Chapter 4: Awake
Pinagmasdan kong mabuti ang kalagayan ng dayong sinasabi nilang taga-Tereshle. It was a man. Puno ng sugat ang buong katawan nito at ngayon ay walang malay.
Ang sabi pa nga ni Lady Lou, na siya ring tagapamahala ng Sacred Temple dito sa Xiernia, ay isang milagro pa nga na humihinga pa ito. Bugbog ang buong katawan ng lalaki at halos wala na itong buhay noong matagpuan ng mga kawal sa may lagusan sa pagitan ng kaharian namin at Tereshle.
I looked closely at the injured man in front of me. What happened to him? Sa dami ng sugat at pasa sa mukha na natamo nito, natitiyak kong hindi naging madali sa kanya ang tumakas mula sa mga kalabang nakaharap nito. He's lucky to escape from death and survived.
"Kailan kaya siya magigising?" I absently asked while still looking at him.
Segundo lang ay naramdaman kong lumapit sa akin si Ara sa kinatatayuan ko. "Who knows?" aniya at nagkibit-balikat ito sa tabi ko. "Sa kalagayan niyang iyan? Mukhang matatagalan pang bumalik ang malay at ang buong lakas niya."
Napabuntonghininga ako sa narinig mula sa kaibigan. She's right. Mukhang malabong magkaroon agad ng malay ang lalaking ito. Napangiwi ako. "Hihintayin pa ba nating magising siya bago simulan ang imbestigasyon?" tanong ko habang hindi nilulubayan ng tingin ang walang malay na dayo. Naawa ako sa kanya. Nais ko itong tulungan ngunit alam kong maling gumamit ng mahika sa lalaking ito. He's not from Xiernia. I can't use my healing magic and help him recover fast!
"No." Mabilis akong napatingin kay Simon noong magsalita ito. Napakunot naman ang noo ko. Himala at nagsalita ito! Kanina pa kasi tahimik itong si Simon! Simula noong dumating kami rito sa Sacred Temple ay hindi na ito nagsalita! Nanatili itong tahimik kanina at nakatingin lamang sa walang malay na dayo! "Gagawin natin ngayon ang imbestigasyon para matapos na ito agad," dagdag ni Simon at binalingan kaming dalawa ni Ara.
"But this man," wika ni Ara sabay turo sa walang malay na lalaki. "Mas mapapabilis ang trabahong mayroon tayo ngayon kung makakausap natin siya." Wala sa sarili naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ara. She's right. After all, itong lalaki naman talaga ang sentro ng imbestigasyon naming tatlo. Mas makakabuting makausap namin ito bago kumilos at magsimula sa imbestigasyon.
"With or without him, we'll do the investigation." Simon said with finality then walk out the room.
Napanganga ako sa inasal ng kaibigan namin. Wala sa sarili akong napatingin kay Ara at namataan na lamang ang pagbuntonghininga nito. "What's wrong with him?" Naiiling na tanong ni Ara at namewang habang nakatingin sa papalayong bulto ni Simon.
Napabaling na lang muli ako kay Simon. Nakalabas na ito at pagbagsak na isinara ang pinto ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Napangiwi ako at napabuntonghininga na lamang din. Kanina ko pa rin napapansing wala talaga ito sa mood! Anong problema ng lalaking iyon? "You think... ayaw niya sa pinag-uutos ng reyna sa kanya?" wala sa sarili kong tanong kay Ara.
Napasinghap naman si Ara sa naging tanong ko sa kanya. "That's so random question, Shanaya. The Queen's word is our rule. At isa pa, kilala natin si Simon. He's loyal to the royal family. Kahit anong ipag-utos ng reyna ay gagawin niya," lintaya ni Ara na siyang ikinatango ko na lamang. "Maybe he just woke up on the wrong side of his bed. Hayaan mo na't magiging maayos din ang isang iyon. Ang mabuti pa, sundan na natin ito at baka mas lalong magsungit ang lalaking iyon. Madamay pa tayo sa magiging moody niya!"
Napailing na lamang muli ako at nagsimula nang kumilos. Muli kong tiningnan ang kalagayan ng lalaki at noong makitang walang pagbabago sa kondisyon nito, niyaya ko na si Ara na lumabas sa silid. Tahimik namang sumunod ang kaibigan ko hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas sa Scared Temple ng Xiernia.
Mayamaya pa'y natigil ako sa paglalakad dahil nakaramdam ako ng kaunting sakit sa aking braso. Palihim akong napangiwi at wala sa sariling napahawak sa braso ko. Mukhang nakalimutan kong may mga pasa pala ako dahil sa training namin kahapon!
"What's wrong?" Ara curiously asked me. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. I took a deep breath and continue walking. I'll just ignore this pain. Maybe after the investigation, I'll reward myself enough rest! Sa ngayon, dapat kong ituon ang buong atensiyon sa misyong ibinigay ng aking inang reyna sa akin!
Pagkalabas namin ng Sacred Temple ay naghihintay na sa amin si Simon at anim na mga kawal ng palasyo. Napakunot naman ang noo ko dahil sa nakikita. What is this? Ang buong akala ko'y tatlo lang kami sa misyong ito! Bakit may mga kawal na narito ngayon?
"Lorenzo wanted them to join us," saad ni Simon kahit na wala pa akong tinatanong sa kanya. Napangiwi ako. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa akin, sa amin. Ano ba kasi ang problema niya?
Mayamaya lang ay naramdaman kong lumapit si Ara sa akin at may ibinulong. "Huwag mo nang sabayan, Shanaya. Mainit talaga ang ulo niya ngayong araw." She whispered. "Let the guards join us. It was my dad's decision. Wala na tayong magagawa kapag nanggaling na sa kanya ang utos na iyon."
And that's it. Wala na akong nagawa pa! Tanging tango na lang ang naging sagot ko at tiningnan ang mga kawal na kasama namin sa misyong ito.
"Ito po ang eksaktong lokasyon, mahal na princesa," wika ng isa sa mga kawal na kasama namin ngayon. Bumaba ako sa kabayong sinasakyan at maingat na naglakad papalapit sa kinatatayuan niya. "Dito po natagpuan iyong dayong taga-Tereshle, sugatan at halos wala nang buhay."
Napatango ako sa kanya. Maingat ko namang inilibot ang paningin sa lugar kung nasaan kami ngayon. Malapit na kami lagusan. Lagusan patungo sa labas ng mundo namin. Ang lagusan patungo sa Tereshle.
"Wala ba kayong napansing kakaiba? Maliban sa dayo? Wala ba kayong nakitang ibang tao?" Ara asked them. Nagsimula na rin itong maglakad-lakad habang matamang tinitingnan ang bawat sulok ng gubat na kinaroroonan namin ngayon.
Iyon din ang kanina pang gumagambala sa akin. What if may kasamang iba dayo ang lalaking iyon? What if kung hindi lang siya ang dumaan sa lagusan at ngayon ay nasa ibang parte na ng Xiernia? It will be a big trouble to us! Dahil kung mayroon man, kung may ibang dayo pa ang nasa mundo namin, dapat ay makita at mahanap namin agad sila! They can't stay here! Hindi dapat sila napadpad dito sa Xiernia!
"Have you searched the whole area?" tanong ni Simon sa mga kawal na kasama namin.
"Yes, Sir! Nagsimula na rin kaming maglibot sa sentro ng Xiernia. Maging sa mga kalapit na lupain ay nagtalaga na rin kami ng mga kawal upang maghanap kung sakali mang may ibang kasama ang dayong nagtagpuan dito," mabilis na sagot noong isa.
Napatango na lamang ako at manghang tiningnan ang mga kawal ng palasyo. Lorenzo and his advance thinking about this situation. Hindi ko pa nga naiuutos ang mga iyon ay nagawa na pala ng mga tauhan niya! Kahit na hindi na pala ito ipag-utos sa akin ng aking ina ay may kusang gagawa na para panatilihin ang kapayapaan ng buong Xiernia!
Napangiti na lamang ako at muling itinuon ang atensiyon sa paligid. Nagsimula akong maglakad patungo sa gawing kanan ko. May kung anong gumagambala pa rin sa akin sa sitwasyon na mayroon kami ngayon. May mga dayong napapadpad sa mundo namin ngunit mabilis namin silang pinapaalis at pinaaalalahanan tungkol sa kasunduang mayroon kami at ang Tereshle. Some Tereshlian just accidentally discovered the portal and some just wanted to have a place to hide and have peace. Just like my mother's Tereshlian friend, Anastasia Miller.
But this one is different. Isang sugatang dayo ang napadpad sa mundo namin. Injured and almost lifeless.
I sighed and silently looked at the crystal blue portal that connects Xiernia and Kingdom of Tereshle. What is it now? Anong mayroon ngayon sa kabilang bahagi ng portal na ito at may sugatang Tereshlian ang napadpad ngayon dito sa Xiernia?
Natapos ang buong araw na iyon ang laman ng isipan ko. At noong sumapit na ang gabi, napagdesisyonan kong puntahan ang dayong nagpapahinga ngayon sa Scared Temple. Tanging mga kawal at taga-bantay ko lamang ang kasama ko ngayon. Nagtungo si Ara sa kanyang ama na si Lorenzo samantalang si Simon naman ay nagpaalam sa akin na magtutungo muna siya sa sentro upang ipagpatuloy ang imbestigasyon.
"Magandang gabi, Princess Shanaya," bati sa akin ni Lady Lou pagkapasok ko sa Sacred Temple. "What brought you here? Gabi na at dapat nagpapahinga ka na sa silid mo," dagdag pa nito sabay tingin sa mga kasama kong kawal. "And where's Simon? And that little warrior girl? Ba't hindi mo sila kasama ngayon?"
Ngumiti ako sa sunod-sunod na tanong ni Lady Lou. Sanay kasi itong makita kaming magkasama ni Simon at Ara. We're childhood friends, after all. And Lady Lou considered us as her children, too. "Nagpaalam si Simon sa akin na aalis muna. May aasikasuhin daw po siya sa sentro. Si Ara naman ay nagtungo sa ama niya upang ipaalam sa ama niya ang mga impormasyong nakuha namin kanina sa misyon namin," sagot ko sa kanya. "And I'm here to visit the man from Tereshle. To visit our visitor," wala sa sariling dagdag ko na siyang ikinangiti ni Lady Lou.
Nagsimula na kaming maglakad ni Lady Lou patungo sa silid ng dayo. Tahimik namang sumunod ang mga kawal na kasama ko. "After all the chaos that man brings here in Xiernia, you still consider him as our visitor." Marahang wika ni Lady Lou sa akin. "I've heard what you've done and said to the ministers of the palace earlier, Princess Shanaya. And I must say, you've made the right and best decision for him."
Tumango na lamang ako at hindi na nagkomento pa sa tinuran ni Lady Lou. Mayamaya lang ay nasa tapat na kami ng pinto kung saan naroon ang lalaking dayo. Maingat na binuksan iyon ni Lady Lou at pinapasok na ako. Tahimik itong tumango sa akin at noong nakapasok na ako sa silid, isinara na niya ito at hinayaan akong mapag-isa sa silid kasama ang dayo.
Wala sa sarili akong napalunok at mainagt na binalingan ang wala pa ring malay na lalaki mula sa Tereshle. Mayamaya lang ay inihakbang ko ang mga paa at lumapit na kamang kinahihigaan nito.
"What happened to you?" I asked, almost a whisper, as I looked at his face. "It looks like you've suffered a lot of pain before you passed out." I stared at him and noticed how pale his face right now. Mukhang naubusan na ito ng dugo sa katawan. He looks liked a dead one to me!
Akmang magsasalita na sana akong muli noong may napansin ako sa kamay niya. Bahagya akong lumapit sa kanya para kumpirmahin ang nakita kanina. I can't be wrong. Alam ko kung ano ang nakita ko! And it took me a few more seconds para makita itong muli! Napasinghap ako at napatitig muli sa kamay nito. Is he awake?
I stay still at naghintay sa kung anong sunod na mangyayari. Seconds passed; he moved his fingers again. And again! Hindi na rin nagtagal ay nagmulat na ang mga mata nito! Agad akong napaayos nang pagkakatayo at napatitig muli sa mukha ng lalaki.
He's awake!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top