Chapter 5: Name
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. He's awake! The man from Tereshle is finally awake! Akmang aatras na sana ako palayo sa kamang kinahihigaan nito noong napako ako sa kinatatayuan ko. He slowly looked towards my direction. And when our eyes meet, I froze for a second. His deep blue eyes meet mine.
I stay still and silently admired his eyes. It was beautiful. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng mata!
Mayamaya lang ay namataan ko ang pagkilos nito. He tried to open his mouth. It seems like he wanted to say something, but he can't utter a single word. I silently sighed and moved my feet. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
Segundo lang ay nakita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mata niya. Fear. I can see and feel his fear. He tried to move but he failed. Mayamaya lang ay gumuhit ang matinding sakit sa kanyang mukha. Napailing na lamang ako at kinausap ito. "Don't move. You'll hurt yourself more." I calmly said to him. "Calm down and stay still. You're safe now. You're safe here. Walang ibang mananakit sa'yo sa lugar na ito. All you have to do now is rest and gain back your energy, okay?"
Tumigil ang lalaki sa pagkilos. Segundo lang din ang lumipas ay naging kalmadong muli ang itsura niya. I looked at the table on my side. May isang basong tubig doon. I bet that it contains a healing water na siyang nakikita lamang dito sa Sacred Temple ng palasyo. I stared at the glass and immediately summoned it. Noong mahawakan ko na ang baso ay inilapit ko iyon sa kanya. Kusa namang kumilos ang lalaki at nagkusang ininom ang tubig na inilahad ko sa kanya.
This water will help him recover fast. Kung mapapadali ang paggaling niya ay tiyak kong matutulungan niya kami sa imbestigasyong ginagawa namin ngayon. I hope he'll cooperate, though. Iyon lang naman ang nais ko.
"I'm Shanaya, by the way." Pagpapakilala ko at inilayo ang basong may lamang tubig. Ibinalik ko ito sa kinalalagyan niya kanina gamit ng kapangyarihan ko. Kita ko ang pagkunoot ng noo niya sa nasaksihan. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at umatras ng isang hakbang palayo sa kanya. Wala sa sarili naman akong napatingin sa orasan na nakasabit sa may dingding at noong mapansin kung anong oras na, mabilis akong nagdesisyong umalis at bumalik na sa silid ko. "Aalis muna ako," wika ko na siyang nagpatigil sa lalaki. Hindi ito kumibo sa puwesto niya at nakatitig lamang sa akin. "I'll be back as soon as the sun rises. Hindi ako maaring manatili dito. Don't worry about your safety and just rest. Kagaya nang tinuran ko kanina, ligtas ka sa lugar na ito." I said to him then started walking towards the room's door.
Bago ako tuluyang lumabas sa silid, nilingon kong muli ang dayo. Wala sa sarili naman akong napangiti noong makitang nakapikit na muli ang mga mata nito. Mukhang masunurin naman ang isang ito. Sana nga lang mabilis na bumalik ang lakas nito para naman makabalik na siya Tereshle.
Hindi na akong muling gumawa nang ingay. I slowly open the door and silently step out the room.
"Shanaya!"
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa sigaw na bumalot sa buong silid ko. Irita kong binalingan ang pinagmulan ng sigaw na iyon at namataan si Ara na mukhang nagmamadaling magtungo rito upang gisingin ako.
"Masyado pang maaga para mambulabog, Ara," tamad na sambit ko sa kaibigan sabay hikab. Inaantok pa ako! Anong oras ba ako nakatulog kagabi? Napailing ako at muling humikab. Napabaling ako sa study table ko at napangiwi dahil sa mga aklat na bumungad sa mga mata ko. Right! Nag-aral pala ako kagabi noong makauwi ako galing sa Sacred Temple! Hindi ako makatulog kagabi kaya naman ay naisipan kong magbasa para naman dalawin ako nang antok!
"He's awake!" sigaw muli ni Ara at nagmartsa palapit sa kama ko. "Gising na siya, Shanaya!"
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Ara. Napabaling ako sa kanya at napakunot ang noo. Awake? Sino ang tinutukoy nito? Iyong dayo ba na nasa Sacred Temple? Walang ingay akong tumayo at nagsimulang ayusin ang magulo kong buhok. "I know that, Ara." I said to her. "Nandoon ako kagabi." Dagdag ko pa at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili.
"Alam mo ring bang may hindi magandang nangyayari ngayon sa Sacred Temple?" tanong naman ni Ara na siyang ikinalingon kong muli sa kanya.
Napakunot muli ang noo ko sa kaibigan. "What do you mean?"
"See it for yourself. Come on!" mabilis na wika niya sabay hila sa akin palabas ng silid ko.
Hindi na ako nakapalag pa. Ni hindi ko inintindi ang itsura ko ngayon! Bigla akong kinabahan sa mga salitang binitawan ni Ara. What the hell is happening? Anong nangyayari ngayon sa Sacred Temple?
Agad kaming nagtungo ni Ara sa Sacred Temple. Mabibilis ang bawat hakbang namin at noong tuluyan kong matanaw ang gusali, mabilis na napaarko ang isang kilay ko noong mamataan ang bilang ng mga kawal na nasa labas ngayon.
At noong tuluyan na kaming nakarating sa main door ng temple, agad na napansin ng mga kawal ang presensiya ko. Mabilis silang yumukod sa harapan ko at binati ako.
"What's happening here?" I immediately asked them.
"Gising na po ang dayo at ngayon ay nagwawala sa kanyang silid," mabilis sagot ng isa sa kanila. "Nasa loob na po si Sir Simon. Siya na raw ang bahala sa dayo at hindi na kami hinayaang sumama sa kanya."
Mabilis akong napabaling kay Ara. Nagtaas ito ng kilay sa akin at napailing na lamang. Hindi na ako nagsalita pa. Agad akong pumasok sa Sacred Temple at mabilis na naglakad patungo sa silid ng dayo.
Simon and his bad temper! Baka mapano ang dayo sa kanya! Mukhang 'di pa naman maganda ang timpla ni Simon ngayon at noong mga nagdaang araw! At noong nasa tapat na kami ng silid kung saan dapat nagpapahinga ang dayo, puwersahan kong binuksan ang pinto ng silid.
Agad akong natigilan noong makapasok nang tuluyan sa silid. Agad na nanlaki ang mga mata ko noong bumungad sa akin ang kung anong nangyayari sa silid na ito. Mabilis na kumilos rin sa Ara sa tabi ko.
"The hell!" Ara blurted out. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras. Agad akong lumapit sa namimilipit na si Simon sa sahig. He looks like being torture by something! What the hell is happening?
"Simon!" tawag ko sa kanya. Lumuhod ako at hinawakan ang braso niya. Namimilipit pa rin ito sa sakit kaya naman nilingon ko ang lalaking nasa 'di kaluyaan sa puwesto namin ngayon. Seryoso itong nakatitig sa amin, o kay Simon. It's like his stares and mind are just focus on Simon!
Tiningnan kong muli si Simon. He's in pain. Hindi ito makagalaw nang maayos! Anong nangyayari sa kaibigan ko? Iyong dayo... Siya ba ang may gawa nito kay Simon? Is he the one causing the pain?
"Stop." I coldly said. Lumipas ang segundo ay ganoon pa rin ang kalagayan ni Simon! Mariin kong ikinuyom ang magkabilang kamao at tumayo na. Hinarap ko ang seryosong dayo at malakas na sumigaw. "I said fucking stop!" sigaw ko at ikinumpas ang isang kamay. Humakbang ako ng isang beses at masamang tiningnan ito. Seryoso pa rin ang ekspresiyon sa mukha ng dayo kaya naman ay mabilis akong nag-summon ng isang dagger at itinutok iyon sa kanya. Segundo lang ay namataan ko ang gulat sa mukha ng lalaki at tiningnan ang lumulutang na patalim. Bahagya itong napatingala noong inilapit ko sa leeg niya ang dulo ng dagger. "Stop it and let go of my friend."
"He attacked me first," seryosong saad nito habang matamang nakatitig sa akin.
"I said.... let him go," mariing utos ko sa kanya.
I saw him sighed. Mayamaya pa'y natigil na si Simon sa pamimilit sa sahig. Gusto ko siyang lapitan pero mabilis kong pinigilan ang sariling gawin iyon. I need to deal with this guy first! Binalingan ko itong muli at namataan ang pagkadismaya sa mukha nito. "I thought this place is safe." Napailing siya sabay upo sa kamang nasa tabi niya. "Hindi mo man lang sinabi sa akin kagabi na may gusto ring pumatay sa akin sa lugar na ito."
Wala sa sarili akong napalingon kay Simon. Nakaupo na ito ngayon. Seryoso itong nakatingin sa lalaki samantalang nasa tabi naman nito ang tahimik na si Ara. Hindi ito nakikisali sa usapan at tahimik na nagmamasid lamang sa nangyayari. Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan nang mabuti si Simon. Bumaling naman ang atensyon nito sa akin at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
Napailing ako. "Let's talk later," malamig na turan ko sa kaibigan. "I want you and Ara out of this room."
"We can't do that, Shanaya," seryosong saad ni Ara. "Hindi ka naming maaaring iwan sa silid na ito kasama ang lalaking iyan." She added while still looking intently at the man behind me. I sighed again. Nilingon kong muli ang dayo at namataan ang matamang titig din nito sa akin.
"Leave this room now," muling utos ko sa dalawa. "And that's an order. I want you both out of this room."
Narinig ko ang marahas na pagbuntonghininga ni Ara. She doesn't have a choice anyway. No one will ever try to disobey a royal's order. It's a crime against our law. Walang ibang magagawa ang mga ito kapag magsimula na akong mag-utos sa kanila.
Namayani ang katahimikan sa buong paligid noong kaming dalawa na lamang ng lalaki ang naiwan sa silid. Kagaya nang inaasahan ko, hindi na naka-alma ang dalawa at sinunod na lamang ang nais ko. Ngayong kami na lamang dalawa ng dayo, I can finally ask him some questions about what happened to him and how the hell he managed to enter the portal between Xiernia and Tereshle. Mukhang may sapat na lakas na ito ngayon kumpara kagabi noong magkamalay na ito.
"What's your name?" I asked him.
Napakunot naman ang noo nito. Biglang nagbago rin ang ekspresiyon nito sa mukha. "You're seriously asking my name, huh?" Narinig ko pang tumawa ito nang mahina. Napa-arko ang isang kilay ko at hindi inalis ang titig sa kanya.
"I'm asking your name so I can address you properly. May problema ba doon?" Nakatingin muli kami. He mumbled something kaya naman ay mas napa-arko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "You're saying something, mister?" tanong ko at namewang sa harapan nito.
Napailing lamang ito sa akin at mabilis na tumayo. Mayamaya lang ay naglakad ito papalapit sa akin. I stay still. Ni hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. It's weird that I'm not afraid with this man. Kahit na alam ko naman na siya ang may kagagawan kung bakit namimilipit kanina si Simon, hindi ko magawang matakot sa presensya niya.
"My name is Timothy, Your Highness." He said then bowed his head in front of me. Timothy? That's his name? "Timothy Wale from Lynus." He said again and extended his hand on me. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatingin sa kanya. Hindi ko rin tinanggap ang nakalahad na kamay nito sa harapan ko.
I just sighed and looked at him intently. "Now let's get to the business, Timothy."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top