Chapter 6

PINAGMAMASDAN ko ang mga kanta sa music sheet na balak ipatugtog sa akin ni Caleb ngayong araw. Ang objective? Para ma-test ang ability ko lalo sa pagtugtog ng piano.

"Sa tingin mo ba ay kaya mo ang mga 'yan?" tanong niya habang kumukuha ng upuan dito sa music room.

Pinagmasdan ko siyang mamili ng upuan sa baba nitong mini stage. Nakatalikod naman siya kaya hindi niya ako nakikitang pinanonood siya.

Buti na lang.

"I guess? Puwede pa naman ako sumubok, e," sabi ko saka iniwas ang tingin ko sa eksaktong pinihit niya ang katawan niya paharap sa akin.

"Hindi lang daliri ang kailangan mo riyan. May boses din dapat." Inilapag niya ang upuan na nakuha niya saka umupo sa tabi ko. "Kaya subukin mo na sabayan ng pagkanta 'yan." dagdag pa niya.

Nahinto ako sa pagtugtog. Hinarap ko siya na nagtatakhang tinignan ako. "What do you mean? Wala akong kasama sa stage?" tanong ko.

"Malamang. Solo performance nga ang papasukan mo, e. Dapat talaga na mag-isa ka lang. May solo performance ba na dapat dalawa ang magp-perform sa harap?" sagot niya habang nakakunot ang noo.

Nangunot din ang noo ko sa paraan ng pagsagot niya.

Maayos naman ako nagtanong, a! Anong drama nito? Napakasungit, e.

Umaliwalas ang mukha nito nang makita niya kung paano ko siya tignan. "De, joke lang! Ito naman. Gamitan mo kasi ng common sense minsan,"

Umiling na lang ako saka pinukol ang tingin sa keys. "Magsimula ka ulit, sabayan mo na rin ng pagkanta," saad niya habang nakaupo sa tabi ko.

Mahina kong kinanta ang When I Met You ng APO Hiking Society. Nahihiya ako, wala naman kasi ito sa music sheet. Pero naisip ko lang kasi siyang tugtugin dahil hindi ko naman gusto ang mga nasa music sheet na nirekomenda ni Caleb.

Narinig ko na inusog ni Caleb ang upuan niya papalapit sa akin. Bukod pa roon ay inilapit niya ang mukha niya papunta sa akin na parang gusto pa akong marinig kumanta. Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang pisngi ko dahil doon. Marahas akong umiling upang maalis ang nararamdaman ko. Itinuloy ko na lang ang pagtugtog at hindi na siya pinansin. Hindi ko kailangan ma-distract sa simpleng galaw niya.

Pero, Lord. Bakit naman kasi ganiyan?

Dama ko na ang pagkanta ko nang bigla siyang magsalita para mawala ako sa pokus. "Hoy," aniya saka binanggit ang pangalan ko kaya tuluyan akong napatigil sa pagkanta.

"Bakit?" takhang tanong ko. Nilingon ko siya saka nakita ang mukha niyang masarap pisilin sa inis. Kung kailan ba naman dama ko na ang kinakanta ko saka pa siya umeepal?

"May ilalakas pa ba ang boses mo?" tanong niya sa akin na magkasalubong na naman ang dalawang kilay.

Magsusungit na naman ba siya? Ano ba ang problema niya?

"Mayroon," tipid na sagot ko.

"Bakit hindi mo lakasan? Paano ka maririnig ng audience saka judges?" bakas ang pagkairita na tanong niya.

"May microphone naman doon, e. Dito kasi, wala," saad ko saka iniwas ang tingin nang mapamaang siya.

Para ba na hindi niya ine-expect na sasabihin ko 'yon.

"Talagang may sagot ka rin sa lahat, e, 'no?" aniya pa. Ipinuwesto niya ang sarili niya sa harap ng piano saka sinubukan magpatugtog. "Ulit! Ako magtutugtog, ikaw kakanta. Sabayan mo ang tono ko."

"Bakit ikaw ang tutugtog? 'Di ba solo competition 'yon? Eh 'di dapat ako ang gagawa niyan. May solo competition ba na iba ang magp-piano?" saad ko na parang ginagaya siya kanina.

"Eh 'di sige. Ikaw na. Oh, ayan," sagot niya saka umusog nang kaunti palayo sa akin.

"Galit ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Medyo," mabilis niyang sagot. "joke lang. Sige na tumugtog ka. Sabayan mo kasi ng kanta para hindi ako mainis sa 'yo," pananakot pa niya.

Umiling na lang ako saka nagsimulang magpatugtog na sinabayan ko na rin ng pagkanta.

"'Yaaan!" mahabang pagsabi niya. Hindi katagalan ay bigla siyang sumabay sa akin habang ako ay tumutugtog.

Napalunok ako nang mariin sa biglaan niyang ginawa. Hindi ko inaasahan na sasabayan niya ako sa pagkanta.

It's like a dream come true. Or whatever.

Pero hindi ako puwede ma-distract at baka ma-disappoint ko lang siya.

"Ayos," ang nasabi niya pagkatapos namin tumugtog. Nanlalamig ang kamay na bumitaw ako sa piano. Masiyado akong na-tense sa nangyari, mabuti na lang at hindi ako nagkamali. Kung 'di baka umulit pa kami. Jusme, hindi ko naman kakayanin na mag-perform pa ulit, nanginginig na ako sa sobrang kaba. "mamaya magp-practice tayo ulit. Pahinga muna. Kung nagugutom ka, kumain ka na,"

Ay, pa-fall? Char.

Tumayo ako pagkatapos kong marinig iyon. Kukuha na lang siguro ako ng pagkain tapos malamig na tubig –

"At bawal ang malamig na tubig,"

Marahas akong lumingon sa kaniya nang sabihin niya iyon. Nakita ko itong nasa harap ng kaniyang cellphone at parang mat tina-type. "Interesting, why?" taas ang kilay na tinanong ko siya.

Agad ay sumagot ito, "Cold water can shock the vocal chords and cre-aaaaate tension which limits your vocal range and ability. But, huh, ano 'to?– ay – hot water can cause inflammation and increase mucus production."

Pasimple itong sumisilip sa kaniyang cellphone habang pinapasadahan ako ng tingin. Dahilan kaya bakit ko tinanong na, "Saan mo naman nabasa iyan?"

"Sa gugel," natatawang sagot nito. Halos mag-echo sa room ang tawa nito dahil sa kalokohan niya.

"And your source is?"

"Trust me, bro," mas lalong lumakas ang halakhak nito nang sabihin niya iyon.

Inirapan ko lang ito. "As if hindi ka umiinom ng malamig na tubig,"

"Siyempre!" Bahagyang umangat ang kaliwang kilay ko. How responsible. Umayos ito ng upo saka ikinrus ang braso. "Siyempre oo, umiinom ako. Batang pasaway ako, e," never mind.

"May gusto ka bang kainin? Isasabay ko na." Binuksan ko ang bag ko para kunin ang aking wallet. Dadagdagan ko na lang pera ko para marami akong mabili.

"Wala. Busog ako," sagot nito saka pinansin na muli ang cellphone.

Hindi na ako sumagot saka naglakas na papunta sa pinto. Bago pa man ako makalapit nang tuluyan ay napansin ko na nakaawang ito, sapat na upang makita ang nangyayari sa loob mula sa labas.

Mabilis akong naglakad papunta roon saka hinatak ang pinto. Bumungad sa akin si Eunice at Lamuel na nakadukwang sa pinto na nakadikit ang mga tainga na parang may pinakikinggan. Magkaharap ang dalawang ito habang nagsesenyasan na manahimik.

Pinaningkitan ko sila ng mata saka tumikhim, "Ehem,"

Agad na lumayo ang dalawa sa pinto saka ako tiningnan. "Ay, may tao pala," sagot ni Lamuel.

"Ano 'yan?" dinig kong tanong ni Caleb sa likuran.

Nang lingunin ko ito ay nakakunot ang kaniyang noo habang sinusubukang sumilip. Hinarang ko ang aking payat na katawan sa pintuan at bahagyang isinara ang pinto.

"Ah, wala . . . " sabi ko saka tinignan nang masama si Eunice. Ang kanang kamay nito ay nasa tapat ng leeg at paulit-ulit na iwinawasiwas na nagsasabing huwag akong magsalita. "Mga dumaan lang na bubuyog," pabulong na sagot ko.

Tuluyan na akong lumabas ng room saka pinaningkitan ng mata ang dalawa. "Kayo, ha,"

"Psh, wala 'yon! Nukaba," panimula ni Eunice. Nilapat ko ang aking hintuturo sa kaniyang labi. "Sshh. Huwag na magpaliwanag." Tumalikod na ako sa kanila para maglakad palayo.

"Chismis na pala ang couple goals ngayon," huling salita ko bago binilisan ang lakad. Mahirap na, baka kutusan ako ni Eunice. Mabutas pa ulo ko. Chariz.

Ilang minuto pa ang tinahak ko papuntang canteen. Halos wala ng mga estudyante rito, except sa mga nagc-cut class, dahil na rin siguro kanina pa ang break time and such. Nakita ko pa nga ang classmate ko na may kausap na lalaking iba ang design ng uniform. Baka iba ang course. Nilibot ko ang paningin ko saka na-realize na halos puro kupal – I mean – couple ang nandito.

Teka nga?! Kailan pa naging pugad ng love birds ang canteen?

Ay, teka nga. Bakit ba ako nangingialam. Shocks, nahahawa na yata ako ng pagiging chismosa ni Eunice. This is bad.

Umiling na lang ako saka pinuntahan ang isang stall ng puro main course. Char, ang taray.

"Hi," bati ko sa nagtitinda. Busy itong gumagamit ng calculator at nagsusulat sa papel pero nang lumapit na ako ay natigil ito.

"Ano 'yon?" masungit na tanong nito. Hindi ko na lang pinansin iyon saka sinabi ang aking bibilhin. Dinamihan ko na ang in-order kong pagkain para naman lahat kami roon ay sabay-sabay na lalamon. Wala namang problema sa akin kasi hindi ako talaga gumagastos sa school, saka minsan lang naman 'to. Kaya ayos lang ang allowance ko.

Nang matapos mag-asikaso ang nagtitinda ay inabot niya sa akin ang aking mga binili. Pinagsama-sama niya na rin ito sa plastic para siguro hindi ako mahirapan. Kinuha ko ang perang dala ko saka binigay sa kaniya.

"Wala akong barya sa 500," banggit ng tindera saka inabot sa akin pabalik ang pera ko. "Wala ka bang ibang cash?" tanong nito sa akin.

Shocked with those answers. Mabilisan na lang akong sumagot ng, "sa inyo na lang po ang sukli." Agad akong umalis doon dahil sa kaba.

"Teka!" dinig kong sagot nito pero hindi ko na siya pinansin. Mabilis akong lumabas ng canteen saka naglakad na pabalik.

Sa paglalakad ay tinuktukan ko ang aking noo gamit ang sariling kamay. Paulit-ulit kong minura ang aking pangalan. Napakabobo ko naman. Simpleng conversation lang hindi ko pa magawa nang maayos. Tapos kakanta pa ako sa harap ng maraming tao?

Gosh naman! Nakakapanghinayang ang sukli. Parang gusto kong balikan. Kaso – mas nakakahiya naman. Sinabi ko na kaya na sa kaniya na lang iyon. Agh, shocks!

Nasa labas na ako ng room at naririnig ko silang nagtatawanan. Huminga ako nang malalim, maraming beses. Bago pinihit ang door knob saka pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nahinto ang mga ito sa pagtawa saka ako binati.

"Ang dami naman niyan. Bitay na ba?" bati mi David saka ako nilapitan. Kinuha niya ang isang plastic na puno ng styrofoam na may lamang pagkain.

Naglakad ako papalapit sa upuan kung saan naroon ang bag ko. Tumawa ako nang mahina saka sinabing, "treat lang iyan."

"Magkano nagastos mo riyan?" tanong ni Eunice. Inilabas nito ang sariling wallet na agad kong pinigilan. Ang hilig niya kasing bayaran itong mga parte niya kapag nililibre ko siya. "Psh, wala 'yan. Libre ko nga," saway ko.

"O, sige. Tutal rich ka ngayon. Bukas ako naman,"

"Sabihin ko na agad order ko,"

"Hindi kasali ang may pangalang Lamuel,"

"Sus, 'di ba nga siya ang dapat mong ilibre nang marami?" sabat ni Caleb.

Hindi ko na sila pinansin saka nagsimula na lang kumain. Walang matatapos kung uunahin ko pa maki-chismis sa mga 'to.

.

HAPON na nang makauwi ako. Kapapatay pa lang ng makina ng sasakyan nang bumaba ako. Tanaw ko mula sa tinatahak kong daan ang aking mga magulang. Sumalubong sa akin sina Mom at Dad na prenteng nakaupo sa couch. Si Dad, as usual, ay busy na nagbabasa ng diario pero panakaw-nakaw pa rin ang tingin sa gawi ng pinto na parang may hinihintay. Si Mom naman na kaharap lang din ng bukana ng pintuan ang inuupuan niya ay agad na ibinaba ang tasa ng tsaa.

"I'm home – "

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mom saka tumayo ay lumapit sa akin. "Anong oras na, ha," dagdag pa nito.

Lumunok ako nang mariin. I was never prepared to answer questions. "I'm inside the school premises. I swear," mahinang banggit ko.

Dumako ang tingin nito sa aking likuran. Nang lingunin ko ay ang driver ang tiningnan nito. Tumango si manong bilang sagot kaya nakahinga ako nang maluwag kahit pa wala akong ginagawang kasalanan. "I'm not lying, Mom," sagot ko nang mabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Why talk to me? Convince your dad you're not lying then we're good," masungit na sagot nito saka ako binitiwan. Naglakad ito papunta sa kitchen area. "I'll prepare your dinner,"

Tiningnan ko si dad na isinara ang diario na hawak. "You should have a better alibi,"

"But I'm not lying. I'm just telling the truth. I'm in school practicing my song!" I shouted.

I'm frustrated na ayaw nilang magtiwala sa sinasabi ko. Even if one could vouch for me. Why would I even lie? What for? Wala naman akong mapapala because I can't escape their tight grip.

"Song? What song?" kunot-noong tanong niya.

"What?" balik-tanong ko.

"You just mentioned you're practicing a song,"

Naitikom ko ang aking bibig. Geez, this is making my head hurt. Halos mapatalon ako nang malakas niyang banggitin ang pangalan ko.

Mabilis akong tumango. "Y-Yes, song . . . for the competition . . . " pabulong na sagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top