[4] Sharine's Sweet Surrender

CHAPTER FOUR

MATAMIS ang ngiting pumasok siya sa opisina ni Kelvin. Nag-report siya rito nang araw na iyon dahil may kukunin siyang gantimpala mula rito.

"Hi, Boss! Looking good, ah?" bungad niya at kiniskis ang mga palad. "'Asan na?"

"Hindi ka nga excited." May kinuha itong kung ano mula sa drawer ng mesa nito at ilang sandali pa ay iwinawagayway na nito ang tseke niya.

Impit siyang napatili. "Akin na, Boss. Magkakape ako sa istarbaks!"

"Heto na at nang makaalis ka na."

Hinalikan pa niya ang tseke nang sa wakas ay mapasakamay na niya iyon.

"Bye, Boss! Thank you so much!" paalam niya nang matapos na niyang pirmahan ang necessary papers. Sumaludo pa siya rito bago lumabas ng opisina nito.

"Mag-boyfriend ka na nang may sumusustento sa'yo!" pahabol pa nito.

"'Di bale na lang!"

Masaya siyang nagmartsa pabalik ng pinanggalingang elevator. Makakapagkape na rin siya. Nang mag-isa nga lang. Tinawagan niya kanina si Kisha pero hindi naman ito pupwede ngayon dahil nagkataong tambak ang trabaho nito sa opisina.

Kung hindi pa nagsara ang pintuan niyon at kung hindi pa siya nakaamoy ng pabangong hinahanap-hanap niyang amuyin ay hindi pa niya napapansing hindi pala siya nag-iisang sakay niyon. Nang tingnan niya kung sino ay nakatingin na pala ito sa kanya.

Si Dominic!

Her heart skipped a beat. Kaya naman pala. Mahigit isang linggo na pala simula nang huli niya itong makita. As usual, cute pa rin ito, ubod ng bango at mukhang may dalaw.

"Gusto mong magkape?" tanong na lang niyang basta.

"Sure," sagot nito na wala man lang anumang ekspresyon sa mukha.

Napakurap-kurap siya.

Hindi man lang nagpakipot?

Dahil doon ay nagbunyi ang puso niya. Matamis niya itong nginitian. Bagay na hindi niya basta-bastang ginagawa sa kung sinong lalaki lang.

"Ayos."

MATAPOS niyang uminom sa straw ng order niyang ice-cold capuccino ay napangalumbaba siya sa mesa.

"Ano'ng ginagawa mo sa opisina ni Boss Kelvin kanina?" tanong niya kay Dominic.

"May ibinigay siyang trabaho sa akin."

Actually, magpapasama muna siyang magpa-encash dapat dito para may pera siya pero nagulat na lamang siya nang sinabi ni Dominic na ito na lang ang manlilibre.

Ito raw ang manlilibre! Pambihira. Siyempre hindi siya maniniwala agad. Masyado itong masungit para librehin ang katulad niyang hindi nito ganoon kagusto. Pero nang tuluyan nang dumaloy sa lalamunan niya ang masarap na kape ay nakumbinse na rin siya.

"Matagal na kayong magkaibigan?"

"Magkaklase kami since kinder hanggang high school. Magkaiba kami ng course noong college pero pareho pa rin naman kami ng university."

"Matagal na 'kong nagtatrabaho para kay Boss Kelvin pero bakit ngayon lang kita nakita?"

"Dahil naging busy ako simula nang g-um-raduate ako ng college. Ako lang ang inaasahan ng Dad namin sa pagma-manage ng company namin."

"Anong company?"

"Computer hardware and software."

"Wow," napapalakpak na anas niya. "Tiba-tiba ka siguro, 'no? No wonder, lagi kayong puntirya ng mga kidnap-for-ransom!" at bumungisngis siya.

Nang nanatiling seryoso ang mukha ni Dominic ay napatigil siya.

"Ano nga ulit 'yong brand ng pabangong gamit mo?"

"Bakit ko sasabihin sa'yo?" walang kangiti-ngiting tanong din nito.

"Para pareho tayo ng pabangong gagamitin."

"Panlalaki 'to, e."

She straightened her back and wrinkled her forehead.

"Sino ba 'yong nagpauso na pati pabango e may panlalaki at pambabae na? Sige nga, sabihin mo sa akin kung ano ang basehan ng pagiging babae at lalaki. Nasusukat ba 'yon sa klase ng pananamit at mga gamit? Sa kilos? Sa physical na aspect? Sa laki ng boses?"

Nagsalubong naman ang kilay nito.

"Bakit napunta ang usapan diyan? Ano'ng gusto mong palabasin?"

"Na sabihin mo na lang kasi sa akin nang hindi na ako mahirapan." Uminom ulit siya sa kape niya.

Napabuga ito ng hangin at napailing.

"Sige ka. Aamuyin kita palagi kapag nagku-krus ang mga landas natin."

"I don't care." Dinampot nito ang tasa at uminom.

Inirapan niya ito bago kumuha ng tissue paper sa mesa at naglabas ng ballpen sa bodybag niya.

"O, 'yan," sabi niya at iniabot ang tissue kay Dominic matapos iyong sulatan.

"Ano 'yan?" takang tanong nito na para bang nakasulat iyon sa alien na lingwahe.

"Cellphone number ko. Baka lang maisipan mo na sabihin sa akin ang brand ng pabango mo. Nahirapan kasi akong maghanap sa mall noong nakaraang linggo."

"Tigilan mo nga ako," pakli nito at pinalis ang kamay niya.

Napanguso siya. Ang KJ din pala nito.

"Okay. Aamuyin na lang kita palagi."

Hinayaan lang niya sa ibabaw ng mesa ang cellphone number niya. Ang awkward naman. Paano ba niya ito mapapagkwento? Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok at inipit iyon sa likuran ng kanyang tenga.

"May girlfriend ka na?"

Wala lang. May maitanong lang siya.

"Girlfriend, wala. Fiancée, meron."

"Ah," aniya at napatango. Sayang. "Kailan ang kasal?"

"Hindi ko alam. Basta hindi ka imbitado."

Napahagikhik siya. "Sayang. Libreng kain din sana 'yon."

"Ikaw, may boyfriend ka na?"

"Wala. Kasi 'yong isa rito, taken na."

Nang kumunot ang noo nito ay tumaas-baba lang ang kilay niya. Nagulat pa siya nang ilabas nito ang cellphone nito at kinuha ang tissue na pinagsulatan niya ng number niya.

"S-in-ave mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Baka lang magbago ang isip ko."

Natawa siya. "Ikaw, ha. Echosero ka!"

But the truth is she was overwhelmed or she should say na kinilig siya. Nanlaki ang mga mata niya nang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito pero saglit lang iyon.

"Uy, ngumiti siya!"

Sumimangot naman ito. "Hindi, 'no. Don't be silly."

"I'm not sili. I'm Sharine!"

Napailing na lang ito.

"THANK you," sabi niya sabay siko kay Dominic nang makalabas na sila ng coffee shop. "Sa susunod, ako na talaga ang manlilibre. Pangako 'yan."

"Tingin mo may next time pa?" tanong naman nito.

Natahimik siya at ilang sandali pa ay nagkamot siya ng kanyang tenga.

Oo nga, 'no? Ano 'yon, close na kami agad?

"Ehehe," she waved her hand. "Sige, kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Salamat ulit, ha? Una na 'ko. Hope not to see you. Again."

Humawak siya sa strap ng kanyang body bag at nagsimulang maglakad palayo rito.

Kaloka ka, Sharine. Wala kang kasing! Hindi mo man lang siya naamoy. Ang hina mo talaga.

"Hoy, Sili Girl."

Nahigit niya ang paghinga at awtomatikong nilingon si Dominic.

"Bakit?"

"Iti-text na lang kita kung kailan ako libre."

Napakurap-kurap siya. Does that mean na naglu-look forward din ito ng next time kagaya niya? Napatakip siya sa kanyang bibig upang pigilin ang impit na pagtili. Then she straightened up and cleared her throat.

"'Ge," ang tanging tugon lang niya.

Nginitian pa siya nito bago tumalikod at naglakad papunta sa direksiyon ng kotse nito. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Ano 'yon?

"AMININ mo na, Sharine. Binuhay ni Dominic ang hasang mo."

Saglit siyang napatigil sa pagpitak ng pink na gitara nito dahil sa sinabing iyon ni Kisha.

"Kaderder mo talaga. Ginawa mo pa 'kong isda," pakli niya. Pero nang maalala niya ang mailap na ngiti ni Dominic ay parang gusto na rin niyang sumang-ayon sa kaibigan.

Natauhan siya nang binato siya nito ng unan.

"Anong problema mo?" angil niya rito.

Padapang humiga si Kisha at inabot ang malaking Hello Kitty stuffed toy na nasa ulunan lang ng kama nito.

"Abnormal ka. Dati-rati naman kapag nagbabanggit ako ng pangalan ng lalaki, sambakol 'yang mukha mo. Pero no'ng si Dominic na, napangiti ka agad?"

"Ha?" nagsalubong ang kilay niya. "Ngumiti ba 'ko?"

"Hindi mo namalayan? My goodness, Sharine. What's wrong with you—ay, ano'ng klaseng tanong ba 'yon? There's nothing right with you nga pala in the first place," pagkausap nito sa sarili.

Tiningnan niya ito nang masama.

"Ang harsh mo," sabi niya rito.

Tumagilid ito ng higa at umunan sa palad nito.

"So kailan nga ulit ang next coffee date ninyo?" nakangising tanong nito.

"Ba't ko sasabihin sa'yo? Magkaibigan ba tayo?"

Binato nito sa kanya ang stuffed toy.

"Araguy! Hindi na talaga ako magsi-sleep over dito kahit kailan!"

Bumungisngis si Kisha.

"Ito naman parang nilalambing ka lang!"

Kinuha na lamang niya ang damit ng gitara na nahulog sa paanan ng kama at isinuot doon.

"Gusto mong bantayan ko si Dominic para sa'yo? Araw-araw kaming nagkakasalubong n'on," sabi pa nito.

"Hindi bale na lang. Pwede ko naman siyang i-text para kumustahin, e."

"May number ka na niya?"

Saglit siyang natigilan at pagkuwa'y natampal ang noo.

"Ay, siya lang nga pala ang may number ko pero ako 'alang number niya!"

NANLALATA ang kanyang pakiramdam nang tuluyan na siyang makalabas sa pinagdausan ng opening ceremony ng bagong season ng UAAP. Kung bakit naman kasi nawala sa isip niya ang magbaon ng kahit na anong makakain. Napabili tuloy siya ng tsitsirya sa loob. Siya pa naman iyong tipo na kahit anong kain, basta't hindi kanin, e hindi rin naman nabubusog.

Pambihira.

Nag-aabang na siya ng masasakyan nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa harapang bulsa ng kanyang hoodie jacket at sinagot.

"Kisha Kaye, pass na muna ako. Gutom na gutom na 'ko, e. Sa bahay na lang ako kakain para makatipid ako. 'Sensiya na talaga, ha?"

"Nasa'n ka? Pupuntahan kita."

Malakas siyang napasinghap nang boses-lalaki ang natunugan niya at hindi ang malambing na boses ng kaibigan.

"Dominic?" Kumabog ang dibdib niya.

Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ang caller kanina. Nasanay kasi siyang tatatlo lang ang tumawag sa kanya at ang pinakamadalas ay si Kisha. Sumunod lang sina Kelvin at Nanay Bebang niya.

"Buti naman at hindi ko na kailangang magpakilala."

"Bakit? Kapag 'wh-in-o you' ba kita, magpakilala ka? Baka nga babaan mo lang ako, e."

"Try me."

Tumaas ang mga kilay niya.

Makapagpasakalye nga.

"O, siya. Who you?"

"Kanata Hongo."

Napatili siya. All of a sudden, nakalimutan niyang gutom siya.

"O, ba't ka naman tumili?"

"Bakit hindi? Ikaw ba naman ang tawagan ni Kanata Hongo, ewan ko na lang!" nakatawa niyang sabi.

"You really are silly."

Nai-imagine na niya ang pag-iling nito habang sinasabi iyon. Tuloy ay napahagikhik siya.

"On the way ka na ba? Nagugutom na kasi talaga ako, e."

"Ni hindi mo pa nga sinasabi kung nasaan ka na."

Lumabi siya. "Talaga bang wala kang idea kung saan ako ipinadala ni Boss Kelvin?"

"Sa Timbuktu?"

"Uy, nagdyu-joke na siya!" kantiyaw niya.

Busy tone na lang ang narinig niya.

"Ngek."

Kapapasok lang niya ng cellphone sa loob ng kanyang body bag nang may humintong pamilyar na sasakyan sa tapat niya.

"Sakay na," sabi ni Dominic nang bumaba ito mula sa driver seat at umikot sa kabila.

Ang bilis naman?

DINALA siya nito sa isang Italian restaurant. Nang ilapag ng waiter sa mesa nila ang carbonara ay naglaway na agad siya. Itsura pa lang mukhang ginto na ang presyo.

"Napakaalangang kainin naman nito," sabi niya.

"Akala ko ba gutom ka na?"

"Oo nga pero baka kulang ang dala kong pera rito." Inilagay niya ang isang palad sa gilid ng bibig niya. "Nagtitipid kasi ako."

"Alam ko. 'Wag kang mag-alala, bayad ko na 'yan. Kung gusto mong um-order ulit, walang problema sa 'kin."

She looked at him in disbelief.

"Ang bait mo naman?"

He smirked. "Kumain ka na nga lang."

"Thank you, Dominic!" masayang sabi niya at pinaghugpong ang mga kamay.

Hindi na ito nagsalita at nagsimula nang kumain. Napangiti naman siya. Nagpasalamat muna siya sa grasya saka nagsimula na ring kainin ang lunch niya.

"DOMINIC!" Sunod-sunod niya itong kinalabit nang makakita siya ng isang convenience store sa unahan. "Huminto ka muna ro'n, may bibilhin lang ako."

"Gutom ka pa rin?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sige na, huminto ka na."

Huminto nga ito. Dali-dali niyang kinalag ang seatbelt at bumaba ng sasakyan.

"'Oy, 'wag mo 'kong iiwan, ha?" bilin niya rito bago tumakbo papuntang convenience store.

Pagbalik niya ay may dala na siyang malamig na bote ng Vitamilk Double Choco Shake flavor.

"Ano 'yan?"

"Soymilk. Alam mo, hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ako nakakainom nito."

"Mukha namang hindi masarap," sabi nito at pinatakbo na ang sasakyan.

"'Oy, hindi, ah!" react niya at pinanlakihan ito ng mata. "Tikman mo pa." Iniumang niya rito ang bote.

Nagulat siya nang biglang agawin ng isang kamay nito ang bote at uminom sa straw. Napakurap siya nang nasa kamay na muli niya ang bote.

"Masarap nga," sabi nito habang nasa daan ang atensiyon.

"Sabi sa 'yo, e," wala sa sariling aniya at uminom sa straw.

"Naniniwala ka ba sa indirect kiss?"

Nasamid siya.

�.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top