Chapter 9: Lie
Maaga pa lang ay nagsimula na akong magbasa ng mga aklat na ibinigay sa akin ni Lady Lou. Dahil nga lumiban ako sa lecture namin kahapon, ako na ang nagkusang magsimulang mag-aral ng mas maaga sa itinakdang oras ng lecture ko para naman ay makabawi ako sa kanya.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang nangyari kahapon. Natalo namin ni Timothy si Ara at Simon! Kung sinusuwerte ka nga naman! And true to his words, naging mabait nga ang pakikitungo ni Simon kay Timothy!
Ipinilig ko ang ulo ko at wala sa sariling napangiti. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa hawak na libro. "Lynus," mahinang sambit ko no'ng mabasa ko iyon sa isa pahina ng libro. "One of the four division of the Kingdom of Tereshle. The water attributers ruled by Jade's family, the most powerful family from the division." Bahagya akong natigilan. "Jade, huh? Ano nga ulit ang buong pangalan ni Timothy?" Kunot-noo kong tanong sa sarili.
Alam kong nabanggit na niya ang buong pangalan niya sa akin. Nakalimutan ko nga lang. It's not Jade. Ibang apelyido ang sinambit niya noon.
Natigil ako sa pag-iisip tungkol sa buong pangalan ni Timothy noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Bumungad sa akin ang magandang mukha ng aking guro. I smiled because of her presence. "Lady Lou," tawag pansin ko sa kanya.
Bahagyang nagulat pa ito noong mamataan ako. Mayamaya lang ay nakabawi na ito at nakangiting naglakad papalapit sa puwesto ko. "Princess Shanaya." She said and bowed a little in front of me. "Napaaga ka yata?"
Ngumiti akong muli sa kanya. "Wala kasi ako kahapon, Lady Lou. Pambawi lang."
Tahimik na tumango si Lady Lou sa akin at naupo na rin sa puwesto niya. Nagsimula na itong magbasa sa aklat na dala-dala niya kanina kaya naman ay pinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa ko.
Naging abala kaming dalawa sa mga aklat na binabasa. Ni isa sa amin ay hindi gumawa ng kahit anong ingay na siyang makakaistorbo sa katahimikan namin ngayon. I was so engrossed with the book I'm currently reading when Lady Lou called me. Nag-angat ako nang tingin sa kanya at hinintay ang kung anong sasabihin nito. "Iyong dayo mula sa Tereshle, kailan ito aalis dito sa Xiernia? May sinabi ba sa'yo ang reyna tungkol dito?" She suddenly asked me.
Napaayos naman ako nang pagkakaupo dahil sa naging tanong niya sa akin. "Hindi ko rin po alam, Lady Lou." I honestly answered. It's the truth. Hindi ko alam kung kailan siya pahihintulutan ng aking inang reyna na bumalik ng Tereshle. Mukhang magaling na rin naman ang mga sugat nito. The way he moved yesterday during the training with Simon and Ara, I can say that he's totally fine now and can travel back to Tereshle.
"He needs to go home now, Princess," seryosong saad ni Lady Lou na siyang ikinatigil ko. "He needs to leave Xiernia as soon as possible."
"I know, Lady Lou. Pero... hindi ko po hawak ang desisyong iyan. Nasa reyna pa rin po natin."
She silently nodded and closed the book she's reading. "Then talk to her, Princess."
Napakagat ako ng pang-ibabang labi. "What is it, Lady Lou? May problema ba?" I nervously asked her. Lady Lou knows a lot. She can see a glimpse of the future. Anong nakita nito sa hinaharap? Is it about Timothy?
I saw how she closed her eyes. It took her a few seconds before opening it again. "I can't tell you now, Princess. Just let the Tereshlian go," anito na siyang lalong nagpakaba sa akin.
Natapos ang buong araw ko na iyon ang laman ng isipan. Lady Lou's precognition can't be ignored by anyone, lalo na kaming miyembro ng royal family. Alam kong may maling mangyayari sa hinaharap. At mukhang may kinalaman ito kay Timothy. Or not? Hindi naman aakto si Lady Lou nang ganoon kung wala lang ang nakita niya! She wanted him to leave kaya naman ay iyon ang sasabihin ko sa reyna. I'll talk to her about this tomorrow morning.
I sighed.
Tahimik akong nahiga sa kama ko. Today was a tiring day for me. Maghapon akong nag-aral at sumabay pa ang mga mga katagang binitawan ni Lady Lou kanina. I silently shut my eyes and convinced myself to sleep. Ilang minuto akong naging tahimik at pilit na pinapatulog ang sarili ngunit bigo akong gawin iyon! Umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang mga katagang binitawan ni Lady Lou kanina!
"Shanaya." I immediately opened my eyes upon hearing his voice.
Napakunot ang noo ko. "Timothy?" I whispered to myself. Maingat akong bumangom mula sa pagkakahiga at nagtungo sa pinanggalingan ng tinig na narinig kanina, sa balkonahe ng aking kwarto, at hindi na ako nagulat pa noong makita ko nga ito roon. I was right. Siya nga ang narinig ko kanina.
"Hi." He greeted me and smile.
"What are you doing here?" Mabilis na tanong ko sa kanya. I looked around. Sumilip din ako sa baba para makita ang mga kawal na siyang nagbabantay sa palasyo.
"Just visiting," kaswal na sambit niya na siyang nagpa-arko ng isang kilay ko. "And I'm bored."
Napailing ako at bumiling muli sa kanya. "What?" Anong klaseng trip na naman ang naisip ng isang ito? He always does some random thing! Lalo na kapag wala itong magawa sa silid kung saan siya pinahintulutang pansamantalang manirahan. He's random and no one expects what he will do next! Noong isang araw, dahil sa wala itong magawa, he challenged some of the Royal Knights for a battle! Naging usap-usap din ang labang iyon at halos lahat ng kawal ay nais makalabanan ito!
"I said, I'm bored. Nababagot ako sa silid ko."
Napangiwi ako at namewang sa harapan niya. "You know what, bumalik ka na sa silid mo. Bawal ang gumala sa ganitong oras, Timothy," matamang saad ko na siyang pinagkibit-balikat lamang niya. Sinamaan ko ito nang tingin dahil mukhang hindi ito susunod sa nais ko. "You'll be punished if they see you here. So, do me a favor, bumalik ka na sa silid mo. Mapapahamak ka pa sa ginagawa mo!"
"Hindi nila ako mahuhuli, Shanaya," anito at nginisihan ako.
"At bakit naman? Don't underestimate our royal guards."
He smirked at me. "Well... because they can't see me," sagot niya at mabilis na nawala sa paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Right! His special ability makes him move so fast. Hindi nga ito basta-bastang makikita ng mga kawal naming nagbabantay ngayon!
"See? Maging ikaw ay hindi mo ako nakita." Bigla akong napalingon sa may likuran ko noong marinig ko ang tinig nito. But... that was a wrong move, and I immediately regretted it! Sa isang iglap, his face was a few inches away from me. Natigilan ako dahil sa nangyari. Maging siya man din ay natigilan at hindi nakakibo sa puwesto niya.
We stay still and no one dared to move. Nakatitig lang ako sa kulay asul na mata nito. Akmang magsasalita na sana ito noong bigla kaming napabaling sa nakasarang pinto ng silid ko. Sunod-sunod na katok ang narinig namin doon at nasundan ng tinig na siyang nagpaawang ng mga labi ko.
"Princess Shanaya!"
"Simon." I uttered his name. Napabaling ako kay Timothy at mabilis na umatras palayo sa kanya. Umayos naman ito nang pagkakatayo habang matamang nakatingin din sa amin.
Napalunok ako at mabilis na nag-iwas nang tingin sa kanya. Muli akong tumingin sa pinto ng silid at narinig ang muling pagtawag ni Simon sa pangalan ko. Bigla akong kinabahan dahil sa presensiya niya! What is he doing here at this hour?
Wala sa sarili akong napakamot sa batok ko at tuminging muli sa pwesto ni Timothy ngunit wala na ito roon! Napakunot ang noo ko at mabilis na hinanap ito. Nagpalinga-linga ako at pilit na pinakiramdaman ang paligid kung narito pa siya ngunit hindi ko na maramdaman ang presensiya nito! He's gone! That was fast!
Napailing na lamang ako at inayos ang sarili. "Hindi man lang nagpaalam bago umalis." I whispered to myself and started walking towards the door. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang mga mapanuri at seryosong titig ni Simon.
He looked at me from head to toe. He even moved and walked inside my room. Alam niyang bawal pumasok ang kung sino sa aking silid, lalo na kung wala kong pahintulot, ngunit mukhang importante ang pakay nito kaya naman ay hinayaan ko na siya. Pinagmasdan niyang mabuti ang kabuuan ng silid ko at tila ba'y may hinahanap ito roon.
Umayos ako nang pagkakatayo. "What's happening, Simon? Gabi na, ah."
Tumigil ito sa ginagawang pagmamasid sa silid ko at bumaling sa akin. Mayamaya pa'y lumapit ito sa akin at agad na inamoy ako. My eyes widened and immediately take a few steps backward. "Simon!" bulalas ko at gulong tiningnan ito.
"I'm sorry about that." He bowed his head and sighed. "Hinahanap ko ang Tereshlian na narito ngayon sa palasyo," saad nito sabay tingin muli sa kabuuan ng silid ko. Damn. So, it's because of Timothy! Nandito itong si Simon sa silid ko ngayon dahil napag-alaman niyang wala ito sa silid niya! Palihim akong napangiwi.
Timothy can hide and fool the royal guards but not this man! Not Simon!
Wala sa sarili akong napailing at napatitig na lamang sa kaibigan. "And you think na narito siya?" I asked him. "Sa silid ko?" dagdag ko pa at umaktong gulat sa naging konklusyon niya tungkol sa bagay na ito. I tried to look innocent and ignored my beating heart. Yes, he was here, but there's no way that I'll tell and confess it to him!
Simon sighed. "I'm just guessing." He coldly answered. Napailing na lamang muli ako. Mayamaya lang ay naglakad ng muli si Simon. Maingat itong naglakad patungo sa pintuan at binalingan akong muli. "Pasensiya na sa biglaang pagpunta ko rito, Princess. I'm going now. Magpahinga ka na."
Hindi ko na nagawa pang magsalitang muli. Mabilis na lumabas si Simon sa silid ko at siya na mismo ang nagsara ng pinto nito. I sighed and instantly regretted what I've done tonight.
What the hell, Shanaya? You just lied to Simon!
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Tiyak kong mapapahamak si Timothy kapag isumbong ko siya kay Simon. They're okay now. Paniguradong mag-aaway na naman silang dalawa kung sasabihin kong nagtungo nga rito si Timothy! And I don't want that to happened!
Akmang maglalakad na sana ako pabalik sa higaan ko noong may kumatok muli sa pinto ng silid. Dahan-dahan kong binuksan iyon at laking gulat ko noong makitang muli si Simon. I saw him sighed again. Ilang beses na ba itong pagbuntonghininga niya ngayong gabi?
Taka ko itong tiningnan at noong akmang magsasalita na sana ako, mabilis akong natigilan noong ngumiti ito sa harapan ko. "Good night, Princess Shanaya." He gently said and bowed his head in front of me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top