[10] Sharine's Sweet Surrender
CHAPTER TEN
"SA PARADAHAN na lang ng traysikel mo ako ihatid, ha?" sabi niya kay Dominic nang lulan na sila ng kotse nito.
"May traysikel pa ba mga ganitong oras?"
Tumingin siya sa suot niyang relo. Ilang minuto na lang ay mag-a-alas otso y media na.
"Oo naman. Siguro," sabi niya at painosenteng nginitian ito sa rearview mirror.
"Kahit meron pang traysikel, ihahatid pa rin kita nang personal sa inyo."
Napamaang siya. "Wala namang ganyanan, Dominic. Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi ba dapat lang na makapagpahinga ka agad? Kaya ko naman ang sarili ko, e."
"Sige na, Sharine. Mas mapapanatag ang loob ko kung masisiguro ko na ligtas kang makakauwi sa inyo."
Hindi na siya kumontra pa. Mas nangibabaw kasi sa kanya ang overwhelming feeling ng concern nito.
Kinikilig kasi siya.
When your legs don't work like they used to before,
And I can't sweep you off of your feet.
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheek?
Mabilis niyang kinuha sa kanyang bag ang cellphone. Nakalimutan niyang pinalitan na pala niya ng 'Thinking Out Loud' ang caller ringtone niya. Nalibang kasi siya pakikinig.
"'Nay, pauwi na po ako," sabi niya kay Nanay Bebang.
"Si Kisha ba ang kasama mo?" tanong naman nito.
Wala sa loob na napasulyap siya kay Dominic.
"Hindi po kami magkasama ni Kisha kasi busy rin po siya. Basta malapit na po ako. Huwag na po kayong mag-alala."
"Mabuti naman. Mahirap na kasing maubusan ka ng masasakyan. Mag-iingat ka, Sharine."
"Salamat, 'Nay!" sabi niya sa masiglang boses.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ito.
"Your mom?" tanong ni Dominic.
"Hindi. Lola ko 'yon. Nasanay lang akong tawagin siyang 'Nanay'. Limang taon na akong nakatira sa kanya kaya akala ng iba nanay ko talaga siya."
Tumango lang ito. "Nice song," pag-iiba pa nito.
"'Yong alin? Ito ba?" tukoy niya sa cellphone at bahagya iyong iniangat.
"Yeah."
"Ah." Napangiti siya. "'Thinking Out Loud' ni Ed Sheeran. Gusto mong i-play ko?"
"Pwede?"
"Oo naman!" Binutingting niya ang cellphone at ilang sandali pa ay narinig na uli niya ang malamig na boses ni Ed Sheeran.
When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet.
Will your mouth still remember the taste of my love?
"Thank you," nakangiting sabi sa kanya ni Dominic.
Will your eyes still smile from your cheek?
Ngumiti lang din siya.
And darling, I will be loving you 'til we're seventy.
And baby, my heart could still fall as hard at twenty-three.
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways.
Maybe just the touch of a hand.
Oh, me, I fall in love with you every single day.
I just wanna tell you I am.
"PASOK ka, Dominic," sabi niya at hinila ito sa braso papasok sa bahay nila.
Hindi siya makapaniwala sa sarili. She just let a guy, especially Dominic, na ihatid siya sa kanila. When she told herself na hindi siya makikipagrelasyon, kasama na rin doon ang hindi pag-entertain sa mga lunch and dinner invitations at ang mga paghatid kunwari. But with him, she found herself enjoying his company and even looking forward for the next time. Could Dominic be that 'particular' man?, tanong niya sa sarili. Surprisingly, hindi kumontra ang isip niya.
"Nandito na po ako, 'Nay," pagbibigay-alam niya.
Lumabas naman galing kusina si Nanay Bebang na may dalang isang tasa ng kape.
"Mabuti naman at dumating ka na." Nalipat ang tingin nito kay Dominic. "May kasama ka pala."
Dominic took a step forward and extended his hand.
"Good evening po. My name is Dominic. I'm glad to meet you."
Nakangiting tinanggap ni Nanay Bebang ang kamay nito.
"Ikinagagalak ko ring makilala ka, hijo. Ako si Mrs. Genoveva Inocencio at lola ako ni Sharine."
Manghang tiningnan siya ni Dominic.
"You're kidding me."
Natawang tinapik niya ito sa braso.
"Kanina ko lang sinabi sa'yo, 'di ba? Lola ko talaga siya pero 'Nanay' ang nakasanayan kong itawag."
Ilang sandali ring nagpalipat-lipat ang tingin ni Dominic sa kanila ni Nanay Bebang bago ito nagkamot ng ulo.
"So kayo nga ang original na pinagmanahan ng ganda ni Sharine."
"Hindi ka nagkakamali," nakangiting anito at dumulog sa sala. "Maupo ka muna, hijo."
Pasimple naman niyang siniko si Dominic.
"What?"
"Echosero ka," angil niya sa mahinang boses.
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Tinalikuran na siya nito at naupo sa single na sofa.
Siya naman itong napakamot.
"PASENSIYA ka na kay Nanay, ha? Mahilig talagang magkwento 'yon. Wala siyang pakialam kung sino man ang kausap niya," sabi niya kay Dominic nang ihatid na niya ito sa kotse nito.
Inabot lang naman kasi ng alas diyes si Dominic sa pakikipagkwentuhan lang nito kay Nanay Bebang. Kahit hindi siya ganoong nakikisali ay naaliw rin naman siyang makinig sa mga ito. Dominic is a good listener and a smart conversationalist. Sa mga ginagamit nitong salita sa lola niya ay hindi maikakailang ang tali-talino nito pero hindi iyong tipong intimidating.
"I enjoyed talking to her. I never had that kind of conversation before. Kahit sa grandparents namin ni Ate at sa mismong mga magulang namin. Kung okay lang sana sa'yo, gusto ko siyang makakwentuhan ulit."
Lumobo ang puso niya sa narinig.
"Magugustuhan ni Nanay 'yon!" masayang sabi niya.
"Thank you."
"Mag-iingat ka sa pag-uwi, ha?"
Tumango naman ito at muling humalukipkip. "Bago ko nga pala makalimutan. You're watching the concert tomorrow night, right?"
"Oo. Kami ni Kisha."
"Can we watch together?"
Napakurap siya at napatitig dito. "Sigurado ka? Well, walang kaso sa 'kin. I think that would be great."
He gave her a boyish smile. "Thank you."
Ah, she can look at his smile forever. Pero pauuwiin na muna niya ito dahil kailangan din nitong magpahinga at maghanda para sa 'concert date' nila bukas ng gabi kahit na siya lang ang nag-iisip niyon.
"Good night, Dominic." Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi.
Bago pa man siya lumayo rito ay ikinulong na siya ni Dominic sa mga bisig nito.
"Good night, Sharine."
Nagwala nang husto ang puso niya. It was a firm hug—a hug that was capable of breaking down the walls she built around her since the time she stopped believing in love and forever.
"HINDI hamak na mas gwapo sa personal ang batang 'yon," nakangiting wika ni Nanay Bebang na nakaabang na sa pinto pagbalik niya sa loob.
"Oo nga, 'Nay. Hindi kami bagay," pasakalye niya.
"Paano niya nakuhang ihatid ka?"
"Siya po 'yong nagprisinta. Naawa siguro sa 'kin kasi wala na akong masasakyan."
"Walang kaso sa akin kung mahulog ang loob mo sa kanya. Walang halong pagpapanggap ang mga kilos niya. Tingin ko, magiging mabuting katuwang mo sa buhay ang batang iyon."
Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Nay, naman!"
"Napanood ko sa balita kanina ang ginawa niyong pagtulong sa naaksidente. Bilang lola mo, proud na proud ako. Kaya walang dudang bagay kayong dalawa."
"Sinasabi niyo lang po 'yan kasi apo niyo 'ko."
Pinalo nito ang puwitan niya kaya napahiyaw siya sa gulat.
"Galingan mo pa kasi ang paglalandi para sigurado na. Walang masama kung mag-i-effort. Uso naman 'yon."
"'OY, ano'ng oras tayo mamaya?" tanong niya kay Kisha nang tawagan niya ito.
"Hindi na 'ko tutuloy sa concert mamaya, Sha," sagot ni Kisha na ikinagimbal niya.
"Bakit?!"
"May dysmenorrhea ako, e. I don't think makakaya kong mag-enjoy sa concert."
Marahas siyang sumandal sa upuan niya.
"Wala namang ganyanan, Kisha Kaye!"
"Eh sa dumating-dating 'yong red tide ko, e. Alangan namang sabihin kong 'come again another day'!"
Marahas siyang bumuntong-hininga.
"Akala ko pa naman excited ka nang makita si Jaejin."
Umingos ito. "Gustong-gusto ko, Sharine, kung alam mo lang. Pero mukhang hindi yata ngayon ang tamang panahon para sa amin ni Jaejin, my labs. Kayo na lang siguro ni Dominic ang manood then pasalamatan mo na lang ako pagkatapos n'on."
"Ang sama nito!" angil niya.
"Make sure na makuhanan mo ng picture si Jaejin, ha? Para parang pinanood ko na rin siya," ani Kisha at nakuha pang bumungisngis.
Napasimangot siya. "Ano pa nga ba?"
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya sa kaibigan at binalikan ang trabaho sa harap ng kanyang computer. Nang masiguro niyang polish na ang kanyang article tungkol sa kanyang exclusive interview sa Demigods ay in-email na niya sa editor iyon.
Pipresyuhan niya iyon at sisiguraduhin niyang hindi siya matatanggihan ni Kelvin.
SEVEN O' clock magsisimula ang concert at six-thirty pa lamang ay nasa loob na siya ng isang convenience store na siyang pinakamalapit sa venue na pagdarausan ng concert. Doon na lang sila magkikita ni Dominic upang tiyak na hindi sila magkasalisihan.
Hindi niya ugaling magdala ng pampaganda kapag nangunguha siya ng scoop but that day was an exception. Maya't maya ay sinisipat niya ang sarili sa compact mirror upang tingnan kung steady pa ba ang foundation sa mukha niya at kung pantay pa ang lip gloss niya.
Nang sa wakas ay mamataan niya si Dominic na papasok ng convenience store ay tumahip ang dibdib niya. Tila rin gusto niyang takbuhin na lang ang distansiya nila so that she can be near him quickly. Ang gwapo nitong tingnan sa suot nitong black and white stripes na long sleeves, brown pants and white rubber shoes.
"You're early," anito.
"Ehehe. Nakalimutan ko kasi na advance pala ang relo ko," pagsisinungaling niya. Siyempre, hindi niya pwedeng sabihin na excited lang talaga siya, ano.
"Nasaan si Kisha?"
"Ako lang mag-isa, Dominic. Masama kasi ang pakiramdam ni Kisha kaya hindi niya 'ko masasamahan."
"Kailan mo nalamang masama ang pakiramdam niya?"
"Kaninang umaga."
"Kaninang umaga pa?" bakas ang pagkagulat na anito. "You should have called me then para nadaanan na lang kita sa inyo."
She smiled sheepishly. "Hayaan mo na. Ihatid mo na lang ako mamaya kung gusto mo. Kung gusto mo lang naman."
Basta na lang nitong kinuha ang kamay niya at pinaghugpong ang kanilang mga daliri.
"Gagawin ko talaga 'yon. Tara na."
Hindi siya nakapag-react kaya nagpatianod na lang siya rito.
"ANG ISA sa mga pinakamagaling kong tauhan, dumating na rin!"
Ibinuka ni Kelvin ang mga kamay at binigyan sila ng bear hug ni Dominic. Nasa VIP row sila at nagkataong nandoon na rin si Kelvin at si Charrie.
Halos puno na ang buong venue ng mga nag-iingay na fans. Ilan sa mga ito ay may mga hawak na banner ng banda na nagpapakita ng suporta. Nang pakawalan sila nito ay hindi niya napigilan ang mapasimangot.
"Nakita mo na ba kung ilang views and shares na ang ginawa mong exclusive interview sa Demigods, Sharine? Ah, at ang ginawa niyong pagtulong sa naaksidente, Dominic." Napapalakpak ito. "Sikat na talaga kayong dalawa!"
"Hindi mo na kailangang magpaka-plastic sa amin, Kelvin. Ikaw lang din naman ang makikinabang sa lahat ng 'yon," walang kangiti-ngiting sabi ni Dominic.
Nagkamot ito ng batok.
"Ikaw naman, Nic. Kailangan ka ba maniniwalang minsan sa buhay ko e kaya ko rin namang maging sincere?"
"Never." Inakbayan siya ni Dominic. "Do'n tayo sa likuran, Sharine."
Nang igiya na siya nito ay kumaway siya kay Kelvin.
"Gusto kong doblehin mo 'yong bayad, Bossing. Pwede ba 'yon?" sabi niya.
Kumaway rin si Kelvin. "Pag-usapan natin 'yan sa opisina ko."
Sabi na nga ba niya at wala siyang makukuhang matinong sagot mula rito.
IT WAS one of the best concerts na napuntahan niya although mabibilang lang sa mga daliri ang mga concerts na iyon. Kabilang na doon ang Valentine concert ni David Pomeranz when she was in junior. Fan kasi ng singer ang dad ni Kisha at naisabit siya. Napanood na rin niya ang concert ng Maroon 5 kung saan nag-front act ang The Cab, concert ni Taylor Swift at ilang mga local artists.
Pumunta sila sa dressing room ng Demigods matapos ang concert upang batiin ang mga ito at dahil din inutusan siya ni Kelvin na interview-hin ang banda tungkol sa nararamdaman ng mga ito sa natapos nilang performance.
Ipinagbawal na kasi ng manager ng mga ito ang media upang makapagpahinga naman sila. But she and Dominic were exceptions.
"Guys, say 'Philippines'!" sabi niya sabay tutok ng camera sa mga ito kahit na abala sa pagpapalit ang mga ito.
Si CJ pa lamang ang nakapagpalit ng pang-itaas. Sina Jaejin ay naipasok na ang isang kamay sa isang manggas ng gray na long sleeves nito habang si Ash Lei naman ay nasa leeg pa lamang nito ang kulay green na T-shirt nito. Sina Ichigo at Toushiro naman ay naka-topless lang dahil nag-aamuyan pa ng kili-kili ang mga ito.
Gayunpaman ay nagkukumahog ang banda para lang makasama sa picture.
"Adobo!" sabay-sabay na bigkas ng mga ito at nag-pose ng wacky.
Natawa siya. It's raining abs!
"Thank you, guys! In fairness, ha," sabi niya nang tingnan ang naging resulta niyon. "Maikling statement naman tungkol sa katatapos niyo lang na performance."
"Sugoi!" sabay na sabi nina Ichigo at Toushiro.
"Daebak!" si Jaejin.
"Mabuhay!" si Ash Lei.
"We will definitely have a repeat. Kung hindi man this year, then next year," sagot ni CJ at nilingon ang direksiyon ng manager ng banda na kanina pa kausap ni Dominic. "Right, Ron?"
"No one beats the Filipino fans," tugon naman ni Ron dela Peña.
Napangiti siya. "Congratulations on your success!"
count:L8T-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top