[8] Sharine's Sweet Surrender
CHAPTER EIGHT
"YOU look exhausted," pansin sa kanya ni Dominic dahilan upang malipat dito ang atensiyon niya mula kina Aling Cora at sa tatlong mga anak nito.
"'Yong damit mo, namantsahan," sabi naman niya.
"Wala 'to."
"Pasensiya ka na, Dominic, ha? Naabala pa kita. Nag-alala lang talaga ako kay Aling Cora."
"Nag-alala rin naman ako sa kanya, ah? You just did the right thing, Sharine." Tumingin ito sa wrist watch nito. "But we missed the press conference."
Bumuntong-hininga siya. "'Yaan mo na. Maiintindihan naman siguro ni Kelvin ang nangyari."
"Mahalaga ang press conference na 'yon para sa career mo."
"Mamaya na nga 'yang career na 'yan. Uunahin ko pa ba 'yan kaysa sa buhay ng tao?"
He chuckled. Napatulala naman siya. Bakit hindi? Pagngiti pa nga lang ay mailap na para rito, pagkatapos ay tatawa pa ito?
"Uy, natawa siya," biro niya.
"Gutom lang 'yan."
"Tingin ko sila rin, gutom na," tukoy niya sa pamilya ni Aling Cora.
"Bibigyan ko na lang sila ng pera para may pambili sila ng pagkain. Then we can have our lunch, too."
"Yayamanin."
Nagulat siya nang hilahin siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.
"You've worried too much, Sharine. You need a rest."
It's amazing how being in his arms felt right minus the wild pounding in her chest.
Sininghot niya ang collar nito. "Bakit ang bango mo pa rin?"
Nang masigurong mabubusog na sa kinakain si Aling Cora at ang mga anak nito ay nagpaalam muna sila ni Dominic pansamantala. Nag-drive ito papuntang condo nito upang makapagpalit ito ng damit.
"Ang plano ko talaga, dalhin ka sa isang Japanese restaurant. Pero dahil sa nangyari, mukhang magpapa-deliver na lang tayo," sabi nito habang sakay na sila ng elevator.
"Now you're talking," nakangiting sabi niya.
"What?"
"Usually, man of few words ka lang, 'di ba?"
"Ikaw naman, nabawasan ang daldal mo."
She smiled lazily. "Hindi naman talaga ako madaldal, e. Talaga lang komportable ako kay Kisha kaya wala akong preno."
"You mean komportable ka rin sa 'kin?"
"Oo. At hindi ko alam kung bakit."
"You like me."
"No way," sabi niya at natawa. Of course, I'm lying.
"KAPAG yumaman na 'ko, bibili rin ako ng condo," sabi niya habang iginagala ang tingin sa kabuuan ng unit ni Dominic.
It was elegant and classy. Hindi tuloy niya maiwasan ang ikumpara ito sa condo na tinitirhan ni Matteo Do. Mukhang antique ang mga vase na naka-display at puno ng libro ang bookshelf na nasa living room nito.
"Magbibihis lang ako," sabi ni Dominic sa kanya. Tango lang ang tugon niya. Sinundan pa niya ito ng tingin nang umakyat ito ng hagdan na nasa kanang bahagi ng unit.
Naupo siya sa puting couch at dinampot ang isang puting throw pillow at niyakap. Mukhang hindi yata naaayon sa gusto niya ang nangyari nang araw na iyon. Ngunit hindi bale na.
Ang importante, mahalaga. Hay, nasisiraan na ako ng bait.
Ipinikit na lang niya ang mga mata. Tama nga si Dominic. Exhausted siya dahil sa nangyari. Napamulat lang siya nang marinig ang mga yabag nito pababa ng hagdan at ang boses nito na para bang may kausap.
"Ngayon lang ako humingi ng pabor sa'yo, CJ. Umayos ka."
Pinanood niya itong lumapit sa direksiyon niya habang nakatapat ang cellphone sa tenga nito. Nakapagpalit na ito ng stripes na long sleeve at nakapaa na lang ito.
Ang gwapo talaga, o. Tsk!
"Iba 'to. 'Wag ka na ngang mang-asar diyan. Basta. Salamat. Bye."
Ipinatong nito ang cellphone sa round table at naupo sa tabi niya.
"Gutom ka na ba? In fifteen minutes daw nandito na 'yong lunch natin."
"Hindi pa naman. Salamat sa pag-aabala," nakangiting aniya.
Hindi niya matukoy eksakto kung ano pero parang may nagbago yata kay Dominic.
"May computer ka ba riyan? Pwedeng makihiram?" tanong niya rito.
"Nasa taas." Aktong tatayo na ito nang hawakan niya ito sa braso at hinila pabalik sa pagkakaupo.
"After lunch na lang pala," pigil niya rito at sumandal sa backrest sabay pikit ng mga mata.
Gumalaw ang couch at naramdaman niya ang pag-usog nito sa tabi niya. She anticipated his next move without bothering to open her eyes. Ang akala niya ay kung ano na ang gagawin nito. Hinubad lang pala nito ang camera mula sa leeg niya pati na ang kanyang body bag.
"ANG SARAP sigurong tumambay rito sa condo mo," wika niya sabay hagod ng tingin sa kisame ng kusina nito kung saan sila nanananghalian.
"Hindi rin. Kaya nga madalas ako sa labas, e," sagot naman nito.
Magkatabi silang nakaupo sa kitchen counter habang pinagsasaluhan ang isang masaganang lunch.
"Ako, may pagkain at internet lang, solved na 'ko sa buong araw," sabi niya at bumungisngis.
"Ang babaw mo naman."
Kinamay lang niya ang pagkuha ng fried chicken sa kinalalagyan niyong bucket. Hindi na siya nangiming magkamay sa pagkain. Hindi bale nang balahura ang tingin sa kanya ni Dominic, basta't ie-enjoy niya ang pagkain sa paraang komportable siya.
"That's contentment, Mr. Chiu," pagtatama niya sabay kagat sa manok.
"Nang ikaw lang mag-isa?"
"Mas masaya, siyempre, kung may kasama. That's why mas madalas akong maglakwatsa kasama si Kisha kasi nag-i-enjoy ako. Mas masaya kasi 'yon, e. But I really don't mind being alone. I knew I can take care of myself."
"Mas masaya kung may boyfriend ka, don't you think?"
Natawa siya nang mapakla at pinahid ang gilid ng kanyang bibig.
"Ibang usapan naman na ang pagbu-boyfriend. Sakit lang sa ulo 'yon."
Uminom si Dominic sa orange juice nito.
"Kisha will not always be around. You definitely need someone else."
She stared at him for a few seconds. Nang wala man lang siyang makitang anumang reaksiyon dito ay natawa siya.
"Hindi sa kaso ko." Umiling siya. "I'm better off alone. Ayokong matulad sa mga magulang ko."
"What about your parents?"
"Kakainin mo pa ba 'yan? Akin na lang," tukoy niya sa buttered corn na hindi man lang nagalaw ni Dominic.
"Sure."
"HI, BOSSING!"
"Kumusta? Successful ba?" Bakas ang excitement sa boses ni Kelvin sa tanong nitong iyon.
"Ehehe." Napakamot siya sa kanyang pisngi. Humarap siya sa bookshelf at natapat sa kanyang paningin ang librong may pamagat na 'Stardust' ni Neil Gaiman. "Hindi nga, e. Ibang scoop ang nakuha ko. Aksidente sa highway."
"Sharine, hindi 'yon ang tinatanong ko."
Huminga siya nang malalim. "I missed the press conference."
"'Yon lang." Saglit na nanahimik si Kelvin sa kabilang linya. "Kailangan mong gawan ng paraan 'yan."
"Pero kasasabi mo lang kahapon na hindi magpapaunlak ng exclusive interview ang banda, 'di ba? Ano'ng gusto mong gawin ko?"
"Problema mo na 'yon. Magpatulong ka kay Dominic."
"Hala," nanlaki ang mga matang anas niya. "Bossing, naman. Nakakahiya na sa tao kung hihingan ko siya ng imposibleng pabor!"
"So hindi ka takot masisante?"
"Bossing, naman!"
"Magkasama ba kayo ni Dominic ngayon?"
Napasulyap siya sa direksiyon ng kusina kung saan niya iniwan si Dominic na naghuhugas ng pinggan.
"O-oo. Dapat pagkatapos n'ong press con, may lunch kami."
"Lunch date?"
"Lunch lang. Walang date."
"Maybe he can find a way."
"Nakakahiya. Ginawa ko na ngang ambulansiya ang kotse niya para lang madala sa ospital 'yong ale kanina, e. Huwag mo na lang akong swelduhan basta 'wag mo lang akong sisisantehin dahil alam ko namang pagsisisihan mo rin 'yon eventually."
"Sinubukan mo na ba siyang kausapin? He likes you. Hindi ka matatanggihan n'ong kaibigan kong 'yon."
She groaned in frustration. "Pambihira ka naman, Peter Kelvin Vasquez, e!"
"Okay. No paycheck and one week suspension na lang kung gano'n."
Aangal pa sana siya pero mas mabuti na iyon kaysa naman tuluyan siyang masisante.
"Sige na nga," pabuntong-hiningang sabi niya. "Pabor lang, Bossing. Pakikalat naman 'yong plate number ng kotse para mapanagot 'yong bumangga kay Aling Cora. Kawawa naman kasi 'yong tao, e. Ha, Bossing?"
"Oo na, sige na, sige na."
Kahit papaano ay bumalik na rin ang sigla niya.
"Thank you, Bossing! Bye!"
"Napakiusapan mo na si Kelvin?"
Napaharap siya kay Dominic na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
"Oo."
"Nagalit ba?"
"Hindi naman. Pero sinuspende niya 'ko nang isang linggo." Nagkibit siya ng balikat. "Okay na 'yon. Kaysa naman tuluyang napahamak si Aling Cora, 'di ba?"
Ngumiti si Dominic at tumango.
"Alam mo, sa tingin ko, mas maganda kung dalasan mo ang pagngiti. Nakaka-good vibes kasi," sabi niya.
"Hindi ko ibinibigay ang ngiti ko kung kani-kanino lang."
"Oh?"
Humakbang ito palapit sa kanya. Siya naman ay napahakbang paatras.
"I only smile to those who are special to me." Humakbang na naman ito palapit kaya napaatras siya.
"Uhuh?"
Nang humakbang ito nang isa pa ay bumangga na ang likuran niya sa bookshelf. Naramdaman pa nga niya sa kanyang likod ang bahagyang pag-alog ng mga libro.
"What do you think you are to me, Sharine?"
Napalunok siya nang wala sa oras dahil sa hindi mapigilang pagwawala ng kanyang puso. Nakatingala na siya kay Dominic at gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
Hahalikan ba siya nito?
Oh, no. Hindi ako prepared. First kiss ko kaya ito!
"U-um... special child?"
He chuckled. Nang bumaba ang mukha nito sa kanya ay napapikit na lamang siya at nahigit ang paghinga. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang malambot na mga labi nito... sa noo niya. Dahan-dahan siyang nagmulat. Dominic is already smiling widely at her.
"Mamayang hapon na lang tayo bumalik sa ospital. Kung gusto mong matulog, umakyat ka lang doon sa taas." He patted her head. "Ang cute mo talaga."
"Ehehe," ang awkward na tugon niya.
"Dito ka lang. Lalabas lang ako para mag-withdraw ng pera."
Nang wala itong makuhang tugon mula sa kanya ay tumalikod na ito at naglakad sa direksiyon ng pintuan. Nang tuluyang mawala sa paningin niya si Dominic ay nahahapong napaupo siya sa sofa. Nasapo niya ang mga tuhod niyang bahagyang nanginginig.
"Bakit sa noo lang? Hindi naman ako papalag kung sa lips, ah?"
NANG sabihin ng doktor na bukas ay pwede nang makalabas ng ospital si Aling Cora ay natuwa siya. Hindi nga ganoon kalala ang naging pinsala nito. Alam kasi niyang kahit sa ganoong kalagayan ay magpipilit itong magtrabaho para may pangkain ang mga anak nito sa susunod na mga araw.
"Nasaan si Catherine?" tanong nito nang igala ang paningin sa kabuuan ng silid nito. Ang tinutukoy nito ay ang panganay nitong anak na nasa second year high school pa lamang.
"Sinamahan po ni Dominic na bumili ng gamot niyo," nakangiti niyang sagot habang inaayos ang mga pinamili niyang mga prutas sa mesa.
Nang biglang humikbi si Aling Cora ay naalarma siya. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Ano pong masakit sa inyo?"
"W-wala, hija," sagot nito habang pinapahiran ng kumot ang mga luha. "Masaya lang ako kasi sa dami ng mga taong nandoon, nagmagandang-loob kayo na tulungan ang kagaya ko. Hindi ko lubos-maisip kung saan ako pupulutin sakaling wala kayo doon kanina—"
Pinisil niya ang kamay nito para patigilin ito. She'd always tried hard to act tough. Ayaw niya ng drama dahil mahina ang puso niya pagdating sa mga ganoon.
"Nakatakda po talaga na kami ang tumulong sa inyo. Kaya huwag na po kayong malungkot. Mahina pa naman po ang puso ko kapag nakakakita ako ng mga umiiyak. Baka maiyak na rin po ako."
"Pasensiya ka na. Nasanay kasi ako na walang ibang matatakbuhan. Simula nang sumakabilang-buhay ang asawa ko, sa sarili ko na lang ako umaasa."
Huminga siya nang malalim nang magsimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
"May awa po ang Diyos, Aling Cora. 'Yong lahat ng paghihirap niyo? Magbubunga rin po 'yon. Tiwala lang."
"Ang bait mong bata, hija. Lalo kang pagpapalain sa kabutihan ng puso mo."
Napakamot siya sa kanyang ulo. "Naku, tagilid po ako riyan. Hindi po talaga ako mabait. Ang totoo... hindi po ako ulirang mamamayan. Nagtatapon po ako ng basura sa maling tapunan, nagdyi-jaywalking po ako, dumudura, tumatapak sa damuhan, nangunguha ng bulaklak kahit bawal, minsan nakakalimutan kong magbayad sa jeep, hindi pa po ako registered sa COMELEC, at higit sa lahat, pinagnanasaan ko si Dominic."
Natawa si Aling Cora.
"Ikaw talagang bata ka. Puno ka ng kalokohan."
"Pero hindi po siya sinungaling, Aling Cora."
Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Dominic sa likuran niya.
Yari.
Kanina pa kaya ito nakikinig sa mga pinagsasasabi niya?
Eat me, lupa. Eat me!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top