Epilogue

EPILOGUE

MATAPOS maputol nina Dominic at Ate Dian ang ribbon ay malakas na nagpalakpakan ang mga dumalo sa opening ng Scents D-light—ang perfume business na itinayo ni Ate Dian at ng mga partners nito.

Nakataas ang kilay na ipinakita ni Sharine kay Dominic ang captured image ng kanyang camera.

"Bakit sa akin ka nakatingin, Dominic? It's supposed to be candid."

Nang tuluyang makalapit ito ay hinapit siya nito sa beywang.

"Ang ganda mo kasi, e," he said innocently.

"Echos."

Yumakap siya sa batok nito nang halikan siya nito sa noo.

"Ang bango talaga ng boyfriend ko," sabi niya sabay singhot sa amoy nito.

"Lagot ka sa 'kin kapag wala nang tao," bulong nito sa tenga niya kaya naman napakislot siya.

"Ikaw, Nic, ha. Natatakot na 'ko sa'yo," biro niya.

Impit siyang napatili nang marahan nitong kagatin ang balikat niya. Hinampas niya ito sa dibdib.

"Dominic!"

He chuckled. "Sorry. Nakakagigil ka naman kasi, e."

Umabrisete siya sa braso nito. "Kain na tayo, gutom na 'ko."

Abala na ang halos lahat ng mga bisita sa pagtingin ng unang batch ng mga pabango na ire-release sa market at ang iba naman ay sa pagkuha ng pagkain sa buffet table. Kumuha siya ng marshmallow at isinawsaw iyon sa chocolate fountain. Painosente siyang ngumiti nang makitang salubong ang kilay ni Dominic habang nakatingin sa kanya.

"Oops. Nakalimutan kong kumuha ng stick."

Ngumiti ito at napailing. "Ang cute talaga ng girlfriend ko. Subuan mo nga 'ko niyan."

Kinamay niya ang isa pang marshmallow at sinawsaw iyon sa chocolate. Isinubo niya iyon kay Dominic at napahagikhik siya nang pati mga daliri niya ay isinubo nito.

"Ang kulit mo!"

"Oo na. Kayo na ang hindi in love," parinig ni Kisha.

Natatawang nilingon niya ito.

"Si Kisha naman, ngayon pa naging hopeless. Mapapasagot mo rin si Johnna—este—si John. Reliable yata ang mga tips ko." Kinindatan pa niya ito.

Ipinakita nito ang mga daliri nito sa kaliwang kamay na tadtad ng kalyo.

"Dapat lang, 'no. Ang sakit kaya sa kamay mangharana."

"Pag 'di pa nagbunga 'yong pinaghirapan mo, ipapa-salvage ko na sa ISIS 'yon."

Pinaningkitan siya ni Kisha. "Don't you dare! Magsasaulian talaga tayo ng kandila!"

"Wow naman!"

Napabungisngis si Kisha. "Practice lang!"

Nag-high five pa silang dalawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Kisha upang balikan ang parents nito at si Kuya Andrew kasama ang fiancée nitong si Ate Nica.

"Sino'ng may sabi? Pwede rin kaya sa 'kin 'yan!"

Napako ang tingin nilang dalawa sa couple na nagtatalo. May hawak na bote ng perfume si Ron na pilit nitong inilalayo sa girlfriend nitong si Maho—-na isang talented na singer. Endorser din ito pati ang Demigods.

"Kaya nga men's perfume kasi panglalaki. Bakit, lalaki ka ba?"

"Hindi pero may mens naman ako!"

"Ang cute nila, 'no?" nakatawang sabi niya matapos nakawan ng picture ang dalawa.

"Parang tayo lang din," ani Dominic at inakbayan siya.

"Gano'n na ba 'ko kakulit?"

"'Yong totoo?"

She crinkled her nose at bumungisngis.

"At sino'ng nagbigay sa'yo ng permiso na makipaglambingan sa boyfriend mo sa oras ng trabaho?" singit ni Kelvin.

"Inggit ka lang diyan, Boss, e," pakli niya.

Kagaya ni Ron ay endorser din ito ng unang batch. Palibhasa, ninong ito ni Dustin sa binyag.

"Hindi, 'no. Ang mga babae, sakit lang sila sa ulo," defensive na sabi nito bago uminom sa hawak nitong wine.

"Alam mo, Boss, narinig ko na rin 'yan somewhere. Pero 'yong nagsabi n'on, may boyfriend nang ubod-gwapo at sobrang bango ngayon."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Magkaka-boyfriend ka rin."

He groaned in disgust sabay walkout. Natawa lang sila ni Dominic dito.

"I'm happy for us," maya-maya pa ay wika nito.

Bumalik na si Dominic sa kompanya ng pamilya nito upang maging katuwang ng Papa nito sa pamamalakad sa negosyo.

"Yeah. Ako rin, Nic."

Niyakap siya nang mahigpit ni Dominic. How she loves this man.

"I love you. So much."

"I love you, too. Beri mats!"

Then she spotted Dominic's parents na nagsusubuan at parang may sariling mundo sa table ng mga ito kasama sina Dustin at Dylan.

"Sinagot na ba ni Tita Claudine si Tito Dave?"

Natawang kumalas sa kanya si Dominic pero nanatiling nakapulupot ang kamay nito sa kanyang beywang. Tumingin din ito sa direksiyon ng parents nito. Parehong half-Chinese ang mga magulang nito at ni Ate Dian. Dahil sa frustration ng great grandparents nila sa kanilang grandparents ay ang mga magulang nina Dominic ang sumunod sa tradisyon. The two learned their lesson from their children. Dahil hindi na pwedeng maibalik ang nakaraan, nag-decide ang mga ito na magsimula na lang ulit sa umpisa at mag-date na para bang nagkakilala lang ang mga ito sa unang pagkakataon. After all, hindi pa naman huli ang lahat.

Nasa mid-fifties pa lang ng mga ito ang mag-asawa at inaamin niyang natalo pa ng mga ito sila ni Dominic!

"Hindi hamak na mas cute ang parents mo, Dominic," sabi niya at humagikhik.

"Hindi na 'ko kukontra."

Kinuhanan niya ng picture ang mga ito. Isa-suggest din niya ang ganoong set up sa mga magulang niya. Nang mapansin sila ng Mama ni Dominic ay nakangiting nakipagkawayan ang mag-asawa sa kanila.

"Sa tingin ko hindi na tayo kailangan dito," bulong pa ni Dominic sa kanya.

"Saan mo naman gustong magpunta?"

"Tumambay tayo sa condo ko. Meron na 'kong 'Fifty Shades of Grey' sa flashdrive ko."

Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aray!"

"Adik ka, Dominic. Ba't ngayon mo lang sinabi?"

Pigil ang tawang nagpaalam sila kay Ate Dian na busy sa pag-entertain sa suitor nitong si Senator Arthur Mañalac na may planong tumakbong pangulo sa susunod na eleksiyon. Maganda ang reputasyon nito bilang politiko at kapag nanalo ito ay ito na ang pinakabatang uupong presidente sa edad na forty-one. At boto sila ni Dominic dito dahil malapit ito sa dalawang bata. Bago sila umalis ay kinunan pa niya ng litrato ang dalawa.

"'Di ba ang saya lang kung lahat in love?" nakangiting sabi niya habang papunta sila sa nakaparadang sasakyan ni Dominic nang magkahawak-kamay.

Alam niya na tama siya. Especially that they found love right where they are.

"Basta ako, natagpuan ko na ang happiness ko sa'yo."

"Naks! Wala akong piso rito!"

r

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top