Chapter 2


Love ruins everything.

'Yan na lang ang masasabi ko nang marinig ko ang lahat. Bakit kailangan pa na maging ganoon ang nangyari sa kanila? Hindi ba puwedeng happy ending na lang?

Sumandal ako sa puno na pinagtataguan ko saka tumitig sa kawalan. Pinipilit ko i-sink in ang lahat.

Ang sabi nila masaya raw ang ma-in love. Masaya raw ang magkaroon ng boyfriend. Pero bakit sa nakita ko parang hindi naman? 'Di ba? Kasi kung masaya raw, bakit kailangan pa na mag-break sila? I don't get it.

"I guess it depends naman kung paano ka humawak ng relasyon," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa ulap.

Medyo makulimlim ito at maaaring maya-maya ay babagsak ang malalakas na ulan. Mukhang may nagbabadyang mangyari na hindi maganda. Mukhang nasaktan din ang ulap para sa inyo, Caleb. Kawawa ka naman.

"Tama ka. I guess it really depends." Napaayos ako nang pagkakatayo nang marinig ko ang pamilyar na boses. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko kung kaninong boses 'yon. "You heard everything, right?" Nakaharap siya sa 'kin na parang walang nangyari.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang mapula niyang ilong at mata. Gawa siguro ng pagiging crying lad niya kanina.

Inabot ko ang bulsa ng palda ko upang kunin ang panyo na dala ko. "Here,"

"Hmm?" Ngumiti siya sa 'kin. Pero hindi na abot tainga ang pagngiti niya. Halatang pilit na lang. "Salamat na lang," dagdag pa niya.

Ang dating masiyahin na Caleb ay hindi na magawang maging masaya ngayon. Oo, ngumingiti siya. Pero deep inside mararamdaman mo naman na hindi siya masaya. Lalo na kapag ikaw ang nakakita sa nangyari sa kanila. Nagsisimula na yata sa kaniya ang epekto ng break-up sa isang tao. At mukhang hindi ko gusto ang makikita ko sa susunod na araw.

"Can I?" tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Nagtatakha kung ano ang ibig ko sabihin. "Can I hug you? I know you need it."

Hindi 'to chansing, ha! Pero puwede naman. Pero hindi talaga. Half lang.

Kasi common sense naman, 'di ba? If you know, saw, or witness someone na mukhang miserable. Why not hug him or her? Para naman gumaan ang pakiramdam niya. And malaman niya na you're always there if they need to vent.

Alangan naman na tawanan ko siya kasi nasasaktan siya ngayon? Ano ako, abnormal?

"Comflirt," tipid na sabi niya.

Napabusangot ako. Medyo nakaka-offend. Sira ulo pala 'to! Siya na nga pinapagaan ang loob eh.

"If that's what you think it is," sabi ko na lang.

Sa sinabi pa lang niya na ganoon halatang ayaw niya magpayakap. Ano ba 'yan, Caleb! Yakap lang eh. Damot.

"No thanks. Kaya ko pa naman." Ginulo niya ang buhok ko saka ngumiti ng tipid. "Number 1 fan," dagdag pa niya.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hininga nang sabihin niya 'yon. Nakatitig ako sa kaniya habang hindi makapaniwala na nanggaling 'yon sa kaniya. Alam niya pala na nage-exist ako? Akala ko hindi! Akala ko kilala niya lang ako bilang isang kapwa estudyante. Bilang fan din pala? Is this a blessing?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero bigla siyang nagsalita. "Huwag mo na ipalabas ang lahat ng narinig mo." Namulsa na ito saka tumingin sa daan na tinahak ni Perry. "Baka sabihin fake news ka. Lalo na kapag nalaman mo bukas na kami pa rin."

'Yon na ang huli niyang sinabi bago maglakad palayo. Malungkot na pinanood ko ang bulto ng katawan niya. Nagsimula na rin bumagsak ang malalakas na patak ng ulan.

Bumagsak ang balikat ko sa sinabing iyon ni Caleb. If that's what make him feel better. Then go for it.

Kaso sa sinabi ni Perry. Parang malabo na ang sinasabi niya.

.

NAGLALAKAD na ako papasok sa next subject ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Hoy, gaga! Saan ka galing, ha?" tanong sa 'kin ni Eunice. Tumatakbo ito papalapit sa 'kin dala ang maraming libro.

"Sa . . . " Hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang batukan niya ako.

ARAY KO NAMAN!

"Bigla-bigla kang nawawala. Akala ko tuloy nasa Mars ka na!"

Napakasama ng ugali nito!

"Saka bakit basa ka, ha? Saan ka ba nagsususuot?"

"Diyan lang ako sa tabi-tabi," sabi ko habang sabay na kaming naglakad.

Hindi ko naman puwedeng sabihin na galing ako sa likod ng building. Tapos kapag tinanong niya ako kung bakit. Ano isasagot ko? 'Di ba? Edi nahuli pa ako.

"Hoy! Ano ba ang tinutunganga mo riyan? Tara na! Mal-late na tayo!" Nakahinto na pala ako sa paglalakad. Pumasok na naman kasi sa isip ko 'yong narinig ko kanina.

Malapit na ang next class namin. At super strict ni Ma'am. Bawal ang late. Kapag na-late ka, automatic wala kang long test. Wala kasing jowa si Ma'am kaya masungit.

"Wala tuloy akong kasama kumain. Napakabruha mo talaga!" sabi pa niya. Ito naman. Parang nasa akin ang wallet niya kung makapagreklamo.

"Hoy, baka nakakalimutan mo na halos mapilayan ako dahil sa'yo? Ang lakas mo kaya manuntok ng hita!" reklamo ko.

Pakiramdam ko nga mawawalan ako ng hita dahil sa kaniya.

"Ang O. A., ha?" sabi niya saka umirap.

Anong O. A. roon? Eh totoo naman!

Pagkapasok namin sa classroom ay dumiretso na kami sa upuan namin. Magkatabi kami kaya palagi kaming nasisita ng teachers. Dinadaldal niya kasi ako palagi eh.

"Anong susuotin mo bukas?" tanong niya sa 'kin pagkaupo niya.

Bakit pati 'yon kailangan niya pa alamin? Papakialaman niya na naman siguro ang susuotin ko. Psh.

"Pants," tipid na sagot ko.

Binatukan niya na naman ako. Nakakarami na 'to, ha! "Gaga ka talaga!"

Bakit parang sumasakit na yata ang batok ko? Walangya!

"Ano ba? Tatanggalan mo ba ako ng ulo o ano?" tanong ko sa kaniya.

"Oo! 'Di ka kasi nag-iisip. Ayusin mo naman! Ang yaman mo tapos magsusuot ka ng pants LANG?!"

"Ssshh!" saway ko sa kaniya.

Napakadaldal talaga nito.

"Ay, char," bulong niya. Inirapan niya ang mga kaklase namin na nakatingin sa 'min ngayon. "Oh, anong tinitingin-tingin ninyo? Mga chismosa!" sabi ng pinakachismosa sa lahat.

Napatampal ako sa noo dahil sa inasta niya. Para kasi siyang naghahanap ng gulo sa way ng pananalita niya eh.

"Oh ano, girl? Legit na ba? 'Te, ang yaman mo oh. Kaya mo nga bilhin 'tong school na 'to. Pati bahay namin kaya mo bilhin tapos magp-pants ka lang?"

"Oh, eh, ano ba ang gusto mo? Mag-gown ako bukas?"

"Ay, bet! Gora lang. Kung saan ka masaya." Natutuwang sabi nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Pero wala ka bang balak mag-ayos bukas? Gig 'yon. Malay mo makahanap ka ng the 1 mo roon."

"Huwag mo nga akong inuuto. Hindi naman basta pants LANG ang isusuot ko." Nangalumbaba ako sa desk ko bago dugtungan ang sinasabi ko. "At saka, wala akong pakialam sa the 1 na 'yan. Nagpunta ako roon para mag-relax."

The 1 pa na nalalaman. Wala akong pakialam sa mam-meet ko roon. Saka . . .

Hindi naman sila si Caleb, e. So what's the point?

.

"GOOD evening, dad," bati ko pagkapasok ko sa bahay.

"Good evening," sagot nito habang nagbabasa ng newspaper. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Lumapit ako sa kaniya para magmano. "Si mom po?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa kitchen. Magluluto raw siya for dinner, "

"Dad, you know Caleb po, 'di ba?" Huminto siya sa pagbabasa nang banggitin ko ang pangalan na Caleb. Tumingin siya sa 'kin habang nakakunot ang noo.

"Si Johan ba? Your schoolmate?" tanong nito sa 'kin. "Yes. I know him. Bakit?"

"May gig po kasi sila tomorrow. Kasama ng banda niya. And sa outside po ng school magaganap . . . can I come?" pahina nang pahina ang boses ko habang sinasambit ko ang mga 'yon.

Sana pumayag siya! Please, please. Magpapakabait na ako, promise!

Binalik ni dad ang tingin sa binabasa niya. Ilang segundo pa ang itinagal ng katahimikan sa gitna naming dalawa. Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Sayang naman kung hindi ako makapupunta. 'Yon pa naman ang unang beses na makakapunta ako sa isang club ngayong nasa legal age na ako.

"Hm . . . sure." Namilog ang mata ko nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.

For real? Omg!

"Thank you! Thank you!" sambit ko.

Agad akong tumayo sa inuupuan ko at tumakbo paakyat para sabihin kay Eunice ang lahat. I'm so excited to tell her this!

"Op, sandali lang," tawag niya sa akin, "bumalik ka rito dahil may lilinawin lang ako. At may kailangan tayong kasunduan," dagdag pa niya.

Napapikit ako nang mariin dahil doon. Spoilsport!

Ugh, of course. Papayag sila sa gusto ko sa isang kondisyon, as always!

Marahas akong nagbuga ng hangin saka inayos ang mukha ko. Nilingon ko siya na may bitbit na pekeng ngiti. Hindi niya naman ako nakikita since pakiramdam ko mas gusto niyang pagmasdan ang magazines kaysa sa mukha ko. "Yes, dad?"

"Maagsasama ka ng isang bodyguard," mariin na sagot niya.

"Of course!" 'yon na lang ang sinagot ko saka tumakbo papaakyat sa kuwarto. At agad nilabas ang cell phone. Hinanap ko ang contact number ni Eunice saka pinag-isipan kung tawag ba or text ang gagawin ko.

Hmm . . . I guess I'll go with text na lang. Baka masira ang eardrums ko kapag narinig ko ang tili niya. For sure pati siya ay masisiyahan din dahil dito just like me.

–––

To: Lamuel's baby

Hey, my dad said yes I'm so sure for yesterday's gig. Hindi ko na kailangan tumakas. Hahaha. Anyways, ask your husband kuno kung okay lang magdala ng bodyguard? Magbabayad na lang ako ng fee para sa kaniya.

–––

Message sent!

Pagka-send ko noon ay humiga ako sa kama ko. If you're asking kung sino si Lamuel's baby.

No other than my assumera na friend, Eunice. Siyempre siya ang nag-set niyan. Alangan naman ako?

But, actually, isa lang naman talaga ang friend ko.

Pero . . . what a great night lang.

That's uncommon kasi. Pinayagan ako umalis kahit hindi school-related ang reason. Mostly, nasa bahay lang ako. Puwede umalis kapag may gagawin na about sa school.

At isa pa, the way that Dad stops reading. Is it something about Caleb? Si Dad kasi 'yong tipo na hindi nagpapapigil kapag nagbabasa siya. Kung nagbabasa siya, magbabasa lang. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Baka nga magugunaw na ang mundo habang nagbabasa siya tapos wala pa rin siyang pakialam.

Going back. May hindi yata ako alam. Nakaka-trigger naman ng curiosity kung bakit ganoon siya kumilos.

Ay, teka nga? Bakit ba kasi big deal 'yon for me?

Porke ba si Caleb ang topic?

.

"HEY!" Lumingon ako upang makita ang tumatawag sa akin. Doon ko nakita si Bianca na kumakaripas ng takbo papunta sa gawi ko.

Kakababa ko lang ng kotse na naghatid sa akin dito sa school nang marinig ko siya. "Hey, Bianca. May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Huminto siya sa harap ko na hingal na hingal. Nakatukod ang dalawa niyang kamay sa kaniyang tuhod upang maghabol ng hininga.

She looks so stressed kasi at ang haggard na ng hitsura niya. Halos mapuno na ng pawis ang suot niyang school shirt. Inabot ko sa kaniya ang panyo ko na tinanggap naman niya kaagad. Pinunasan niya ang kaniyang sarili bago magsalita. "We need your help kasi, e. Okay lang ba?" tanong niya sa 'kin.

They need my help? What for naman kaya? "Sure. Ano ba 'yon?"

"We're running out of time. Kailangan na 'to ipasa sa Student's Organization. Kaso may mga dapat pa kasi kaming gawin na due today." Tumingin ako sa hawak niyang folders na buti na lang ay hindi nayupi kanina.

"Sure. Ito lang ba?" tanong ko sa kaniya. Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Para pa tuloy akong naging hulog ng langit dahil doon.

"Yes. 'Yan lang. Thank you, ha?" sabi nito. Nginitian ko lang siya bilang sagot. "Hey, Josh! Tara rito dali!" tawag niya kay Joshua na kabababa lang ng bisikleta.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na papasok sa school.

"Hi, Cheska!" bati ko sa President ng Student's Organization.

"Hi. Ano 'yan?" tanong niya. Pertaining sa mga folders na hawak ko.

"Ito ba? Hindi kasi makakaya ni Bianca dalhin dito. Marami kasi siyang gagawin na today ang deadline. Kaya ako ang pinasuyo niya na mag-abot,"

Kinuha niya ang mga inabot ko na folders. "Thank you! Hahanapin ko na sana siya kasi malapit na ang meeting. Anyways, itong folder na 'to. Pakibigay kay Sir. May ie-edit pa raw siya riyan. Nasa Music Room siya." Kinuha niya ang folder na nasa ibabaw saka inabot sa akin.

"Sure,"

"Thank you!"

Nginitian ko siya bago maglakad papunta sa music room.

Kumatok ako ng tatlong beses pero wala akong narinig na sumagot. Inulit ko pa itong muli bago napagdesisyunan na pihitin ang door knob bago tuluyan buksan ang pinto. Pumasok ako sa loob ng room saka dumiretso sa table na nasa harap lang banda.

Tiningnan ko ang kabuuan ng music room. Medyo may kadiliman ang bandang dulo ng kuwarto. At dito lang malapit sa mini stage ang may ilaw. Nakatungtong din sa mini stage ang isang piano na naiwang hindi naka-unplug.

Dito ba napupunta ang tuition fee namin? Sa mga electric instruments na hindi inaalis sa pagkakasaksak?

Inilapag ko ang folder sa table saka sinubukan umakyat sa mini stage. Tinahak ko ang papalapit sa piano at umupo sa upuan na nandoon. Nag-echo sa buong kuwarto ang tunog na pinagmulan ng isang key.

I kinda miss my tutorial days with my dad.

Huminga ako ng malalim bago magsimulang tumugtog. Sana hindi pa ako gasgas pagdating sa piano.

"Now that she's back in the atmosphere. With drops of Jupiter in her hair, hey, hey . . . "

I don't know if I'm doing it right. Basta hinahayaan ko ang kamay ko na gumawa ng tugtog. Sinubukan ko rin sabayan ng pagkanta kung mapapatunayan ko na kabisado ko pa.

Isang malakas na ingay ang nagpatigil sa akin sa pagtugtog. Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang dahil doon. Nanggaling 'yon sa madilim na parte ng music room. Biglang nanlamig namawis ang dalawang kamay ko. Pakiramdam ko pa ay biglang bumaba ang temperatura rito sa loob ng room dahil sa sobrang lamig. Naramdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa dahil sa kaba.

Don't tell me may multo rito? Oh no. Huwag naman sana kasi takot talaga ako roon. Dahan-dahan akong naglakad pababa sa mini stage.

"I didn't know na marunong ka." I froze when I heard that familiar voice. Naaaninag ko ang bulto ng katawan niya na nasa dulo nitong room.

But the question is . . . Anong ginagawa niya rito?

"You missed the timing,"

Nauutal na sinagot ko siya. "Ha? I missed the what?" I don't get it.

Bumangon ito mula sa pagkakahiga. Natutulog yata ito sa madilim na bahagi ng music room kanina bago ako dumating. Pinanood ko ito maglakad papunta sa harap.

"Wala ka sa timing ng kanta." Pagkasabi niya noon ay ang huling hakbang niya mula sa madilim na parte ng music room. Kitang-kita ko na siya mula rito sa taas ng mini stage. At ilang hakbang na lang ang distansiya na mayroon kami.

Doon ko nakita si Caleb na magulo ang buhok. Nakapamulsa ito at lukot lukot na rin ang uniform.

Pero bakit ang gwapo niya pa rin?

"I'm sorry." Nakatitig siya sa 'kin kaya hindi ko magalaw kahit daliri ko man lang. Ramdam ko na nga ang pamamawis ko eh. Kinakabahan ako kasi hindi naman ako sanay na tinitingnan ng ibang tao.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry. Take it as your way to improve," sabi nito.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng music room. Niluwa noon si Lamuel at ang isa pa nitong kasama, si David.

"Yo!" Nahinto sa pagbati si Lamuel nang makita ako. "Uy, anong ginagawa mo rito? Kumusta pala? Tuloy ka mamaya, right?"

"Bye," mahinang sabi ko, sapat na para marinig niya. Saka ako tumakbo palabas.

Nakakahiya!

Stream 'the 1' and folklore, evermore, and fearless album. Hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top