Special Chapter

"Hey." Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig ko ang boses nito. Gulat akong napatitig sa kanya at hindi makapaniwala sa presensiya nito. Paano siya napunta ngayon dito sa Xiernia?

Kunot-noo ko itong pinagmasdan at mayamaya lang ay namataan ko ang pagngisi at iling nito sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?" usisa niya sabay hila sa akin palapit sa kanya. He suddenly hugged me from behind na siyang ikinagulat ko kaya naman ay bahagya akong lumayo sa kanya at hinarap ito nang maayos.

"Paano ka napunta rito?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya at pinagmasdan ito nang mabuti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa biglaang presensiya nito sa kaharian namin! Kahit na may pahintulot itong magtungo rito sa Xiernia, still, hindi pa rin ako sanay na palagi itong makita at makausap dito sa mundo ko!

Timothy chuckled and carefully caressed my right cheek. Napakurap ako sa ginawa niya at napatitig sa kulay asul na mata nito. "Am I not allowed to be here? Huh? Mahal kong reyna, hmm?" tanong niya at nginitian ako. He's teasing me with that smile! Mga galawan talaga ng lalaking ito!

"Stop smiling like an idiot, Timothy," wika ko sabay irap sa kanya. "Hindi bagay sa'yo."

Sa pagkakataong ito ay natawa na siya sa akin at muling niyakap ako. Pabiro akong lumayo sa kanya kaya naman ay mas lalong natawa ito. Muli akong napairap at hinayaan na lamang itong nakayakap sa akin. "Kanina pa ako narito, Shanaya," imporma niya na siyang ikinaarko ng isang kilay ko. Kanina pa? Really? Ni hindi ko nga naramdaman ang presensiya nito kanina! Imposible namang hindi ko agad mapansin ang presensiya nito!

"Sadyang malalim lang ang iniisip mo at hindi mo ako agad napansin, Mahal na Reyna."

Napakunot na ang noo ko sa sinambit nito. "Really?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Segundo lang ay naramdaman kong tumango ito sa naging tanong ko noong inilagay nito ang baba niya sa aking braso at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Walang palya ang pagbisita ni Timothy sa akin dito sa Xiernia. Simula noong natapos ang kaguluhang naganap dito sa kaharian namin, bumalik sila sa Lynus upang magpagaling mula sa mga natamong pinsala sa katawan. And after a week, bumalik sila rito sa Xiernia. I was on my bed rest that time. I was injured too, but with the help of the power I've gained, mas napadali ang pagpapagaling ko kumpara sa ibang Xier na nakipaglaban para sa kapayapaang mayroon kami ngayon dito sa buong kaharian.

"Mind telling me what's on your mind right now, Shanaya?" He suddenly asked me.

"Just some random things." I answered.

"Like?" Tanong na naman nito na siyang ikinangisi ko. Hindi talaga siya titigil hangga't 'di niya nakukuha ang nais niya! Napailing na lamang ako at napagdesisyunang pagbigyan ito sa mga katanungan niya.

"Paano kaya kung hindi ka napadpad dito sa mundo namin?" Panimula ko at muling napangisi. "Siguro'y kasal na kayo ni Nathalie sa mga oras na ito." Bigla naman akong natawa sa sariling sinabi. Totoo naman iyon! Timothy and Nathalie were once engaged with each other!

"Not funny, Shanaya."

"What?" Tanong ko habang tumatawa pa rin. Sa totoo lang, hindi imposible ang tungkol sa bagay na iyon! They were engaged at nagbago lang itong si Timothy noong napunta siya rito sa Xiernia! "It was just what if, Timothy." Napairap ako. "Huwag masyadong seryoso!" I teased him.

Biglang nanahimik ito sa likuran ko. Wala sa sarili akong napangiti. I really loved it everytime na napapatahimik ko siya. Like I won something against him! Napailing na lang ako sa mga iniisip.

"Kung hindi man ako napadpad dito noon, gagawa at gagawa pa rin ako nang paraan upang magtagpo ang mga landas natin, Shanaya... Hahanapin pa rin kita." Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko noong muling magsalita si Timothy sa likuran ko. "I don't love, Nathalie. Hindi rin naman ako magpapakasal sa kanya kahit na ipilit pa iyon ng mga magulang namin." He paused and sighed. "Noon pa man ay alam kong may kulang sa akin. Kulang na hindi kayang ibigay ng kayamanan ng pamilya at mga magulang ko. Kulang na wala sa Lynus... Wala sa Tereshle. Kaya naman ay palagi akong umaalis sa division namin. I was searching for something that I don't even know. A missing piece of me that I was desperate to find."

Napangiti ako sa mga salitang binibitawan nito ngayon sa akin. Mayamaya lang ay naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "It was you, Shanaya. Ikaw ang rason kung bakit ako napadpad sa mundong ito. Napunta ako sa parteng ito ng Tereshle dahil sa paghahanap sa'yo. And it was fate. Hindi aksidenteng natagpuan ko ang lagusan patungo rito sa Xiernia. Simula pa lang, alam kong nakatadhana nang mapunta ako rito at makilala ka."

"Really?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa labi. "Tadhana talaga?" tanong ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili noong marahan akong natawa.

"I'm being serious here, My Queen." Hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya saakin. Umiling na lang ako at mabilis na humingi nang paumanhin sa kanya dahil sa pagtawa ko. Hindi ko sinasadya iyon! I was just overwhelmed with him and his words!

"Shanaya." Mayamaya lang ay tawag nito sa akin.

Pansamantala kaming natahimik kanina at walang ingay na nakamasid sa magandang hardin ng palasyo habang nakayakap ito sa likuran ko. Masyadong payapa ang tagpong ito kaya naman ay nais kong namnamin ang bawat segundong mayroon kami ngayon. Dahil pagkatapos nang pagkikita naming ito, babalik na muli ako sa pagiging reyna ng buong kaharian ko.

"Hmmm?" wala sa sariling tugon ko kay Timothy.

"I'm happy right now." He whispered and kissed the back of my head.

Napangiti ako. "Ako rin naman, Timothy."

"Thank you," sambit pa niya na siyang bahagyang ikinatigil ko. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at maingat na iniharap ako sa kanya. "Thank you for coming to my life, Shanaya," seryosong saad nito habang matamang nakatingin sa akin.

I smiled again. "You came to me, Timothy." Pabirong sambit ko sa kanya at akmang tatawa na sana ako noong mabilis akong natigilan noong biglang inilapit ni Timothy ang mukha nito sa akin. Kusang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito at bago pa man ako makapagsalitang muli, mabilis na lumapit sa labi ko ang malambot na labi nito.

He kissed me!

It was just a brief kiss, but it made me speechless and weak!

"Puro ka kalokohan," anito at marahang kinurot ang kanang pisngi ko. "Come here. Let me hug you again bago pa dumating ang mga taga-silbi mo at pabalikin ka na sa loob ng palasyo," dagdag pa nito at muling niyakap ako.

Napatango na lamang ako kay Timothy at gumanti na rin sa yakap niya.

"Timothy." This time, ako naman ang tumawag sa pangalan nito. Hindi ito tumugon sa pagtawag ko kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "I'm sorry." I carefully said to him.

"For what, Shanaya?" He asked as he hugged me tighter. Parang wala nang balak na bitawan ako ng lalaking ito!

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "For the pain I've caused you, Timothy," matamang saad ko.

Marami akong narinig tungkol sa kung anong nangyari sa akin pagkatapos nang kaguluhan noon. Timothy was mad and at the same time, devastated because of what happened to me after they left the room that day. May pagkakataon pa ngang sinisisi pa raw niya ang sarili dahil iniwan niya ako sa silid na iyon. Na dapat ay 'di siya nakinig sa pakiusap ko at sinamahan na lang ako hanggang sa matapos ang laban namin noon.

Hindi nagsalita si Timothy. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga at hinagkan ang noo ko. "Will you promise me one thing, Shanaya?" tanong nito at marahang kumawala sa yakap niya sa akin. He looked at me intently as I nod my head while looking at him too.

I'm not good at keeping my promises pero para kay Timothy, gagawin ko ang kung anong pangako ang nais niyang ipagawa sa akin.

"Promise me na kahit anong mangyari, na kahit nasa malayo ako at wala sa tabi mo, lagi mong iisipin na I'm always here for you. Na dapat sa lahat ng pagkakataon ay kasama mo ako sa bawat laban na kahaharapin mo. Afterall, I'm your companion, your partner." Kagat-labi ko itong pinagmasdan. Seryosong-seryoso ito habang binibigkas ang bawat katagang binitawan niya sa harapan niya. "Kahit wala ako rito sa Xiernia, remember that I'll always come back for you. Promise me that you'll wait for me. Sa kahit anong sitwasyon pa iyan, babalik at babalik ako sa mundo mo para tulungan ka. Babalik at babalik ako rito sa Xiernia para makita ka."

Tumango ako sa kanya at maingat ipinulupot ang dalawang kamay sa kanyang leeg. I sweetly smiled at him. "Yes... I promise, Timothy." I smiled again and slowly lean towards him and kiss his lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top