Chapter 37: Clash
Katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng malawak na function hall ng palasyo. Agad na napako ang tingin ko sa pinaka-entablo sa harapan ko. May tatlong upuang naroon. My parents and I were once used those royal thrones. And now, it's just an empty seat.
Kanina, habang nakikipaglaban ako para makapasok nang tuluyan sa loob ng palasyo ay dumating na sila Ara, Nathalie, at Natasha. Sinabihan nila akong dumeretso na rito sa loob at sila na ang bahala sa mga kalaban naming pilit na pinipigilan akong tuluyang makarating dito.
Humakbang ako at nagsimulang maglakad patungo sa pinaka-entablado ng malawak na function hall na ito. Nanatili ang mga mata ko sa trono ngunit ilang hakbang pa lamang ang ngagawa ko noong natigil ako sa paglalakad dahil sa kakaibang kapangyarihang naramdaman sa paligid. Agad kong iginala ang paningin sa kabuuan ng function hall at hinanap ang pinagmumulan ng enerhiyang nararamdaman ngayon,
Sa labas pa lang ng function hall na ito ay ramdam ko na ang kakaibang enerhiyang narito. It was just a faint energy, but I didn't ignore it. Pagkatapak ng mga paa ko kanina sa loob ng hall na ito ay inihanda ko na ang sarili sa maaring mangyari. I feel like I'm inside of a trap now. A trap where I willingly step on it.
"Look who's here." Agad akong napatinging muli sa may entablado.
"Bhaltair." I coldly said his name. I saw him smirked and slowly move towards one of the royal thrones. Hindi ako kumibo sa kinatatayuan at pilit na pinipigilan ang sariling sumugod sa kalaban. Oh, I hate this man! How dare him destroy the peace of this kingdom, and now, he had the audacity to wear the King's crown and even sit on one of the royal thrones!
"I've been waiting for you, Queen Shanaya. What took you so long?" Nakangising tanong niya habang prenteng nakaupo sa upuang dapat ay sa hari lamang ng Xiernia! Lalong nangibabaw sa akin ang galit sa traydor na ito.
"How dare you," mariing sambit ko at humigpit ang pagkakahawak sa handle ng espada ko. "Traitor." Dagdag ko pa at masamang tinignan ito.
"Relax, Queen Shanaya. You don't need to say those words while looking at me like that. You're scaring me." Natatawang wika niya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Bakit hindi mo ako samahan dito sa entabladong ito? Tutal naman ay ako na ang bagong hari at ikaw ang kasalukuyang reyna ng Xiernia."
"You? The new King? In your dreams, Bhaltair!" mariing sambit ko sabay kumpas ng kamay patungo sa kinauupuan niya. Agad akong nagpakawala ng itim na enerhiya na siyang mabilis nitong sinangga. Hindi ko alam kung mahina lang ba ang naging atake ko ngunit walang kahirap-hirap itong nasangga ni Bhaltair at sa isang gilip, biglang naglaho ang enerhiyang pinakawalan ko. Akmang uulitin ko na sana ang pag-atakeng ginawa sa kanya noong mabilis itong nawala sa paningin ko. Agad akong naging alerto at natigilan na lamang noong maramdaman ang presensiya nito sa likuran ko.
"So aggressive, Queen Shanaya." I froze. Nanatili ako sa kinatatayuan at hindi makagalaw lalo na noong maramdaman ang malamig na bagay na ngayon ay nakatutok sa leeg ko. "Noon pa man ay nakikita ko na sa'yo ang ganitong pag-uugali, Shanaya. You're hardheaded, hindi basta-bastang nakikinig sa mga taong nasa paligid mo, at may sariling desisyon. You were the sole heir of the throne, and I know from the start that when the right time comes, kapag nasa'yo na ang tronong matagal ko nang nais makamtam, alam kong hindi ako mahihirapang kunin iyon sa'yo," matamang saad niya at inilapat pa lalo ang hawak na patalim sa leeg ko.
"I have an offer for you, Queen Shanaya," muling saad ni Bhaltair sabay alis sa likuran ko. Mayamaya lang ay naglakad muli ito pabalik sa entabladong nasa harapan ko. At noong muli itong naupo sa trono ng hari ng Xiernia, doon lang ako nakahinga at nakagalaw nang maayos. Mas lalong dumilim ang titig ko sa kanya na siyang mahinang ikinatawa nito sa puwesto. "A King is nothing without his Queen," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. "I want you to become my Queen, Shanaya. That's my offer and I don't accept any rejection from anyone kaya naman wala ka ng ibang pagpipilian pa." He smiled at me.
"You're a monster and you will never be the King of this kingdom, Bhaltair," mariing saad ko sa kanya. "Hindi nababagay sa isang katulad mo ang tronong iyan. You're not even a royal to begin with. Kaya naman ay tumigil ka na sa kahibangan mo, Bhaltair. You need to end this madness before it's too late!"
He laughed again. "You called this madness?" tanong niya at marahang umiling habang nakatngin sa akin. "No, dear. This is not madness. This creating a better kingdom for all the people of Xiernia. Hindi lang dapat isang royal na kagaya mo ang maaaring mamahala sa mundong ito. Anyone can lead this kingdom."
"Yes, anyone can lead, ngunit hindi lahat ay kayang gawin ang trabaho ng isang tunay na pinuno. Not everyone has the heart to lead. Tandaan mo iyan."
"So, you won't accept my offer? Huh, Queen Shanaya?" malamig na tanong nito sa akin. Nawala na rin ang ngiti nito sa labi.
Marahan akong umiling sa kanya. "You already have my father's crown and throne, my mother's power, and now, you also want me? Sobrang kasakiman na iyan, Bhaltair. Masyado ka nang nabubulag sa ambisyon mo. You're getting worse every second, and even before you know it, you're no longer the man you aimed to become."
Lalong naging seryoso si Bhaltair habang nakatitig sa akin. Looks like I hit the right spot, huh? "You want my power, right?" I asked as I moved my feet towards his direction. Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa ginawa ko. "Fine, I'll humor you, Bhaltair. Come and take it away from me." Hamon ko sa kanya at itinaas ang dalawang kamay ko.
Bata pa lang ako ay medyo ilag na ako kay Bhaltair. I may be close to his son, Simon, but not him. Mukhang ito ang dahilan kong bakit malayo ang loob ko sa taong ito noon. "As you wish." I heard him uttered those words, and just a blink of my eye, nawala itong muli sa paningin ko. Agad kong inalerto ang sarili and mabilis na hinanap ito sa loob ng function hall.
I dispelled the dark sword on my hand and created another sword using my mother's power, and as I expected, he attacked me from behind! Our swords immediately clashed. Buong puwersa ko itong itinulak at agad pinaulanan ng mga dark blades. Yes, this is the reason why I dispelled my dark sword. The light sword is much easier for me to use and defend against my current enemy. At kung lakas naman ng damage ang pag-uusapan, my dark blades are more dangerous than the light one. I can't use both light and dark magic at the same time. Mahihirapan ako kapag ginawag ko iyon, but if I create a weapon and summon it simultaneously, it will not drain my power and exhaust my body!
"You're using your mom's power... I see," sambit niya habang panay ang iwas sa mga dark blade na pinapaulan ko sa gawi niya. "You're just wasting your power, Shanaya. I know this power too well." He said as he destroys on one of my blades. "Don't you remember? I served your parents for years."
Napailing ako sa kanya. "Yes, you served them for years, and they even considered you as a friend, but you betrayed my parents, Bhaltair!" sigaw ko at mabilis na umatakeng muli.
Tanging ang itim at puting kapangyarihan ko lamang ang nakikita ko sa loob ng function hall. Wala pang mahikang ginagamit si Bhaltair kaya naman ay lalo akong nagalit sa sitwasyong mayroon ako ngayon. My body will be exhausted soon, but this traitor, he can still move freely as he want and can still use his magic! Tama nga siya! Nagsasayang lang ako ng kapangyarihan sa kanya!
"What? Iyon na iyon?" Natatawang tanong ni Bhaltair noong tumigil ako sa pag-atake sa kanya. Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tiningnan itong tumatawa sa puwesto niya. He smirked and moved his hand, the one that is holding his sword. "Come on, Shanaya. I know that you can do better than this. Use your own magic. Ipakita mo sa akin ang tunay mong kapangyarihan."
Natigilan ako sa narinig mula sa kanya. My own magic? Really? Hindi ba niya alam ang nangyari sa akin? Hindi ba niya alam na wala na ang dating kapangyarihang taglay ko?
Right! My mother told me that Bhaltair wants my power. At ngayong nasa harapan na niya ako, paniguradong ito pa rin ang nais niyang makuha mula sa akin! And he will be very disappointed if he'll learn that the only magic that's left inside my body is the one that I will use to kill him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top