Chapter 1


Napapitlag ako nang makaramdam ako ng mahinang tampal sa bisig ko. Dahilan kung bakit naalis ako sa pagkakapalumbaba. Agad ko naman siyang nilingon para maipakita ang interes ko. "Hoy, ayos ka lang ba?" tanong ni Eunice sa akin.

Pero masakit 'yon ah! Napakasadista talaga nitong babaeng 'to. Kaya walang jowa eh.

"Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Nag-space out yata ako habang dinadaldal niya 'ko. Iniisip ko kasi 'yong mga gagawin ko this week.

Pinitik naman niya ang noo ko. "Bruha ka talaga. Bakit ba wala rito sa Earth 'yang utak mo?" ramdam ko ang gigil sa pananalita niya nang ibulong niya sa akin 'yon.

Bigla siyang napaayos ng upo at humawak sa libro niya at saka itinuon doon ang pansin na akala mo ay nagbabasa. Tumingin ako sa librarian na masama ang tingin sa 'min.

Napakaingay kasi!

"Hindi ka magkakaroon ng jowa kung palagi mo 'kong inaaway." Bulong ko sa kaniya saka inilipat ang atensyon sa libro ko.

Mas mabuti pa siguro na simulan ko ang pag-review. Malapit na rin kasi ang preliminary exams namin.

"Mababaog ka kapag nagkatotoo 'yan," sabi niya naman. Ayaw niya rin talagang magpatalo! "Kapag hindi naging kami ni Lamuel, mawawala ka sa mundong 'to!" dagdag pa niya.

Pakiramdam ko ay nanggigigil na siya sa 'kin. Binibiro lang eh. Tsk.

"Hi, girls," sabay kaming napatingin sa bagong dating. Umupo ito sa vacant seat na nasa harap namin saka inilapag ang libro na feeling ko ay props lang naman niya. Bitbit nito ang isang napakalaking ngiti. Halos hindi na nga makita ang mata niya sa sobrang lawak ng pagkakangiti niya.

Oh, no! Bakit ngayon ka pa dumating, Lamuel? At sa lugar na ito pa? Baka!

"Aw!" Napaaray ako nang suntukin ako ni Eunice sa hita. Nakatago sa ilalim ng lamesa ang kamao niya kaya hindi 'yon makikita ng kung sino.

Lamuel naman kasi eh! Bakit ngayon ka pa sumulpot. Dito pa talaga sa library? Sana alam mo kung paano patigilin sa pagkilig itong kaibigan ko. Baka matuwa pa ako.

"Quiet!" Napakagat ako ng labi nang sawayin ako ng librarian. Masama ang tingin nito sa akin na parang nakasira ako ng isang History book. Parang may weekly menstruation pa naman ang mga librarian dito.

"So . . . "

Sinamaan ko ng tingin si Eunice na tuwang-tuwa sa pakikipag-usap kay Lamuel. Ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan ang crush niya. Palagay ko nga ay nagd-daydream na siya sa magiging kasal nila.

Bruhilda ka, kakalbuhin kita mamaya.

Absentmindedly, inilibot ko ang tingin ko rito sa loob ng library. Mawawari mo na may hinahanap akong isang tao.

Kung nandito si Lamuel, malamang ay nandito rin siya.

At agad iyon huminto sa lalaking nakasandal sa amba ng pintuan. Nakakrus ang braso nito sa tapat ng kaniyang dibdib. Talaga nga namang malakas ang dating nito. Halos lahat din ng babae rito sa library ay nakuha ang atensyon niya. Napansin ko na nakatingin siya sa puwesto kung nasaan kami ni Eunice.

Johan Caleb.

Itinaas nito ang kanang kamay para bumati. Agad ko namang iniwas ang mukha ko upang itago ang pagkapula nito.

For your information lang, ha? 'Di ako kinikilig. Hindi rin ako in denial.

Period. Periodically. Periodic table!

"So as what I've mentioned earlier," sambit ni Lamuel. Tumingin ako sa kaniya na nakangiti.

"Sasama ba kayo?" tanong niya. Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil wala akong alam sa tinutukoy niya.

Sasama? Saan naman?

"Go na go!" sagot ni Eunice.

Ay? Feeling Globe lang, 'te? 'Di man lang pinag-isipan? Go agad? Maharot na 'to!

"Saan ba 'yan, Lamuel?" tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo nito sa tanong ko.

"'Di ka ba nakikinig sa 'kin?"

"Duh! Paano makikinig sa 'yo 'yan eh kanina pa wala sa Earth ang utak. Nagd-daydream na naman," sabat ni Eunice na namumula ang pisngi.

Sus! Kung hindi ko lang alam. Nagd-daydream din naman siya kanina habang kausap si Lamuel. Akala mo naman.

"Nawala sa isip ko eh. Saka nagr-review kasi ako," palusot ko sa kaniya.

Napatingin ako sa libro ko.

Palusot lang talaga 'yon. Kita mo naman, hanggang ngayon nasa cover page pa rin ako.

"Magkakaroon kasi kami ng gig outside ng school," napamulagat ako sa sinabi niya.

Oh, my gosh. As in gig? Outside?! Omg, gusto ko!

Puno ng enerhiya na sumagot ako, "I'm in!"

Nawala sa isip ko na napalakas ako ng pagkakabanggit. At nakalimutan ko rin na nasa library kami!

Napatingin lahat ng estudyante sa 'kin. Ramdam ko rin ang matalim na tingin nila.

"You!" Napatingin ako sa librarian na nakatingin sa akin ng masama. Nakaturo pa ito sa akin. Kaya malamang ako nga ang tinutukoy niya. "Out!"

Agh! Badtrip!

Humagikhik si Eunice saka kumaway sa 'kin.

"Bye," she mouthed. Inirapan ko lang siya.

Si Lamuel naman ay nagpipigil ng tawa. Itinaas nito ang kamay niya na parang pinapaalis ako.

Mga anak kayo ni Satanas, ha!

Sinamaan ko sila ng tingin bago padabog na lumabas ng library. Nakakasama ng loob! Pero on the contrary . . .

"Okay lang makalabas ng library. Ang mahalaga makakasama ako sa gig,"

"Pfft," halos lumundag ang puso ko nang may biglang gumawa ng ingay. Narinig ko pa ang munti nitong tawa dahilan upang makilala ko siya. Doon ko nakita na nakasandal si Caleb sa labas ng library.

Shit naman. Bakit bigla-bigla kang sumusulpot? Aatakihin yata ako sa puso.

"Sasama ka sa gig?" tanong niya sa 'kin. Nakasandal ito sa pader dito sa library habang nakakrus pa rin ang braso.

Nauutal na tinanong ko siya saka tinuro ang sarili ko. "Ako ba?"

Shocks, this is it! Kinakausap niya 'ko. Kunin mo na po ako, please! Pero siyempre, joke lang! Gusto ko pa mabuhay 'no. Paano na lang ang future namin -–

Ay, choz! May Perry nga pala siya.

Sad.

"Ikaw lang naman ang kausap ko,"

"Oo naman, manonood ako. Number 1 fan ninyo 'ko eh,"

"Talaga lang, huh," sabi nito saka tumingin sa gawing kaliwa.

Doon ko nakita si Perry na naglalakad papalapit sa amin. Nahati sa dalawa ang nagkukumpulang estudyante na halatang nakikitingin din kay Caleb. Nalipat sa kaniya ang atensyon ng lahat.

Hindi naman na maikakaila 'yon. Dahil kung titignan si Perry? Nakasuot ito ng school uniform na bagay sa kaniya. Ang kulay itim nitong buhok ay malayang nakaladlad. Maganda ang hugis ng mukha nito na sumakto sa features niya.

Tumingin siya sa gawi ko saka ako nginitian ng tipid. Ngumiti rin ako sa kaniya. Pagkalapit niya sa amin ay hinila niya si Caleb palayo.

Dahil sa curiosity ay binalak ko na sundan sila.

Napansin ko na lumabas kami ng building. Maraming pasikot-sikot pa ang nangyari bago kami nakarating sa lugar kung saan sigurado sila na walang ibang tao.

Well, akala lang nila 'yon.

"Happy monthsary – "

"Palagi na lang ba ganito, Caleb?"

Napahinto ako sa paglalakad nang huminto sila rito sa likod ng building. Agad akong nagtago sa likod ng puno para hindi nila ako makita. May kalakihan naman ang puno na pinagtaguan ko kaya hindi nila ako mahahalata.

Perry.

She's Johan Caleb's girlfriend. Kilala siya sa campus namin kasi nga girlfriend siya ng isa sa may mala-anghel na boses dito sa school namin. Aside from that, Perry is also talented. She have the beauty and the brains kaya kilala rin siya. Sumasabak din kasi siya sa contests kaya maingay ang pangalan niya.

Their relationship isn't a secret. Alam ng lahat 'yon. And we all admire them kasi bagay na bagay naman silang dalawa. At isa pa, isn't it admiring to see how they manage their life?

But now . . . It seems like may problema sila.

"I'm sorry. Pero nakikita mo naman, 'di ba? I'm trying –- "

"You are trying to what? Can you specify it for me? Kasi puro ka pangako. Dapat hindi ka na lang nagsalita na magkikita tayo sa lugar na 'yon kung ikaw mismo alanganin na makakapunta," pagkasabi niya noon ay narinig ko ang mahihinang paghikbi na galing kay Perry.

I thought their relationship is perfect.

Kaya hinahangaan ko silang dalawa. Kasi nakakaya nilang pagsabayin ang academics, career and their lovelife.

Pero mali yata ako.

"You know what, Caleb? We should end this,"

"No . . . no," bigla niyang hinatak si Perry upang yakapin nang mahigpit. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng lungkot para sa dalawa.

It seems like this is the downfall for the both of them.

"I'm sorry, love, I'm sorry. Don't leave me . . . please," Natakip ko ang bibig ko nang marinig ko ang pagkabasag ng boses ni Caleb. Parang pati ako ay nasasaktan para sa kaniya. "Please . . . don't leave me. Babawi ako . . . promise. Babawi ako sa 'yo." dagdag pa niya.

Parang biniyak ang puso ko nang marinig ang boses niya. He's hurt and I know that. Naramdaman ko 'yon.

I'm his fan. And sa kanila ng mga kasama niya. He's the jolly type. Palagi ko siyang nakikitang masaya. Palaging nakangiti. Ni hindi ko pa siya nakitang sumimangot in public.

"I don't want to hear any words from you, Caleb. Save it. Ilang beses ko na narinig 'yan. 'Yang promises na 'yan na wala rin namang saysay kasi hindi natutupad." Narinig kong parehas na silang umiiyak. Pinipilit na rin ni Perry kumawala sa pagkakayakap ni Caleb ngunit parang ayaw siyang pakawalan nito.

"If this is about it . . . wala na bang other chances? I'll ditch my classes. Magd-date tayo." Desperate is visible in his voice. Halatang ayaw niyang bumitiw.

I hope I can find a man like him. 'Yong ayaw akong pakawalan. Wait, what? Bakit ko ba naiisip 'yan? Weird.

"No . . . don't do that. Huwag kang gumaya sa 'kin na hindi sumali sa contest para lang sa isang date. Well, it's because nag-expect ako na okay na. Na tutupad ka na. Kaso hindi pa rin pala,"

"Huwag ka gumaya sa akin na isinakripisyo lahat para lang sa isang tao na hindi kayang tumupad ng pangako. Para lang sa isang tao na hindi ako kayang pahalagahan. Para sa isang katulad mo na hindi kayang suklian ang mga ibinigay ko!"

"Perry . . . I love you – "

"Oh my goodness, Caleb! Shut up! Stop it! I'm so tired of your lies!"

Is this love? You're sacrificing everything para lang i-save ang relationship mo? That sucks.

"And . . . my decision is final. Let's break up. Let's end this. There's no more us,"

And all of those sacrifices will end up to waste. Lalo na kung ang kahahantungan ay break up lang.

-

皆さん、安全を守れ !!!
(Keep safe, everyone!!!)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top