Chapter 6: Test

Prente akong nakaupo sa pang-isahang upuan habang nasa harapan ko si Timothy na ngayon ay nakaupo pa rin sa kamang inuukupahan niya. Sumandal ako sa backrest ng upuan at ipinilig ang ulo pa kanan habang matamang nakatingin pa rin sa kanya.

"Bakit ka narito sa mundo namin?" Panimulang tanong ko sa kanya. Ito ang unang nais kong malaman galing sa kanya. Bakit sa dinami-raming lugar sa Tereshle at talagang dito pa ito napadpad! Bakit dito sa Xiernia?

Ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi ito umimik. Nakatitig lamang ito sa akin at mukhang walang balak sagutin ang naging tanong ko sa kanya. I silently gritted my teeth. Patience, Shanaya. Sooner, magsasalita rin ito. Keep talking and make him talk!

"What happened to you? You were almost dead when the royal guards found you," muling saad ko. At kagaya kanina, hindi pa rin ito nagsalita. Nagsisimula na akong maubusan ng pasensiya sa kaharap! Kaya naman ay hindi ko na napigilan pa ang sarili. Napairap na ako at umayos nang pagkakaupo. "Talk, Timothy Wale. Para matapos na ito at makabalik ka na sa Lynus!"

"If I talk and tell you about what happened, may magbabago ba? I don't think so." He finally said and sighed. Kita ko itong umiling at sinapo ang ulo. "Just... just send me back to Tereshle." Walang ganang wika nito na siyang lalong nagpainis sa akin.

"At sa tingin mo madali lang gawin iyon?" iritableng tanong ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay tumayo na ako. Kung ayaw niyang sabihin sa akin ang tunay na nangyari, bahala siya! Hinding-hindi siya makakabalik sa Tereshle nang basta-basta! The palace is going crazy right now! Hindi nila basta-bastang papakawalan ang isang dayong alam nilang maaaring magdala ng kapahamakan sa buong Xiernia! The ministers will definitely execute him if they can't get the information they want from him!

Padabog akong tumalikod sa kanya at ihahakbang ko na sana ang mga paa noong muling nagsalita ito. Natigilan ako at mabilis na bumaling kay Timothy. "Fine," muling saad nito at humugot ng isang malalim na hininga. "Just promise to send me back home. Safely." He said without breaking our stares.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumango sa kausap. "Yes." I immediately answered him. "I promise you that, Timothy Wale."

Muli akong naupo sa puwesto ko kanina at nagsimula nang magkuwento si Timothy. "I was being hunted by the Pheorus," anito na siyang ikinatigil ko. He was hunted by who? At sa anong dahilan naman kaya? "Alam niyo naman siguro ang impormasyong ito, nasa Lynus Division itong kaharian niyo, ang Xiernia, and I am a Lynusian." Nag-angat ito nang tingin sa akin. Nanatili naman akong nakatitig sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin niya ngunit mabilis na umiling ito at napahawak sa ulo niya. Kumirot marahil ang sugat nito.

I sighed. "Bakit ka pinaghahanap ng sinasabi mong Pheorus? What are they? Taga-Lynus din ba ang mga ito? Are they... the bad people?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "O... ikaw ang masama kaya nagkaganoon ang kalagayan mo?"

Bahagya itong napatawa dahil sa naging tanong ko. Umiling ito at inalis ang kamay sa may ulo niya. "Don't judge me too quickly, Shanaya." He calmly said. "I'm not that bad." He chuckled. "I just steal something from their tribe, that's all."

Napa-arko ang isang kilay ko sa narinig. "So, you're a thief." I said while nodding my head. Now, I get it. Pero sobra naman ang nangyari sa kanya. He was almost dead when our guards found him!

"I'm not a thief, Shanaya." He defended himself. Napakunot muli ang noo ko sa kanya. Iyong totoo? Ano ba talaga? "Binawi ko lang ang dapat ay sa akin. They stole it from me first, and I stole it back from them."

Napailing ako at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. "And that was it? They took something from you at binawi mo lang ang sinasabi mong ninakaw nila mula sa'yo." Inisa-isa kong sinambit sa harapan niya ang mga impormasyong ibinabahagi nito sa akin ngayon. "Hinabol ka na nila at napadpad ka dito sa mundo namin? Tama baa ko?" Takang tanong ko pa rito. Iyon na ang nangyari sa kanya? Pinagloloko ba ako ng lalaking ito? Walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko ito sa mga minister ng palasyo!

"I don't have a freaking idea either." He said while shaking his head. Natigilan akong muli. "Ang tanging naaalala ko lang nasugutan ako nang lubusan. They ambushed me and even managed to attack me using some dark magic. I can fight, I'm good at it, but they outnumbered me. Wala akong nagawa kung hindi tumakas." He sighed again. I can feel his frustration while saying those words. Ramdam ko ang pagpipigil din nito ng galit. "I kept on running that night. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko basta nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. And then... everything went black after that. Wala na akong maalala." He looked at me again with his deep blue eyes. "And when I woke up, nandito na ako sa silid na ito at ikaw ang unang nakita ko."

"So, you don't have an idea on how you ended up here? Pinagloloko mo ba?" Napatampal na lamang ako sa noo. This can't be happening. Imposibleng hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa portal! "Paano kong may ibang taga-Tereshle ang napadpad dito sa Xiernia maliban sa'yo? Alam mo ba kung anong klaseng gulo itong ginawa mo?"

Umiling si Timothy sa akin. "I think that's impossible, Shanaya." He calmly speak to me. Kunot-noo ko naman itong tiningnan. "You know it's prohibited for us, the Tereshlians, to be in this place. We all know the existence of this place and we also know about the rules and agreements between your world and Tereshle." He sighed again. "Unless... someone from this world let us in." Napakurap ako sa narinig mula sa kanya. "Iyon lang din ang naiisip kong dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar na ito."

Natahimik ako sa sinabi niya. Wala sa sarili akong napahawak sa sintido ko at napapikit na lamang. Mayamaya lang ay mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Maging siya ay napatayo rin sa puwesto niya. Marahil ay nagulat iyon sa biglaang pagkilos ko.

"Stay here," mabilis na saad ko. "I'll be back."

"Really? Baka naman bago ka makabalik dito ay bangkay na ako," natatawang wika nito na siyang ikinailing ko naman sa kanya.

"No. Hindi iyon mangyayari. Just stay here and don't do something stupid. Ako na ang bahala sa kaibigan ko. He won't touch you again."

Hindi na ako nag-abalang hintayin pa ang sagot ni Timothy. Dali-dali akong lumabas sa silid. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga nakatayong mga kawal. Naging alerto naman ang mga ito. Mayamaya lang ay lumapit sa akin si Ara, sa likod nito ay ang tahimik na si Simon.

"What happened?" tanong ni Ara sa akin.

"I'm going to see the Queen." I informed her. Kita kong natigilan sila sa sinabi ko. Tiningnan ko ang mga kasama kong kawal. "Go back to your respective posts." Bumaling muli ako kay Ara. "Tell your father to stop the investigation right away," mabilis na utos ko sabay alis sa harapan niya.

It's useless for us to continue the investigation. Timothy was right! Hindi basta-bastang makakapasok ang mga taga-Tereshle dito sa Xiernia! Except if someone's permits it! At tanging royal family members lamang ang may kakayahang gawin iyon! And I'm a hundred percent sure na hindi ako iyon! I would never do that!

Dali-dali akong bumalik sa palasyo. Ramdam ko ang presensya ni Simon sa likuran ko ngunit hindi ako nag-abalang lingonin iyon. Noong nasa tapat na ako ng pinto ng silid ng aking inang reyna, mabilis akong humugot ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay binalingan ko si Simon at seryosong tiningnan ito. "We'll talk later," sambit ko sa kaibigan. Tumango lamang ito sa akin at umaktras ng isang beses at yumukod sa harapan ko. Hindi na ako muling nagsalita at pumasok na sa silid ng ina.

I took a deep breath again. Inihanda ko na ang aking sarili sa posibilidad na tama ang mga nasa isip ko ngayon!

Bumungad sa akin ang aking inang reyna na abala sa kanyang hawak na libro. Mayamaya lang ay nag-angat ito ng tingin sa akin at ngumiti. "Shanaya," sambit nito sa pangalan ko. I slightly bowed my head and walked towards her.

"Mom," mahinang wika ko noong tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Ngumiti ito sa akin at isinara ang hawak na libro. Umayos ito nang pagkakaupo at tiningnan ako nang mabuti. "Timothy... I mean, the one who entered our kingdom-"

"So, his name is Timothy." Napakunot ang noo ko sa tono ng boses nito. She's calm. Para bang hindi isang dayo ng kaharian namin ang pinag-uusapan namin ngayon.

I sighed. "Yes. That's his name," marahang sambit ko. Kita ko naman ang pagtango nito sa sinabi ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at nagpatuloy sa pagsasalita. "Did you let him enter Xiernia?" Walang pag-aalinlangang tanong ko sa inang reyna.

Segundo lang ay nakita kong ngumiting muli ang aking ina. Isinandal nito ang likuran sa backrest ng upuan niya habang nakatingin pa rin sa akin. "What makes you think that I'll do that, Shanaya?" My mom asked.

Napalunok ako at umayos nang pagkakatayo sa puwesto ko. "Ikaw at ako na lang po ang natitirang royal family sa henerasyong ito. It's only the two of us have that kind of ability in this world. Wala na pong iba."

Kita ko ang lalong paglaki ng ngiti ng aking inang reyna. "You're learning too fast, Shanaya," anito at tumayo na. Napako naman ako sa kinatatayuan ko. So, I was right! Timothy was freaking right about this one! "That guy was dying when I saw him," muling wika ng aking ina. "Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan kung bakit ganoon ang naging na kalagayan nito. He was badly hurt, and I can't let someone die in front of me."

"So, you let him enter our kingdom?" I asked my mother again.

"Yes," agarang sagot nito sa akin.

"But it was against the rules, mom! Rules between Xiernia and Tereshle," mahinang sambit ko. Ano bang pumasok sa isipan ng aking ina at ginagawa niya iyon? That decision was so random na kahit ako ay hindi naisip na kayang gawin niya iyon!

She chuckled a bit and started walking towards me. "But I, myself, is a rule here too, my princess." She said while smiling. Napanganga naman ako sa mga katagang binitawan nito sa akin. "I know that I made the right decision saving that man, Shanaya."

Napabuntonghininga na lang ako sa mga nangyayari. Hindi ako tutol sa ginawa ng aking inang reyna. Kahit kung ako ang nasa kalagayan niya ay ganoon din naman ang gagawin ko. I'll save a dying man no matter what kind of rule I'll break. I can't let someone, or anyone die in front of me, too!

"Shall we send him back?" Natigilan akong muli sa naging tanong nito. "Or let him stay for a while?"

Napatanga akong muli sa naging tanong nito sa akin? Seryoso ba siya? Hahayaan niyang mamalagi si Timothy sa mundo namin? Sa anong dahilan naman? I can't believe her! Minsan ay hindi ko lubos makuha ang nais ng aking ina!

Is she testing me right now?

What is it, mom? Isa ba ito sa mga pagsubok mo sa akin bilang taga-pagmana ng trono mo? Kasi kung ito man iyon ay tiyak na babagsak na ako! I don't know what to do here! Parte pa rin ba ito sa misyong ibinigay niya sa akin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top