Chapter 5

ALAS diyes na ng gabi at nandito pa rin ako sa music room ng bahay namin. Hindi naman siya gaano kalakihan, pero kasya na rin ang mga instruments na kadalasan namin ginagamit.

Tumayo ako sa kinauupuan ko saka binuksan ang bintana na siyang naging daan papunta sa balkonahe. Sumalubong ang malamig na hangin na siyang dumadampi sa aking balat.

Pinagmasdan ko ang buwan na nagiging ilaw sa gabi na 'to.

Biglang pumasok sa isip ko si Caleb habang sinasabi ang katagang, "You missed the timing . . . ," patungkol sa pagtugtog ko ng isang kanta.

"How can I clutch this?" bulong ko sa sarili ko habang iniisip kung paano ako magi-improve.

.

"ANYWAYS, hindi ko na patatagalin pa -"

"May ginawa ba akong masama kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, ha? Urgent lang kasi eh -"

"Was it because I called you 'dude'?"

"Dude . . . ikaw na ang papalit kay Perry para sa darating na event,"

. . . .H-Ha?

Wait – what?!

"W-Wait . . . are you sure about that?" tanong ko kay Lamuel. Tumawa ako nang pilit bago ko dugtungan ang tanong ko. "Is this a prank about last night? I already said sorry, okay?"

"Chill ka lang. Hindi naman 'to prank. Saka wala na kaming oras para mang-trip ng estudyante." Sabi niya saka nagkamot sa noo niya. Mukha tuloy siyang na-stress dahil sa sinabi ko. Am I wrong?

Sumilip siya sa bandang likod ko na ginaya ko rin naman. Nanlaki ang mga mata ko nakita nang mga kaklase ko na nakikiusyoso sa amin. Bitbit sa kanilang mukha ay ang mga nakakalokong tingin at ngiti. Hindi ko mapigilan pamulahan ng pisngi dahil sa mga reaksyon nila.

Malamang ay bukas na bukas – no, erase that – mamaya lang ay lalabas na ang chismis patungkol dito.

"Hmm, tara na sa ibang lugar mag-usap," ani Lamuel na parang hindi nagustuhan ang ginawa nila. Tumalikod ito saka naunang maglakad paalis.

Tinapik ako ni Caleb sa balikat na parang sinasabi na sumunod na lang bago ako nilampasan at nauna na rin.

Habang ako? Stunned. Susunod ba ako? O hindi? 'Di ba ang sabi sa ibang lugar daw mag-usap?

"Hoy, gaga!" Thanks to Eunice na biglang sumulpot at binigyan ako ng isang pangmalakasang batok. Nagising ang djwa ko. "Lutang? Sabi sa ibang lugar daw kayo mag-usap, girl. Jus ko ka!" aniya saka ako tinapik sa magkabilang pisngi. Tinitigan ko lang si Eunice dahil naguguluhan pa rin ako.

Bakit ba? Eh, sa ayaw mag-sink in!

Bakit kasi ako? Bakit hindi iba? Why not Eunice, right? Left?

"U-Uhh . . . ,"

"Alam ko na nakaka-starstruck ang ganda ko. Pero mauna ka na, sis. Makikita mo pa ako later. Bye na, go!" sabi nito saka ako tinulak-tulak. Ginagap ko ang bisig nito kaya siya natigilan. "Girl! – "

"Eunice, samahan mo ako, please?" sabi ko kay Eunice habang hawak ko siya. "I - I can't - "

"Uhmm . . . ," sabi niya habang nasa taas ang tingin kaya hindi ko mapigilan kabahan. I can't go without anyone's accompany, okay? I mean . . . basta! I'm trembling and bamboozled so I can't think straight!

"Please? Nandoon naman si Lamuel - "

"Fine, fine, fine! You don't have to use that card against me, bitch," aniya saka ako inirapan. "Tara na nga!"

Bigla ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot niya. "Salamat!"

.

"OH, bakit - " tanong ni Lamuel pagkalapit namin sa kanila. Magkasalubong ang kilay nito habang nakaturo kay Eunice.


"Sorry, kailangan ko kasi ng kasama, eh." sagot ko saka bahagyang yumuko.

Napatampal ng noo si Lamuel bago sumagot ng, "Okay, basta walang lalabas na - "

"Promise!" kaagad na tugon ni Eunice habang nakangiti. Nakatingin naman nang mariin si Lamuel sa kaniya na pinatulan naman ni Eunice ng malagkit na titig.

She's definitely seducing him! Eunicevoodoo on the chat!

Salitan ko silang tinignan dahil isang minuto na ang lumipas at wala pa rin tumitigil sa kanilang dalawa. Napansin ko naman ang biglang pagkailang ni Lamuel habang magkatinginan sila.

Tumikhim ako upang matigil na ang ginagawa nila. Kaagad naman silang nag-iwas ng tingin sa isa 't isa at parang nahihiya pa. Naramdaman ko ang pagkapit ng nanlalamig na kamay ni Eunice sa braso ko.

"Soh, what's the tea pala?" tanong ni Eunice na akala mo ay hindi kinabahan. 'Yon ba na parang wala siyang nakahihiyang ginawa kanina?

"Ikaw si Eunice, 'di ba?" tanong ni Lamuel. Siniko ako ni Eunice saka inilapit ang sarili niya.

"Oh my god, girl. This is it pansit!" bulong ni Eunice sa akin. "Tatanungin niya na kung kailan kasal, sis. Omg," dagdag pa niya.

Kumunot naman ang noo ko. What? Where did that even come from?

"Anyhow - " Natigilan ako nang magsalita si Lamuel. Kasabay na rin ang pagbanggit ng pangalan ko. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko habang slow motion niyang sinabi 'yon.

"Hindi ko na papatagalin pa. Naisip kasi namin - ni Caleb - na ikaw na lang ang pumalit kay Perry para sa darating na contest dito sa school,"

. . . ? ? ?

Question mark, question mark ?! ?! ?! ?!

Si Caleb mismo ang nagsabi noon? Wait . . . "What?" tanong ko. Tinignan ko si Caleb na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Kumunot din ang noo ko nang mapansin ko 'yon.

Bumuga ng hangin si Lamuel na parang nahihirapan siya sa pag-explain. Ibinalik ko ang paningin ko kay Lamuel saka nagsalita."S - Sorry, I actually get your motive – your point, yes. I am so well-informed - "

"Thank you!" sagot naman niya na parang natanggalan ng tinik sa dibdib.

"But . . . ," Naningkit ang mata ni Lamuel nang idugtong ko 'yon. Nakagat ko ang dila ko dahil parang ayaw ko ituloy ang sasabihin ko. Huminga ako nang malalim bago magpatuloy. "I just don't get the reason kung bakit ako - "

"Huwag na maraming tanong," sabat ni Caleb na diretsong nakatingin pa rin sa akin.

"Oo nga!" sang-ayon pa ni Lamuel saka tinapik si Caleb.

Pakiramdam ko ay napikon ako sa inakto niyang 'yon. Sinasayang lang ba nila ang oras ko? "Are you guys trolling me?" Hindi ko mapigilan magtaas ng boses nang itanong ko 'yon.

Sabay-sabay naman silang napatampal sa mga mukha nila.

"Gets ko na. Ako na lang ang kakausap sa kaniya. Tara na, girl," sabi ni Eunice habang hinahatak ako palayo. Hinawakan naman ako ni Lamuel sa kabilang braso kaya napahinto si Eunice.

"Ay, hindi. Kailangan kasi namin siya dalhin sa Music room para mag-practice. May letter naman na patungkol dito kaya magiging excused siya sa lahat ng subjects,"

Tumagilid ang ulo nito habang nakatingin sa akin. Feeling ko ay pinag-iisipan niya ang isasagot niya. "Ganoon ba . . . .Okay, dadalhin ko na lang mga gamit mo mamayang break time, girl," imik ni Eunice saka ako kinindatan bago bitawan. Pinagmasdan ko maglakad palayo si Eunice habang naiwan ako kasama ang dalawa.

No . . . are you kidding me?

.

"MAGALING ka gumamit ng piano, 'di ba?" tanong ni Caleb pagkapasok namin sa Music room. Naabutan namin ang ilan pa niyang kabanda na nakaupo sa isang sulok ng room kasama ang ilang babae. Natigilan sila sa kanilang pag-uusap saka ako tinignan.

"Marunong lang," mahinang sagot ko.

"Sino 'yan, boi?" tanong ni David na may katabing isang babae. Nakasandal pa ang ulo noon sa balikat ni David kaya napakunot ang noo ko.

"Kapalit ni Perry," diretsong sagot ni Caleb. Marahas ko siyang nilingon.

"Sa puso mo?" asar ni David. Sabay-sabay naman silang nag-'Ooh' kaya napaiwas ako ng tingin. Natahimik si Caleb sa pang-aasar ng kabanda.

Tsk, mga baliw.

Tumawa ng pagak si Caleb. "Gagi, sa event 'yan," sagot na lang niya pagkatapos ng ilang minutong pananahimik bago umupo sa isang bakanteng upuan sa harapan. Sumunod naman si Lamuel sa kaniya kaya naiwan akong nakatayo – nakukuha ang atensyon nila.

"Oh, event?" tanong ni David saka tumingin sa taas na parang nag-iisip. Tumango-tango ito bago sumagot. "Ahh, okay. Naalala ko na."

"Alam na ba 'yan ni Sir?" tanong pa niya.

"Oo, sinabi na namin kagabi."

Kagabi? What –

"Ahh . . . .Kaya mo ba mag-perform? Pakita mo lang 'yong kaya mo. 'Wag ka mag-alala kami lang audience mo," nakangiting tugon ni David habang nakatitig sa akin.

Nagpalinga-linga ako saka itinuro ang sarili ko. "Ako?" tanong ko sa mahinang boses.

Tumango lang ito bilang sagot. Napalunok ako nang mariin. I - I will perform in front of them? Kumpara sa kanila, basura ang skills ko. How is that even interesting or amusing to see?

Tumalikod ako sa kanila saka naglakad paakyat sa mini stage na naririto. Ilang beses pa akong huminga nang malalim habang nanlalamig ang kamay na pinaraan ang daliri ko sa keys ng piano.

Umupo ako sa harap nito saka hinawi ang hibla ng buhok ko – pinag-iisipan kung ano ang ipapakitang-gilas ko sa kanila. Pumikit ako saka lumunok pa muli.

Kinakabahan ako, paano kung magkamali ako rito? Nakakahiya naman kung ganoon, 'di ba? Paano kung umatras ako? Sabihin ko na hindi ko kaya?

Back out? Back out.

Puwede pa ba mag-back out? Teka, bakit ngayon ko lang naisipan 'yon?

Nag-angat ako ng tingin saka tinignan si Caleb – na hindi ko inaasahang nakatingin sa akin. Yumuko ako at binigyan na lang ng pansin ang mga keys na nasa harap ko.

Ilang beses pa akong huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko bago magsimulang tumugtog.

♯ / ♭

Chapter dedicated to : supiyaaaaaaaaa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top