Chapter 4

IT'S around 10 o'clock in the evening pero hindi pa kami nakakaalis sa parking lot nitong club. Nasa labas ang driver namin, e. Baka ini-inform niya sila mom na pauwi na kami.

"What's taking him so long ba?" tanong ni Eunice habang nakasandal sa headrest ang ulo niya at nakaawang nang kaunti ang mga mata.

Bakas sa hitsura niya ang pagkaantok at ubos na enerhiya dahil na rin sa kalikutan niya kanina sa loob. Hindi ba naman magpaawat tumili kanina, e.

"Matulog ka na kung inaantok ka na. Gigisingin naman kita kapag nandoon na tayo sa inyo,"

"No, I can't sleep! I have freaking deadlines." Mapait na sagot nito.

Umiling na lang ako saka napagdesisyunan bumaba ng kotse. Sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin. 'Di hamak na mas malamig ang hangin dito sa labas kumpara sa loob. Anong oras na rin kasi.

"May problema po ba?" tanong ko kay Manong pagkalabas ko ng sasakyan.

Umalis sa pagkakayuko si Manong saka ako nginitian. "Din-double check ko lang po ang sasakyan natin, Ma'am," sagot nito.

"Girl, coffee," ani Eunice na nakadungaw na sa may passenger's seat.

"Manong, pupunta lang po ako saglit sa convenience store. Babalik din po ako agad," pagpapaalam ko.

"Ma'am -"

Bakas ang pagtutol sa boses niya kaya agad ko siyang pinutol sa pagsasalita. "Babalik po ako agad," pag-uulit ko.

Kamot niya ang ulo niya bago ko siya talikuran. Halata naman na ayaw niya pumayag, pero wala naman siyang magagawa.

At saka hindi ko naman hinihingi ang pag-apruba niya. Ipinapaalam ko lang sa kaniya na aalis ako saglit.

Naglakad na ako papunta sa isang convenience store na malapit lang sa parking lot nitong club.

Itinulak ko ang malamig na handle upang mabigyan ako nito ng daan papasok. Sumalubong ang malakas na hangin na nanggagaling sa air conditioner ng convenience store.

Nakita ko ang hindi gaano kahabang pila na nasa harap ng cashier. Sana mamaya ay wala na sila. Hindi ko kayang maghintay nang matagal para magpakuwenta ng binili ko.

Inilibot ko ang paningin ko upang maghanap kung saan nakakabili ng hinihingi ng bruha na 'yon. Nagsimula na rin ako maglakad papunta sa may drinks and beverages section.

'Do they sell coffee here?'

"Sss, never mind. Kahit ano na lang basta kape," bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang mga naka-display na beverages sa harap ko. See through naman ito dahil salamin ang nagsisilbing pinto ng chiller.

Binuksan ko ang chiller na nasa harap ko saka kumuha ng tatlong bote ng napili ko na inumin. Hindi ko mapigilan lamigin nang tumama sa balat ko ang lamig na nanggaling doon.

Isinara ko ang chiller para pumunta na sa stall kung saan maraming chips. Saktong pagpihit ko ay nakita ko ang isang pamilyar na bulto na kilalang-kilala ko.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa dala ko.

"'Oy, gabi na, a. Para saan 'yan?" tanong ni Lamuel.

"Ah, naghahabol kasi sa deadline ang nagpapabili nito. Wala yata siyang balak matulog," sagot ko saka sinundan ng pilit na ngiti. Pasimple ko itinagilid ang ulo ko upang tignan kung may kasama pa ba siya.

Hindi pa ba sila nakakauwi? Bakit nandito pa ang isang 'to?

Nasaan naman kaya siya?

"What are you doing? May hinahanap ka ba?" Lumingon siya sa likod niya upang siguraduhin kung may tao ba sa likod niya.

Isip. Isip.

"Urn . . . wala. Sinisilip ko lang kung may magandang chips ba sa likod mo,"

"Oh." Tumawa siya nang mahina. Pagkatapos noon ay biglang sumeryoso ang mukha niya kaya hindi ko maiwasan ang kabahan. "Nga pala, alam mo naman na wala na si Perry, 'di ba?"

Hindi ko napigilang mapaatras sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng natuklasan ko.

Alam ba nilang lahat na may alam ako?

Shocks, not looking good. This is so not good.

"H-Huh?" maang na tanong ko. "What are you talking about?"

"'Oy, bakit parang gulat na gulat ka naman. Mali ba 'ko?"

Sinubukan ko tumawa nang malakas ngunit isang kakaibang tawa ang lumabas sa bibig ko. Lalo lamang nito pinakita na naiilang ako. "Y-Yes . . . .You are so wrong, dude,"

"Dude," pag-uulit niya habang nakangiti.

Mas lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang huling salitang sinabi ko. Kasi naman eh! I'm not ready for these questions.

"No- no! I didn't mean to call you that. Anyways, I don't know what you are talking about. May nangyari ba kay Perry?"

"Hey, is this guy bothering you?" My brows crossed each other when I heard an unfamiliar voice.

Lumingon ako para makita kung sino 'yon. Ngunit mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang ma-realize ko na hindi ko naman siya kilala.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Masungit na tanong niya sa 'kin.

Who is this punk? Why is he talking to me?

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "Sino ka?"

"Ano ka ba naman, babe. Nagtalo lang tayo kanina, e – "

What the f? Anong pinagsasasabi niya?

"Sabog ka ba?" hindi ko mapigilang itanong.

Tumaas ang kilay nito nang sabihin ko 'yon. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Lamuel na nasa likod ko na ngayon.

"What?! 'Oy, babae! -"

Napatakip ako sa bibig ko nang pumasok sa isip ko kung ano ang sinabi ko.

Bingus! I didn't mean to!

"I-I'm so sorry!"

'Yon na lang ang sinabi ko saka umalis sa harap nila.

Bahala na sila riyan! Nawiwindang ako. Sino ba kasi 'yon at bigla siyang sumusulpot sa conversation ng iba?

Feeling close!

Kumuha ako ng maraming chips na hindi na ako nag-atubili pa na basahin ang pangalan. Wala na akong pakialam. Ang pakay ko lang naman ay kape at chips eh. Hindi ko naman inaasahan na may mga susulpot at manggugulo sa tahimik na buhay ko.

Wala na akong inaksayang oras na dumiretso sa cashier. Mabuti na lang at wala na masyadong tao ang nakapila rito hindi katulad kanina noong pumasok ako.

Inilapag ko ang lahat ng kinuha ko sa harap ng kahera at saka binuksan ang purse ko para kumuha ng pera.

Pagkatapos ng transaction ay dumiretso ako sa bookstall na nasa corner. Sinipat ko ang mga bagong labas na libro na nandoon.

"Should I buy one?" tanong ko sa sarili ko.

Napapikit ako nang mariin para mag-isip kung bibili ba ako. Biglang pumasok sa isip ko ang ilang libro na nakatambak lang sa bookshelf ko at hindi ko naman nababasa. Lahat ay nakabalot pa rin sa plastic at hindi ko pa nabubuksan.

"I'll come back," sabi ko na lang saka tinalikuran ito at naglakad na palabas.

"Paalis na po tayo," bungad ni Manong nang makabalik ako sa pinagp-parking-an ng kotse namin.

Binuksan ko ang plastic na bitbit ko saka ibinigay sa kaniya ang isang inumin na binili ko.

"Nako -" halatang nag-aalangan na sabi niya.

"Kunin niyo na po, please?"

"Salamat po, Ma'am." Nakangiting tinanggap nito ang inumin na inabot ko.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan saka ibinigay kay Eunice ang hinihingi niya.

"What is this?" tanong niya.

"Sshh, bawal magreklamo," pigil ko sa kaniya. Binuksan ko ang isang chips na binili ko saka nagsimulang kumain.

"Chips are bad to your health. Dapat hindi ka kumakain niyan kapag gabi na," saway nito sa akin.

Hindi ko mapigilan na irapan siya. "Coffee is, too,"

"Don't you dare roll your eyes at me!" aniya na may British accent. Biglang sumakit ang tainga ko nang marinig ko 'yon.

Umabot sa point na parang gusto ko na lang maging bingi.

"Girl, mute. Will you please?"

"Gah!" Hinablot niya ang isang chips na nakalagay sa lap ko saka binuksan.

Umiling na lang ako saka sinimulan ubusin ang pagkain ko.

.

"HOW'S the gig?" bungad ni Mom sa akin na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng magazine.

Though I believe she never liked reading.

Gusto ko mag-assume na hinihintay niya ako umuwi ng safe. Wala naman masama kung iisipin ko na ganoon, 'di ba?

"Uhm, good," tipid na sagot ko. Huminga ako nang malalim bago dugtungan ang sagot ko. "I'm gonna go take some rest."

Tumango lang ito saka isinara ang binabasa niya. Tumayo ito at nauna na sa taas.

Dumiretso ako sa kusina saka binuksan ang ref at kumuha ng malamig na tubig para inumin.

Pagkatapos noon ay nagsimula na akong walang buhay na naglakad papunta sa kuwarto ko. Sumalampak ako sa higaan ko saka blangko ang utak na nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.

"What an exhausting day,"

Kinuha ko ang cellphone ko saka nagsimulang mag-scroll sa Twitter. Agad ko ini-stalk si Caleb saka naghintay ng panibagong tweet.

"Gah, come on," angal ko habang panay refresh sa profile niya.

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong napala sa paghihintay ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Isinara ko ang pinto sa kuwarto ko saka humiga na.

Pipikit na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Hudyat na may isang notification.

Nag-tweet na ba si Caleb? Urn, I hope so!

Nakaramdam ako ng dismaya nang text message pala ang nakuha ko na notification. Agad ko itong binuksan at nakita ang text message ni Eunice.

–––

From: Lamuel's Baby

Girrrrrl, I have some chika.

–––

Hindi ko mapigilan ma-curious kung anong balita naman ang dala-dala ng babae na 'to. Pero . . . kailangan ko na matulog!

Saka akala ko ba inaantok na siya? Geez!

"Sheez, bukas na. I have to sleep,"

Pinatay ko ang phone ko saka pumikit na. Pero dala ng kuryosidad ay pakiramdam ko nahihirapan ako makatulog. Parang gusto ko malaman kung ano ang chismis na dala ni Eunice kaso baka kung anong oras na kami abutin kapag nagsimula na kaming mag-usap.

Pumikit ako nang mariin saka pinilit na matulog. Nang pakiramdam ko ay nadadala na ako sa madilim na bahagi ng mundo ko ay may biglang nagsalita sa isip ko.

"Hey, is this guy bothering you?"

Bigla akong napadilat nang pumasok sa isip ko ang lalaking 'yon.

What the heck?!

Iniba ko ang posisyon ng pagkakahiga ko. Nagbabakasakaling nagkakamali lang ako ng pagkakahiga kaya binabangungot ako kaagad. Pero . . . pumasok na naman sa isip ko ang mukha ng isang 'yon

Argh! Bakit ba pumapasok siya sa isip ko?

Napaupo ako sa higaan ko saka ginulo ang aking buhok. Ugh. "Get the sheep out of my head!"

.

"UHM, ehem!" Umalis ako sa pagkakayuko nang biglang umubo – kung ubo mo ba na matatawag 'yon – si Eunice.

Nandito kami ngayon sa classroom habang naghihintay na matapos ang break time.

"What?" antok na tanong ko. Hindi ako nakatulog agad kagabi dahil sa dami ng iniisip ko.

Isa na roon ang kabute na biglang sumusulpot sa conversation ng iba. Hindi ko mapigilan ma-curious kung sino ba ang feeling close na 'yon. Lalo na at hindi ako makatulog dahil sa kaniya.

Pilit pumapasok ang imahe niya sa utak ko kahit na ipagtulakan ko palabas. Nakailang baso na ako ng gatas kagabi pero hindi pa rin ako makatulog. Dapat ba alak - este - kape ang ininom ko?

"Do you have anything to say?"

"Hmm? Saan?"

Umupo si Eunice sa lamesa niya habang nakaharap sa akin. Pakiramdam ko ay hindi man lang siya tinatablan ng antok kahit pa tinapos niya ang lahat ng activities na due today.

"Marami ako naririnig na chismis today,"

"Hmm," sabi ko saka nangalumbaba. "What's new?" tanong ko. Wala namang bago na palagi siyang nakakasagap ng chismis. Malakas ang signal niya, e.

"Wala naman sana kaso naririnig ko ang pangalan mo," seryosong dagdag niya.

Napaayos ako ng pagkakaupo saka tinignan siya. "Tungkol saan ba 'yan?" Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan siyang magkuwento. Na-hook ako sa part na kasali ang pangalan ko. Magagawan ba nila ako ng chismis, e, nananahimik lang ako?

Pakiramdam ko ay nawala ang antok ko dahil sa chismis na dala niya today.

Umiling siya saka umupo sa upuan niya. Tinignan niya ako na parang iniisip niya na may mali sa akin. "Pero I don't think this is true. That's so unbelievable to happen. Maybe hindi ikaw ang tinutukoy sa chismis,"

"Ano nga kasi 'yon? Sabihin mo na. Pa-suspense ka na naman, e,"

"Did you know . . . wala na si Perry?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang classroom namin dahil nagsimula na akong pagpawisan.

Kapag ganitong usapan na involve si Perry or Caleb talagang hindi ko mapigilan kabahan.

Lalo na at may alam ako!

"Wala na si Perry? Where did she go?"

"I don't know. Basta wala na siya rito sa school,"

"I didn't know anything about that," mariin na sagot ko.

"That's not the point." Inilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Tinapik ko naman agad 'yon kaya inalis niya naman agad. "Parang may sakit ka. Okay ka lang?"

"Eh, ano pala?"

"Hmm, they're saying baka ikaw raw -"

"What?" inip na tanong ko. Ang tagal naman! Kanina pa ako nac-curious, e.

"Girl, 'di pa ako tapos. Chill ka lang," sabi nito.

"Excuse me, dito ba ang room ni . . ." sabay namin nilingon ni Eunice ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nasa pintuan ng classroom namin ay nakatayo si Lamuel. Kasama si . . .

Caleb.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha at tainga ko. Lalo na noong dumako ang tingin nito sa akin. Napalunok ako nang mariin saka sinubukan ialis ang tingin ko sa kaniya. Inilipat ko ang tingin ko kay Eunice na nakatitig na kay Lamuel.

What is he doing here?

Nanlalamig ang kamay na tinapik ko si Eunice na tila ay nawawala na sa huwisyo. "Girl, baka matunaw."

"Sshh, ano ba. Titingin lang eh," aniya na halatang kinikilig.

Sasagot na sana ako nang tawagin ako ng mga kaklase ko.

Dumako ang tingin ko kay Lamuel na malapad ang ngiti at naghihintay sa may pintuan ng classroom.

"Urn . . ."

"Girl,"

"I-I don't know what's happening. Bakit daw ako tawag?" tanong ko kay Eunice.

"Aba, malay ko! Pumunta ka na roon," aniya na parang pinagtutulakan ako.

Tumayo ako sa upuan ko at saka naglakad palabas ng classroom.

"'Oy, hindi natapos ang usapan natin kagabi. Biglang sumulpot ang boyfriend mo eh," bungad ni Lamuel nang makalapit ako.

"Wala akong boyfriend," tipid at kalmadong sagot ko.

Pero sa loob ko ay hindi ko mapigilan kabahan at mainis. Ang kapal naman ng mukha noon na sabihin sa kaniya na boyfriend ko siya? Ni hindi ko nga kilala ang sabog na 'yon! At isa pa, wala siya sa kalingkingan ng gugustuhin ko maging boyfriend. Asa siya.

"Ang sabi niya kasi -"

"Wala nga raw. Ang kulit mo,"

Para akong pinako sa kinatatayuan ko nang magsalita si Caleb sa likod ko na kanina pa tahimik. Hindi ko mapigilan mapalunok nang marinig ko ang boses niya.

Nag-aalangan ko nginitian si Lamuel na pinutulan niya ng karapatan magsalita. "Baka sabog lang 'yon. Huwag mo na pansinin," sabi ko sa kaniya na sinundan ng pilit na tawa.

"Anyways, hindi ko na papatagalin pa -"

"May ginawa ba akong masama kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"I'm sorry, ha? Urgent lang kasi eh -"

"Was it because I called you 'dude'?"

"Dude . . . ikaw na ang papalit kay Perry para sa darating na event,"

. . . .H-Ha?

♯ / ♭

Credits to: veinnngeanceee
for the book cover. If you want to get amazing book covers, just send her a direct message in her profile and negotiate with her.

Chapter dedicated to: vjohancaleb.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top