[14] Sharine's Sweet Surrender
CHAPTER FOURTEEN
"NAGKA-CRUSH ka pa rin sa 'kin kahit na sinusungitan kita?" tanong ni Dominic nang mahiga na rin ito.
Bahagya siyang umusog sa gilid ng kama niya upang mapagmasdan ang mukha nito.
"Crush lang naman, e. No big deal."
Kunot ang noong umunan ito sa mga palad nito. She wondered what it feels like lying on his chest every night.
"Kahit na."
"To be honest, Dominic, nabubwisit ako sa mga lalaking hindi ko gusto ang ugali. But you are the only exception. Kumusta naman 'yon?"
"Pero hindi naman talaga 'yon ang totoong dahilan kung bakit ayaw mong pumasok sa isang relasyon, 'di ba?"
"Yeah," pabuntong-hiningang sabi niya. "Sa nasabi ko na, ayokong matulad sa mga magulang namin ni Sheyn. They were young and foolish that's why they had me. Ang akala nila, alam na nila ang lahat. Pero nang tumagal na, lumabas na ang mga indifferences nila. Lagi na silang nag-aaway. Habang lumalaki kami ni Sheyn, hindi na naging tahimik ang bahay. Hanggang sa nagdesisyon na silang maghiwalay. Masamang-masama ang loob ko no'n. Inuna pa nila ang mga kapakanan nila kaysa sa amin. Mabuti na lang, nandiyan si Nanay Bebang. Nagbuhay-dalaga uli si Mama, paiba-iba ng nobyo. Si Papa naman, nagpaka-busy sa farm niya doon sa probinsiya namin.
"Kaya sinumpa ko sa sarili ko na hindi ko uulitin ang pagkakamali nila. Na iiwasan ko ang posibilidad na magmahal dahil walang maidudulot na mabuti sa akin 'yon. At okay naman ako na walang boyfriend. Tahimik ang buhay, walang sakit ng ulo, walang distraction. Steady lang. Kasi kapag nagkamali ako, alam kong hindi ako ang sobrang magdurusa kundi ang mga anak ko. Ayokong matulad sila sa akin."
"Same here," nakangiting ani Dominic. Hindi siya tumutol nang hawakan nito ang kamay niya at pinaghugpong ang mga daliri nila. "When I learned that my parents are planning to arrange a marriage for me, hindi ako nagdalawang-isip na umalis sa poder nila. I want them to realize na mas mahalaga kaming mga anak nila kaysa sa anupamang tradisyon. Tama na ang nangyari kay Ate. Hindi niya deserved at ng mga bata ang matali sa isang bagay na nagpapahirap sa kanila.
"This may sound gay but I want to marry because of one simple reason. I want to marry because I finally found the one whom I want to spend the rest of my life with. Siguro naman hindi imposible 'yon."
"But what if magmatigas pa rin ang mga magulang mo?"
"E di makikipagtanan ako. 'Sama ka?"
Natawa siya. "Sira!"
Natawa na rin ito.
"Kaya mong tiisin ang mga magulang mo?" tanong pa niya.
"Ayokong matulad sa kanila. Kahit hindi man nila sabihin, alam kong pinagsisisihan din nila na mas pinili nila ang tradisyon kaysa sa kaligayahan nila. At hindi ko hahayaang maranasan ko ang mga naranasan nila. Alam ko kasing mga anak ko lang din ang magdurusa sa huli."
Isang malaking tumpak ang sinabi ni Dominic. Magkaiba sila nito ng dahilan pero pareho lang sila ng bagay na ayaw mangyari.
"Bilib na talaga ako sa'yo."
"Hindi na ba magbabago ang isip mo, Sharine?"
Napa-adjust siya sa kanyang unan. "What do you mean?"
"Alam mong kaya mong baguhin ang kapalaran mo at hindi matulad sa mga magulang mo through your choices." He squeezed her hand. "Kung papayag ka, gusto kitang ligawan."
Doon na kumabog nang malakas ang dibdib niya.
"Dominic..."
"Hindi ako sanay manligaw ng babae, Sharine. Believe it or not, ikaw ang pinakaunang tinanong ko nito. I want you to know me as much as I want to know you. Will you give me a chance?"
Napalunok siya. Habang nakatingin siya sa mga mata nito ay hindi maikakailang sincere nga ito. "K-kapag binigyan kita ng chance, hindi kaya pareho lang tayong mahirapan?"
"Kaya nga mas pursigido akong ligawan ka. Gusto kong ipakita sa'yo na mababawasan ang hirap ng anumang pagsubok kapag may kasama ka."
"Dominic, ang baduy," ingos niya kaya natawa na naman ito.
Nagkamot pa ito ng kilay. "Tama ka nga. Pasensiya naman. Hindi ko pa alam kung paano 'yon ire-rephrase."
Napabungisngis siya.
"Basta 'yon na muna 'yon." At sumeryoso na ang mukha nito. "Don't worry, irerespeto ko anuman ang desisyon mo. Ano man ang mangyari, gusto kong manatili ang friendship natin."
Sino ang mag-aakala na ito ang preskong lalaking nakilala niya noon? Narinig na niya kay Dominic ang mga bagay na nasa isip lang niya at malinaw na bersiyon pa. Ngayon pa nga lang ay gusto na niyang gumulong sa sobrang kilig.
"Pa'no kung humingi muna ako sa'yo ng kaunting panahon bago ako magdesisyon?" nakangiting tanong niya.
"I will wait. Kaunti man o marami ang panahong kailangan mo," sincere namang sagot ni Dominic.
"Sigurado ka ba talagang gusto mo akong ligawan?" paninigurado pa niya.
He chuckled. "Oo naman. Kung nakukulangan ka pa sa effort ko, sabihin mo lang." He brought her hand to his lips and planted a gentle kiss at the back of her hand pero sapat na para tunawin ang mga agam-agam sa puso niya.
Ang saya ko lang.
"Gusto ko lang ng sincerity mo. Good night, Dominic."
"Good night, Sharine."
Nakangiting ipinikit ni Dominic ang mga mata. Ang mga kamay nilang magkahugpong pa rin ay nasa tapat na ng dibdib nito.
Totoo ba talaga 'to?, she wondered. Para kasing joke, e.
She giggled silently. Malalaman lang niya kung totoo nga iyon kapag nagising siyang kasama pa rin niya si Dominic.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong niya kay Dominic nang makita niya itong nag-iinat sa sala kinaumagahan.
"Nanibago ako but I actually had a good sleep. Hawak ko ang kamay mo, e. In fact, I can hold your hand forever."
Kay aga-aga, nagbubolahan talaga sila. In fairness, kinilig naman daw siya.
"Gutom lang 'yan, Dominic," pakli niya.
Tiningnan niya ang panahon sa labas. Tumila na ang ulan pero basang-basa pa ang paligid. Nakakatamad tuloy kumilos.
"Ito talaga ang gusto ko sa ulan. Pinipigilan akong maghanap-buhay," wika niya habang nakatingala sa madilim na kalangitan.
"E di 'wag mong pilitin ang sarili mo."
"Hindi yata pupwede 'yon, Dominic. Hindi ako katulad ninyo ni Kisha na mayaman. Alam mo, kumain na lang tayo," masayang sabi niya.
KASALUKUYAN niyang hinuhugasan ang mga pinggan sa lababo nang marinig niya ang pagbubukas ng radyo sa sala. Napangiti siya. At home na nga si Dominic sa bahay nila. Kasalukuyang nagsasalita pa ang paborito niyang si DJ Sai. Nang matapos ito ay napalitan na ang narinig niya ng isang pamilyar na kanta na nagpatigil sa kanya.
When your legs don't work like they used to before,
And I can't sweep you off of your feet.
Will you mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheek?
Nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Dominic sa braso at pinaharap dito.
"Bakit?" takang tanong niya.
And baby, I will be loving you 'til we're seventy...
Ikinawit nito ang isang kamay niya sa balikat nito.
"Basa nang damit mo, o," naalarmang sabi niya pero hindi iyon pinansin ni Dominic.
And baby, my heart could still fall as hard at twenty-three.
On the other hand, he snaked his arm around her waist at ang mga natitira pa nilang kamay ay pinaghugpong nila.
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways,
Maybe just the touch of a hand.
Natawa siya nang ma-realize ang gusto nitong mangyari.
"'Wag kang tumawa," pakli nito.
"Sorry," nakangising aniya.
Oh, me, I fall in love with you every single day,
And I just wanna tell you I am.
Nakisakay na lang siya rito sa kabila ng pagsirko ng puso niya. Ilang sandali pa ay sumasayaw na silang dalawa.
So, baby, now take me into your loving arms,
Kiss me under the light of a thousand stars,
Place your head on my beating heart,
I'm thinking out loud...
Nahigit niya ang paghinga nang bigla siya nitong paikutin at kinabig payakap sabay halik sa noo niya.
Maybe we found love right where we are...
"I CAN'T believe this. I really can't believe this..." exaggerated na sabi ni Kisha habang madiing sinasabon ng facial wash ang mukha.
Hindi kaya mabura ang mukha ng kaibigan niya sa ginagawa nito? Nasa banyo sila nito dahil natuloy na ang pag-sleep over niya sa kwarto nito.
"Can't believe what?" takang tanong niya sa kabila ng pagsisepilyo.
"Ikaw, si Dominic, kayo!"
Salubong ang kilay na ibinuga niya ang bula sa kanyang bibig.
"Ano'ng problema mo sa 'min ni Dominic?"
Napaingos ito. "Mauunahan mo 'kong magka-lovelife, Sharine!"
Kulang na lang ay sabihin nitong hindi nito iyon matanggap dahil hindi hamak naman na mas maganda ito kaysa sa kanya.
Natawa siya. "That's life, Kisha Kaye. Wala na tayong magagawa ro'n."
Napaingos lalo ito. "Kung bakit naman kasi ang tagal dumating ng Mr. Right ko!"
Nagmumog muna siya bago sumagot.
"Kisha, nang dumating si Dominic, I wasn't actually searching for him. Kusa lang na nag-krus ang mga landas namin."
And she can't help but feel proud. There's no way Dominic isn't the right guy for her.
"Couple of months from now, I'll be turning twenty-four. Ayokong sumapit ang twenty-fourth birthday ko nang single pa rin ako, 'no."
Napalatak siya. "You have all the time in the world, Kisha Kaye. Tsaka, hindi pa rin naman opisyal na nanliligaw si Dominic. Marami pa kaming mga bagay na kailangang malaman tungkol sa isa't isa."
"Duda ako," ani Kisha. "The only way to get to know your partner is through marriage. Kahit mga celebrity couples, lahat sila sinasabi na ang mga bagay na na-discover nila sa mga partner nila is no'ng nagsimula na silang tumira sa iisang bubong."
She eyed her suspiciously. "At mukhang ikaw 'tong mukhang handang-handa na sa pag-aasawa sa ating dalawa, ah."
Kisha looked like a theater mask when she grinned.
"Not really. Gusto mo bang i-share ko sa'yo 'yong ibang mga nabasa ko?"
"Tse."
"Makakatulong 'yon nang malaki sa relasyon niyo ni Dominic, maniwala ka sa 'kin."
"Kailan ka ba tumama?"
"Ang sama nito—aw, 'yong mata ko ang pait!" Mabilis itong nagbanlaw ng mukha.
Tatawa-tawa siyang nag-exit sa banyo.
co 8M
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top