Kabanata 14
NAGISING ako na may tumatapik sa pisngi ko. Ayaw ko pa sanang magmulat pero nagpatuloy iyon kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Nakita ko si Erika na nakaupo sa tabi ko. Nangunot ang noo ko nang makitang nakaligo na siya. Nakasuot ito ng white T-shirt na tucked-in sa kanyang orange skirt.
"Saan ang punta mo?" mahina kong tanong habang nanatiling nakahiga.
"Hindi ka sasama?"
"Saan?"
"Sa tambayan."
"Ang aga pa, E!" inis kong sabi at nagtakip ng unan sa mukha.
"Anong maaga pa? Mag aalas-dyis na, hoy!"
Mabilis kong inalis ang unan sa mukha ko at tiningnan ang orasan sa side table. Labing dalawang minuto na lang ay alas dyis na nga.
"Ang sarap ng tulog, ah?" nakangising aniya.
Pinagkunutan ko lang siya ng noo bago nanlalambot na bumangon at naglakad patungo sa banyo.
"Mauna ka na," tamad kong sabi.
"Hindi ka sasabay sa 'kin?"
"Susunod na lang ako roon."
Pumasok ako sa banyo. Nanlalambot ako at pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko. Babaeng babae na naman ako ngayon at sa mga susunod na araw.
"Okay! Sumunod ka, ha?! Hihintayin ka namin!" Rinig kong sigaw niya pa mula sa labas.
Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na. Kwarenta minuto ang lumipas ay nasa labas na ako ng tambayan. Mukhang nanonood ang mga tao roon dahil sa mga gunshot sound effect na naririnig ko. Pumasok ako at nakita ko ang apat na tutok sa telebisyon. Tamad akong naupo sa tabi ni Erika sa mahabang sofa. Ang tatlo ay nagtitiis sa malamig na sahig.
"Oh, nandito ka na pala." gulat na ani Erika nang makaupo ako sa tabi niya. Sumandal ako sa balikat niya. Napalingon sa amin 'yong tatlo pero ibinalik din agad sa pinapanood ang atensyon.
"Nasa kwarto si Xander. Nagkulong nang biruin kong hindi ka makakarating," bulong niya pa at mahinang natawa. Hindi ako sumagot. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko. Umiling ako. "Bakit?"
"May dalaw ako," bulong ko sa kanya. "Feeling ko lalagnatin ako."
"Gusto mo ng gamot? Mayroon pa yata sa medicine cabinet."
"Pagkain ang kailangan ko. May pagkain ba? Hindi ako kumain sa bahay, eh." Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya. "Gutom na 'ko."
"Ay, teka, titingnan ko kung ano'ng dala nila Bi." Tatayo na sana ito pero agad ko siyang pinigilan.
"'Wag na, E. Ako na." Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagtingin ako sa refrigerator. Napangiwi ako nang makakita ng maraming beer in can at soft drinks doon. May mga prutas din at mga gulay. Dinampot ko ang egg pie na natoon. Tiningnan ko rin ang cabinet. Agad akong natakam nang makita ang cup noodles doon. Kumukuha ako niyon. Umupo ako sa lamesa nang malagyan iyon ng mainit na tubig. Nakapangalumbaba ako habang nakatingin roon at naghihintay na maging okay iyon.
Nanlalambot talaga ako. Ganito ako kapag buwan ng dalaw. Kaya noong nagta-trabaho ako ay hirap na hirap ako kapag dumadating ang araw na ganito. Para kasi akong lalagnatin parati at tamad na tamad kumilos dahil madalas ay nananakit ang balakang ko. Kasumpa-sumpa talaga ang ilang araw na ganito.
After fifteen minutes ay inumpisahan ko nang kainin ang noodles. "Guys, kain!"
"Sige, Sam. Mabusog ka lang masaya na kami," ani Tristan na hindi inaalis ang tingin sa telebisyon.
"Pakabusog!" ani Bianca na nilingon ako saglit.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Nanatili namang abala ang mga ito sa panonood. Napalingon ako sa isang kwarto nang bumukas iyon at seryoso ang mukha nang lumabas roon si Xander habang nagsusuot ng T-shirt. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa telebisyon.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang dumapo ang tingin nito sa kusina at nang makita ako. Umaliwalas ang mukha niya nang magtama ang mga mata namin. Mabilis na napalitan ng saya ang nakasimangot niyang mukha at mabilis na naglakad palapit sa akin.
"Kanina ka pa?" tanong niya nang makaupo siya sa tabi ko. Nangalumbaba siyang tumingin sa akin.
"Kani-kanina lang."
Tumango siya at tiningnan ang kinakain ko. "Bakit 'yan ang kinakain mo?" masungit na tanong niya.
"Gutom na 'ko, eh."
Nangunot ang noo niya at masamang tingin ang ipinukol doon sa apat na busy sa panonood. Pero noon namang hindi pa sila tinitingnan ni Xander ay kita kong patingin-tingin sila rito sa amin. Lalo na ang tatlong bibe.
Tumayo si Xander at tiningnan ang rice cooker. Nang makitang walang laman iyon ay nagsaing siya. Kunot-noo ko siyang pinapanood sa ginagawa niya. Sa mahigit isang buwan ko rito ay first time ko lang siyang nakitang magsasaing man lang.
"Marunong ka ba niyan?" tanong ko nang hinuhugasan na niya ang bigas.
"Of course," sagot niya na hindi ako nililingon.
Pinanood ko pa siya at tama naman ang lahat ng ginawa niya. Noong binubuksan na niya ang rice cooker ay ibinalik ko na ang tingin ko sa pagkain ko. Napatingin pa ako roon sa tatlo. Lahat sila ay gulat na nakatingin kay Xander pero sabay-sabay na humarap sa T.V. nang bumalik ito sa tabi ko. Si Troy naman ay nakangiting napailing habang nakatingin kay Xander.
"Kumain ka ng kanin kapag luto na. Magluluto naman sila ng ulam mamaya."
"Busog na ako rito." Humigop ako ng sabaw mula sa cup.
Sinamaan niya ako ng tingin pero agad 'yong napalitan ng pag-aalala. "Bakit parang ang putla mo?" Idinampi niya ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "Nilalagnat ka?" Bakas ang inis sa boses pero naroon pa rin ang pag-aalala. "Hahanap ako ng gamot." Tatayo na sana siya pero mabilis ko siyang napigilan sa braso.
"Okay lang ako."
"Mainit ka, Sam," may diing sambit niya.
"Wala lang 'to. Alam mo na... Monthly..."
Nagtataka siyang tumitig sa akin. Marahil naisip na ang sinasabi ko dahil tumango ito Malalim siyang bumuntong-hininga at umayos ng upo. "Bakit pumunta ka pa rito kung masama ang pakiramdam mo?"
"Wala rin naman akong gagawin sa bahay."
"Magpahinga ka sa kwarto pagkatapos mo."
Tinapos ko na ang pag kain ko. Kinuha niya ang cup at siya na ang nagtapon niyon. Maging ang tinidor at basong ginamit ko ay siya rin ang naghugas. Akala ko tapos na sa pagsasaing. Iba ring magpakilig 'tong isang ito. Pagsisilbihan ka.
Umayos ako ng upo nang matapos siya sa ginagawa. Nakita ko muli ang pasimpleng tingin sa amin ang dalawang babae na magkatabi na ngayon sa sofa at nagbubulungan habang mahinang naghahagikgikan.
"Let's go."
Natitigan ko ang nakalahad na kamay ni Xander. Nainip na siguro kaya siya na ang kumuha sa kamay ko. Pigil ang ngiti ko nang maramdaman ang mainit na palad niya sa akin. Malambot ang kamay niya. Naconcious tuloy ako dahil baka matigas ang kamay ko.
Naglakad kami patungo sa kanyang kwarto. Pipihitin na sana niya ang doorknob nang marinig namin ang boses ni Erika.
"Hep hep! Ano 'yan, ha!"
Nilingon niya ang pinsan kong nakapamewang ang isang kamay at nakaturo sa amin ang isa. Nakatayo ito sa ibabaw ng sofa.
"Masama ang pakiramdam ni Samantha. Magpapahinga lang siya rito."
Iyon lang, hindi na naghintay ng sagot kay Erika at hinila niya na ako papasok ng kwarto. Alam ko namang matino si Xander at walang masamang naiisip. Saan ko ilalagay ang takot ko kung tumagal sila Erika at Bianca na kasama ang tatlong lalaki na ito at walang kahit anong kabalustagan akong nababalitaan.
"Dito ka." Pinagpag niya ang kama bago ako pinaupo roon. Iniharap niya naman sa akin ang swivel chair na naroon at doon siya umupo.
"Thank you," nakangiting ani ko.
"You're always welcome."
Hindi ko inaasahan nang dampian niya ng halik ang noo ko. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko. Pasimple ko 'yong pinunasan.
"Gusto mo bang iwan muna kita para makapagpahinga ka nang maayos?"
Umiling ako. "Samahan mo na lang ako rito." Hindi rin naman ako makaktulog dahil tanghali nang nagising. Gusto ko siyang makausap.
"Okay, if that's what you want." Inayos niya ang unan. "Humiga ka. Para ma-relax ang katawan mo."
Sinunod ko ang utos niya dahil hinahanap din iyon ng katawan ako. Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ang ginhawa sa likod ko. Kanina pa iyon nangangalay lalo na ang bandang balakang ko.
Nilingon ko si Xander. Nakasandal ito at nakangiti habang nasa akin ang paningin. Nakaramdam ako ng pagkailang. Lagi iyon. Tuwi na lang tinititigan niya ako. Nasasanay ako sa mga kilos niya pero sa tingin ay palagi akong pinapakaba.
"Huwag mo nga akong tingnan."
Mahina siyang natawa. "Bakit naman?"
Sinamangutan ko siya at hinampas sa tuhod. "Naiilang ako."
Yumukod siya at itinukod ang siko niya sa tuhod dahilan para mapalapit ang mukha niya sa akin. Naiurong ko ang ulo ko dahil sa pagkabigla.
"Paano 'yan, I can't help it but to stare at your beautiful face, Samantha. The prettiest face I've ever seen."
Prettiest. Gaano ba kasarap sa pakiramdam ang masabihan niyon? Hindi lang naman nito pinapataas ang kumpyansa ko sa sarili. Pakiramdam ko nang sabihin niya iyon ay napakahalaga ko para sa kanya dahil ganoon niya ako nakikita. Ipapanatag ang puso ko kasi ako 'yon sa paningin niya at hindi ko kailangang matakot sakali man na dumapo ang paningin niya sa iba. Ganoon ang hatid sa akin ng sinabi niyang iyon.
"Bolero ka," tanging nasabi ko para itago ang kilig na nararamdaman k.
"Hindi ako marunong mambola, Samantha."
Bumangon ako. Agad siyang tumayo para alalayan ako. May menstrution lang ako pero daig ko pa ang may sakit kung alalayan ng isang 'to. Pakiramdam ko tuloy ay mas babaeng babae ako dahil sa ginagawa niya.
"Paano mo nasabi na gusto mo 'ko?"
"I don't know. It's hard to explain," aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Wala kang nararamdaman or something?" taka kong tanong.
Pumungay ang mga mata niya. "The first time I saw you here, you already caught my attention, Samantha. Habang pinagmamasdan mo ang bahay na 'to, gusto kong matawa dahil parang noon lang ako nakakita ng ganoong kislap sa mga mata pero hindi ko maipagkaila sa sarili na nakuha mo ang atensyon nang mga oras na iyon. Hanggang sa mga sumunod na araw magandang boses mo na ang hinangaan ko. At nang mga sumunod pang araw ay ngiti at tawa mo na. Hanggang lahat na ng tungkol sa'yo itinatak sa puso ko."
Bumuntong-hininga siya. Inabot niya ang tuktok ng ulo ko at marahang hinaplos iyon. Samantalang hindi ko magawang kumurap habang nakatutok ang paningin sa kanya. Nagtanong lang naman ako dahil kuryoso lang ako kung paano niya ba ako nagustuhan. Hindi ko naman akalaing ganito ang maririnig ko sa kanya.
Akala ko tapos na siyang pagulatin ako sa mga rebelasyon niya pero muli siyang nagsalita.
"Madalas ko lang tinutulugan ang kaingayan ng mga 'yan, alam mo iyon. Pero mas pinipili kong gising kapag kausap ka nila. Minsan nabubugnot ako kapag sobrang lakas ng mga tawa nila, pero nagiging musika sa tenga ko ang tawa mo. At madalas, nasa biyahe pa lang ako pauwi galing dito pero gusto ko nang bumalik ulit para makita ka. Noong una hindi ko pinapansin, pero kalaunan hindi ko na alam kung paano pipigilan. Parang kahit anong paglayo ko ng tingin, hinihila pa rin pabalik sa'yo para matitigan ka." Itinukod niya ang mga siko sa kanyang tuhod kaya mas napalapit siya sa akin. "Ganoong kalakas ang tama ko sa'yo," nakangiting sabi niya na kumindat pa.
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Gulat sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahan na ganoon ang nararamdaman niya para sa akin. Samantalang ako, kung hindi takot para sa kanya ay pagkailang ang nararamdaman ko simula noong unang beses na makilala ko siya.
"K-Kung gano'n b-bakit hindi mo ako pinapansin noon? Kahit nagkakasalubong tayong dalawa hindi mo ako tinitingnan man lang. Kahit tayong dalawa lang ang magkasama rito hindi mo rin ako kinakausap."
Ang lakas ng loob kong itanong ang mga 'yon. Samantalang hindi niya pa man ginagawa 'yon halos maubusan na ako ng hininga. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya nang ganito. Buong akala ko pa hindi ko siya makakasundo.
"Bago mo itinanong sa sarili mo kung hindi ba masyadong mabilis ang lahat ng ito, nauna kong itinanong 'yon sa sarili ko. Pero sinabi ni Troy na wala iyon sa haba ng pagkakakilanlan mo sa tao para mahulog ang loob mo sa kanya. Hinanap ko pa ang lakas ng loob ko bago lumapit sa'yo."
Nanlaki ang mga mata ko. "Alam ni Troy?"
"Oo."
"Kung gano'n bakit hindi alam ni Erika?"
"Yes, she's a girlfriend, Sam. Pero hindi nangangahulugang lahat ng alam ni Troy ay kailangang alam niya. Kapag sinabi ko kay Troy na hindi maaaring makalabas iyon sa iba, tikom ang bibig niya."
Napasinghal ako at pabirong umirap. "Eh, 'di ikaw na ang nasunod."
Mahina siyang natawa. Nagulat pa ako nang bahagya napalapit sa kanya nang hilahin niya ako. Nawala sa isip kong kapit niya pa rin ako. Natatawa niyang piningot ang ilong ko. Hindi naman iyon masakit. Nakiliti pa nga ako.
"What I'm trying to say is, kahit girlfriend o boyfriend hindi naman dapat alam ninyo lahat. May mga bagay pa rin namang hindi na kailangang iparating sa isa. Not unless gusto mo o gusto ninyo. Pero respeto na lang kung hindi man sasabihin lahat."
"Oo, alam ko naman iyon."
Nakangiti kong tinitigan ang kanyang mukha habang nagpapaliwanag siya. Sino'ng mag-aakala na sa ganito mapupunta ang hindi namin pagpapansinan noon. Tumigil ang paningin ko sa kanyang mga mata. Ang tapang na nakikita ko noon sa mga mata niya ay hindi ko na mabakas pa. Tanging kislap at saya ang nakikita ko roon ngayon.
"Ang tingin mo, Sam."
Umangat ang kilay ko. Kunwari'y nagsusungit. "Anong problema mo sa tingin ko?"
"Mukhang may pag-asa na 'ko, eh. In love ka na rin ba?"
"Baliw," natatawa kong ani.
Humaplos ang kamay niya sa aking pisngi. "Do you have anything you want for your birthday?"
Ngumiti ako at umiling. "Wala na. Ibinigay na ni Lord." Ito nga't kaharap ko pa.
"Ako?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa sarili. "Sabi ko na nga ba't in love ka na, eh."
"Sige. Isipin mo ang gusto mong isipin."
"Iisipin kong eighty percent na ang puntos ko sa 'yo."
Kapag kausap ko si Xander ay hindi ko lubos maisip na siya rin ang lalaking madalas ko lang makita noon na tahimik. Tama si Erika nang minsan nitong sinabi sa akin na hindi ganoon ka-vocal si Xander sa nararamdaman. Na lumalabas lang pagiging madaldal nito sa 'kin.
Nang mas maging malapit kami ay mas napapagmasdan ko kung paano siya makitungo sa mga kaibigan namin. Ngayon ko nakikita ang mga simpleng ngiti niya kapag nagkukulitan ang tatlo. Ngayon ko nakikita ang ngiwi niya kapag nakikitang sweet sila Troy at Erika, pero kapag magkaaway naman ang dalawa ay madalas niyang pagalitan kung sino man ang may kasalanan. Nakikita ko ang iling na pagsaway niya sa dalawang bully ni Tristan. Alam ko kung gaano siya katiwala kay Tristan na magiging magaling itong doktor.
Hindi siya palasalita, pero sa mga kilos niya makikita ang malasakit at pagmamahal niya sa mga nakapaligid sa kanya, lalo na sa mga kaibigan niya. At para akong inaangat sa ulap kapag sabay niyang ginagawa iyon sa akin.
Siya ang taong dinadala ang isip ko sa malayo. Tipong nasa kasalukuyan pa lang ako, iniisip ko na ang mga bukas.
At sa pangawalang pagkakataon, I found my happiness. He is my happiness!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top