Chapter 7: Training
Nakasimangot ako habang pinagmamasdan si Timothy na abala sa pagmamasid sa buong hardin ng palasyo.
Kagaya nga nang nais ng aking inang reyna, nanatili muna ito ng Xiernia. At ako, si Shanaya, ang Prinsesa ng Xiernia, at ang tanging taga-pagmana ng trono ang siyang inatasan na maging gabay ng lalaking ito habang narito siya sa kaharian namin! Unbelievable! Napairap na lamang ako at tamad na pinagmasdan ang lalaki.
"Hahaba ang nguso mo, mahal na prinsesa," biro nito sa akin noong makitang nakabasungot ang mukha ko. Inirapan ko lamang itong muli. "Halika dito," yaya pa niya sa akin. "May ipapakita ako sa'yo."
Nasa may malapit siya sa garden fountain. Kunot-noo akong naglakad papalapit sa kanya. Napansin ko namangnaging alerto ang mga taga-bantay na kasama namin ngayon sa paglapit ko kay Timothy. Nilingon ko ang mga ito at sumenyas na ayos lang. Na ayos lang na lumapit ako sa lalaking ito.
"What is it?" I asked when I reached him. Namewang ako at hinintay ang kung anong ipapakita niya sa akin.
"Is this... uhm-" Hindi niya matapos ang dapat ay itatanong sa akin kaya naman ay minabuti kong mas lumapit sa pwesto niya. At noong ilang hakbang na lamang ang distansiya ko sa kanya, mabilis akong natigilan noong mapagtanto ang kung anong nakita nito.
I smiled when I saw them. "Xiers," mahinang wika ko.
Bigla naman silang lumipad at lumapit sa akin. Nagpaikot-ikot ang mga ito sa gawi ko. Tatlo sila. Ang isa ay umupo sa kanang balikat ko samantala ang dalawa ay lumipad patungo kay Timothy na mukhang nagulat dahil napaatras ito. Natawa ako. "Relax, Timothy. They're harmless," imporma ko sa kanya habang paikot-ikot na lumilipad ang dalawang Xier sa kanya.
"Prinsesa, sino siya?" Nilingon ko ang isang Xier na nasa balikat ko. Ngumiti ako rito.
"Our visitor. From Tereshle," sagot ko dito. Kita ko ang gulat sa maliit na mukha nito. Maging ang dalawang lumilipad malapit kay Timothy ay nagsitigil at biglang lumipad patungo sa akin at nagtago sa likod ko. Napailing na lamang ako sa inasal ng mga Xier. I can't blame them. Ito ang unang pagkakataon na may bisita kaming taga-Tereshle at pinahintulutan ng reyna na manatili sa palasyo.
"Bakit sila nagtatago?" takang tanong ni Timothy sa akin. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang mga nagtatagong Xier sa likuran ko.
"Princess, is he a bad guy?"
"Will he hurt us?"
"Princess, let's run and hide from him!"
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang tumawa. Nakita ko ang lalong pagguhit ng pagtataka ang mukha ni Timothy. Nasapo ko ang aking tiyan dahil sa pagtawa. Mukha ba talagang masamang tao itong si Timothy? Na maging ang mga inosenteng Xier ay takot sa kanya?
"They're afraid of you, Timothy," natatawang saad ko dito at inalis ang luhang lumabas sa mata ko dahil sa kakatawa.
"Ssssshh!" Sabay-sabay na suyaw sa akin ng tatlong Xier na siyang ikinailing ko.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at tumigil na sa pagtawa. Umayos ako nang pagkakatayo at nginitian ang mga ito. "He's not a bad guy. He's our friend," wika ko at bumaling sa nakakunot-noong Tereshlian. Napailing na lamang ako at tiningnan muli ang tatlong Xier. "Go. Bumalik na kayo sa fountain," utos ko sa tatlo at agaran naman silang sumunod sa nais ko.
"Princess Shanaya."
Natigilan ako noon may tumawag sa akin. I know that voice too well kaya alam ko na kung sino iyon. Malawak ang aking ngiti noong nilingon ko siya. "Simon," sambit ko sa pangalan niya at kinawayan pa ito. Ngunit ang ngiti sa mga labi ko ay biglang nawala dahil sa kakaibang ekspresiyong ipinakikita niya ngayon. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa akin, sa amin. He looked so serious... and may I add, he looked dangerous as well. Anong problema na naman ng isang ito?
"I was looking for you," he said while still looking so serious.
Wala sa sarili akong napangiwi. "Oh." Iyon lang ang nasabi ko sabay lingon sa kinatatayuan ni Timothy. At halos mapairap ako noong mamataang nakakunot-noo rin itong nakatingin kay Simon! I get it, okay! They don't like each other's presence. Kahit na kinausap ko na ang mga ito na maging civil naman sila sa isa't-isa, tinanguhan lang nila ako at ipinagpatuloy ang silent war sa pagitan nilang dalawa.
"Sinamahan ko lang si Timothy," imporma ko kay Simon sabay turo sa kasama ko. I smiled at him again. Seryoso pa rin ito.
"Let's go," yaya niya sa akin na siya pinagtaka ko naman.
"Hah?" Kunot-noo kong tanong. "Saan naman?"
He sighed and calmly looked at me. "Ara is waiting for you, Princess," turan nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Mukhang nakalimutan mo kung anong araw ngayon." Pahabol na sambit pa nito sabay tingin kay Timothy. Naging basungot na naman ang mukha nito!
Wala sa sarili na lamang akong napatampal sa noo ko at inalala kung anong araw ngayon. Right! I have a training schedule with Ara today! At mukhang naroon na sa training room si Ara ngayon! Nilingon kong muli si Timothy na tahimik lang sa puwesto niya. What about him? Iiwan ko lang ba ito dito? Can I do that? But... the Queen told me not to leave him alone! Ano na ang gagawin ko? Isasama ko ba ito sa training room? Ano naman ang gagawin niya roon? Papanuorin akong maghirap sa training ko?
Hindi ko pa nakukuha ang sagot sa mga tanong ko noong bigla kong hinigit si Timothy at Simon. Bahala na nga! Mamaya ko na proproblemahan ang ibang bagay! I need to go and start my training with Ara! Paniguradong papagalitan niya ako kapag mas lalong tumagal pa akong makarating sa training room!
Lakad-takbo ang ginawa ko habang hila-hila ang dalawa. Walang angal akong narinig sa kanila kaya naman ay mas binilisan ko ang pagtakbo.
"Damn it! Kakatayin ako ni Ara nito!" Bulalas ko habang tumatakbo. Today is my schedule for my physical and combat training! Hindi nga muna ako pumasok sa lectures ko kay Lady Lou ngayong araw dahil nga kailangan kong samahan si Timothy pero hindi itong training ko kay Ara! I can't say no to that girl! Her time is too precious kaya kung maari lang ay hindi dapat ako liliban sa training naming dalawa!
Narinig kong tumawa ng Simon sa likuran ko kaya naman ay binalingan ko ito. Aba't natutuwa pa yata ito sa nangyayari ngayon! "Stop it, Simon!" suway ko sabay irap sa kanya. At dahil nga hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko, natalisod ako ng wala sa oras! Crap!
"Oh no!" bulalas ko sabay pikit ng mga mata ko at inihanda ang sarili sa pagbagsak.
Lumipas ang ilang segundo at nakapikit parin ako, still waiting for me to fall pero wala. Mayamaya lang ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at napabaling sa dalawang lalaking nasa likod ko. Wala sa sarili akong napangiwi na lamang noong maramdaman ang mahigpit na paghawak ng dalawang lalaki sa kamay ko.
"Careful, Shanaya," malamig na turan ni Timothy.
"It's Princess Shanaya, Tereshlian. Have some respect. Nasa palasyo ka ng kaharian namin," mas malamig na turan naman ni Simon at nagkatinginan nang masama ang dalawa. Oh, great! Here we go again! I sighed. Napailing na lamang ako sa inaasal ng dalawang kasama ko ngayon. Binawi ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak nila at umayos nang pagkakatayo. Namewang ako at mabilis na sinuyaw ang mga ito.
"Stop fighting, you two. Please." I sighed. "Mas mabuti pa'y bilisan na natin ang pagtakbo para makarating na tayo sa training room," sambit ko sa kanila at nagsimulang tumakbong muli.
I'm thankful, really thankful, na napigilan nila akong bumagsak kanina pero kung magbabangayan lang naman sila sa harapan ko, mas okay na yatang huwag na akong magpasalamat sa kanila. Alam ko naman na hindi maganda ang una nilang pagkikita sa Sacred Temple pero dapat ay kalimutan na nila iyon! They both admitted their mistakes that day and agreed to be civil with each other. So, ano na naman ang problema nilang dalawa?
"You're fifteen minutes and twenty-three seconds late, Princess Shanaya." Nakangising wika ni Ara pagkapasok ko pa lang sa traning room.
Mabilis akong lumapit sa puwesto nito at hinabol ang sariling paghinga. Hindi pa nga nagsisimula ang training ko kasama si Ara pero pagod na ako kakatakbo! "Uhm... Yeah, about that. I'm sorry," saad ko at hilaw na ngiti ang iginawad ko sa kaibigan. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakatayo at humugot ng isang malalim na hininga. Inalis ko ang butil ng pawis sa noo at segundo lang din ang lumipas ay dumating na rin sa training room ang dalawang kasama ko kanina.
Nawala naman ang ngisi ni Ara sa labi at bumaling ang atensiyon sa dalawang bagong dating. Namewang ito at nagtaas ng isang kilay sa dalawa. "So, we have some company, Princess," anito habang na kay Simon at Timothy pa rin nakatingin.
Napangiwi ako at bumaling na rin sa dalawa. "Kasama ko sila kanina, Ara," paliwanag ko sa kanya. "And they're going to leave now," sambit ko pa sabay galaw ng kamay ko. I motioned them to leave and let me have my training in peace! Ngunit bago pa makuha ng dalawa ang nais kong iparating sa kanila, muling nagsalita si Ara na siyang ikinatigil ko.
"No, Princess, let them stay. Or much better, let them join us." Napanganga ako sa narinig. Gulat akong napabaling kay Ara at namataan ang pagngisi nito habang nakatingin sa dalawang lalaki.
Napakurap ako at hindi makapaniwalang napatanong sa kanya? "What? You want them to join us? Sa training natin ngayon?"
Ara chuckled and looked at me. "You heard me right, Princess. Let's have a battle. Two teams." She smiled and looked at the two again. "What do you think? Ayos lang ba sa inyong dalawa?" tanong ni Ara kaya naman ay napatingin akong muli sa pwesto nila.
Parehong hindi umimik ang dalawa. Wala sa sarili akong napangiwi at napailing na lamang. This is bad! Alam ni Ara ang bad blood sa pagitan ng dalawang lalaking ito! She's teasing them! That's for sure! Mayamaya pa'y nagsalita na si Simon. Napangiwi na lamang akong muli. "Yeah. Sure." Simon agreed with Ara's request. Napahawak na lamang ako sa sintido ko.
"Basta ba'y hindi kami magka-team, walang problema sa akin," wika naman ni Timothy na mas lalong nagpasakit ng ulo ko!
I'm speechless. Wala na akong masabi sa dalawang ito! And Ara? Being the Ara I grew up with, I know that she's enjoying this!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top