Kabanata 10

"KILALA mo po si Samantha, Tito?"

Sabay kaming napalingon sa aming gilid nang marinig ang tanong na iyon ni Tristan. Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha habang nakaturo sa akin at nakatingin sa kanyang Tito. Kahit si Erika at Bianca ay naroon na rin. Hindi ko napansin ang naging paglapit nila.

"Yeah. Pamilya siya ng naging pasyente ko sa Manila."

Bumilog ang nguso ni Tristan habang nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin. "What a small world."

Tama siya. Hindi ko akalain na pamangkin siya ng nahing doktor ni daddy.

"Sige na po, Doc. Hinihintay ka na nila."

Nilingon ni Doc ang unahan. Nakatingin na ang ibang bisita niya sa kanya. Nakangiti 'tong lumingon muli sa akin at sa mga kaibigan ko. "Pupuntahan ko kayo riyan mamaya."

"Hihintayin ka namin, Tito Trev," ani Erika.

Tinapik ni Doc ang balikat ko bago kami nilampasan. Nakangiti ko siyang pinanood hanggang sa makalapit siya sa kanyang pamilya. Nanatili pa akong nakatayo roon habang pinapanood si Doc na yakap na ng kanyang pamilya.

Labis-labis ang paghanga ko kay Doc kaya naman ganito na lang ang saya ko na makita siya ngayon. Sa lahat ng naging doktor ni Daddy, siya lang ang nagturing sa akin bilang kaibigan. Halos lahat ng doktor ay tanging pamilya ng pasyente ang turing sa akin. Alam ko namang ginagawa lang nila ang trabaho nila pero iba si Doc. Naging malaking tulong siya sa amin. At bawat babanggitin niya ang tungkol kay Daddy na nagbibigay ng labis na sakit sa puso ko, pinapalitan niya lagi iyon ng pag-asa. Kaya nga hindi ko nagawang sumuko sa loob ng mahabang panahon. Dahil naroon siya, si Gerald at sila Tita Agnes.

"Let's go, Sam."

Hinawakan ako ni Erika sa braso at hinila palapit muli sa aming lamesa. Prenteng nakaupo roon ang dalawang lalaki.

"What happened?" tanong ni Troy.

Umupo kaming tatlo. Agad akong hinarap ng dalawa. Kahit ang dalawang lalaki na nasa kabilang gilid ng lamesa ay nasa akin din ang paningin. Nagtataka ko namang tiningnan ang sila Erika.

"Tito Trev is Tito Samuel's doctor, Sam?"

Hanggang ngayon ay bakas pa rin ang gulat sa mukha ni Erika dahil sa nalaman. Kahit ako tuloy ay nagtataka na rin nang tumango ako rito.

"She didn't even bother to tell me that?" hindi makapaniwalang aniya.

"Baka hindi alam ni Tita," ani Bianca.

Nagsalubong ang kilay ko. Kung taga Santa Clara si Doc, ibig sabihin may posibilidad na kilala niya si Tita Agnes lalo pa't magkaibigan si Erika at Tristan. Ilang beses na silang nagkita at nagkausap tungkol kay Daddy tuwing pupunta roon sa Manila si Tita. All this time kilala ni Tita si Doc? Bakit hindi niya iyon nababanggit sa akin? O baka naman hindi sila close?

"Where is your dad now, Sam?"

Napakurap ako nang ilang ulit sa naging tanong ni Bianca. Napatingin ako kay Erika at saglit kaming nagkatitigan. Tumikhim ito.
Ngumiti ako nang muling tiningnan si Bianca. "Wala na siya, Bi. He died three months ago."

Dahan-dahan itong napanganga habang nanalalaki ang mga mata. Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang bibig. Tiningnan pa nito si Erika na tipid na tumango sa kanya. "I-I'm sorry, Sam!"

Nagbigay ako ng sinserong ngiti sa kanya. "It's okay, Bi. But, let's not talk about it here. It's Doc's birthday party."

Pilit ang ngiti niyang tumango. Tinapik naman ito ni Erika sa balikat. Hindi ko siya masisisi kung ganito ang naging reaksyon niya. Hindi ko rin naman agad nagawang banggitin ang tungkol kay Daddy, dahil sa totoo lang ang akala ko'y nasabi na ni Erika sa kanila ang tungkol doon kaya hindi na sila nagtatanong sa akin kung bakit narito rin ako sa Santa Clara.

Si Troy ay mukhang alam naman ang tungkol doon dahil hindi ko na ito nakitaan ng pagkagulat sa nalaman. Marahil ay sa kanya nabanggit iyon ni Erika.

Tumama ang paningin ko kay Xander na nilalaro ng daliri ang hikaw sa kanyang labi at pinanliliitan ako ng mata. Umayos ito ng upo at nakita ko sa kanyang mga balikat ang malalim na buntong-hiningang ginawa niya.

Lumapit sa amin si Tristan na ngiting-ngiti pero agad na nabura iyon nang mapansin niyang seryoso ang mga tao sa table namin.

"Ano'ng nangyari sa inyo?" takang tanong nito habang umuupo. Inilibot niya ang paningin sa mga pagkain sa table bago kami tiningnan isa-isa. "Bakit hindi pa kayo kumakain?"

"May pinag-usapan lang," ani Troy bago naglagay ng pagkain sa plate niya at inilapag iyon sa harapan ni Erika. "Let's eat. Lalamig nang husto ang pagkain."

Nagsimula nga kaming kumain. Napansin ko namang hindi pa kumikilos si Xander. Seryoso pa rin itong nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay nakita kong napabuntong-hininga siya bago nagsimula na ring kumain.

"Ikaw, Tan?" baling ko kay Tristan.

"Tapos na ako. Akala ko nga tapos na rin kayo, eh. Bakit nga ba hindi pa kayo kumain kanina?"

"May pinag-usapan nga lang!" sabay na singhal ni Erika at Bianca.

"Makasigaw naman kayo!" ganting singhal nito.

"Ang laway mo baka tumalsik sa pagkain!" mariing banta ni Xander.

Malakas na natawa ang dalawa ni Erika at Bianca. Napatakip naman si Tristan sa kanyang bibig. Natatawa ko 'tong tinapik sa likod. Buti na lang hindi 'to pikon. Lalo pa't lagi siyang inaasar ng mga kaibigan niya.

"Si Doc." Kinulbit ko si Tristan sa braso nang makita si Doc na naglalakad patungo sa gawi namin. Agad naman itong lumingon sa kanyang likod.

"Hi, Tito Trev!" sabay na bati ni Erika at Bianca.

"Hi, beautiful ladies!"

"Tito," tawag ni Xander at nakipagfist-bump dito. Tumayo si Troy at ganoon din ang ginawa.

"Tito, dito na po kayo," alok ni Tristan sa kanyang upuan.

"Thank you!" Nakangiting tinapik ni Doc ang balikat ng pamangkin. Sinundan niya pa ito ng tingin nang kumuha ito ng upuan sa kabilang table.

Habang pinagmamasdan ang dalawa ay hindi pa rin ako makapaniwalang magkakilala ang dalawa at mag-Tito pa.

"Okay lang ba kayo rito?" nakangiting baling niya sa amin.

"Yes, Tito," sagot ni Tristan.

Lumapit si Erika kay Doc at niyakap ito. "Happy happy birthday, Tito Trev!" Ganoon din ang ginawa ni Bianca.

"Thank you! Thank you!" masayang ani Doc. "Ikaw, hindi mo ako babatiin?" aniya nang bumaling sa akin.

Matunog akong napangiti. "Happy birthday po."

Tikom ang bibig nito habang nakangiti sa akin. Napailing pa ito. "I really didn't expect to see you here, Samantha. Of all places." Natatawa niyang sabi.

"Ako man po, Doc. Hindi ko inaasahan na makikita ka rito."

Kumilos ang mga mata niya at tiningnan ang kabuuan ng mukha ko. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi niya. "Masaya akong makita kang ganito, Sam. Nakangiti at tumatawa. Ilang buwan pa lang tayong hindi nagkikita pero napakarami ng nagbago sa'yo. Noong huli nating pagkikita ay noong nagpaalam kang aalis sa Manila, tama?" Nakangiti ako tumango. "At naaalala ko pa ang itsura mo noong nasa ospital ka. And after three months, I saw you here and you look like a different person."

Sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakikinig sa kanya. Parang kailan lang, akala ko ay hindi na ako makakawala sa sakit na nararamdaman ko noon. Ngayon, habang nakikinig kay Doc, nagagawa ko na lang ngitian ang lahat ng nangyari kahit pa alam kong hindi na mawawala ang sakit tuwing maaalala ko si Daddy.

"You all know that she used to work in Manila while studying and watching over his Dad, right?" Pare-pareho silang napalingon sa gawi ko pero tahimik lang ang mga 'to. Malamlam ang bawat tingin nila. "Samantha is one of the bravest person I've ever met," nakangiting dagdag ni Doc.

"Pero, Tito, maaari kayang baka pinipilit niya lang na maging masaya? Matagal siyang naging ganoon at three months ago lang nang mawala si Tito Samuel. Natatakot po akong baka... b-baka pinipilit niya lang ang sarili niyang maging masaya. Na tumawa at ngumiti."

Nagulat ako sa mga narinig kong iyon mula kay Erika. Nanatili itong nakatingin kay Doc. Humahapdi ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Hindi man lang sumagi sa isip ko na ganoon ang iniisip niya habang masaya kaming magkasama. Malungkot ko itong hinawakan sa kamay. Ramdam ko ang mahigpit na paghawak niya rin sa aking kamay.

"No, it's genuine, Erika. Nakita ko noon si Samantha, kaya malalaman ko kung totoo o hindi ang mga ngiti niya ngayon."

Tumingala ako at pinigilan ang pagpatak ng luha.

"Tama na nga 'yan! Hindi naman tayo nagpunta rito para pag-usapan ang mala-MKK kong buhay."

Mahinang natawa si Doc dahil sa sinabi kong iyon. Kahit si Erika ay nakangising napailing sa akin. Sinubukan ko na lamang magbiro para mabura ang kaseryosohan nila at maalis sa akin ang usapan na napagtagumpayan ko naman.

Ipinagpatuloy namin ang pagkain habang panaka-nakang nag-uusap. Gusto nilang maka-bonding si Doc habang narito ito sa Santa Clara.

"Forty one na ako. Masyado na yata akong matanda para gumimik kasama ninyo," natatawang ani Doc.

"Hindi naman halata, Tito Trev." Hinawakan ni Bianca ang pisngi nito. "Look, wala man lang bakas ng wrinkles."

Habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila ay naagaw ni Xander ang atensyon ko. Umiinom na ito ng wine. Hindi na yata nakatiis. Napangiwi naman ako nang makita ang ibinibigay sa akin ni Erika.

"Try it. Masarap iyan. Hindi 'yan katulad ng ininom natin noong nakaraan."

Tiwala kong kinuha iyon at sumimsim doon. Pero malakas akong napaubo dahil sa sama ng lasa no'n. "Ang pait naman nito," nakangiwi kong reklamo. "Sabi mo masarap?"

"Masarap naman, ah?" ani Erika na uminom pa sa hawak niya.

"Here, Samantha. Try it. I'm sure you'll love it."

Napatitig ako sa wine glass na hawak ni Xander. Umakyat ang tingin ko sa kanyang mukha. Tumango ito na parang sinasabing kunin ko iyon at hindi ko iyon pagsisihan. Kahit nakakaramdam ng hiya ay kinuha ko na iyon.

"Salamat," mahina kong ani. Uminom ako niyon. Napatango-tango ako matapos malasahan ang tamis ng alak. May kaunting pait pa rin naman iyon, hindi na nga lang kasing lakas ng ibinigay ni Erika.

"You like it?" tanong ni Xander.

"Oo. Thank you," nakangiti kong sagot. Hindi naman ito nagsalita pa ng muli at ngumiti lamang. Nagkasabay pa kami nang muling sumimsim sa kanya-kanyang wine glass.

"Naks ang sweet!"

Napalingon ako kay Erika nang marinig ang pagbulong niya sa mismong tenga ko.

"Sweet ka riyan."

"Hindi 'yon sweet sa'yo? Eh, ang pagbubukas ng pinto ng kotse sweet ba, Samantha?"

Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Magtigil ka, ha."

Tikom ang bibig nitong natawa bago itinaas ang dalawang kamay na akala mo'y sumusuko.

Sumapit ang alas otso ng gabi. Unti-unti nang nababawasan ang mga bisita. Halos ang mga may edad at mga magulang na may kasamang bata ang unang umaalis kaya naman kami na lamang ang natira roon at ang mga pinsan ni Tristan. Si Doc ay pumasok na rin sa bahay at magpapahinga lang daw saglit. Napalitan na rin ng mga bagong OPM songs ang tinutugtog sa unahan na kanina ay puro pang 70's at 80's.

Nakapikit ako at payapang dinadama ang kantang "Ngiti" ni Ronnie Llang na kasalukuyang kinakanta sa unahan, nang makaramdaman ako na para bang may nakatitig sa akin. Akala ko'y guni-guni ko lang iyon. Ngunit nang magmulat ako ay agad kong nasalubong ang tingin sa akin ni Xander. Mataman ako nitong tinitingnan.

Hindi ko nagawang alisin agad ang tingin sa kanya. Hindi ko naiwasang pagmasdan ang kanyang itsura. Hanggang balikat ang itim nitong buhok na kahit hindi hawakan ay malalaman mo nang napakalambot niyon. Makakapal na mga kilay, kulay brown na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi na may itim na hikaw sa ibabang gilid. May black na hikaw rin ito sa kaliwang tenga. Hanggang balikat niya lamang ako kaya hula ko ay nasa six-foot-two ang height niya. Katamtaman ang kulay ng balat at maganda rin ang pangangatawan. Halatang batak sa workout. Para 'tong hindi disi nuwebe dahil sobrang matured na nitong tingnan.

Hindi ko maipagkakailang gwapo talaga ito. Masasabi kong sa kanilang tatlo nila Troy at Tristan ay siya ang pinakamalakas ang appeal. Nga lang ay ito naman ang pinakamasungit na lalaking nakilala ko. Hindi ito palangiti at madalas lang na tahimik. Maririnig ko man itong nagsasalita nang matagal ay kapag si Troy at Tristan ang kausap at tungkol pa sa sasakyan o basketball ang pinag-uusapan nila. Nakikipag-usap 'to kina Erika kapag magtatanong lang o kapag ang mga ito ang kakausap sa kanya. Hindi ko alam kung tamad ba siyang magsalita o

Para akong nabibingi at tanging malakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Parang nawawala ang lahat ng nasa paligid at tanging siya at ako lang ang naroon. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng hangin dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako niyon habang nakatutok ang mga mata niya sa akin. Tulad noong nasa Coffeeholic kami ni Aria, nakakaramdam ako ng paninibago. Sa huli ay natalo ako. Hindi ko kinaya ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Doon ko lang napansin na kaming dalawa na lamang ang nasa lamesa namin. Umangat ng bahagya ang pang-upo ko sa upuan at taranta kong inilibot ang aking paningin. Nakita ko ang apat na magkakasama sa isang lamesa na nasa unahan namin kasama ang mga pinsan ni Tristan. Abala sa pakikipag-usap sa tatlong babae ang dalawa ni Erika at Bianca. Ang dalawang lalaki naman ay umiinom ng alak kasama ang ilang kalalakihan.

"Gusto mong pumunta roon?"

At kahit ang pakikipag-usap niya sa akin ay kapani-panibago. Bumaling akong muli sa kanya.

"I told them not to wake you up."

Umangat ang pareho kong kilay. Akala niya ba ay natutulog ako? "Hindi naman ako natutulog."

Umarko rin paitaas ang isang kilay niya. "I thought you're sleeping."

Mahina akong natawa. Kahit siya ay napangisi rin at napailing. "Bakit wala ka roon?"

"Wala kang kasama rito."

Hindi ko nagawang sumagot agad. Hindi ko inaasahang iyon ang maririnig kong sagot niya. "Hindi naman ako mawawala rito."

"Mas gusto ko rito kaysa roon."

Tumango na lamang ako kahit pa naglulumikot na naman ang mga nasa tiyan ko.

"I like this song." Nangalumbaba siya sa lamesa at nakangiti akong tinitigan. Hindi naman ako mapakali at nag-iwas ng tingin. "Nakakahumaling ang ngiti mo, Sam."

Mabilis akong napalingon sa kanya. Parang bumagal ang takbo ng oras nang muling magtagpo ang mga mata namin. Umayos siya ng upo na hindi pinuputol ang tingin sa akin.

"Would you believe me if I said I like you?" Ngumiti siya. "I like you, Sam."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top