[15] Sharine's Sweet Surrender

CHAPTER FIFTEEN

"CALL me kung malapit nang matapos ang laro. Pupuntahan agad kita," ani Dominic matapos siyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Sa unahan nila ay nakikita niya ang mga taong tinutungo ang direksiyon ng coliseum para manood ng basketball.

Malapit nang matapos ang round two ng eliminations at malinaw na kung sino ang makakapasok sa Final Four.

"Thanks, Dominic," malapad ang ngiting sabi niya at kinalag na ang seatbelt. Magkasama sila nito buong umaga at nag-lunch pa sila bago siya sumabak sa trabaho. "Ingat ka, ha? See you later!" Bumaba na siya ng kotse.

"See you later," anito at isinara na ang pintuan.

Kumaway na siya rito. Imbes nga lang na maglakad na ay bigla siyang tumingkayad at hinalikan ito nang mabilis sa pisngi. Napabungisngis siya sa gulat na reaksiyon ni Dominic.

Hindi na niya ito hinintay na makapag-react.

"See you later!" ulit niya at patakbong tinungo ang venue habang natatawa pa rin sa ginawa niya.

Kailan kaya ang magandang timing para 'sagutin' ito?

"I HEARD maganda ang resulta ng pagdi-date niyo ni Dominic," ani Ron. Katatapos lang niya itong interview-hin tungkol sa bagong gagawing album ng Demigods dito mismo sa Pilipinas at naroon sila ngayon sa Flash Prophet.

"Of course," proud niyang sabi matapos sumimsim sa iced tea niya. "We enjoy each other's company so much though ayaw naman naming madaliin ang lahat."

Ngayon naman ay si Ron na yata ang interviewer. At feel na feel naman niya iyon habang si Dominic ang topic.

"Mabuti naman at hindi mo siya iniiwan. Mahirap ding maipit sa gitna ng conflict sa pamilya. To think na siya ang gusto ng mga magulang niya na magsakripisyo para tanggapin na ng parents nila si Ate Dian at ang mga bata."

"A-ano'ng ibig mong sabihin, Ron?" naguluhang tanong niya.

Pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito.

"Hindi ba nga bago ka pa niya nakilala, gusto ng mga magulang niya na pumayag siyang pakasalan ang babaeng napili nila?"

Daig pa niya ang sinipa nang malakas sa dibdib sa narinig.

"W-walang sinabing ganoon sa akin si Dominic tungkol sa kondisyon ng mga magulang nila tungkol kay Ate Dian. Ang akala ko, gusto lang ni Dominic na maintindihan siya ng mga magulang niya. Kaya nga ginagawa niya ang lahat, 'di ba?"

Nagulat si Ron. "Hindi niya sinabi sa'yo ang tungkol do'n?"

Umiling siya sa kabila ng panginginig ng katawan dahil sa mga nalaman.

Napamura nang mahina ang lalaki. "Ang daldal ko talaga."

"At ano pa ang nalalaman mo, Ron? Sabihin mo sa 'kin."

Ron became uneasy on his seat. "Tama na ang mga nasabi ko. Sa tingin ko mas malilinawan ka kung siya mismo ang kakausapin mo. I am sorry, Sharine."

NAKANGITING sinalubong siya ni Dominic sa labas. Kung dati ay parang lumulobo ang puso niya sa saya, ngayon ay parang sasabog iyon dahil sa sakit.

"How was the interview?" Tinangka nitong hawakan siya sa mukha pero pumiksi siya. "Is something wrong?"

"Ihatid mo na 'ko, Dominic. Pagod ako," malamig na sabi niya at tuloy-tuloy na sumakay sa kotse nito.

Habang nasa biyahe ay kinakausap siya ni Dominic pero hindi man lang siya kumikibo. Gusto niyang umiyak sa sama ng loob pero pinigilan lang niya ang sarili. Pinilit niyang ibinalik ang Sharine na kayang itago ang emosyon upang protektahan ang kanyang nararamdaman. Nang huminto na ang kotse sa tapat ng gate nila ay tuloy-tuloy siyang bumaba. Didiretso na sana siya sa pagpasok nang pigilan siya ni Dominic sa braso niya. Nagulo na naman tuloy ang kanyang sistema.

"Something is really wrong," seryosong wika nito. "Will you tell me what's the problem?"

Pumiksi siya at sinalubong ang mga tingin nito.

"Hindi ko sinasadyang malaman mula kay Ron, Dominic. Magpapakasal ka sa babaeng napili ng mga magulang mo kapalit ng muli nilang pagtanggap kay Ate Dian at hindi mo man lang ipinaalam sa akin 'yon bago mo pa sinabing gusto mo 'kong ligawan."

Hindi nakatugon si Dominic dahil natigilan ito.

"Ano'ng plano mo, Dominic? Ipagpapatuloy mo pa rin ba 'to kahit pa pati ikaw itakwil na rin nila?"

"Sharine..." Kinuha nito ang mga kamay niya. "Pwede naman na magkaayos ang pamilya namin nang hindi tayo nagkakasira, 'di ba?"

Tinangka niyang bawiin ang mga kamay pero hinigpitan ni Dominic ang pagkakahawak sa kaniya.

"Pero paano kung iyon lang ang tanging paraan?"

"Hindi. Meron pang iba," determinadong sabi naman nito.

"At sa tingin mo ba, hahayaan kung magkasira kayo ng mga magulang mo dahil lang sa 'kin? Nanggaling na ako sa sirang pamilya, Dominic, kaya alam ko ang pakiramdam."

"I will fight for us until the end," pagsusumamo pa ni Dominic.

"Dominic, kaya mo ba talagang maging selfish?" hindi napigilan ang maluhang sabi niya.

"Pero mas pagsisisihan ko kapag pinakawalan pa kita."

"Hindi mo ba mahal ang pamilya mo?"

She had been thinking about Dustin and Dylan. Masyado pang bata ang mga ito para itakwil ng Lolo at Lola nila. Baka maapektuhan ang mga ito habang nagkakamuwang sila. At hindi niya hahayaang mangyari iyon dahil lang sa naging makasarili sila ni Dominic.

"Hindi mo ba ako mahal?" tanong naman ni Dominic na ikinatigil niya. "Kasi ako, mahal kita, Sharine."

"D-dominic..." Hindi siya makapaniwalang napatigil niyon ang mundo niya. Mahal siya ni Dominic! Kung sa ibang pagkakataon lang siguro nito iyon sinabi, malamang na nagtatatalon na siya sa tuwa. Dahil mahal na rin niya ito. "H-hindi kaya nabibigla ka lang? Hindi kaya sinasabi mo lang 'yan kasi... kasi..." Hindi niya alam ang eksaktong sasabihin. Gulong-gulo na siya.

"Mahal mo rin ba ako?"

Napalunok siya nang mapatitig sa mga mata nito. Puno ng lungkot ang maaamong mata ni Dominic. Hindi niya kayang tingnan itong ganoon. Gusto niyang palagi lang itong nakangiti. Hinawakan ni Dominic ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya.

"Sharine, please."

"H-hindi ko alam, Dominic," sabi niya kahit na naghuhumiyaw na ang puso niya sa katotohanang mahal nga niya ito. "Ang akala ko, kapag mahal mo ang isang tao, madali lang na ipaglaban ang nararamdaman niyo. Pero kung may iba namang magdurusa, dapat pa rin bang ipaglaban ang pagmamahal na 'yon? Naguguluhan na 'ko..."

"No!" tutol nito.

Kumawala siya mula rito.

"Saka na lang tayo mag-usap, Dominic, pwede ba? S-sorry... Pag-iisipan ko muna 'to. Saka na lang tayo mag-usap kapag handa na 'ko. Naiintindihan mo naman siguro ako."

Pumasok siya sa loob ng bahay nila at nagkulong sa kwarto niya. Dumapa siya sa kama at umiyak nang umiyak. Mahal niya si Dominic pero bakit kailangang may humadlang sa kanila? Bakit ang pamilya pa nito? Sabi na nga ba niya at alamat lang ang forever at ang happily ever after na iyan.

HINDI niya namalayang nakatulugan na pala niya ang pag-iyak. Kung hindi pa dahil sa boses ni Ed Sheeran ay hindi pa siya magigising at mare-realize na may tumatawag na pala sa kaniya. At hindi niya kilala ang numerong tumatawag.

"H-hello? Sino 'to?"

"Si Dian 'to, Sharine," sagot ng nasa kabilang linya.

Kumabog naman ang dibdib niya. "A-ate..."

"Kagagaling lang dito ng kapatid ko at sinabi niya sa akin ang nangyari. Mahal na mahal ka ni Dominic, Sharine. Bilang kapatid niya, ako ang nahihirapan para sa kanya. He doesn't deserve this. Huwag ka sanang sumuko na lang basta sa kaniya. Maraming paraan para maayos ang gusot sa pamilya namin. Hindi niyo kailangang magsakripisyo ni Dominic. Kapag naging masaya kayo, magiging masaya na rin ako. Gusto kong ikaw ang makatuluyan ng kapatid ko."

Parang pinipiga ang puso niya sa malungkot na tono nito. Mahalaga na rin sa kanya ang mga mahal ni Dominic.

"Tita Sharine?" Si Dustin!

"H-hey, Dustin. What's up?" tanong niya sa pilit pinasiglang boses.

"Hindi na ba kami magkakaroon ng twin na cousins? I'm sad."

"Tita Sharine." This time it's Dylan. "Hindi mo na ba kami ipagluluto ulit? Sumakit ang tiyan ko sa niluto ni Ate Pia sa amin."

Nang matapos ang tawag na iyon ay natagpuan niya ang sariling tinatawagan ang kaibigang si Kisha.

"K-kisha..."

"Umiiyak ka?" alalang tanong naman ni Kisha Kaye sa kabilang linya.

"Mahal ko si Dominic at ayokong mawala siya sa 'kin. Pero kasi—"

"Kung mahal mo, mahal mo. Walang pero-pero!"

NAGMAMADALING lumabas ng bahay si Sharine at nag-abang ng masasakyan. Abot-abot ang kaba sa dibdib niya. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili na hinding-hindi siya magagaya sa mga magulang niya kaya hinding-hindi siya magmamahal. Pero mukhang inaasar yata siya ng tadhana dahil itinambak nito sa harapan niya ang isang katulad ni Dominic.

Hindi ako magagaya sa mga magulang ko, iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili habang sakay siya ng taxi.

Sumandal siya sa upuan at ipinikit ang mga mata niya. Saka lang niya napagtuunan ng pansin na nagpapatugtog pala ang driver.

I thought I had the whole thing figured out till I found you,

I didn't wanna waste my time just looking for love...

I thought that I was better off alone but I was wrong...

Hindi napigilan ni Sharine ang mapangiti. Nananadya yata itong radyo ni Manong.

I never knew love like this, finally opened up my eyes,

Never knew just one kiss could ever wake me up inside,

And I hope it lasts forever 'cause I'd walk a thousand miles just to feel like this...

I never knew love like this...

"Dominic Chiu," parang maiiyak na sambit niya. "Kasalanan mo 'to, e."

Nang sa wakas ay bumaba siya ng taxi sa labas ng kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Dominic ay paulit-ulit siyang nagdasal at pinalakas niya ang loob. Pumasok siya at agad na dumeretso sa reception.

"M-magandang hapon."

"Yes, Ma'am, ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?" magalang namang tanong ng babaeng receptionist.

"Gusto ko sanang makausap si Mr. and Mrs. Chiu. Nandito pa ba sila?"

"May appointment po ba kayo sa kanila?"

"Wala, e. Ang totoo niyan, biglaan ang pagpunta ko rito. P-personal kasi..."

"Naku, Ma-am, I'm afraid you have to come back tomorrow. Mga ganitong oras umuuwi si Mr. and Mrs. Chiu kaya baka hindi ka na rin nila mapakiharapan ngayon. Pwede niyong iwan ang name at contact number niyo tapos ako na lang ang bahalang mag-inform sa kanila. Itatawag ko na lang kapag—" May itinuro ito sa likuran niya. "Ayon pala sila, e."

Nang lumingon si Sharine ay nakita niya ang mag-asawang elegante ang ayos. Nakahawak ang ginang sa braso ng ginoo habang seryosong-seryoso ang mukha ng mga ito. Sa dating ng mga ito ay palabas na ang mga ito sa building na iyon. Bumalik ang kaba sa dibdib niya. Kayanin kaya niya?

Walang salitang iniwan niya ang receptionist at mabibilis ang mga hakbang na nilapitan ang dalawa.

"Mr. and Mrs. Chiu?"

Huminto naman ang dalawa at napuno ng pagtataka ang mukha ng mga ito.

"P-pwede ko ba kayong makausap?"

"Hindi ka namin kilala, hija. I am sorry, nagmamadali kami," sabi ng papa ni Dominic at akmang tatalikod na ang mga ito nang mabilis siyang humarang sa dinadaanan ng mga ito.

"A-ako po si Sharine. Gusto ko kayong makausap tungkol kay Dominic."

Nagkatinginan ang dalawa na halatang natigilan.

"Nakikiusap po ako sa inyo. Huwag niyo siyang piliting magpakasal sa babaeng hindi niya mahal."

"At sino ka para sabihin sa amin 'yan?" mataray na tanong ng ginang.

"Ako ang mahal ni Dominic at mahal ko rin siya. Kapag pinilit niyo siyang magpakasal sa iba, matutulad siya sa inyo. Ayokong mangyari 'yon..." lakas-loob niyang sabi.

Namilog ang singkit na mga mata ng mama ni Dominic.

"Sa tingin mo, may karapatan kang sabihin sa amin 'yan? Kami ang mga magulang niya, kami ang susundin niya! Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na dahil nagsasayang ka lang ng panahon mo."

"Matitiis niyo ba talagang makitang miserable ang mga anak niyo? Gano'n ba kahirap magbaba ng pride kung sa ikakaayos naman ng pamilya ninyo? Sa tingin niyo ba talaga, gusto nilang nagrerebelde sila sa inyo? Akala niyo ba, kayo lang ang nahihirapan? Nanggaling na po ako sa sirang pamilya kaya ayokong matulad din si Dominic at ang mga apo niyo sa 'kin. Sa totoo lang po, pwede kong hayaang mawala sa 'kin si Dominic para kayo naman ang magkaayos. Pero isinumpa ko sa sarili kong hindi ako magagaya sa mga magulang ko. Kaya nandito ako ngayon sa harap niyo. Kapag hindi niyo hinayaan si Dominic na sundin ang puso niya, itatanan ko talaga siya."

"Hindi mo alam ang kaya naming gawin sa'yo kaya mag-ingat ka sa pinagsasasabi mo," may pagbabantang ani Mr. Chiu.

"Mas takot po akong mawala si Dominic at magsisi kaysa sa ano man ang kaya niyong gawin, Mr. Chiu," taas-noo namang sabi ni Sharine.

Wala siyang nakuhang tugon mula sa mga ito. Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi niyo 'ko mapipigilan, Mr. and Mrs. Chiu. Si Dominic lang ang nagparamdam sa 'kin na hindi sapat na dahilan ang nangyari sa 'kin para pigilan ang sarili kong magmahal. Sige po, mauuna na 'ko. Maraming salamat sa panahon ninyo."

When she turned, saka lang niya nakita ang mga mata ng lahat na nakatutok sa kanya. Hindi na lang niya iyon pinansin at tuloy-tuloy na lumabas at pinara ang dumaang taxi.

Tinawagan niya muli si Ate Dian para itanong ang kinaroroonan ni Dominic. Hindi raw nito alam pero ibinigay naman nito sa kaniya ang cellphone number ni Ron.

"Ron," sabi niya sa kabila ng pagtambol ng dibdib niya. "A-alam mo ba kung nasaan si Dominic?"

Sinabi naman ni Ron sa kaniya ang kinaroroonan ng mga itong restobar. "Dito kasi gaganapin ang engagement—"

"Ano? Hindi pwede! Sabihin mo kay Dominic na hintayin ako riyan dahil magtutuos kami!"

Bigla-bigla na lang ay napalitan ng panggigigil ang emosyon niya. At ang lokong Dominic na iyon, kanina lang sila naghiwalay at ngayon naman ay malalaman-laman niya na itinuloy na nito ang engagement nito sa kung sino mang tsekwang na iyon?

NANG DUMATING siya sa restobar na sinabi ni Ron sa kaniya ay hindi naman matao. Sa katunayan ay si Ron at ang alaga nitong Demigods ang nandoon pa lang at kasalukuyang nagsi-set up ng mga instrumento ng mga ito sa mini stage ng bar.

"Hi!" panabay na bati ng lima sa kaniya.

"Nasaan ang magaling na lalaking 'yon?"

Nagkatinginan ang mga ito. Marahil ay na-sense ng mga ito ang madilim na chakrang nakapalibot sa kaniya.

Itinuro naman ni Ron ang nasa kanan nito. Nang sumunod ang tingin niya ay nakita niya si Dominic na tila naestatwa. Magulo ang buhok nito pati ang ayos nito. Sa isang kamay nito ay may hawak na malaking bote ng beer. Parang gustong matunaw na naman ng puso niya. Hindi talaga niya kayang magalit dito.

Nilapitan niya ito at hinaklit ang kwelyo nito. Hindi man lang nagpatinag si Dominic at sa halip ay matamlay pa siyang nginitian sabay pasimpleng ipinatong ang beer sa bar.

"Ang bilis kong malasing. Nagha-hallucinate na 'ko na kaharap ko ngayon si Sharine."

"Huwag mo 'kong pinaglololoko, Dominic. Kanina lang, ang kapal ng mukha mong sabihan akong mahal mo ako, pagkatapos malalaman-laman ko na lang na itutuloy mo ang engagement mo? Gago ka pala, e!" parang maiiyak na singhal niya.

"Huh?" takang anas ni Dominic. "Sino'ng mai-engage?"

"Nagmamaang-maangan ka pa!" Kutusan kaya niya ito?

"Hindi mo naman kasi ako pinatapos agad, e," singit ni Ron. "Oo, may mangyayaring engagement ngayong gabi pero hindi ni Dominic kundi engagement ng college friend namin."

"Kaya mo ba ako pinuntahan dito?" tanong sa kaniya ni Dominic.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagbagsak ng kaniyang mga luha pero bigo pa rin siya. Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahaklit niya sa kwelyo nito.

"A-ayaw kitang mawala, e. Mahal kita. Natatakot ako na dumating ang panahon na huli na ang lahat para sa ating dalawa. Unfair naman kung ikaw lang ang mag-i-effort. Kung handa kang ipaglaban ako, handa rin dapat ako na ipaglaban ka. Kung kailangan kitang itanan para lang hindi ka nila ilayo sa 'kin, hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon, Dominic. Mas mabuti na rin 'yon kaysa naman magsisisi ako buong buhay ko. Ngayon pang sigurado na 'ko sa nararamdaman ko. Sorry kung tinalikuran kita kanina. Hindi ko dapat ginawa 'yon dahil kailangan mo 'ko ngayon. Inuna ko ang nararamdaman ko nang hindi man lang iniisip 'yong sa'yo. Sorry, Dominic. Hinding-hindi na uli kita tatalikuran..."

Hinaplos ni Dominic ang mukha niya at pinahid ang mga luha niya.

"It's alright, Sharine. Hindi mo kailangang ma-guilty. Mahal na mahal din kita," puno ng sincerity na anito. "Isa lang naman ang tanong ko sa'yo. Handa ka bang harapin ang mga magulang ko kasama ko?"

Tumango-tango siya.

"Do'n na kaya ako nanggaling."

"Huh?" gulat na anas naman nito.

"Nakakatakot ang mga magulang mo pero kinausap ko pa rin sila. Nagmatigas pa rin sila pero hindi ako nakinig. Tototohanin ko talaga 'yong sinabi 'kong itatanan kita. Kahit ang mga pumanaw mo pang ninuno ang haharapin ko. Hindi ako matatakot. Ganoon kita kamahal."

Natawa pa si Dominic bago bumaba ang mukha nito at nagtagpo ang mga labi nila. There. It was what all she needed to do—to accept the fact that she will always be loving him.

"Do you, guys, need a room?"

Matalim ang tinging ipinukol nila kay CJ.

"Don't mind me. I'm not here."

Hinalikan siya ni Dominic sa noo at niyakap nang mahigpit na agad naman niyang tinugon. Kahit amoy-beer ito, ito pa rin ang pinakamabangong nilalang para sa kaniya. Ganoon nga talaga kapag nagmamahal ka.

"Will you be my boyfriend, Dominic?" tanong niya.

"Yes, I will be your first and last boyfriend," sagot naman ni Dominic at lalo siyang hinapit palapit sa katawan nito.

Ngayon hindi lang mga labi nila ang nakangiti kundi pati na rin ang kanilang mga puso.

When your legs don't work like they used to before...

And I can't sweep you off of your feet...

Pareho silang napatingin kay Toushiro na nagsimulang kumanta habang sinasabayan ng mga kabanda nito.

Will your mouth still remember the taste of my love?

Will your eyes still smile from your cheek?

WAKAS

38(l+L

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top