Wakas
Being a Queen was never an easy task.
Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang magiging tadhana ko. Na kahit labag iyon sa aking kalooban, wala akong karapatang tanggihan ang nakatadhana para sa akin. Na kahit anong gawin ko, ako, si Shanaya, ang susunod na magiging reyna ng Xiernia.
"Shanaya." Tawag pansin sa akin ng aking amang hari. It's my tenth birthday today at ngayon ay abalang-abala ang lahat sa paghahanda ng aking kaarawan.
Ngumiti ako rito at naglakad papalapit sa kanya. I hugged him tight. Mabuti naman at nakauwi ito ngayon para samahan ako sa aking kaarawan! "Dad," ani ko sabay kalas mula sa pagkakayakap sa kanya. I looked at him intently. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha niya. Lately kasi, palaging wala ito sa palasyo. Nagiging abala siya sa kung ano sa labas ng palasyo namin. "Thanks for coming home." I said with a smile.
Hinaplos nito ang buhoy ko at matamis na ngumiti rin habang nakatingin sa akin. "Happy birthday, my princess," bati niya at tiningnan ang kabuuan ko. "Are you happy today, Shanaya?" He suddenly asked me.
Bahagya akong natigilan sa naging tanong niya at takang tiningnan ito. Mayamaya lang ay muli akong ngumiti sa amang hari. "Of course, daddy. I'm happy! Sobra! Lalo na't narito ka at kasama ko sa araw na ito! Thank you!"
"Anything for my princess. Anything." Nakangiting sambit niya at muling niyakap ako. I am happy! Really happy because he's here, he's finally home after months of being away from the palace.
And that was the last memory I have with my father. It was all so sudden. Right after my birthday, the king of Xiernia, my beloved father, died. A riot happened outside the palace. A lot of Xiers and Royal Knights died. And my father... He did not make it. He died. Protecting the palace, protecting Xiernia and its people.
"I don't want to be the next Queen, Mom!" Naiiyak na sambit ko sa aking inang reyna. Wala pa talaga sa isip ko ang maging reyna ng Xiernia. At isa pa, "I'm scared." Halos bulong na sambit ko. Totoo iyon, natatakot ako. Takot na takot ako! It's been years since my dad died ngunit hanggang ngayon ay 'di mawala sa akin ang takot na naramdaman ko noong araw na iyon!
"Shanaya, this is our fate... your fate and duty as the only royal princess. Wala ng ibang papalit sa tronong ito. You're my daughter. Your late father's princess. You'll be the next Queen of Xiernia, Shanaya and no one can stop it from happening." Kalmadong wika ng aking inang reyna.
Padabog akong lumabas sa study room ng aking ina. Pinahid ko ang mga luhang kusang lumabas sa aking mga mata. Ba't ba hindi nila maintindihan ang hinaing ko? I'm scared, okay! Yes, I love our kingdom pero wala akong sapat na lakas ng loob para pamunuan ito! I'm not that confident just like my mom, just like my dad! Hindi ako kasing lakas at tatag nila. Hindi ako ganoon! I'm just a teenage Xier who just wanted to have a normal life! I don't want this kind life! Hindi ko kailanman ginustong maging tagapagmana ng kahit anong trono! Sino ba naman ang may nais ng komplikadong buhay? Buhay na hindi malaya? Na tipong kahit anong galaw mo ay dapat mag-ingat ka dahil ikaw ang susunod na pinuno ng kaharian niyo?
"Why are you crying, Princess?" Natigilan ako sa paglalakad noong makasalubong ko si Bhaltair sa hallway patungo sa aking silid. Si Bhaltair ang ama ng aking matalik na kaibigan, si Simon. He was a former Royal Knights of the palace. Ang hari ang pinagsilbihan nito and when he died, he gave his resignation and decided to leave his position as the Royal Knight. What is he doing here? Nandito pa ito para kay Simon?
"Nothing," malamig na saad ko at nilagpasan ito. I don't want to talk to anyone right now. I just wanted to go to my room and cry until I dried up all my tears!
"If you don't want it, leave it behind. No one can stop you if you don't want it, Princess Shanaya," sambit ni Bhaltair na siya nagpatigil sa akin. Binalingan ko ito ngunit nagsimula na itong maglakad patungo sa kung saan. Tahimik ko itong pinagmasdan at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
No one can stop me, huh? I don't think so. Simula noong ipinanganak ako sa mundong ito, nakatakda na ang kapalaran ko. Magiging reyna ako ng Xiernia, whether I like it or not.
"Still scared?" I suddenly froze when I heard Ara's question. Napakurap ako at bumaling sa kanya habang inaayos ang suot na mahabang damit. I saw her sighed. "Shanaya, wala kang dapat ikatakot." She smiled at me. "Just be yourself, okay? Tanggap ka ng buong Xiernia. Stop doubting yourself, Your Highness!" dagdag pa nito na siyang ikinasimangot ko sa kanya.
"And you have us, Shanaya." Napabaling naman ako sa pwesto ni Simon. "No matter what happened, Ara and I will stay by your side and help you. At kagaya nang palaging sinasabi ko sa'yo, it's okay to be scared. Natural lang na maramdaman mo iyon lalo na't hindi isang simpleng responsibilidad ang ibibigay nila sa'yo ngunit hindi ka dapat magpatalo sa takot na nararamdaman mo, Shanaya. You're stronger than your fear."
And that's it. After years of doubting and convincing myself about my own fate, I became the youngest Queen of Xiernia! Things went well at first but when the rebellion against the palace became stronger, nagulo ang dating payapang kaharian. Dumating na ang kinatatakutan ko. Hindi ko nagampanan nang maayos ang trabaho ko bilang reyna. I lost my own battle. I lost my kingdom, and my mom sent me to Lynus, one of the four division of Tereshle.
There, I met Timothy again. Iyong lalaking sugatan at halos walang buhay na tinulungan noon ng aking ina. He became my companion, together with his Tereshlian friends. And when I came back to my kingdom, lalong mas naging komplikado ang lahat sa akin. Kung noon ay halos ayawan ko ang pagiging reyna, ngayon naman ay gagawin ko ang lahat para maging isang tunay na reyna ng Xiernia!
My parents died protecting me and this kingdom. At sa pagkakataong ito, ako naman ang gagawa nang paraan para maayos ang lahat. I'll do everything para maibalik sa dating estado ng kaharian. Kahit sariling buhay ko ay itataya ko para sa kapayapaan ng Xiernia!
"I... I'm sorry," nanghihina kong sambit. Hindi ko alam kung para kanino ang katagang sinambit ko ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon. I wanted to ask their forgiveness. Kung sana'y mas naging makapangyarihan lang ako, sana'y hindi na umabot sa ganito ang lahat. "I'm sorry," muling wika ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Shanaya." I froze when I suddenly heard his voice inside my head. I wanted to answer him, but I don't have enough energy left inside my body. Daddy!
"Shanaya."
Natigilan akong muli. Mom? Hindi ako maaaring magkamali. It's my parent's voices! What the hell is happening? Bakit naririnig ko ang tinig ng mga magulang ko?
"You did great, Shanaya. Hindi kami nagkamaling ipagkatiwala ang buong Xiernia sa'yo."
"We're proud of you, My Queen."
What is this? Patay na rin ba ako? Makakasama ko na bang muli ang mga magulang ko?
"It's not yet your time, Shanaya. Xiernia still needs a Queen. Nagsisimula pa lang ang lahat sa'yo, anak." Gusto kong maiyak noong marinig kong tawagin akong anak ng aking ama. I missed him! "Open your eyes now, Queen Shanaya. Everyone is waiting for you."
At tila isang mahika ang mga salitang narinig mula sa ama, kusang nagmulat ang mga mata ko. Ilang beses akong napakurap ako at wala sa sariling napadaing noong makaramdaman ng sakit sa may dibdib ko.
"Don't move," malamig na utos ni Nathalie habang nasa tapat ng dibdib ko ang kamay niya. She's using her healing magic! "You're badly hurt. Mas makabubuting huwag ka munang kumilos."
Napalunok ako at muling napakurap.
I'm alive... I survived even after what I've done to my body. Really?
"Hey, you're awake." It was Ara's voice. Nasa tabi ko na ito ngayon. Gustuhin ko man itong lingunin ngunit wala pa akong sapat na lakas para gawin iyon. "We don't know what happened inside the barrier you created earlier but... Shanaya, what happened to Bhaltair?"
Bhaltair? What about him? Ang tama ang pagkakaalala ko, nawalan ako ng malay sa tabi niya kanina!
"He's gone," muling saad ni Ara na siyang ikinatigil ko. "Tanging ikaw at ang ancient weapon na bigay ni Lady Lou ang nakita namin noong nawala na ang barrier." Nag-aalala itong tumitig sa akin. "What happened to him, Shanaya? Did he... escape?"
No one can escape from the curse of the ancient weapon I used earlier. Kahit ang isang malakas at makapangyarihang Xier pa na kagaya ni Bhaltair. That weapon absorbed someone life. It can also erase someone's existence, like totally erase. And with the punishment I verdict to Bhaltair, natural lang na iyon ang mangyayari sa kanya.
"Bhaltair?" takang sambit ni Nathalie noong matapos na ito sa ginagawa niyang paggagamot sa akin. Dahan-dahan namang akong naupo at tiningnan ang kaibigan. "Sinong Bhaltair ang pinag-uusapan niyo?"
Natigilan naman si Ara at takang napatingin muli sa akin. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito at tila gulong-gulo sa nangyayari ngayon. "B-Bhaltair... I don't know. But his name... it's familiar." Napakamot sa batok nito si Ara at muling tinanong kung maayos na ba ang pakiramdam ko.
I small smile escaped from my lips. Your own death is not enough to pay for all your crimes, Bhaltair. Now, no one will remember your existence. Kahit si Simon, ang nag-iisang anak at natatanging pamilyang mayroon ka ay hindi ka na maaalala pa. Cruel, isn't it? Everyone will forget about you, except the one who used the weapon and that's me. Dadalhin ko hanggang sa hukay ang tungkol sa'yo. I'll protect this kingdom. Gagawin ko iyon hanggang sa huling hininga ko.
"We already captured all the rebels." Natigilan ako noong marinig akong tinig ng ama ni Ara. Wala sa sarili akong napatingin sa gawi niya at namataan ang ilang Royal Knight na kasama nito. Sa tabi niya ay naroon naman si Lady Lou at mukhang hindi naman ito nasaktan sa nangyaring pakikipaglaban. "How's the Queen?" tanong pa ni Lorenzo at mabilis na hinanap ako sa loob ng silid. Noong makita niya ako ay mabilis itong lumapit sa akin. He immediately greeted me and report the current status of the war between us and the rebels of Xiernia. "Gilbert already surrendered. Pati na rin ang ibang miyembro ng ministers na sumama sa kaniya."
Tumango ako kay Lorenzo. Hindi ako nagsalita at tahimik na tiningnan ang mga kasama sa silid na kinaroroonan. They're all here. Lahat sila ay narito, ligtas at hindi napahamak! So, I guess... it's really over. Tapos na ang gulong mayroon ngayon dito sa Xiernia!
"Can you move now?" I heard Simon asked me. Bumaling ako sa kanya at marahang tumango. Maingat niya akong inalalayang makatayo at akmang magsasalita na sana ako noong lumapit naman sa akin si Ara, Wala sa sarili akong napatitig sa hawak nito at mariing kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang mga luha sa mata.
"Wear this, My Queen," anito at siya na mismo ang nagsuot ng korona ko. Muling nangilid ang mga luha ko lalo na noong tuluyang nailagay ni Ara ang korona pagmamay-ari ko. "Welcome back to your palace, Queen Shanaya." She said then smiled at me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top