Kabanata 15

WALANG Erika ang tumambad sa paningin ko ngayong umaga. Nagtungo ako sa kusina. Si Manang lang ang naabutan ko roon. Nasa trabaho na marahil sila Tito.

"Good morning po, Manang!" Umupo ako sa harap niya.

"Good morning, hija. Kumain ka na."

"Si Erika po?" tanong ko habang nagtitimpla ng kape. Naghahain naman siya ng pagkain ko.

"Aba, maagang umalis. Sinundo ni TJ," aniya na si Troy ang tinutukoy. "Mag de-date siguro," pabulong pang aniya na mahina kong ikinatawa.

Kumain na ako habang nakikipagkwentuhan pa kay Manang tungkol sa mga anak niyang nasa ibang bansa na pala lahat. Kung tutuusin ay pwedeng pwede na siyang umalis dito. Aniya ay nasanay na rin siyang kasama sila Tita Agnes at hindi na niya kayang iwan pa ang mga ito. Hanga ako sa kanya dahil malaki ang malasakit niya sa pamilyang ito. Minahal niya ang mga ito na parang sariling kadugo.

Bago pa ako matapos sa pag-aagahan ay nagpaalam na si Manang dahil tatawag ang apo nito. Tinapos ko naman ang pag-kain ko.

Nang matapos ako sa paghuhugas ng pinagkainan ay umakyat na muli ako sa kwarto ko. Tutal ay wala rin namang gagawin at hindi rin ako nakakatanggap ng text message mula sa iba kung patungo sila sa tambayan, inubos ko na lamang ang maghapon sa panonood ng pelikula.

Ramdam ko ang hapdi sa namumugto kong mga mata nang matapos ko ang pangatlong pelikula. Dalawa ba naman sa pinanood ko ay iyakan to the max. Ayan tuloy!

Pinagpahinga ko saglit ang mga mata ko bago ako nagtungo sa banyo. Nang matapos sa paliligo ay tiningnan ko pa ang mga mata sa salamin. Wala na ang pamamamaga at pamumula niyon.

Nang makalabas ako ng banyo ay nakaupo na si Erika sa sofa. Nakatutok ang paningin nito sa cellphone at abala naman ang mga daliri sa pagtitipa roon. Umangat ang kilay ko sa pagtataka nang makita itong gayak na gayak. Naka black square neck dress siya at black platform peep toe stilettos. Napansin ko rin ang isang malaki at isang maliit na gray box sa tabi niya.

"Kumusta ang date?" tanong ko dahilan ng paglingon niya sa akin. Naglakad ako palapit sa closet para kumuha ng maiisuot.

"Okay lang." Nakangiti siyang tumayo. Walang kahirap-hirap niyang binuhat ang mga kahon patungo sa kama.

"Nakipagdate ka ng ganyan ang suot?" nagtataka kong tanong na pinasadahan pa ng nagtatakang tingin ang kabuuan niya.

"Loka! Syempre hindi!" natatawa niyang sagot.

Nagkibit-balikat ako. "Akala ko, eh."

"Wear this," aniya kaya natigilan ako sa paghahanap ng damit at hinarap ito.

Napuno muli ako ng pagtataka habang nakatingin sa mga kahon. Kanina ko pa iniisip kung ano ang mga iyon. Para kasi 'yong regalo dahil may ribbon pang nakatali. "Ano 'yan?"

"Wedding gown," nakangising biro niya na ikinaismid ko.

Umupo ako sa kama at binuksan ang malaking kahon. Napalingon ako sa kanya nang makita ang silver dress roon. Ngumiti lang ito nang pagkalapad-lapad. Itinuon kong muli ang paningin sa dress. Kinuha ko iyon at iniharap sa akin. Isa 'yong sparkling silver sequin backless dress.

"Ito pa," ani Erika.

Natitigan ko ang hawak niyang champagne metallic lace-up heels. Sa sobrang hilig ni Erika sa fashion ay pati ako ay nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga iyon.

Tumayo ako bitbit ang damit. "Saan ang tungo natin?"

"Birthday party," sagot niya. "Ay, ano ba 'yan SPG!" sigaw niya nang tanggalin ko ang bathrobe ko habang nakatayo sa harapan niya. Natira lang sa aking katawan ang suot kong undergarments.

"Ang arte mo!"

Natawa ako nang makitang nakatakip ito sa kanyang isang mata samantalang sa isa ay wala namang harang. Natatawa niya namang inalis ang kamay na nakatakip sa isang mata. Sanay na naman iyan. Lalo na ako sa kanya, aba. Wala ring pakundangan ang isang 'yan, eh. Natutulog nga iyan na naka-bra lang.

Napangiti ako nang maisuot ang damit. Tumingin ako sa whole body mirror na nasa tabi ng kama. Hanggang hita ko lang ang dress pero napakaganda niyon. Gustong gusto ko iyon. Siguradong si Erika ang pumili nito para sa' kin.

Nakita ko mula sa salamin ang paglapit niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa katawan ko.

"Ang ganda, 'di ba?" Iniharap niya ako sa kanya. Pinagpagan niya pa ang bandang balikat na akala mo'y may nakitang dumi roon. "Saktong sakto lang sa maliit na hubog ng katawan mo." Tumatangong sabi niya. Pumalakpak siya. "Okay!" Lumapit ito sa kama at kinuha ang laman ng isa pang box. "Wear this naman.'

Iniangat niya ang mga kamay na may hawak ng lace up heels. Lumapit naman ako sa kanya at kinuha iyon.

"Birthday party ba kamo ang pupuntahan?"

"Hmm-mm." Tumayo siya bago ako hinila papunta sa vanity dresser. "Aayusan kita."

"Huwag na! Ayokong mag makeup!" pagprotesta ko pa habang iniuupo niya ako sa harap ng vanity.

"Kaunti lang!" mariing aniya na hinawakan pa ako sa magkabilang gilid ng ulo.

Wala na akong nagawa. Hindi rin naman siya papayag na hindi malalapatan ng kolorete ang mukha ko.

Inumpisahan niya na ang pag-aayos sa akin. Sa gaan ng bawat lapat ng kamay niya sa mukha ko ay ilang ulit na nalaglag ang ulo ko at napailing para alisin ang antok.

Natural look lang ang ginawa niya. Hinayaan niya namang nakalugay ang buhok. Nilagyan niya rin ako ng silver sparkling earrings.

"Hindi ba masyado naman yatang bongga ang itsura ko?" Tiningnan ko siya. "I mean... natin?"

"Hindi, 'no. Saktong sakto lang iyan."

"Done!" masayang sigaw niya.

Tiningnan ko ang itsura ko. Napangiti ako kahit halos hindi ko namakilala ang sarili ko. Masyadong maganda ang nakikita ko sa harap ng salamin. Hindi ako sanay na maayusan ng ganito kaya pakiramdam ko sa mga oras na itoo ay dapat kong i-enjoy 'to.

"Let's go!" anyaya ni Erika.

Lumabas kami ng kwarto. Hindi mapakali ang katawan ko dahil sa suot ko. Naninibago ako sa higpit ng kapit niyon sa katawan ko.

"Ano ba, relax!" pagalit na ani Erika.

"Hindi ako sanay."

"Magsanay ka dahil kukunin kitang model ko kapag mayroon na 'kong boutique."

"Asa! Si Bianca pa pwede." Isa pa 'yong matalas ang fashion sense, eh.

Nakita ko si Troy na nakaupo sa sofa habang pababa kami. He's wearing a white longsleeve tucked-in in his dark blue slacks and a white sneakers. Tumayo naman siya agad nang makita kami.

"Hello beautiful girls!" Pinasadahan niya ako ng tingin. "You look fabulous, Samantha!" nakangiting sabi niya.

Sinulyapan ko si Erika. "Baka magselos girlfriend mo," pabulong kong ani rito na ikinatawa niya.

Kumunyapit ang braso ng pinsan ko kay Troy. "Selos kamo? Wala 'yan sa bokabularyo ko, 'no," mataray na sabi nito. "Let's go na."

Natatawa kaming napailing ni Troy. Panay naman ang papuri nito sa girlfriend habang naglalakad kami palabas ng bahay.

After twenty minutes ng biyahe ay nakarating kami sa isang subdivision. Tumigil kami sa isang two-storey house. May tatlo pang kotse ang nakaparada roon na hindi pamilyar sa akin. Wala roon ang kotse ni Xander at Tristan kaya baka wala pa ang mga ito roon.

Ang ipinagtata ko lang ay, "Bakit madilim?"

Hindi yata nila narinig ang tanong ko dahil hindi nila 'ko sinagot. Nagpatuloy ang dalawa sa pagpasok sa gate. Agad naman akong sumunod sa mga ito.

Binuksan ni Troy ang pinto. Pinauna niya kaming pumasok bago siya sumunod at isinara iyon. Madilim din kahit sa loob. Wala talaga akong nakikita. Nagtaka ako nang marinig ko ang yabag nila Troy at Erika palayo sa akin.

"E?" tawag ko pero hindi ito sumagot. Naguguluhan akong pilit na naghahanap sa gitna ng kadiliman. "Ano bang kalokohan ito?" mahina kong tanong.

Mabilis kong naiharang ang aking braso sa mga mata ko nang masilaw ako sa biglang pagbukas ng mga ilaw, pero mabilis ko ring naibaba iyon nang makarinig ng sigaw.

"Happy birthday, Samantha!"

Nakanganga, mabilis na nangilid ang luha ko habang tinitingnan isa-isa ang mga taong nasa harapan ko. Nagpatakan ang mga luha ko nang mapagtanto ang nangyayari.

Natutop ko ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi nang maglakad si Xander palapit sa akin bitbit ang isang bouquet ng pulang rosas.

"It's my birthday," wala sa sarili kong ani habang nakatingin dito.

Mahina itong natawa. "Tama nga si Erika na makakalimot ka sa birthday mo."

Inabot niya sa akin ang hawak niya at dinampian ng halik ang aking noo.

"Happy birthday, Samantha, my love!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top