[5] Sharines's Sweet Surrender

CHAPTER FIVE

"SASABIHIN mo na ba sa 'kin kung ano 'yang pabangong gamit mo?" tanong niya nang makababa na silang pareho ng sasakyan.

Sa paradahan ng mga traysikel na lang siya nagpahatid dito.

"Hindi pa rin."

Napaingos siya. "Naman, e. So okay lang sa'yo na amoy-amuyin kita?"

Kumunot ang noo nito. "Bakit ba pabango ko ang pinagdidiskitahan mo?"

"Ang bango, e. Tsaka first time ko kasing naamoy sa buong buhay ko ang amoy mo. Para kasing may something, alam mo 'yon. So, sasabihin mo na ba sa 'kin?"

"Hindi mo makikita sa mga bilihan 'to kaya 'wag ka nang magsayang ng panahon."

"Pwede ba naman 'yon?" takang tanong niya.

"Oo."

Napakamot siya ng kanyang baba. Mukhang hindi nga niya mapipilit si Dominic.

"Sige, Dominic, pwede ka nang umalis. Maraming salamat ulit sa paghatid at sa libreng lunch."

"Hindi ka na magpapahatid hanggang sa bahay niyo?"

"Eh? Bakit naman ako magpapahatid sa 'yo? Mag-boyfriend lang kaya ang gumagawa n'on." Inilapit niya ang mukha sa bandang leeg nito at inamoy na naman ito. Hindi niya alam kung normal pa ba ang ginagawa niyang iyon. Ang alam lang niya, it's hard to resist it. "Bye!" Kumaway siya rito bago ito tinalikuran.

"I WISH I had your guts. E di sana hindi ko pinagdadaanan ngayon 'to," malungkot na wika ng Ate Dianara ni Dominic.

Dinalaw niya ito at ang dalawang pamangkin sa bahay na tinutuluyan ng mga ito simula nang lumayas ito sa poder ng napangasawa nito. Hindi pa man kasal ang mga ito ay marami na ang hindi napagkakasunduan ng mga ito. Nang maikasal naman ang dalawa ay hindi na naging tahimik ang pagsasama ng mga ito. Gusto ng brother-in-law niya na maging full-time housewife ang kanyang kapatid kung saan mariing tinutulan ng huli. Knowing his sister who is strong-willed, hindi ito basta-basta pumayag.

Nang matuklasan ng ate niya ang pagtataksil ng asawa nito at ang sekretarya nito ay lalo itong naging desidido. Ngayon ay mahigit isang taon na itong anulled. Hindi iyon matanggap ng mga magulang nila kaya itinakwil ng mga ito ang Ate Dian niya at ang mga pamangkin niya. Mas pinapahalagahan pa kasi ng mga magulang nila ang sasabihin ng ibang tao kaysa ang kapakanan ng ate niya. Pero umaasa naman silang pareho na maaayos din ang conflict sa pamilya nila.

"Siguro selfish lang talaga ako, hindi kagaya mo," sabi naman niya at ginagap ang kamay nito.

Ginantihan naman iyon ng pisil ng kapatid niya.

"Kahit ano'ng mangyari, 'wag mong hahayaang sila ang magdikta ng magiging kaligayahan mo, ha? Magalit man sila, at least alam mong ikaw ang may hawak ng mga desisyon mo."

"Wala na ba tayong ibang pwedeng pag-usapan? Hindi ako nagpunta rito para makarinig ng kadramahan in the first place," he said to lighten up the atmosphere.

Nakuha na ring ngumiti nito.

"'Yan ang gusto ko sa'yo, Dominic, e. Hindi mo talaga ako pinapabayaan."

"Siyempre naman, Ate. Alam mo namang tayo na lang ang magkakampi."

That's why he's been doing everything he can para lang maging malaya ang kanyang kapatid sa nagpapahirap dito. Kung hindi lang napilitang magpakasal ang ate niya, hindi sana ay isa na itong successful na chemical engineer at nakapagpatayo na ng sarili nitong perfume business.

"Tito, ayaw akong pahiramin ni Kuya, o!" sumbong ng isa sa pamangkin niyang si Dylan na basta na lang pumwesto sa kandungan niya.

Kanina lang ay nasa kwarto ng mga ito ang magkapatid habang naglalaro ng mga action figures na pasalubong niya sa mga ito bago naghabulan ang mga ito sa sala.

"Bakit naman ayaw mong magpahiram, Kuya Dustin?" tanong niya sa panganay ng ate niya na nasa likuran ng kinauupuan nilang sofa.

Dustin is six while Dylan is four years old.

"Eh kasi, Tito, gusto raw niya palit kami. Mas malaki raw si Optimus kaysa kay Bumble Bee!"

"Hindi naman talaga kukunin ni Dylan, Kuya, e. Hiram lang," panggagaya niya sa tono ni Dylan.

Natawa ang Ate Dianara niya.

"Kaya nasasanay 'yang mga 'yan, e," anito.

"Hayaan mo na," nakangiting sagot niya.

"Are you currently dating someone, Nic?" tanong pa nito.

Nagsalubong ang kilay niya.

"No, we're not actually—"

"Meron nga!" nanlalaki ang mga matang sansala nito.

Natawa siya nang ma-realize ang kanyang sinabi.

"Who is she, Nic?" excited pang tanong nito.

"We're not dating, okay? We just went out for coffee and lunch. That's all."

"Sino nga siya?" Pinaghugpong nito ang mga kamay. "Sabihin mo na."

Alam na kung kanino nagmana ng kakulitan ang mga pamangkin niya.

"She is Kelvin's employee."

Tuluyan na nilang nakalimutan ang dalawang bata. Napatagilid ito ng upo at nangalumbaba.

"So what is she like?"

"She's not normal."

"You, too, Dominic!" sabi naman nito at itinuro siya.

"What?"

"You're blushing!"

"YOU'RE blushing!"

Akma niyang babatuhin ng ballpen na nadampot niya sa desk nito si Kisha. Iniharang naman nito ang makapal na folder sa ulo nito.

"Uy, magdi-deny siya!" kantiyaw pa nito.

"Hindi, 'no," angil naman niya at pabagsak na ibinalik ang ballpen. "Sino ba ang nagsabi kung saan ako noong araw na 'yon? Hindi ba ikaw naman?"

"Eh nagtanong siya, e. Sinagot ko lang," pamimilosopo pa nito.

"Kung akala mo na magiging exemption si Dominic, nagkakamali ka. Natutuwa lang ako sa kanya kasi suplado siya at mabango. 'Yon lang 'yon. Hindi ako mapapatiklop n'on!"

Okay. Hindi siya sa defensive sa lagay na iyon.

"Aishu! Kung maka-react naman 'tong kaibigan ko," nakangising anito.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya matagalan ang makipag-asaran dito pagdating kay Dominic.

"Isang 'Dominic' pa, Kisha Kaye Aragon, ha!" kunwari ay banta niya at lumapit sa bintana ng opisina nito.

Mabuti pang huwag na muna siyang humarap dito at baka tuluyan nang magliyab ang mukha niya.

Buti sana kung wala lang fiancée 'yon, e.

"'Oy, Dominic!"

Nakataas ang isang kilay na hinarap niya ang kaibigan.

"Alam mo, ikaw Kisha—" Napatigil siya nang makita niyang nakatayo malapit sa pintuan ng opisina nito si Dominic na may buhat na karton na may logo ng isang computer company.

"Ano? Kanina ko lang sinasabi sa'yo na kailangan ko na ng bagong unit, 'di ba?" pigil ang ngising sabi ng kaibigan niya.

Tumalikod na lang siya para itago ang pagkapahiya. Ang hilig talaga siyang ilagay ni Kisha sa alanganin. Tuloy ay lalong nadagdagan ang discomfort niya. Imbes na batiin si Dominic ay nag-alangan tuloy siya.

"'Oy, Sha, dito ka lang muna, ha? May kukunin lang ako sa assistant ko," sabi pa ni Kisha.

"'Ge," hindi lumilingong sabi niya.

Narinig niya ang pagbubukas at pagsasara ng pintuan. Huminga siya nang malalim. Hindi naman dapat ganito ang maramdaman niya.

Walang hiya naman, o. Kailan pa 'ko naging conscious?

Balak sana niyang mag-busy-busy-han na lang habang nakikipagtitigan sa kurtina at hindi na lang pansinin si Dominic pero narinig niya itong bumahin. Nang lingunin niya ito ay itinatabi na nito ang lumang keyboard ni Kisha.

"May panyo ka ba riyan?" tanong nito.

"Meron." Kinuha niya mula sa bag ang puting panyo at lumapit dito.

Siya na ang nagkusang magtupi niyon upang maging hugis triangle at inilapit dito.

"Ikaw na," walang kangiti-ngiting anito.

Pigil ang ngiting itinali niya sa likuran ng ulo nito ang panyo. Mata na lang nito ang nakikita niya pero ang cute pa rin nitong tingnan.

At ang lapit ko sa kanya.

Lumayo na siya rito upang makapagtrabaho na ito.

"Feeling ko lang ba 'to o ang sungit mo na naman yata ngayon?"

"Masungit talaga ako ngayon," he answered in a bit muffled voice.

"May dalaw ka siguro."

"Ikaw. Mukhang wala kang balak pansinin ako."

"Huh?" Napakamot siya sa gilid ng kanyang pisngi nang makaramdam siya ng bahagyang pagkailang. "H-hindi naman sa gano'n. Medyo naasar lang siguro ako kay Kisha."

"Were you talking about me?"

She smiled sheepishly. "Hindi naman masyado."

Na-guilty tuloy siya. Hindi naman iyon sapat na rason para maging awkward siya kay Dominic kung tutuusin. Isa pa, pakialam ba nito sa 'nararamdaman' niya?

"Why?"

"Ano'ng why?"

"Bakit?"

"Ah, e..." Paano ba siya magpapalusot? "A-alam mo naman kaming magkaibigan. Kakaiba ang trip sa buhay."

Hindi ito tumugon dahil binubuksan na nito ang dala nitong box sa mesa ni Kisha. Pasimple naman siyang humakbang papuntang sala set ng mismong opisina at naupo. Buong ingat siyang nagpakawala ng buntong-hininga.

Mukhang ayaw na rin siya nitong kausapin. Siguro kung noong una pa lang ay nagpasindak na lang ito sa kanya, wala sana siya sa ganoong sitwasyon ngayon. Ipinikit na lamang niya ang mga mata.

"SILI GIRL."

Naalimpungatan siya nang marinig ang boses ni Dominic malapit sa kanya. She opened her eyes and she was met by his adorable, baby face.

"Hi!"

Kumunot ang noo nito at humalukipkip.

"Matapos mo 'kong tulugan, babatiin mo lang ako ng 'hi'?"

Pinagmasdan niya ang sarili. "Tinulugan kita habang kausap mo 'ko?" Hindi nga? Pahamak na antok iyon, ah?

"I was asking you if you want to go out with me for dinner."

Napakurap-kurap siya. "Ano'ng sinasabi mo? Nakatulog lang ako, niyaya mo na 'kong mag-dinner?"

"Kung ayaw mo, e di huwag." Tinalikuran na siya nito at tuloy-tuloy na lumabas ng pintuan.

Lokong lalaking iyon, ah? Hindi man lang siya pinag-react? Kinuha niya ang cellphone at t-in-ext ito.

To: Mr. Ubod-Bango

ABOUT THE DINNER. I CAN'T.

Nag-reply naman ito.

WHY?

WHY WOULD YOU ASK ME IN THE FIRST PLACE?, tanong din niya.

Inabot ng limang minuto bago ito nag-reply.

I DON'T KNOW.

"'Yon lang," sabi niya habang nakatitig sa cellphone.

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng disappointment.

"WHY would a guy ask a girl out for dinner?" wala sa sariling tanong niya habang nagkakape na naman sila ng kaibigan niya.

Nabitin ang pagsubo ni Kisha Kaye sa dough nut nito. Papaano ba namang hindi e bigla na lang niya iyong tinanong.

"I don't see why you have to ask that," anito at itinuloy na ang pagkagat.

"Bakit nga?" naguguluhan niyang tanong at pinaglaruan ang straw ng chocolate shake niya.

"Did he ask you out?"

"Nino?"

"Ni Dominic!"

Natarantang napalingon siya sa paligid niya.

"Ano'ng akala mo rito sa coffee shop, kwarto mo?" angil niya sa kaibigan.

"Sorry naman," napakibit-balikat na sabi ni Kisha at uminom sa milk shake nito. "But seriously, Sharine, it's common sense. The guy possibly likes the girl!"

Nasamid siya ng kanyang laway.

"O, bakit?" tanong nito.

"Wala lang," kaila niya at itinuloy ang pagkain.

Kisha looked at her with suspicion. "You're not telling the truth."

"You look pretty. Yes, I am not really telling the truth."

Umingos ito. "'Wag ka namang epal diyan. Trendy ang peg ko ngayon, e."

"I don't believe you," sabi na lang niya at sumandal sa kanyang upuan.

Because if he does, he would tell me right away! Like, gano'n naman 'yon, 'di ba?

And by just imagining Dominic telling her he likes her, nakakapagtatakang kinilig siya.

Kilig! Saan galing 'yon? Kadiri ka, Sharine!

Sumubo siya nang malaki sa dough nut niya at baka lang na ma-digest kasama niyon ang kabaliwan niya.

"Bakit yata natanong mo 'yan bigla? Ano'ng meron?"

"Wala lang."

"Aminin mo na, Sharine. Lumalandi ka na rin."

Pinandilatan niya ito. "Landi agad? Hindi ba pwedeng nabubuhay muna ang hasang? Advance ka talaga sa kinasanayan, kahit kailan!"

"So ano'ng nangyari no'ng iniwan ko kayo ni Dominic?" nakangising tanong pa ni Kisha.

"Inamoy ko lang naman siya. Ayaw niyang sabihin kung ano 'yong pabango niya, e."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top