[3] Sharine's Sweet Surrender

CHAPTER THREE

"ALAM mo, kulang na lang pakasalan mo 'yang camera mo. Nagseselos na 'ko, Sha, ha," kunwari ay pagmamaktol ni Kisha habang naglalakad sila sa labas ng mall.

Nang sa wakas ay matanggap na niya ang kanyang paycheck ay nilibre niya si Kisha ng coffee float. As usual, umangal na naman ito. Ang akala kasi nito ay galing iyon sa Starbucks. Iyon pala, sa isang paboritong convenience store lang nila.

"'Wag ka namang ganyan, Kisha Kaye Aragon. Alam mo namang barya lang ang sinusweldo ko kumpara sa sweldo mo sa company ninyo."

"O tapos?"

"Kaya kailangan kong maghanap ng pwedeng issue sa kahit na pinakawalang kwentang bagay para kumita. Kaya hindi kami pwedeng magpahinga nitong camera ko. You know."

"Sasabihin ko kay Kelvin na bigyan ka ng special treatment."

"Tss. Huwag na. Sayang lang sa effort. Salary increase nga hindi pa niya 'ko mapagbigyan, e."

Napabungisngis lang si Kisha. Napahinto naman siya nang mai-spot-an ang magsyotang parang nagtatalo sa kabilang kalsada.

"'Oy, scoop, o. Magsyotang nagtatalo, nauwi sa hiwalayan, lalaki, nagpasagasa!" sabi niya sa tonong Mike Enriquez.

Bumunghalit ng tawa si Kisha at nahampas siya nang malakas sa balikat.

Iniabot niya ang kanyang coffee float dito. "Hawakan mo 'to. Iku-cover ko lang ang susunod na mga mangyayari."

Tumakbo siya sa papunta sa unahan at huminto sa labas lang ng bangko. Maraming tao ang nakiusyuso kaya naba-block ang view niya sa dalawa. Mukhang hindi lang basta nagtatalo ang mga ito dahil parang umaarte lang naman ang lalaki at halos maiyak naman ang babae.

Sa hiwalayan din mapupunta ang mga 'yan, saloob niya.

Pero paano ba niya makukuhanan ng litrato ang mga ito? Lumingon siya sa kanyang paligid at napako ang tingin niya sa isang blue and white na Volvo na nakaparada lang sa tabi niya. A bright idea flashed her mind.

Tumungtong siya sa hood ng kotse at umakyat pa sa mismong bubong niyon. There. Perfect! Sunod-sunod ang ginawa niyang pagpindot sa camera hanggang sa may ilang kalalakihang sumulpot sa harap ng dalawa, carrying a long banner with printed words that says 'WILL YOU MARRY ME, PHOEBE?'

Napapalakpak ang mga taong nakikiusyuso sa mga ito at siya naman ay napatulala. Hindi siya makapaniwalang parang magpu-propose lang ay may nalalaman pang gimik ang lalaki. Napaluha ang babae but this time ay nasiguro niyang tears of joy na iyon.

"Sweet," komento niya. Maybe the guy is truly in love with the girl.

Pero hindi pa rin ako naniniwala sa 'poreber'.

Niyakap ng babae ang lalaki at naghalikan ang mga ito.

"'Yon lang."

Ma-interview nga ang mga 'yon.

Tiyak na magiging proud sa kanya si Kelvin sa on-the-spot scoop niyang iyon.

"And what the hell are you doing on top of my car?"

Natauhan siya sa pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Dominic na nakapameywang while looking frustrated. Para bang nakamamatay pa ang klase ng mga tingin nito sa kanya. Ganunpaman, kasing gwapo pa rin ito noong unang beses niya itong makilala. Ay mali, mas gumwapo yata ito ngayon. Ano ba talaga?

"Oh, hi sa'yo, Dominic! Remember me?" Itinuro niya ang sarili. "Ako si Sili Girl!"

"I don't care who you are. Bumaba ka sa kotse ko ngayon din."

"Oh." Napatingin siya sa tinatapakan. "Kotse mo pala 'to? What a coincidence!"

"Baba," he said while pointing down.

Nagkibit siya ng balikat. "Fine. Madali naman akong kausap, e. Basta patulong."

Marahas na napabuga ito ng hangin. "Why would I do that? Ako ba ang nag-utos sa'yo na umakyat diyan?"

"Magpaka-gentleman ka naman kahit ngayon lang. Sige ka, kapag ako nahulog dito at nagasgasan itong kotse mo, ikaw rin. Wala pa naman akong pambayad," pananakot pa niya habang pigil ang ngisi.

Magsasalita pa sana ito pero napailing na lang ito at inabot ang kamay sa kanya.

"Salamat!" she said cheerfully at tinanggap ang kamay nito. She felt weird at the slightest touch of his hand.

Hinawakan niyang mabuti sa isang kamay ang camera. Tumalon siya and caught her breath.

"Thank you!" sabi niya sa kabila ng hindi maipaliwanag na sobrang pagwawala ng kanyang puso.

"I don't want to see your face ever again," mariing sabi nito.

"Oo na. Kapag nakita mo 'ko, umiwas ka. Dahil kapag nagkasalubong tayong dalawa, yayayain kitang magkape." Bumungisngis siya. "At hindi ka pwedeng tumanggi. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Whatever. As long as you get out of my sight," nakapaningkit na sabi nito.

"Bye, Dominic!" Akmang tatalikod na siya rito nang bigla uli siyang humarap at sininghot ang bandang dibdib nito. "Ang bango talaga! Hope not to see you!"

Bago pa man siya nito singhalan ay tumakbo na siya habang natatawa. Or mas tamang sabihing habang kinikilig?

HINDI niya mapigilan ang matawa sa sobrang kasiyahan nang mag-viral sa internet ang ginawang surprise proposal ni Cole sa long-time girlfriend nitong si Phoebe. Bumida ang website ng Flash Prophet maging ang kanyang pangalan bilang siya lamang ang nag-iisang nakakuha ng exclusive interview sa newly-engaged couple. They even gladly and willingly told her how they first met and how their love story blossomed. Tiyak niyang mabenta na rin iyon sa broadsheet at tabloids ngayon.

Napasandal siya sa kanyang upuan at inilagay ang mga palad sa likuran ng kanyang ulo habang nakatunghay sa kanyang computer. Mahiya naman si Kelvin kung hindi siya nito bigyan ng bonus sa magaling niyang trabaho. Napaayos siya ng upo nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Lalong lumapad ang ngisi niya nang mabasa ang pangalan ni Kelvin sa screen.

"Yes, Boss?"

"Gusto kitang batiin for another job well-done," anito.

Tumikhim-tikhim siya. "Thank you, Boss. Alam mo namang gusto kong maging proud ka sa 'kin." Hindi na niya napigilan ang bumungisngis.

"Uhuh. At dahil diyan, may ibibigay ako sa 'yo."

"Bonus?" na-excite na sabi niya.

"Hindi. Bibigyan kita ng bagong assignment."

Laglag ang mga balikat niya.

"Ay."

"Gusto kong ikaw ang mag-cover ng opening ceremony ng UAAP next month."

"UAAP? Weh?" hindi kumbinsidong aniya.

"Kapag nagawa mo nang maayos, may bonus ka at increase."

Doon bumalik ang sigla niya.

"I love assignments talaga! 'Yan ang gusto ko sa'yo, Boss, e! Sige, 'yon lang pala, e."

"Keep it up."

Napatili siya. "Thank you, Bossing!"

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ito.

"Hahay!" tili niya at napasuntok sa hangin. "May pera na naman ako!"

Napatigil lang siya nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Sharine?" si Nanay Bebang niya.

Napatakbo siya sa pintuan at pinagbuksan ito.

"Nay?"

Sinilip nito ang loob ng kwarto niya.

"Anong nangyari? Bakit para kang sinasapian kanina sa lakas ng boses mo?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Ehehe. Wala, 'Nay. Masaya lang ako."

Iniabot nito sa kanya ang malamig na bote ng Vitamilk na may straw pa.

"Baka lang dahil wala pang laman ang tiyan mo at nagkakaganyan ka. Ano'ng oras na, o, hindi ka pa kumakain. Kapag ikaw, bata ka, nagkasakit, lagot ka talaga sa akin."

Ngumiti siya at tinanggap iyon.

"Busog pa ako, Nay, pero salamat nang marami para rito. Madadagdagan lalo ang energy ko."

"O, sige. Pupunta lang ako kina Berta at makikilaro ng Bingo."

"Sige, 'Nay. Salamat ulit!"

Isinara na niya ang pinto nang tumalikod na ito.

"Vitamilk!"

Ito talaga ang gusto niya sa kanyang Nanay Bebang. Alam na alam nito ang kailangan niya kahit hindi na niya sabihin. Nasa early sixties pa lang nito ang lola niya at sa kabutihang palad ay malakas ito at malusog pa kaya nagagampanan pa nito nang maayos ang pagiging Nanay at Lola sa kanya. Hinding-hindi talaga niya ito ipagpapalit sa anupaman.

Malaki na ang pwesto nila sa palengke na personal nitong inaasikaso. Kaya nga ba nagsisikap siya nang todo na magkapera ay para rin dito. Gusto niyang lalong mapalago ang hanap-buhay nila. Gusto niya itong tulungan sakali mang ito naman ang mangailangan sa kanya.

"NATUTO na 'ko, Kelvin. Hindi na nila pwedeng gawin sa akin ang ginawa nilang panggigipit kay Ate para pumayag ito na sundin ang tradisyon ng pamilya," mariing wika ni Dominic.

Tinawagan siya ng kaibigan upang humingi ng pabor. Naka-leave daw kasi ang isang programmer nito kaya siya na lang ang pinakiusapan nitong gumawa ng advertisement sa broadsheet ng isang kliyente nito. Naroon ngayon siya sa opisina ng Flash Prophet.

"Pero hanggang kailan?" tanong ni Kelvin na abala rin sa sariling unit nito. "Kung gusto mong tuluyang magbago ang isip nila, sabihin mo na may nabuntis ka. Tapos ang problema!" Binuntutan pa nito iyon ng tawa.

Napailing siya. "E di lalo kong pinahamak ang sarili ko? Hindi ko alam kung saan sa 'ayaw kong magpadikta sa tradisyon' ang hindi nila maintindihan. Tingnan mo na lang ang nangyari kay Ate ngayon, miserable ang buhay niya."

He sighed in frustration. Sumandal na lamang siya sa inuupuan at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib saka ipinikit ang mga mata. For goodness' sake, siya mismo ang pipili ng babaeng pakakasalan niya! Gusto niyang magpakasal because of love. Gusto niyang maranasan kung paano mahalin even for the silliest reason!

"Hey, Nic, look at this."

Napaayos siya ng upo nang pihitin ni Kelvin ang monitor nito paharap sa direksiyon niya. It was a particular article from Flash Prophet's website. May magkasintahan na nagyayakapan habang sa bandang likuran ng mga ito ay may mga kalalakihang itinataas ang isang banner na may 'WILL YOU MARRY ME, PHOEBE?' na nakasulat.

The photo actually looked familiar.

"Tingnan mo ang mga comments, puro magaganda. Ang galing talaga ni Sharine!" nakatawang sabi nito at pumalatak.

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng weird na babaeng may sniffing tendency.

"I actually witnessed that one yesterday."

"Really?"

"Nag-withdraw ako ng pera kahapon. At alam mo ba? Nakita ko 'yong tauhan mo na 'yon na nakatungtong lang naman sa bubong ng kotse ko habang nangunguha ng mga litrato."

"Ginawa ni Sharine 'yon?" gulat na tanong ni Kelvin.

"Oo. Sa dami ba naman ng kotseng nakaparada kahapon, 'yong kotse ko pa ang napiling akyatin," sagot niya at napailing.

Then he remembered touching her hand, squeezing it tight and her body close to his.

"That's why hindi ko pinagsisihang tanggapin siya," proud pang sabi ng kaibigan niya. "She's very promising."

And did she just call herself 'Sili Girl' when he actually meant 'silly girl'? Hindi niya naiwasan ang matawa nang lihim. She sure has a weird personality.

NAUPO siya sa mahabang upuang kawayan sa labas lang ng kanilang bahay habang hawak ang kanyang pinakamamahal na camera. She was looking at a particular photo na hindi niya alam kung bakit hindi pa rin niya makuhang burahin.

Napangiti siya. Ang cute naman kasing tingnan ni Dominic habang nakapangalumbaba sa mesa kasama ang boss niyang si Kelvin. She stole a photo of him habang nag-ii-speech sa gitna ang Dad ni Kisha. Para itong bata na bored habang nakikinig sa nag-uusap na mga matatanda kaya natukso siya minsan na kunan ito ng litrato. Ah, hindi pala minsan kasi hindi lang naman iyon ang nag-iisang kuha ng kanyang camera rito.

"Gwapo ka sana, e. Mukha ka lang may dalaw sa kasungitan," sabi niya sa picture nito.

Mayroon pa nga siyang kuha rito habang nagkakamot ito ng kilay, nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at pumapalakpak. Hindi niya inakalang madi-develop ang fascination niya sa supladong lalaking nagngangalang 'Dominic Chiu'.

"Sino 'yan? Boyfriend mo?"

Hindi na siya masyadong nagulat nang marinig niyang magsalita si Herbert sa likuran niya.

"Herbert," sambit niya sa pangalan nito.

"Magandang gabi sa'yo, Sha. Gusto ko lang sanang ibigay sa'yo 'to," tukoy nito sa hawak nitong tupperware na tiyak niyang ulam na naman ang laman.

"Sabi ko naman sa'yo, hindi mo na kailangang gawin 'yan," aniya.

"Ako naman ang may gusto nito. Kahit pabayaan mo na lang sana ako."

Nagbuntong-hininga siya. "Ikaw na nga ang bahala. Tawagin mo na lang si Nanay sa loob."

"Sige."

Iniwan siya nito at pumasok sa bahay nila. Nang nagsimula siyang tumira sa Nanay Bebang niya ay isa si Herbert sa mga nakipagkaibigan sa kanya. Katapat lang ng bahay nila ang bahay nito. Junior architect ito at pitong taon ang tanda sa kanya pero hindi halata dahil mukha rin itong junior. Sa taas niyang five feet and four inches ay hanggang tenga lang yata niya ito. Hindi naman ito pangit at maganda pa ang ugali pero sa tagal ng 'panunuyo' nito sa kanya ay hindi man lang niya ito makuhang magustuhan. Kinikilibutan siya kapag pinipilit niyang imagine-in na kahawak-kamay niya ito. Mapagkakamalan lang silang magkapatid at siya ang ate. Hindi naman ito nagtagal at naupo ito sa tabi niya.

"Tisoy, ah. Ano'ng pangalan niya?" tanong pa nito.

"Dominic."

"Kailan pa naging kayo?"

"Actually, hindi kami." Nagbuntong-hininga siya. "Pero gusto ko siya. Gustong-gusto."

Hindi niya alam kung sinasabi lang ba niya iyon dahil sa gusto niyang i-discourage si Herbet o dahil iyon nga ang totoo.

"Kapag niligawan ka ba niyan, sasagutin mo siya?" tanong pa nito kaya nagsimula na siyang mairita.

"Ewan," sagot niya at nagkibit-balilat. Kailan ba ito babalik sa bahay nito?

"Nagbabago na ba ang pananaw mo tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon?"

Takang napatingin siya rito.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Na gusto mo na ring magmahal at magpakasal in the future."

"Ah," aniya at napatango. "Ewan. Bahala na. Kung kami ni Dominic, e di kami."

Saan galing 'yon?

Tumango naman ito. "Sige, Sharine, babalik na 'ko sa 'min." Tumayo na ito.

Mabuti naman, saloob niya.

"Sige, salamat ulit," sa halip ay sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top