niya iyon? Ramdam niya kaya? Halos araw-araw silang nagkakasama. Imposibleng hindi, hindi ba?

Nandito na kami ni Bianca sa tambayan.

Sinend ko ang text message ko kay Xander pagkarating na pagkarating namin dito. Pumunta ako sa kusina kung nasaan si Bianca. Nangangalkal ito ng refrigerator.

"Wala palang stocks ditong pagkain."

"Wala ba? Gusto mong bumili muna tayo?"

Isinara niya na ang ref. Hawak na ang isang bar ng chocolate. "Huwag na, Sam. Ito na lang."

Lumapit ako sa lababo at tiningnan ang cabinet sa itaas. Wala rin akong nakita roon. "Bumili muna kaya tayo? Baka nagugutom ka na. Mag a-alas siyete na rin, eh."

"Huwag na. Sa bahay na ako kakain."

"Sure ka?"

"Oo. Kumain naman tayo kanina noong vacant natin ng four, 'di ba? Busog pa 'ko roon sa burger."

"Okay."

Lumapit na ako sa lamesa at umupo kaharap niya. Inabot niya naman ang tsokolate sa akin. Iyon ang pinagkaabalahan namin habang naghihintay at pinag-uusapan ang nalalapit na birthday ni Erika.

Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto at magkasunod na pumasok si Xander at Tristan. Agad tumama ang tingin ng huli sa katabi ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naramdaman ko ang tensyon nang marinig ko ang malalim at naiinis na buntong-hininga ni Bianca.

May ibinulong si Tristan kay Xander at pagkatapos ay muli 'tong humarap sa pinto, handa ng umalis. Mabilis naman itong napigilan ni Xander sa braso. Mas lumala ang tensyong nararamdaman ko nang hilahin niya ito palapit sa sa amin. Ipinaghila niya pa ito ng upuan sa mismong tabi ni Bianca.

"Sit down."

Walang nagawa si Tristan. Salubong ang kilay at walang gana itong umupo patagilid. Nakita ko pa ang pag-irap dito ng katabi.

Tumayo ako at lumapit kay Xander. "Doon muna ako sa sala." Tanging tango ang isinagot nito.

Nang nasa sala na ay muli ko silang nilingon. Nakaupo na si Xander sa kinauupuan ko kanina. Kaharap niya ang dalawa na parehong hindi maipinta ang mukha. Sa itsur ng mga ito ay pareho silang nagmamatigas. Walang gustong magpakumbaba. Sana lang ay maging maayos na ang sila pagkatapos ng pag-uusap nilang ito.

"Bakit hindi pa kayo magbati kung hindi ninyo naman kaya na ganyan kayo sa isa't isa?"

Nakagat ni Bianca ang ibabang labi, napaayos naman ng upo si Tristan. Kahit ako ay napaayos ng upo. Hindi ko inaasahan na iyon ang unang sasabihin niya sa dalawa.

"I know you're concerned about Bianca and you like her, but I think it was wrong to tell Jaypee not to court her anymore."

Napaubo ako dahil sa narinig ko. Napalingon naman ito sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Talaga bang kailangan niyang sabihin 'yon nang ganoon? Pero hindi man lang nito pinansin ang ginawa ko at ibinalik ang tingin sa dalawa.

"What? You don't know about that?" tanong nito kay Bianca nang makita ang panlalaki ng mga mata nito. Lumipat ang tingin niya kay Tristan na bakas din ang gulat sa mukha. "You didn't tell her about your feelings?"

"Ano bang sinasabi mo?" Buo ang boses ni Tristan. Seryoso lang itong nakatingin kay Xander.

Hindi ito sumagot. Bumaling siya kay Bianca. "Hindi naman mahalaga sa'yo ang panliligaw ni Jaypee, 'di ba? Nasabi niya sa'kin na pinatigil mo na rin siya bago pa siya makausap nitong isang 'to."

Gusto kong sawayin si Xander. Pakiramdam ko mali na ganoon niya kausapin ang dalawa. Ngatngat ko na ang daliri sa hinlalaki. Lalo akong kinakabahan dahil baka mas lumala pa ang gulo sa pagitan ng mga 'to.

"Pero mali pa rin na ginawa niya 'yon?" mariing giit ni Bianca.

"Ano'ng mali kung ginawa niya lang 'yon para bakuran ang taong gusto niya?"

"Xander!" Hindi ko na napigilan. Pare-pareho silang napalingon sa akin pero mabilis din nilang inalis sa'kin ang tingin nang magsalitang muli si Xander.

"Tapos na ako rito. Kayo na ang bahala kung mag-aayos kayo o magpapatuloy na ganyan." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Inabot pa nito ang kamay ko at kinuha ang bag ko sa aking tabi. "Let's go, babe. Ihahatid na kita."

"Paano sila?" bulong ko. Tiningnan ko ang dalawa sa kusina. Nakatungo si Bianca, malungkot ang mukha ni Tristan habang nakatingin naman dito. Parang ayoko pang umalis dito hangga't hindi sila nakikitang nag-uusap.

"Hayaan mo na sila."

"Pero-"

"Magkakaayos din ang mga 'yan."

Bumuntong-hininga ako. Tumayo na rin at sumama sa kanya. Muli ko pang nilingon ang dalawa noong nasa pinto na kami. Nabuhayan ako ng pag-asa nang makitang lumapit si Tristan at yumakap kay Bianca.

Hinarap ko si Xander nang makarating sa tapat ng gate ng bahay. "Palagay mo okay lang sila?"

"Okay lang sila, Sam." Ngumiti siya at sinakop ng mga kamay ang magkabila kong pisngi. "Now ease your mind. Tingnan mo bukas magkayakap na ang dalawang 'yon tulad nito."

Pumulupot ang mga braso niya sa katawan ko. Natatawa kong ginantihan ang yakap niya. Habang yakap siya ay parang nawala bigla ang bigat sa dibdib ko. Nawala ang ingay ng mga alalahanin sa isip ko. Ganoon ang dulot ng yakap niya sa'kin.

Tiningala ko siya nang may maalala. "Teka, kailan mo pala nakausap si Jaypee?"

Mahina 'tong natawa. "Hindi ko siya nakausap."

Lumuwag ang yakap ko. Bahagya akong lumayo sa kanya para mas makita ang mukha niya. "What?"

"Nanghula lang ako. Tingnan mo't tumama ako." Napanganga ako. Ngumisi pa ito lalo. "They like each other. Masyado pa nga lang silang mga duwag at kulang pa sa tulak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top